Chereads / Pinky Promise (chingniii) / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 4

"Sukat mo to. Ito. Ito. Ito. Ito pa. Ito pa." sunod sunod na damit ang inaabot sa akin ni Ate Akie. Nagmall kami, namimili ng mga damit ko. Kanina pa din ako nagsusukat ng nagsusukat at pagod na ko.

"Ayoko na." nakasimangot kong sabi. Sobrang pagod nako, ngnit tinitigan nya ko ng masama.

"Please. Ayoko na." halos mapaupo nako dahil sa sakit ng mga paa ko at binti.

"Hays, oo na. Sige na. Yung mga nagustuhan ko nalang ang bibilin natin." Sabi niya, nakahinga naman ako ng maluwag sa karinig.

Binayaran na lahat ni Ate Akie pagkatapos ay dumaretso kami ng isang restuarant kung saan sya mismo ang namili. Ang mga pinamili namin ay kinuha ng driver na kasama namin para dalhin na sa kotse.

Si Ate Akie ang namili ng mga pagkaing kakainin namin. Sobrang dami nyang inorder na parang lima kaming kakain.

"Yan, para may lakas ka kasi madami pa tayong bibilhin." sabi nya at nagsimula nang kumain, pero ako nakatingin lang.

"Ohh? Bakit tinitignan mo lang?" taka nyang tanong.

"Allergic kasi ako sa sea foods."

Namamantal ako pag kumain ako ng hipon at pusit. Pero pag may shell naman ay hindi.

"Ay? Sorry. Favorite kasi yan ni Liane." sabi nya na medyo na disappoint sa sinabi ko. Agad naman nyang pinalitan yung pagkaing nasa harap ko, pinalitan nya iyon ng carbonara at pizza.

Madami akong nakain, siguro sa pagod na din. Nang matapos kami ay nagyaya agad syang mag-ikot ulit.

Nagtataka na ba kayo? Bakit nandito kami? Kailangan nya daw kasi akong ayusan para sa pagiging Liane ko pansamantala.

For my twin I can do it. Pambawi ko din sa panahon na dapat kasama ko na sya pero tinanggihan ko.

"Ihh ka nga?" naggulat ako ng bigla syang humarap sa akin at nakatingin sa bibig ko.

"Ayoko." sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.

Ang weird nya talaga, nakakatakot!

"Okay naman kasi ang ngipin mo. Halika, bibili tayo ng contact lens para hindi kana nakasalamin. Papaalis din natin yan brace mo." bigla nalang nya kong hinila kung saan.

Pumasok kami sa isang boutique kung saan tinignan ang mga mata ko. Si Ate Akie ang nikikipag usap habang ako nganga.

"Tara na. Eto ohh." aya nya sakin pa alis at may inabot na paper bag. Kinuha ko ito.

"Hindi ako nakabrace, it's just a retainer." Mahinang sabi ko na narinig naman yata niya dahil tumango naman ito.

Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad lakad. Maya maya lang hinila na naman nya ako sa isang botique. Nagpadala nalang ako sa hila nya.

"Good Afternoon Ma'am." bati sa amin noong salelady, ngumiti naman ako pabalik pero si Ate Akie ay daredaretso lang.

"Yan, nagsusuot ka ba ng heels?" tanong nya nang hindi nakatingin sa akin. Busing busy syang nakatingin sa mga heels sandal na nasa harap namin.

"Hindi!" agad kong sagot. Lumingon lingon ako, nang may nakita akong puro rubber shoes at sneaker ay doon ako lumapit.

"Eto, try--- Laine!" hindi ko pinansin ang pagtawag nya sa akin. May nakita akong sneakers na may nakalagay na Ilove KPOP. Kinuha ko ito at pinagmasdan, tsaka tinignan ang presyo. Php. 2,899.00?! O.o?! Wala pa kong ipon paano to?

Isosoli ko na sana yung sneakers pero biglang sumulpot si Ate Akie.

"Hey, Ano bang---Sneakers? What the-!?" bigla nyang inagaw sa akin yun. Nakita kong parang kumikislap kislap pa ang kanyang mga mata sa sneakers.

"Whoa! Gusto ko to! How much? Php. 2,899.00? I'll take it." sabi nya sa sarili nya. Ako napanganga sa ginawa nya.

Ang dali lang sa kanyang gumastos nang ganoon? Spoiled masyado?

"Gusto mo din ba nito?" nilingon nya ako at tinanong ako. Hindi nalang ako sumagot.

Nakita ko nalang sya na lumapit sa sales lady at kinausap ito. Hindi ko masyadong narinig. Maya maya lang kumuha si Ate Akie na isang heels at dalawang doll shoes.

"Anong size ng paa mo?" tanong nya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"40." sagot ko.

"Wala kabang gusto? Pili ka, kahit ano." sabi nya, pero umiling ako.

Ayoko, nanghihinayang ako sa gagastusin nya.

"Dali na," pamimilit nya kaya humanap ako ng isang rubber shoes.

"Eto na," pinakita ko sa kanya ang isang pares ng sapatos. Kinuha nya ito sa akin at binayaran na.

Pagkalabas namin ay pumasok naman kami sa isang botique.

"Hmmm. Ano bang bagay sayo?" tanong nya sa sarili nya. Tinignan nya ko sandali at naghanap na ng damit. I mean dress.

"T-teka! Ang dami na nating binili kanina ahh?? Okay na yun." pagpipigil ko sa kanga. Tinignan nya ko ng head to foot.

"Pagpapalitin kita." sabi nya at patuloy na naghanap. Hinayaan ko nalang syang maghanap.

Maya maya lumapit sya sakin na may dala nang isang paper bag.

Nakabili na pala sya.

Lumabas na kami ng botique at pumunta ng restroom. Inabot nya sa akin yung paper bag na may lamang dress at isa pang paper bag na pinaglalagyan ng doll shoes. Nagpalit ako.

Isang floral dress na kulay blue ang pinili nya na sinuot ko naman at isang dollshoes na plain blue. Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na ako.

"I'm done." sabi ko kay Ate Akie, manghang napatingin sya sa akin.

"Laine! Ang ganda mo na! Ang cute mo. Hihi, yung salamin mo lang panira, parang panglola! Okay pa sana kung yung parang pangnerd e'hindi naman." mahabang litanya nya na tutuwa. Ngumiti nalng ako.

"Halika, may ilalagay ako sayo." Binuksan nya iyong paper bag na binigay nya sa akin kanina.

May inilabas syang isang pares ng Contact lens.

"Nakapagcontact lens ka na ba?" tanong nya na agad ko namang inilingan.

"Ahm, medyo mahapdi to sa mata ahh?? Akin na salamin mo." inabot ko naman iyon sa kanya. Medyo lumabo ang paningin ko dahil sa pagtanggal ko ng salamin ko, pero may nakikita pa naman ako, sa malapit lang sa malayo wala.

"Dyan muna yan, gamitin mo muna yan habang di pa natin nakukuha yung pinapagawa kong bago mong salamin." nilagay nya yung contact lens sa mata ko.

Naging malinaw na ulit yung paningin ko. May kinuha syang facepowder at lipstick. Akmang lalagyan nya ako ng facepowder at lipstick ay pinigilan ko sya.

"Bakit? Lalagyan lang kita." sabi nya pero umiling ako.

"Polbo lang po pwede sakin, dahil nagtutuklap mukha ko sa ganyan. Sa labi naman liptint nalang muna o kaya lipbalm." paliwanag ko tumango tango naman sya. Hobby ko na iyon na hindi na yata mababago.

"Sige, tara na." aya nya.

"Saan tayo pupunta?"

"Edi bibili ng polbo at liptint." sagot nya, pumasok kami sa isang cosmetic store. Naghanap sya ng polbo na malaki.

Ako naman ay naka sunod lang sa kanya.

Nang makahanap na sya ng liptint at polbo ay lumabas na kami. Iniabot nya sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng polbo at liptint.

"Isang malaking polbo ang binili ko ahh? Para hindi ka maubusan. At tig isang liptint at lipbalm." sabi nya na parang proud pa.

Ang gastos nya masyado. Hindi kasi ako sanay. Syempre sa lolo at lola ko ako lumaki. Hindi nila ako sinanay sa pera. Puro pagkain ang pinapabaon sakin nila Lola kahit mag high school na, pero syempre madaming pagkain tulad ng cupcakes, brownies, cookies at kung ano ano pa iba pa ang lunch at kung bibigyan man ako ng extrang pera ay nasa 50 lamang dahil wala na naman akong bibilhing iba sa dami ko ng pagkain. Kaya hindi ako sanay sa gastos, kahit pagbyahe hindi ako marunong. Paano baman, hatid sundo ako ni lolo.

"Hey, andito na tayo." natauhan ako nang bigla akong kalbitin ni Ate Akie. Napatingin naman ako sa bintana, nakita kong nasa tapat kami ng isang school.

"Anong meron?" takang sambit ko.

"Dito kami pumapasok ni Liane, itutour lang sana kita para hindi kana mahirapan pag pumasok ka bilang Liane." paliwanag nya sa akin. Napatingin naman ulit ako sa gate ng school kung saan nakalagay ang pangalan ng school at kung saan din madaming naglalabas masok na mga students.

'Leecennial College.' hmm, not bad. Ako naman ay sa 'Crest University' papasok, enrolled na ko pero sa August pa ang pasok namin.

"Sobrang higpit dito, kaya inayusan na kita para magmuka ka nang si Liane, oh eto na I.D. ni Liane." may inabot sya sa aking I.D. tinanggap ko naman at tignan.

'Franchesca Liane S. Briones' halos parehas na parehas ang pangalan namin kung titiganan mo ang pangalan ko sa dati kong I.D. ay halos parehas lang. Pero magkaiba ng picture.

Sa kanyang I.D. ay ang ganda ng mga ngiti nya, may mapupulang labi at mapulang cheek bone. Unlike me, nakasalamin sa lahat ng I.D. at akala mo ay hindi marunong ngumiti.

"So let's go?" aya nya. Pumasok kami nang gate, pinakita namin ang I.D sa gate bago pumasok. Hindi ako mapakali sa pagpasok palang namin dahil ang daming nakatingin sa amin.

"Si Chesca ba yun?"

"Whoa! Mas gumanda sya ngayon."

"Haba talaga at ang kikinis ng mga legs nya."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga nakatingin sa amin. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Tinignan ako ni Ate Akie.

"Wag mo nang pansinin, mga manyak yang mga yan." sabi nya at hinila na ako.

Kanina pa ko hinihila nito ahh? Hobby nya ata ang hilahin ako. Mamaya maputulan ako ng braso dyan ihh.

"It's a private school. Kaunti lang ang napasok dito, may 20 students sa klase nyo." pag uumpisa nya. Hanggang huminto kami sa tapat ng isang classroom.

"Dito ang room ni Liane, hindi ka mahihirapan kasi hindi kayo lilipat lipat ng room. Professor ang pupunta sa inyo. ABM si Liane. Sayo ba?" paliwanag nya, tumango tango naman ako.

"Mag-STEM po ako." tumango naman sya sa sagot ko. Naglalakad lakad pa ulit kami.

"Yun ang Canteen, ayun ang gym at doon naman ang field at oval." inisa isa nya sa akin ang mga lugar dito sa campus. Kaya tumango tango naman ako.

"Yan okay na tayo sa Campus, ang problema nalang ngayon ay ang mga kaibigan nya. So ang gagawin ko ay bibigyan kita ng isang notebook kung saan lahat ng malalapit sa kanya ay naandoon ang information nila." paliwanag nya kaya tumango ako.

"Kumain muna tayo bago umuwi." aya nya, kaya pumayag nako.

Maggagabi na kaya sa McDo kami kumain. Tahimik lang akong kumakain habang sya kwento ng kwento.

"Alam mo bang may nunal si Liane sa gilid ng magkabilang mata?" tanong nya, tumango naman ako bilang sagot.

"Dapat meron ka din nun." sabi nya, hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Akiesha?" may narinig akong lalaking nagsalita sa likod ko kaya nilingon ko.

Wait! Namumukaan ko to ahhh!

"R-Rence? A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ni ate Akie na nauutal.

"Wala, kakain. Oh? Hi Babe." binati nya ko ng makita ako.

"H-Hello." pabalik na bati ko habang nauutal. Napasulyap ako kay ate Akie.

Sabi na ihh! Sya yung lalaking kasama ni Liane sa picture. Pero? Anong pangalan? Rence?!