Chereads / Pinky Promise (chingniii) / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 3

Parang ang bilis ng oras, dahil pagtapos maghapunan ay kailangan na agad umalis nila Lola.

"Behave ka dito apo ahh? Cherish the moment your parents. Alam kong matagal mo na 'tong hinihintay. So wag mong muna kaming isipin ng Lolo mo. Wag kang mag-alala, pag hindi kaming busy ng Lolo mo ay dadalawin ka naming." Mahabang litanya ni Lola sa akin na tila ba ay hindi na kami muling magkikita pa. Wala akong sinabi kundi ang yakapin sila ni Lolo at ang panuodin ang kanilang sasakyan na paalis.

Nakakalungkot at parang gusto ko nalang na habulin iyon at sumama pabalik, ngunit hindi pwede. Kilangan ako nila Mommy.

"Tara na sa loob? Hatid kita sa kwarto ni Liane." Sabi ni Ate Akie sa akin ng mawala na sa king paningin ang saksakyan nila Lola.

Hindi naman na ako tumanggi sa kaniya. Hinatid niya ako sa isang kwarto na pagmamay-ari daw ni Liane.

"Dito ka daw muna, habang hindi pa naaayos yung kwartong para sayo. Magpahinga ka at matulog nang maaga. I love you kapatid." sabi nya bago umalis at sinara ang pinto.

Napatigil ako sa huling sinabi nya. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan.

Ganto ba yung feeling ng may ate? May ate kang tatawagin at may ateng mag-aalaga sayo? First time kong magkaroon ng ate, dahil hindi nila ako kasabay na lumaki.

Halos hindi ako makatulog ng gabing yun, siguro kasi namamahay ako? Hahaha, totoo ba yun? Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Doon ko nakita kung anong itsura ng kwarto ni Liane. Hindi masyadong napagmasdan kagabi dahil madami akong iniisip.

Puro pink at white. Kitang kita ang paggiging babae, kabaliktaran ng sa akin dahil tanging puti lang ang kwarto ko. Tumayo ako at tinignan ang kanyang kabinet. Nakita kong puro dress ang nakalagay doon. May ilang mga damit at sandong nakalagay. Sa drawer naman ay puro shorts at pants. Sa sumunod na drawer ay puro underwear kaya agad kong sinara. Pagkatapos ay yung study table naman nya ang tinignan ko.

May picture na nakapatong, si Liane at isang lalaki na siguradong yung lalaking kasama niya sa picture na nakita ko sa facebook. Pinagmasdan ko ang lalaking kasama nya sa picture. Parang familiar sakin ang mga mata nya, hindi ko lang maisip kung saan ko nakita.

Mabilis kong binitawan ang frame at inilagay sa dati nitong nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. May tumatawag.

"Good morning La." masayang bati ko.

"Maganda ba ang naging tulog mo? Buti naman at maaga kang nagising." tanong naman sa akin ni lola. Napangiti ako.

"Medyo po. La, miss ko na kayo." sabi ko sa malungkot na boses narinig ko ang pagbuntong hininga ni Lola.

"Hay nako. Masasanay ka din."

"La naman." malungkot kong sabi, para bamang ayaw na nya kong kasama. Nakakatampo.

"Hay nako apo, sige na. Bumaba kana para makakain ka na." Kahit labag sa aking loob ay sinunod ko iyon.

Naghanap ako ng damit na maari kong suotin sa araw na ito sa aking bag at naligo. Bago ako bumaba ay humarap muna ako sa salamin at inayos ang salamin ko.

Nakatokong short ako at nakasuot ng malaking T-shirt na malaki. Ngumiti pa ako para makita ang aking mga ngipin na mayroong retainer, bago tuluyang lumabas ng kwarto at bumaba.

"Good morning Miss Laine. Nasa dining area si Miss Akie." tumango na lamang ako at dumaretso sa dining area.

Pagkadating ko doon ay naabutan kong nakain mag-isa si Ate Akie. Ang lungkot panuorin, dahil sa haba ng mesa ay mag-isa lamang siya. Ilang sandali ko pa siyang pinanuod sa ganoon bago niya napansing nandoon ako.

"Good morning, Laine, Kain?" bati nya sakin at itinuro ang katabi ng kanyang upuan. Doon naman ako umupo at nag-umpisa nang kumain.

"Hmm, ang gara mo talaga manamit nuh? Tsaka ayos naman ngipin mo. Bakit naka retainer ka?" takang tanung nya. Hindi ko nalang sinagot ang tanong nya.

"Ang tahimik mo pa. Hays, balita ko napaka loner mo. Siguro iyon ang naging epekto nang pag-iwan sayo nila Mommy noh? Bakit ako? Hindi naman." tuloy tuloy nyang tanong na para bang ngayon lang nagkaroon nang makakausap. Pero ako ay nananatiling tahimik.

"You know? Nung nalaman kong iniwan ka nila mommy kay lolo at lola, naisip kong naulit yung nangyari sa akin sayo. Naawa ako nun sayo kasi ayokong mapagaya ka sa akin. Pero nung lumaki-laki na ako, nalaman kong hindi pala ako tunay na anak nila mommy at daddy, may nag-iwan lang sa tapat ng bahay sa akin. Inalagaan ako nila mommy at daddy pero nung dumating kayong dalawa, itsapwera nako. Kaya nung nalaman kong ipapadala muna ko kina tita ay pumayag na ako. Wala kasing anak si tita sya yung nagpuno ng pagmamahal ng isang ina sa akin." nakikinig ako sa kwento nya pero nung narinig kong pumiyok yung boses nya sa huli nya sinabi ay natigilan ako sa pagkain.

Kita ko ang pagpipigil niya sa pag-iyak. Siguro kasi nasa harap niya ako at nasa harap kami ng mga pagkain.

"Pero ikaw? Kayo ni Liane? Alam mo ba kung bakit kayo pinaghiwalay? Kasi hindi ka nila maalagaan nang maayos dahil sa sakit ni Liane. Lahat nang oras nila na kay Liane. Kaya naisip nilang dalhin ka kina Lola. Halos magkanda baon-baon na sa utang sila Mommy at Daddy dahil kay Liane. Liane had a leukemia. I'm sure you didn't know, right?" nanlamig ako sa sinabi nya sa akin. Parang gustong tumulo ng luha ko sa narinig pero pinipigilan ko.

Alam kong may sakit si Liane pero hindi ko alam na ganoon pala kalala. Bakit ngayon ko lang nalaman?

"Nagchemotherapy si Liane, pagkadating nila ng Manila noong iniwan ka kina lolo at lola. Mahina ang katawan ni Liane kaya natagalan. Noong unang buwan parang walang nangyayare, hanggang sa maglimang buwan na, ganoon pa din pero kitang kita na ang maglalagas ng kanyang buhok. Inabot nang dalawang taon bago tuluyang gumaling si Liane. Liane was a cancer survivor. Sa edad na 6years old, nagawa nyang lumaban. Maituturing din iyong himala dahil kakaunti lang ang gumagaling sa sakit na iyon." hindi ko na napigilang mapaluha sa mga naririnig ko. Dahil narinig siguro sa tuwa at binigyan pa sya ng buhay.

All this time, wala kong alam. Ang alam ko lang may sakit si Liane.

"Pagkagaling ni Liane, dun ulit nagpursige sila mommy at daddy. After 3years naging okay na ulit lahat. Doon pinuntahan ako ni daddy para kuhanin na kay tita, at si mommy naman sayo. Kaso pag-uwi ni mommy wala ka, hindi ka nya kasama." Doon tuluyan na akong napaiyak.

Oo, naalala ko na. Yung araw na dumating si Mommy sa bahay nila Lola. Ayaw ko siyang imikin o kausapin manlang. Hindi ako umuuwi ng bahay hangga't hindi pa siya naalis doon. Nasa bahay lang ako nila Rence. Kasama ang Mama at Papa niya, madalas ako sa kanila dahil tuwang tuwa sila sakin. Nakakapanlumo lang dahil hindi ko naisip si Ate Akie at Liane noon. Kung alam ko lang sana, edi sana matagal na nila akong kasama.

"Laine? Luh! Sorry." agad akong inalo ni Ate Akie.

"Kung alam ko lang. Edi sana, sumama na ko." naiyak ako habang sinasabi ko iyon sa akin.

"Tahan na, gusto mo puntahan natin ngayon sila mommy at daddy sa hospital? Para makita mo na din ang kambal mo. Sigurado ako miss mo na yun." agad akong tumango.

Magtatanghali ng umalis kami sa bahay, papuntang hospital. Kabado ako na nahaluan pa ng pagka excite.

"Matagal mo na ding hindi nakikita si Daddy noh?" tumango ako sa tanong nya. Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali, kinakabahan ako na ewan.

Hanggang sa makarating kami ng Hospital, hindi ko na maiwasang humawak sa kamay ni Ate Akie.

"Wag kang kabahan. Kaya mo to." that's what I need, a motivation.

Kumatok sya sa isang pinto bago nya ito binuksan. Nasa likod nya lang ako.

"Ohh, Akie, nandito ka? Si Laine ba sinama mo?" narinig ko ang boses ni Mommy.

Pumasok na si Ate Akie, dahil hawak ko ang kamay nya ay nahila din ako. Napayuko ako ng makita ko si Mommy pero nang mapansin ko yung kama kung saan nakahiga si Liane ay napatingin ako.

Nanlumo ako nang makita ko si Liane na ang daming tubo sa katawan at walang malay. Gusto kong umiyak dahil sa aking nakita pero walang nalabas sa mga mata ko. Kahit salita walang lumalabas. Nakatitig lang ako kay Liane, hanggang sa bigla nalang akong napaupo at umiyak.

"Laine!? Anong nagyare sayo!?" gulat na tanong ni Mommy, pero patuloy lang ako sa pag iyak. Agad akong nilapitan ni Ate Akie.

"L-Liane." tanging salitang nababanggit ko. Wala akong tigil sa kakaiyak, inaalo ako ni Ate Akie. Ngunit patuloy lang ako sap ag-iyak. Tila ba hindi ako mapatahan dahil sa aking nakita.

Inalalayan nila akong pareho sa pag-upo. Inabutan ako ni Mommy ng tubig para mahimasmasan kahit konti. Hindi din naman nagtagal ay naging okay ako hanggang sa dumating si Daddy.

"Sino po ba ang may gawa nyan kay Liane?" tanong ko, may kaunting paghikbi pa din dahil sa aking pag-iyak.

"Hindi namin malaman, kahit mga pulis hindi din malaman. Siguradong isa mga kaibigan nya lang may gawa nito. Isang kaibigan na may galit sa kanya." sagot ni Mommy.

I can't help but think about the incident. Maaaring tama si Mommy.

"Mommy, bukod po ba satin sino pang mga nakakaalam nito?" tanong ko. May nabubuong plano sa isip ko.

"Wala na, tayo lang." pagkasagot noon ni Mommy ay natahimik ako at nag isip.

Magkamuka kami, pero sa porma at ayos lang nagkaiba pati sa nunal. Kaya ko naman siguro diba? For Liane, I can.

"Laine, anak. May hihilingin sana kaming favor sayo ng mommy mo." sabi ni Daddy kya napatingin ako.

"Ano po yun?"

"Pwede ka bang magpanggap bilang si Liane, para malaman kung sino ang may gawa nito?" nagulat ako sa sinabi ni dad.

Thats my idea too. But... Kaya ko kaya?

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Yes Dad, I will for my twin Liane."