Chereads / ANDROMEDA / Chapter 30 - AMPHITRITE

Chapter 30 - AMPHITRITE

"We'll go straight to Pacific Ocean" saad ni Antiope sa akin. We're here inside her water lock, she made it very spacious para daw makapagpahinga kami ng maayos. "My wounds are not heal yet" usal ko. Nangunot naman ang noo niya at tumingin sa akin "Why do you have wounds?" Taka niyang tanong sa akin. Napasimangot naman ako sa kanya. I didn't receive any physical attack from Eve that's why I'm perfectly fine, pero noong nasura sa akin si Antiope kanina ay duon ko natamo ang mga ito.

"I just get it..." Iyon na lang ang sagot. Kinunutan niya ako ng noo "Tch!" Usal nya, inabot niya ang binti ko na may kaunting sugat at paa, she place her hand under it at naramdaman ko na may tubig na may dumaloy. Pagkatapos niyang gawin 'yun ay nawala na ang mga sugat at pasa ko, I actually feel energized. Tumayo siya at lumayo sa akin, she manipulate this water lock at mataman na naglilibot ng tingin.

Sumandal ako sa tubig and I was suprised ng hindi ako lumusot duon. Luckily, I'm on Antiope's side, nakakatakot maging kalaban nitong babaeng ito. If you didn't get careful, baka nga mamatay sa isang iglap lang. Bumuntong hininga ako at pumikit. I'm so darn tired. As soon as I closed my eyes, naalala ko ang mga sinabi ni Alona and where we can find Amphitrite. In the deepest part of Pacific Ocean, I'm actually thinking if it's true.

Paano nalang kapag hindi pala totoo 'yun? But then again, Antiope has her own way, sigurado naman ako na hindi siya mangunguna sa pag sugod kung wala siyang basehan. Maybe I should just trust Antiope. Palalim na kami ng palalim at kakaunting liwanag ang natagos sa tubig, it's getting dark here. "Antiope were getting deeper..." saad ko at nilingon siya "Don't worry I know the way, the water are guiding us!" Saad niya ng hindi ako nililingon.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya "Antiope..." tawag ko sa kanya "How do you manage your power?" Tanong ko sa kanya, naalala ko kasi ang sinabi ni Alona, that I have the power of Time and I don't know exactly it. "Years of training and focus, the water is helping me too" saad niya at lumapit sa akin. She sat beside me at pumikit. "Earlier, Alona said something about time....Time of Kronos....you know something about that?" Hindi niya agad ako sinagot.

Liningon niya ako at mataman na tinitigan "Time of Kronos huh? Obviously it's about time....I actually don't know that but I always heard it to Calia...." saad niya sa akin. Napaisip ako and I'm trying to figure out what power is that. If I have that power maybe I can go back in time and I can foresaw things like what happened earlier, or maybe I can advance the time. Naalala ko ang unang pangyayari ng hawakan ko ang kamay ni Dimitrov, I saw myself holding Dimitrov's hand, then itong kanina.

Hindi na kami nag-usap ni Antiope pagkatapos nun, we stayed silent at naghihintay na makarating sa sinasabing kastilyo sa ilalim ng dagat. Habang palalim kami ng palalim ay mas lalong lumalakas ang current ng tubig kaya hindi ko masyadong nakikita ang paligid. "Antiope the current are too strong" usal ko sa kanya. She's just sitting there at nakatingin lang sa harap.

"It's fine....I feel there's a barrier here..and that means na mas lalakas pa 'yan..." saad niya sa akin. Hindi na ako nagsalita at nanahimik nalang, she knows the way. Gaya nga ng sabi niya ay mas lalong lumalakas ang current ng tubig sa dinadaanan ng water lock na sinasakyan namin, and that being said, nang sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na kami ay may mga ipo ipong nakaharang sa harap namin. "That is so huge!" Usal ko habang tinitingala 'yun.

Tumango tango si Antiope sa sinabi ko "Paano natin malalampasan 'yan?" Saad ko at tumingin sa kanya "I'll try to control the water..." saad niya at pumikit, she seems concentrating kaya hindi ko na muna siya inabala. Nagtagal ng ilang minuto pero bigla siyang naghanap ng hangin at nagmulat ng mata "Are you okay?" Agap ko

"I can't control it.....I think Poseidon put this and he's the one controling it" napalunok ako sa sinabi at nag angat ng tingin sa mga ipo ipong nakaharaang sa unahan namin. Nilibot ko ang paningin ko duon at napatingin ko sa may baba nuon "How about we go deeper?" Suhestyon ko. Umiling si Antiope sa sinabi ko "Mas malakas ang current sa baba kesa dito...."

"Then what are we going to do? What if we go higher?" Hindi pinansin ni Antiope ang sinabi ko "We will go straight to that thing.." nagulat ako sa sinabi niya "What? Paano kung may mangyari sa atin?" Tiningnan ako ni Antiope ng masama kaya bigla akong tumahimik "Just trust me okay!" Seryosong saad niya sa akin.

She control the water lock at mabilis na napunta 'yun sa may ipo ipo at mabilis kaming napasama duon, but the odd thing is maayos parin ang kinatatayuan namin ni Antiope. Hindi kami nagpagulong gulong sa loob, nasa loob na kami ng ipo ipo at mabilis din kaming nailuwa noon and to my suprise, this side is much peaceful. Hindi ito kagaya nung sa kabila na malakas ang current ng tubig.

"We just entered our enimies lair...." bulong ni Antiope sa sarili but it is enough for me to hear. Napalunok ako at iginala ang paningin, Alona said that we will find a castle here and it is located to the deepest part of Pacific Ocean...pero bakit maliwanag dito at kita mo ang paligid? True that there's a castle here pero I sense that we should be careful, masyadong tahimik dito, wala akong masyadong nakikita na nilalang dito, mapa-isda 'man o mga large water animal. "Yes we just did that.." saad ko sa sinabi niya. Nilingon ko sya at base sa itsura niya alam ko na kailangan nga naming mag ingat.

"Are we going to sneak in? For sure that castle has some guard..." usal ko habang nakatitig sa kastilyo hindi kalayuan sa amin. Tumaas ang gilid ng labi ni Antiope at bahagyang sumeryoso ang itsura. "Sneak in?" Nagtatanong niyang saad "There's no need..Poseidon is very smart to hide her here kasi wala pang nakakalampas sa mga ipo ipong ginawa niya...." dagdag niya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya "Then how come na nakalampas tayo?" Gulo kong usal sa kanya "I don't know that.....but maybe it's just happened that we got passed through it" saad niya. Tumahimik nalang ako at hinayaan siya "We'll save Amphitrite now!" Ramdam mo ang kaseryosohan sa tinig niya. She control the water lock to go straight to the castle. Tahimik lang kami hanggang sa makapasok kami sa loob. This castle is so big kaya kasyang kasya itong water lock, there's so many entrance here at puro malalaki lang iyong bilog.

We roam the castle at sa bawat pasilyo na aming nadadaanan ay maraming nakalagay na magagandang halaman na ngayon ko lang nakita. "What's that?" Tanong ko kay Antiope at itinuro 'yun "I have no idea" saad niya ng hindi lumilingon sa akin. I continue to scan my gaze in every corridor na dinadaan namin at hindi ko mapigilang mamangha sa mga halaman na sumasabay sa alon ng tubig.

Natigil ako ng may biglang mahagip ang mata sa may malayong parte ng pasilyo "What was that?" Naniningkit kong usal habang nakatingin duon sa may pasilyo"Whats 'what'?" Si Antiope, ng ililiko niya na ang water lock sa isang daanan malapit sa amin ay pinigilan ko siya "Wait! Duon tayo!" Agap ko

Sinunod 'yun ni Antiope, dere deretso kami duon. Nagulat ako ng may babaeng nakatayo duon, sa tingin ko ay napansin din 'yun ni Antiope kaya mabilis nyang imaniunbra ang water lock patungo duon. Hindi umalis sa pwesto ang babae at mataman lang din itong nakatingin sa amin. Nagtaka ako sa inasta nung babae sa amin, the way she look at us is like she's expecting someone. "She's the girl we saw in your house, do you remember?" Saad ni Antiope at bumaling sa akin

Napaisip ako at inalala 'yun, the pale lady, West thought it was a white lady or something. Nang makalapit kami duon ay tiningala niya kami. Ngayong mas malapit kami sa kanya ay mas lalo kong napag masdan ang itsura niya. She's really beautiful, has a long jet black hair and her complexion is so pale. She's wearing a white dress that makes her really enticing. Just like exactly what we saw last time.

Tinaas ng babae ang kamay niya at inilapat ang kamay sa water lock. Lumambot ang ekspresyon niya at marahang nag angat ng tingin kay Antiope. "You're our descendant..." saad niya sa babang tono

Nagulat ako dahil nagagawa niyang makapagsalita sa tubig. Napatingin ako kay Antiope at magalang niyang tiningnan ang babaeng nasa harap namin. Naalala kong si Antiope ay may lahi ng mga Nerieds. "Amphitrite...." saad ni Antiope

Napabuntong hininga ako at seryosong tumingin kay Amphitrite. We found you, at last.