Chapter 2
"Good Morning Lo at La." bungad ko pagkababa ko. Kakagising ko lang kasi. Mukang wala namang balak si Lola na maglakad lakad kasi mamamalengke sila, kaya magbabasa nalang muna ako.
"Himala, ang aga mo naman atang magising ngayon?" nagtatakang sabi ni Lolo. Tumawa nalang ako.
"Hahaha, si Lolo talaga. Nagbabasa lang po kasi ako ng libro, para hindi po mabakante utak ko." sagot ko.
Kahit na ang binabasa ko naman ngayon ay Harry Potter. Napanuod ko na naman yun, pero mas maganda kung mababasa ko din.
"Apo, ayusin mo na ang mga gamit mo." seryosong sabi ni Lola. Nagtataka naman akong lumingon sa kanya.
Papalayasin na ba nila ako?
"Bakit naman po?" mabilis akong nakaramdam ng kaba. Parang may hindi magandang nagyare.
"Doon ka na sa mga magulang mo." sagot ni lola na hindi natingin sa akin. Para ako binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
Bakit? May masama ba akong nagawa? Nasabi? Bakit biglaan naman yata?
"Po?! Bakit po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kung ano ano na ang pumasok sa isip ko.
Imposible lang kasi talaga. Hindi naman ata nila ako ipagtutulakan kung walang nangyaring hindi maganda.
"May nangyaring masama sa kakambal mo. Naaksidente sya." paliwanag ni lolo, na lalo kong ikinagulat.
Anong konek ko doon? Bakit ako kailangan doon? Hindi ko maintindihan. At anong nangyarekay Liane?
"Po?! Bakit?" muli kong tanong. Hindi ko maintindihan.
"Tumaob ang kanyang sasakyan, may nakabunggo pero hindi malaman kung sino ang may gawa." sagot ni lola.
Sinukob ng pag-aalala ang dibdib ko kaya agad-agad akong bumalik sa kwarto ko para mag-impake na. Kahit naman iniwan nila ko dati, mahal ko pa din sila. Kaya kailangan kong makapunta agad.
Mga bandang lunch kami umalis upang bago magdilim ay makarating na kami.
Sa byahe ay hindi ako mapakali, parang may nawawala sa akin. Pero hindi ko maiisip kung ano iyon.
Isa-isa kong kinapa ang sarili ko.
Phone? Check. Earphone? Check. Salamin? Check. Kwintas? Nasan na yun?!
"La? Nakita mo ba yung kwintas ko?" tanong ko kay lola habang naghahalwat sa bagpack ko.
"Hay nako. Hindi mo parin ba yun tinatago? At talagang dapat lagi mong suot?" tanong ni Lola. Sumimangot ako, alam ko na nakay lola yun.
"La naman. Akin na po." sabi ko at inilahad ang kamay. Tinawanan lang ako ni lola.
"Hay nako. Ohh, eto na."
Binigay sakin ni lola ang kwintas habang natawa sya. Pagkahawak ko ng kwintas ay halos halikan ko na ito. Para bang isang taon itong nawala sa akin.
"La, naalala nyo po ba kung saan lumipat sila Rence?" tanong ko kay lola.
"Ay, apo. hindi ko na alam. Ang tagal tagal na noon. Basta ang alam ko sa Manila." mahabang sagot ni lola.
Tumango na lamang ako at kinuha ang phone para magfacebook. Napatigil ako sa kakascroll nung nkita ko yung post ni Liane ka kagabi.
Franchesca Briones
14 hours ago...
Time Check:12:43am
May picture na kasama, nasa loob sya ng kotse. Siguradong kuha ito bago ang aksidente. Agad na may pumasok sa isip ko habang tinititigan iyon.
Mga 4 na ng hapon kami nakarating dahil sa traffic. Nakakahilo, lalo na sa tulad kong hindi sanay sa byahe.
"Apo, naandito na tayo."
Agad kong tinignan ang bahay mula sa loob ng sasakyan, parang hindi na nga to bahay. Mansyon na ata.
Bakit ganun? Bakit pa nila ko kailangang iwan kina lola kung maganda naman pala ang pamumuhay nila dito? Hays, Laine. Tama na nga. Matagal na naman iyon at binalikan naman nila ako ngunit hindi na ako sumama.
Bumaba na si lolo at lola kaya bumaba na din ako. Maganda din naman ang pamumuhay nila lolo at lola sa Tagaytay, may plantasyon sila ng Pinya at nag-aalaga si Lolo ng mga baka.
Nakasunod lang ako kina lolo at lola. May dala akong bagpack, laman nito ang ilang piraso kong damit. Hindi naman siguro ako magtatagal dito.
"Mommy, naandito na sila Lolo!" may narinig akong isang babaeng sumigaw. Napakunot ang noo ko.
Sino yun? Hindi kaya si-??
"Hi po lolo at lola. Pasok po kayo. Si Laine po?" tanong boses ng babae, sumulpot ako mula sa likod ni lola.
Nakatingin lang sa akin yung babaeng nagsalita na akala mo ay may ginawa akong hindi maganda. Halos magkasing edad lang kami kung titignan. Pero sa pagkakaalala ko, may ate daw kami na mas matanda sa amin ng dalawang taon at noong umuwi kami ng Tagaytay ay nasa Tita namin sya. Kaya hindi ko din sya masyadong nakilala.
"Ang laki mo na Akie ahh? Dalagang dalaga kana." bati ni lola bago pumasok sa loob, susunod na sana ako pero hinarangan ako ng babaeng tinawag nila Akie.
Tama nga ako na sya si Ate Akie?
"Anong ginagawa mo?" nakakunot noo kong tanong.
Napaatras ako dahil sa biglaang paglapit niya.
Bakit kailangan niya akong harangan? Anong bang balak niya?
"Bakit ganyan suot mo? Ang baduy." mapang insulto nyang sabi. Tinignan ko sya ng hindi makapaniwa.
Tinignan ko ang suot ko. malaking T-shirt at fitted na pants at isang rubber shoes na binili ni Lolo para sakin.
Ano bang masama sa suot ko?
"Bakit? Anong problema mo sa suot ko? Mas kompotable ako dito." simpleng sabi ko sa kanya. Muli akong nahibang ng tumawa siya.
"Whoa! What mean is you're look like a boyish." paliwanag nya na may halong kaartehan.
Napayukho nalang ako sa sinabi niya. Agad akong nakaramdam ng hiya. Alam kong totoo iyon.
Lagi akong nakatokong na short at medyo maluwag na damit na isang kulay lamang at walang design. Hindi na ako umimik pa sa kanya at dumaretso ng lakad papasok sa malaki nilang bahay. Sa pagpasok ko ay agad akong namangha. Maganda ang pagkakagawa ng bahay, mula sa kulay at mga gamit na narito. Nakakarefresh, lalo na sa mata ng mga taong papasok sa loob ng bahay.
Napadpad ang mga mata ko sa babaeng kausap nila Lolo at Lola. Si Mommy. May kung akong mainit na bagay ang bumalot sa akong puso. Napatitig lang ako sa kaniya, hindi ko alam kung bakit pero may kumirot sa puso ko. Dahil ba sa ginawa nilang pag-iwan sa akin o dahil sa pagkamiss ko sa isang ina. Matagal ko itong hindi nakita. Kaya aminin ko man o hindi ay namimiss ko sya. Sabihin na natin na may Lola at Lolo ako na nag-aalaga sa akin, pero iba pa din ang kalinga ng isang ina.
"Ohh, ayan na pala si Laine." tinuro ako ni lola kay Mommy na dahilan nang agad nitong pagtingin sa akin.
Parang bumagal ang oras habang unti-unting lumilingon sa akin si Mommy. Unti unti ding binalot ng kaba ang aking puso. Nakita ko ang pangungulila sa kaniyang mata.
Para sa akin ba yon? O para kay Liane? Napangiti ako ng mapakla sa aking naisip.
"Anak?" tumayo sya at lumapit sa akin.
Sinalubong ako nito ng isang mahigpit na yakap. Ngunit wala syang tugon na yakap mula sa akin. Wala akong kibo habang nakayap sya sa akin. Kahit na may parte sa akin na namimiss ko sya ay namuno pa rin sa aking dibdib ang sama ng loob.
"Anak, sorry. Sorry sa lahat ng nagawa namin ng Daddy mo. Ginawa lang namin iyon para sa inyo lang din. Sorry." paghinga ng tawad sa akin habang nakayakap pa din sakin. Parang dinudurog ang puso ko sa aking narinig.
Ang bigat ng aking puso. Sobrang bigat. Sumabay pa ang pag-iinit ng aking mga mata na anytime at tila babaksak ang aking mga luha. Ngunit na naig ang sama ng loob ko.
"Anak, sorry." kumalas ito sa yakap ng maramdamang wala pa din akong ginagawa. Hawak ang kamay ko ay nakita ko ang sincere sa kanyang mga mata pati ang pagtulo ng kanyang luha.
Kasabay ng pagbaksak ng kanyang mga luha ay ang pagguho ng aking namuong sama ng loob. Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Parang dinudurog ang puso ko, ang bigat.
"Mommy..." tanging salitang aking nabanggit. Yinakap ko siya ng mahigpit, yakap na magpupuno sa aking pangungulila sa mga taon na nawala sila.