Chereads / Pinky Promise (chingniii) / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 10

Dalawang araw na ang lumipas simula noong unang pagpasok ko bilang Liane. 2nd day, okay lang. Lagi kong kasama si Jerimae, si Steven hindi ko masyadong nakakasama. Ewan ko, ang moody nya pa. Minsan ang sweet sweet nya, minsan naman ang cold nya na halos ipagtabuyan na ko. Hindi ko sya masyadong nakakasama hanggang kahapon, ewan ko lang ngayon.

"Bakit parang hindi kana madalas pinupuntahan ni Steven?" umpisang tanong ni Jerimae. Nagkibit balikat nalang ako.

Wala naman sakin kung hindi nya ko pinupuntahan. Wala naman talaga kasi hindi ako si Liane. At mas okay na yung ganun para hindi ako mafall, pero namimiss ko yung presence nya. Parang may something talaga sa kanya.

"Hala ka!! Baka may iba na yun! Kabahan ka na." pananakot nya, pero tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Edi mas okay kung meron na ngang iba." sagot ko na parang wala lang.

Sa sagot kong yun parang may naramdaman akong kirot. Pero hindi ko nalang pinansin. Pagkasabi ko noon ay may nakita akong sumilay na ngisi kay Jerimae.

"Ows? Kahit na ako pa ang iba?" napatigil ako doon sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya, nakatingin sya sa mga mata ko. Kaya nakipagtitigan ako.

Naghahanap ng dahilan kung bakit nasabi nya iyon nasabi. May nakita akong sakit sa mga mata nya. Hindi ko lang sigurado kung para saan iyon.

"J-Joke lang! Ikaw talaga! Bestfriends tayo diba?" pagkasabi nya noon ay agad syang umiwas ng tingin sa akin.

Ang weird nya talaga, kahapon pa. Parang iniiwasan nya ko, ewan ko.

"Oo nga naman. Bestfriend tayo ihh. Dapat walang talo-talo." sabi ko na may diin. Pagkasabi ko noon ay nakita ko syang natigilan at natulala.

"A-Ahh! May gagawin pa pala ko! Sige, kitakits mamaya." paalam nya na medyo nagmamadali.

Lunch ngayon kaya walang klase, at dahil na weweirdohan ako kay Jerimae ay sinundan ko sya ng palihim.

Sa pagsunod ko sa kanya ay nakarating kami ng field. Doon sa parte na walang tao.

"Anong ginagawa nya dito mag isa?" takang tanong ko sa sarili ko. Nadagdagan ang aking pagtataka ng makita ko syang naiyak.

Bakit sya na iyak? Anong problema nya? Bakit hindi nya sabihin sa akin? Kay Liane? Diba bestfriend sila?

Imbis na lapitan sya ay naglakad na ako pabalik ng room. Tulala ako habang naglalakad, nag-iisip ng maaaring sagot kung bakit sya nagkakaganoon.

Sa aking pag-iisip at hindi ko namalayang may makakabunggo pala ako.

"A-Ahh! Sorry," pagsosorry ko at yumuko tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko sya nakitang nagreklamo man lang.

"Chesca?" napatigil ako ng narinig ko ang pagtawag ni Steven sa akin.

Siya ba yung nakabunggo ko?! Shems naman ihh!!

Nagkunwari akong walang narinig at nagpatuloy sa paglalakad ko.

"Wait! Chesca!" maslalo ko pang binilisan ang lakad ko nung maramdaman kong sinusundan nya ko.

Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na pansin ang poste sa harap ko. Kaya nauntog ako.

"Ouch!" daing ko sa nasakin na ulo ko. Hinimas himas ko ito dahil sa sakit, pero sa paghawak ko dun ay may naramdaman akong basa.

Tinignan ko ang kamay ko. Nagulat ako ng may makita akong dugo.

Unti unti akong nakaramdam ng malay na naging sanhi ng pagkawala ko ng malay.

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

"O-Ouch!" daing ko sabay nang pagdilat ko.

"Chesca okay ka na ba?" nagulat ako ng biglang may sumulpot na babae sa tabi ko.

"Sino ka?! Asan ako?!" natataranta kong tanong at agad na bumangon at aakmang aalis na pero pinigilan nya ko.

"Nasa Clinic ka. Dinala ka dito ng boyfriend mo. Ang sweet ng boyfriend mo, hindi umalis hanggat hindi ka pa nagigising. Kaso sinundo sya dito nung isang teacher kasi may pinapagawa, kaya no choice sya at sumama kahit mabigat yung loob." mahabang sabi nya. Hindi ako nakaimik agad.

Ginawa nya talaga yun? Hays, sayang hindi ko sya naabutan.

"A-Ahh. Sige po salamat po." pagpapasalamat ko at umalis na ng clinic.

4pm na pala, kailangan ko na din umuwi.

Inisip ko ulit ung sinabi nung nurse sa akin. Nakaramdam ako ng tuwa, pero may konting lungkot. Lungkot kasi na gawa nya pa din akong iwan.

'Ano ba Laine! Atleast binantayan ka nya! Isipin mo naman yung effort nya sayo sa hindi pag attend ng classes nya!' sabi ko sa sarili ko para hindi nako makaramdam ng tampo sa kanya.

Teka nga! Bakit naman ako magtatampo? Ihh hindi naman ako si Liane. Tsk. Ewan.

Hindi ko na na malayang nasa gate na pala ako. Biglang tumunog ang phone ko na ibigsabihin ay may text.

From: Ate Akiesha

Hindi ka masusundo ni Mang Mario, inutusan ni Mommy ihh. Mag byahe ka nalang send ko direction, sakay ka ng bus papuntang Blue Heights. Tapos alam mo naman itsura ng bahay natin diba? Grapes Street diba? Sige na. Kaya mo yan.

Napabuntong hininga ako sa nabasa ko. Pano to?

Tumingin ako sa buong paligid. May nakita akong mga estudyanteng nasakay ng bus kaya doon din ako sumakay.

Sa bus mag isa akong nakaupo sa tabi ng bintana. Nakatingin sa labas at napapaisip sa mga nangyare.

Kamusta na kaya si Liane? Ilang araw na kong hindi nakakadalaw sa kanya ihh. Sa Saturday kaya? Puntahan ko?

Sunday pa ko last na bumisita sa kanya ihh. Hays, miss ko na yung kambal ko. Kailan kaya sya gigising? Mag Ju-July na.

Nakakahilo naman, patigil tigil ang bus. Hays.

Natigilan ako ng makita ko si Steven at Mitchie na magkasama. May naramdaman akong kirot sa dibdib.

No Laine, wala lang yun. Wala naman silang ginagawang masama. Magkasama lang naman sila, so nothing to worried about.

Napailing nalang ako at isinantabi ang nakita. Pero patuloy pa din ako sa pagtitig sa kanilang dalawa. Hanggang sa umalis na ang bus ay nakatulala ako.

Muntik na din akong lumagpas sa dapat bababaan ko, buti nalang may pumara doon. Kaya bumaba na di ako.

Agad akong pumasok ng village at hinanap ang Grapes Streer at nakita ko din agad pati ang bahay namin.

Pagpasok ko parang ay bumungad na agad sa akin si Ate Akie.

Nagtataka lang ako, napasok pa ba to? Lagi nalang pagpapasok ako nandito sya sa bahay. Pag-uwi nandito pa din.

"Ohh!? Laine, anyare sa noo mo?! Bakit may band aid!?" gulat nyang tanong, na inilingan ko nalang.

"Wala to, nauntog lang ako." simpleng sagot kong sagot at ngumiti. Napabuntong hininga sya.

"Hays, mag ingat ka naman kasi. Sige na. Umakyat ka na sa kwarto at magpahinga. Tatawagin kita pagkakain na." pag aalala nya, tumango nalang ako tsaka nag punta ng kwarto.

Pagkadating ko ng kwarto, binaksak ko agad ang katawan ko sa kama.

Naisip ko na naman ang nakita ko kanina. Baka naman nautusan lang sila kaya magkasama sila.

Natigil ako sa pag iisip ng biglang may magtext sa akin na agad kong binasa.

From: Steven

Bakit pag balik ko wala kana? Bakit hindi mo manlang ako hinintay? Hays, may ginawa lang naman ako ihh.

Hinagis ko ang phone ko sa tabi ko at hindi sya nireplayan.

Tss, may ginawa? Nakipagdate. Badtrip! Magsawa sya! Hinding hindi ko sya papansinin!

Napasabunot ako sa sarili ko sa na isip.

Bakit ako ganto?! Shems! Napo-fall na ba agad ako?! No way!