Chereads / ANDROMEDA / Chapter 28 - II. PÓLEMOS

Chapter 28 - II. PÓLEMOS

Nagising ako ng maaga at agad na naglinis ng katawan. Good thing I bought some clothes with me, nung sinabi kasi ni Antiope na papatayin namin si Alona ay wala na akong ibang maisip kundi iyon and good thing dahil pinaalala ni Antiope na magdala ako kahit ilan. I wore simple shirt and maong short, pumunta ako sa paliguan at pinuyod ang mahaba kong buhok. Lumabas ako at lumapit kay Antiope na tulog na tulog, tinapik ko ang pisngi niya "I'm going" saad ko at lumabas na sa kwarto.

Sinarado ko 'yun at nagpalinga linga, maaga pa kaya wala pang masyadong tao. I closed my eyes at concentrate, he smells like flower, after that training I'm capable of doing things like this, mas na-enhance ang aking mga senses kaya madali na sa akin ang mga ganito. I traced his smell, mula sa kwarto namin ay may dalawang kwarto pa at sa pagliko mo ay may dalawa pang kwarto at isa duon ay sa kanya, Gian it is.

Naglakad ako papunta duon, tumigil ako sa bukana at pumikit, there's no sign of movement. Tulog pa ata, ang kwarto ni Gian ay itong malapit sa verenda. Pumunta ako sa verenda at umupo sa upuan na andun, he will see me quickly kapag dito ako pwe-pwesto.

Sumandal ako sa sandalan ng bangko at humalukipkip at pumikit. Maybe I should track his movement. Nagtagal pa ako doon ng kalahating oras ng maramdaman ko na may pag galaw na sa kwarto niya, napangisi ako at paniguradong maghapon na naman akong makikipag plastikan. Nagtagal ng isang oras ang paghihintay ko sa verenda, nagmulat ako ng mata ng makaramdaman ko na nasa pintuan na siya. Humalumbaba ako sa lamesa na animo'y naniningin at nagdekwarto.

Narinig kong nagbukas ang pinto at kunwari'y napalingon doon. "Oh?" Pagpapahayag ng presensya ko, gulat naman siyang napatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin "Behathi right?" Nakangiti niyang saad. Ngumiti ako sa kanya at tumango "Your up early?" Nakangiti pa rin niyang saad kaya ngitian ko nalang din siya. Pinasadahan ko siya ng tingin, nakasuot siya ng black slack at white t-shirt na malaki at naka tuck in, he's always wearing white rubber shoes.

Hindi ko pinahalatang, nilalait ko na siya sa isip ko, pero he's really cute sa suot niya. Kapag may itsura ka nga naman. Tumayo ako at lumapit sa kanya "Your room?" Saad ko at tinuro yung nilabasan niya. Napahawak siya sa batok niya "Ah yeah...." tumango tango ako sa sagot, hindi ko alam kung paano siya dadaldalin, hindi naman kasi ako madaldal. But I need to get some information from him, nag-isip ako sandali "Ah...Saan ka pala papunta?"

Hindi agad siya sumagot sa tanong ko, is it weird? Baka isipin nito type ko sya! "Sa baba, magtratrabaho hehe"

"Can I come with you? First time ko kasi sa lugar na 'to, plus my sister is tulog pa eh, siya ang may alam dito..." agad na saad ko "Ah...eh kasi dun lang ako maghapon, hindi ako pede umalis duon baka mabagot ka lang duon.." saad niya. Ngumiti ako sa kanya "It's okay! I won't be a burden to you. Please!" Pamimilit ko

Napakamot naman siya sa ulo niya "Sige na nga!" Saad niya at niyaya na ako pababa. Nilibot ko ang paningin ko at napansin ko na halos ang mga disenyo dito sa pasilyo sa mga kwarto ay mahahalata mong konektado sa tubig. Tubig huh. Napansin ko naman na nakatingin sa akin si Gian, napansin niya siguro ang paglibot ng tingin ko. "Ang ganda ng designs dito.." saad ko

He smiled then gazed at me "People here in Federation worship the Nerieds," naningkit ang mata ko sa sinabi niya.They worship them, huh? Umiwas ako ng tingin at mapait na napangisi, they worship the wrong thing. Because of them, Hans died.

"And are you part of that people?" tanong ko sa kanya at tiningnan siya. Nagningning ang mata at ngumiti ng pagkalaki laki, that genuine smile irritates me! "Of course! Those who worship the Nerieds are called Nureids, and we are that people," masaya niyang saad. Ngumiti nalang ako sa kanya at umiwas ng tingin.

Sandali kami natahimik ni Gian, tumigil kami ng binuksan nya pinto nung sa baba. "Gian..." Napalingon ako sa tumawag sa kanya. Hindi kalayuan sa amin ay nakatayo duon ang babaeng tumawag kay Gian. She's wearing a white dress at seryoso ang tingin sa amin, naglakad siya papalapit sa amin ng bigla niyang nilipat ang tingin sa akin.

Napakunot ang noo ko, the way she looked at me is so damn cold and serious. "Ms. Eve.." saad ni Gian ng nasa harap na namin yung babae, Eve huh? Hindi niya inalis ang tingin sa akin, she tilted her head at pinag aaralan ang ekpresyon ko. I remain unbothered by her presence, I also looked at her with the same intensity she's giving me.

Hinigit ni Eve si Gian sa tabi ko, she placed him in her back at masamang tumingin sa akin. "Who are you!?" Mariin niyang saad sa akin. Hindi ko inalis sa kanya ang tingin ko. "Ah...Ms. Eve?" Si Gian. Ngumisi ako sa kanya, inilapit ko ng kaunti ang muka ko sa kanya "I'm Behathi" saad ko at agad na lumayo ng kaunti. Kumunot ang noo niya sa akin, in a span of second parang nabahala siya sa presensya ko pero agad ding nawala yun. "Were closing for today Gian. Don't open this inn." Saad ni Eve

Ngayon naman ay ako ang nag-taka sa inasal niya. "Madam Alona will come here" biglang dagdag niya. Napatulala ako sa sinabi niya. Alona is coming? My heart is beating so fast and I can't think straight right now. Alona! Wala akong ibig naririnig kundi tibok ng puso ko, para akong nabingi sa mga na ito at ang nakikita ko lang ay puro pula.

I was surely go bersek ng maramdaman ko na may humawak sa balikat ko. Agad kong hinawakan yung kamay na nasa balikat ko at agad na binalibag 'yun, pero laking gulat ko ng hindi siya bumagsak gaya ng inaasahan ko. She landed smoothly at malamig na tumingin sa akin. "Antiope..." bulong ko

Gulat na nakatingin sa amin si Gian at galit na nakatingin sa aming dalawa ni Antiope si Eve. "DARAH! YOUR SO SCREWED!" galit na saad sa akin ni Antiope sa isip ko. Mahihimigin mo sa boses niya na sobrang galit at lamig. I composed myself at nag iwas ng tingin. I accidentally scanned Eve, at agad akong kinilabutan sa mga tinging iginagawad niya sa amin. She fucking look at me like I'm a fucking food that she will eat. Nag taas baba ang dibdib ko at takot na takot na nakatingin parin kay Eve. I just can't look away! Ano bang nangyayari sa akin!

Biglang humarang sa harap ko si Antiope at agad akong napa upo, inalalayan ako ni Antiope. I gasp for air at mahigpit na humawak sa balikat ni Antiope. "Behathi!?" Nag aalalang saad ni Gian. Nilingon ni Antiope sina Eve, hindi parin nagbabago ang tingin niya sa akin. She still has that creepy smile.

Ramdam kong bahagyang nagulat si Antiope si kay Eve pero agad siyang nagsalita "I think my sister is sick. Would you mine? Aakyat na kami sa kwarto?" Saad niya "Go now Darah! This girl is our enemy too.!" Saad ni Antiope sa isip ko. Lumingon ako sa kanya, pero seryoso na siyang nakatingin sa akin kaya tumayo na ako. "Sorry Gian, maybe next time..." saad ko at tumalikod na "There will be no another time, girl!" Napatigil ako at aduwang tumingin kay Eve. She look and sounded obsess girl, patay na patay siguro ito kay Gian.

Sandali akong tumingin sa kanya at inirapan siya at nagpatuloy sa paglalakad. Now I know why I feel suddenly scared earlier, she put a spell on me, pero sa tingin ko ay magagawa niya lang yun through eye contact.

Pumasok ako sa kwarto ng makarating ako at agad na sumalampak sa couch. Napalingon ako sa pintuan ng marinig kong nagbukas 'yun, sinalubong niya ako ng masamang tingin at lumapit sa akin. "Don't speak! From now on, we will be talking through our mind!" Saad niya "Fine, so what I am going to do right now? Eve suddenly showed up?" Usal ko "We'll stick to the plan," naglakad siya papunta duon sa glass wall at parang may pinagmamasdan siya "Eve said that Alona will come here" saad ko

"Hmmm....She's downstair, I just made eye contact to her just now," saad niya at tumawa ng nakakaloko. Nanlaki ang mata ko at agad na napatayo, lumapit ako kay Antiope at tumingin sa tinitingnan niya. Madaming tao ang nagkukumpulan sa baba at halatang galak na galak sa nakita nila. Humarap sa akin si Antiope na nakangisi "Darah listen to me, don't you feel something here?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya

Napaisip ako at naalala ko noong unang dating namin dito ay medyo may kakaiba para sa akin, malaki ang Federation at ang lugar na ito ang pinakamalaking sentro dito. Madami ngang mga struktura at ang itsura ng mga ito ay mga sinauna, gabi na kami naka puslit dito pero wala nang masyadong tao ako nakita, nuong una nga ay akala ko ay abandunado ang lugar na ito ngunit ng nahanap namin itong tinutuluyan namin ay nagkaroon bigla ng sigla ang lugar. Pati kanina nung magkasama kami ni Gian, napansin ko na puro parang sambahan ang istilo ng isang pasilyo na nadaan namin kanina.

"Darah...none of this are real. Oo, yung mga straktura mga tunay, pero hindi mo ba napansin kagabi ang tanging bukas lang na building dito ay ito? At nang makapasok tayo ay saka lang nagkaroon ng biglang buhay ang lugar na ito and do see the crowd?" Tinuro niya yung mga tao sa baba. Mga nakahanay at animo'y may dadating na pinuno, pero si Alona ang pinuno nila hindi ba?

Napabuntong hininga si Antiope "Those people are already dead, Darah." Deretso niyang saad sa akin. Napatulala ako sa kanya at hindi agad nakapag salita. Already dead? Then, Gian too?

"Remember, Alona is from the race of Psyche, she knows how to manipulate souls." Sa sinabi niya ay naalala ko ang sinabi ni Christine sa amin. Napapikit ako ng mariin "How about Eve? She's not dead right?" Umiling siya "Sinabi sa akin ni Gian kanina na lahat ng tao dito sa Federation ay sinasamba ang mga Nerieds, tsk!" Saad ko "Hmm....Pero matagal ng panahon 'yun. Dati may nabasa ako about sa Federation, this place was once ruled by the family goes by the name Murphy, pero may nangyari dito at lahat ng tao dito namatay..." napaisip ako sa sinabi niya"Hindi ko maintindihan sinasabi mo..." saad ko at bumuntong hininga "Hindi mo talaga maiintindihan ang mga sinasabi nya dahil wala naman kayo dito at higit sa lahat wala kayong karapatan na malaman 'yun!" Agad kaming napalingon sa may pinto, and there Alona standing before our eyes.

Sinamaan ko siya ng tingin "Anong ginagawa mo dito?" Galit kong usal sa kanya. Sarkastiko siyang tumingin sa akin at tumawa "Ha! Hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan sa inyo?" Galit niyang usal "Gaga! Wag mong binabalik mga sinabi ko sayo!" Asar kong saad

Pagkatapos kong sabihin ay tiningnan nila ako ng may pagka disgusto, bumuntong hininga naman sa tabi si Antiope. Naglakad pauna si Antiope, tumigil siya saglit at nagulat ako ng bigla siyang sumugod kila Alona. She threw a water balls at gumawa ng manipis na lubid at agad na isinakal 'yun sa leeg ni Alona. Hindi agad ako nakagalaw pero ng makita ko na susugod si Eve kay Antiope ay agad akong lumapit sa kanila ay buong lakas na ginawaran ng suntok sa mukha si Eve.

Tumalsik si Eve sa kabilang gusali at nagkanda sira sira ang mga dingding dito, agad akong pumunta kay Eve at malakas na sinipa siya sa tiyan. Sa ginawa ko at tumalsik siya at sumuka ng dugo. Lumingon ako kila Antiope at nakita ko na naglalaban na ang dalawa "Bitch!" Umiwas ako kay Eve ng tangkain niyang suntukin ako, malakas kong pinalo ang likudan niya at agad siyang napadapa sa ginawa ko. Nangunot ang noo k ng hindi na siya gumalaw sa sahig. Is she dead? Putek ilang suntok at tadyak palang yun ah?

I squat at pasambunot kong inangat ang muka nya gamit ang buhok niya. Sinilip ko ang muka niya at puro putok ang kanyang muka. Hala napasobra ata ang ginawa ko. Sa inis ko ay padabong ko yung hinagas kaya mas lalong nagputok ang muka niya, gumulong ang katawan niya at napabagok sa semento ang ulo niya, at biglang maraming dugo ang lumabas sa ulo niya. Napatigil ako sa kinatatayuan ko at napatulala sa dugong umaagos galing sa ulo niya.

Pula....

Napatawa ako ng malakas at sa hindi ko alam na dahilan ay mas gusto ko pang makita ng kulay pula. Dahan dahan akong lumapit sa katawan ni Eve, umupo ako at hinawakan ang dugo sa ulo nya, pinatitigan ko pa yun, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero hindi ko namalayan na nakakuha na ako ng malaking semento, binuhat ko yun at ipinandurog ko yun sa katawan ni Eve. "Darah!" Dahan dahan akong lumingon kay Antiope at bakas sa muka niya ang pagtataka at takot. Binalik ko ang tingin sa katawan ni Eve at durog durog na yun, nakapatong pa sa ulo nya yung semento na ginamit ko.

Agad akong lumayo duon at naiiyak na tumingin kay Antiope. Anong ginawa ko?