Chereads / Pinky Promise (chingniii) / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 9

Ang tagal kong nakatayo dito sa waiting shed, ilang estudyante na din ang nakaalis hanggang sa inabot na ako ng padilim.

Hays, ano bang address namin?

"Whoa! Men, nakikita mo ba kung sino ang nakikita ko?" may narinig akong mga lalaking nag uusap. Napatingin ako sa buong waiting shed. Ako nalang palang mag-isa dito.

"Oo, men. Si Chesca yun ahh!" natakot ako ng marinig ko ang pangalan ko na lalo kong ikinatakot.

"Bakit mag-isa sya? Hahaha, men baka hindi hinatid ng boyfriend." natahimik ako sa narinig.

"Hahaha, wala talagang kwenta yung boyfriend nya. Girlfriend pinapabayaan." narinig ko ang tawanan nila, nalalo kong ikinayuko. Sa pagkakayuko kong yun ay may nakita akong lalaking bigla akong naakbayan. Narinig ko din ang pagtigil ng tawanan ng mga lalaki. Napatingala ako sa lalaking umakbay sa akin.

"Steven? A-Akala ko ba umalis ka na?" gulat kong tanong ng makita kong si Steven ang lalaking umakbay sa akin.

"Babe naman. Bakit naman kita iiwan? Takot ko nalang na baka may mangyari sayong masama. Mahal kaya kita. Babe talaga ohh." sagot nya.

May naramdaman akong kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Bigla akong napaiyak sa sinabi nya. Akala ko iniwan na nya ko.

Akala ko hindi na sya babalik ihh. Akala ko. Niyakap nya ako dahil sa pag iyak ko.

"Shhh. Sorry. Sorry for leaving you. I'm sorry." pag-aalo nya sa akin.

"A-Akala ko iniwan*sniff* mo na ko. A-Ang*sniff* cold mo pa sakin kanina. *sniff* A-Akala ko, *sniff-sniff* di mo nako tatawaging babe." sabi ko habang patuloy naumiiyak.

Hindi ko alam kung bakit ako naiyak, basta bigla nalang akong napaiyak. Siguro dahil sa trauma ko na laging iniiwan. Idagdag mo pa yung mga lalaki kanina.

"Sorry, kung ang cold ko kanina. Sorry kung hindi manlang kita natawag na babe. Sorry. I'm really sorry babe." paghingi nya nangtawad. Naramdaman kong kiniss nya ako sa ulo.

In his arms, I feel safe and secured. I feel super comfortable. I feel like I knew him already.

"Shhh, tahan na ahh? Sige ka pag hindi ka tumahan, hahalikan kita." pananakot nya, medyo tumahan nako pero maslalo akong sumiksik sa kanya.

Naaalala ko sa kanya si Rence, ang kababata ko. Pagnaiyak ako lagi nya kong niyayapos hanggang sa tumahan ako, tapos lagi akong sumisiksik sa kanya.

"Gusto mo bang ganto muna tayo? Madilim na ohh. Bakit nga ba hindi ka pa umuuwi?" tanong nya habang nakayakap pa din sakin. Ayoko pang umalis sa yakap nya.

Alam ko dapat hindi ko to ginagawa ihh. Kasi boyfriend nya ng kakambal ko. Pero ako naman si Liane ngayon diba? Pwede ko naman siguro itong gawin diba? Siguro naman diba?

"Wala akong sundo." maikling sagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na hindi ako marunong mag byahe at hindi ko alam ang address namin.

"Hmm? Bakit di ka pa nag byahe?" tanong nya na ikinailing ko.

"Hay nako, babe. Tara na nga. Ihahatid na kita, baka mapaano ka pa." sabi nya na parang pagod na, inalis nya ang pagkakayakap nya at inilayo ako sa kanya.

Nakayuko lang ako noon, nahihiya ako na makita nya ko. Dahil sa ginawa kong pag iyak sa kanya.

"Hays. Tara na." hinawakan nya ang kamay ko. Hindi ako nakaimik sa ginawa nya hanggang sa makasakay kami ng bus.

"Ikaw na sa tabi ng bintana," sabi nya kaya tumango at umupo nalang ako doon.

Tahimik akong nakatingin sa bintana nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?" bungad ko sa tawag ni Ate Akie.

"Laine, buti naman sinagot mo! Gosh! Bakit hindi ka pa nakakauwi?" napatingin sa akin si Steven, kaya napatingin din ako sa kanya.

"Ate, mamaya ko nalang sasabihin pag uwi. On the way na naman ako. Sige, mamaya nalang." pagkasabi ko noon ay agad kong pinatay ang tawag.

"Hehe, si Ate Akie yun. Natatanong kung bakit hindi pa ko nakakauwi." paliwanag ko ng makita kong nagtataka syang nakatingin sa akin.

Nakita ko namang tumango sya sa paliwanag ko. Tumingin nalang ulit ako sa bintana. Hindi ako mapakali kasi nararamdaman ko pa din yung titig nya.

"Bakit ka ba nakatingin?" tanong ko na hindi natingin sa kanya.

"W-Wala lang. Naninibago lang ako sayo." sagot nya na ikinagulat ko.

"Ako din, naninibago sayo." bigla kong sagot na ikinagulat ko.

"Ha? Bakit ka naman naninibago?" tanong nya. Napailing nalang ako.

"Wala lang. Naninibago lang ako. Nga pala. Akala ko ba umuwi ka na?" pag iiba ko ng topic.

"Huh? Ihh?? Basta. Ayan, bababa na pala tayo. Para po." hinawakan nya ang kamay ko tsaka sabay kaming bumaba.

Hmm? Tama tong binabaan namin? Hay nako Laine. Magtiwala ka lang kay Steven

"Babe, gusto mo bang kumain muna bago kita ihatid?" tanong nya habang nakatingin sa McDo, kaya tumango nalang ako.

Pumunta kami sa McDo. Sya ang omurder habang ako naman ay naghanap ng table namin.

Naalala ko dito ko sya unang nakita at nalamang Rence din ang pangalan nya. Dito ko lang sya unang nakita, except doon sa picture.

Maya maya lang dumating na si Steven na may dalawang pagkain.

Tahimik kaming kumain, hanggang sa matapos. Pagkatapos ay hinatid nya ako sa amin.

"Hmm, Babe. Text mo ko ahh?? Iloveyou." paala nya at hinalikan ako sa noo. Ilang minuto akong nakatulala.

'Laine, wag kang mapofall. Boyfriend sya ni Liane.' paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko habang papasok ng bahay.

"Bakit ngayon ka lang? Magpaliwanag ka." nagulat ako ng biglang sumulpot si Ate Akie pagpasok ko ng pinto.

Naalala ko na naman kung ano ang nanyare sa akin kanina.

"Hindi ako marunong magbyahe. Sinundo ako ni Steven sa room pero hanggang gate lang nya ko hinatid tapos umalis na. Hindi ko alam kung anong address nyo. Paano ko uuwi?" paliwanag ko. Naramdaman kong nag iinit na ang mata ko, tanda ng tutulo na ang luha ko.

"Natakot ako nung may mga lalaking pinag-uusapan ako, buti nalang bumalik si Steven. Hinatid nya ko dito." pinigilan kong mapaiyak. Ngumiti akosa kanya.

"Atleast naka uwi ako diba?" nakangiti kong sabi sa kanya. Nakita ko naman na napangiti din sya sa pag ngiti ko.

"Hays, sorry. Hindi ko alam na hindi ka pala marunong magbyahe. Hayaan mo, sasabihin ko na lagi ka ng ihatid sundo. O kaya naman tuturuan kitang magbyahe." masayang sabi nya na ikinangiti ko din.

Pagkatapos ng usapan namin ay punta na ko ng kwarto ko at nagbihis na.

Nakita kong may ksang message ako galing kay Steven.

From: Steven

Hi Babe, text mo ko pagkabasa mo ahh?? Loveyou.

Napangiti ako sa nabasa. Kay nagreply ako.

Me: Hi,;)

Steven: Hmm, ano ng ginagawa mo?

Me: Wala, nakahiga na. Matutulog na.

Steven: Nakakaistorbo ba ko?

Me: Hindi naman.

Steven:Ahm, sorry kanina.

Me:Okay lang. Salamat nga pala sa paghatid.

Steven: Always welcome, my angel.

Me: Hindi maalis sa labi ko ang mga ngiti. Pwede naman siguro diba? Enjoyin kong maging si Liane habang pwede pa.

Pero paano pag na fall ako? Ano ng mangyayare sa akin? Maiiwan na naman ako? Bakit ko ba inaalala ang future kung pwede ko naman munang isipin ang ngayon? Sabi nga nila 'just go with the flow'.

Nakangiti ako hanggang sa makatulog ako.