"Do you believe in Gods and Goddesses?" Rinig kong usapan ng mga kaklase ko. Hindi pa dumadating ang aming guro para sa susunod naming subject. "Gods and Goddesses?"
"Hmmm, like Zeus, Hades and Poseidon" Nahalumbaba lang ako sa aking silya at nakikinig lang sa kanila. Hindi sumagot ang kausap ni Anna sa tanong niya, I doubt that they believe that. Ilang daang taon na umalis pero kahit saan ako magpunta ay lagi ko silang naririnig, it's like they hunting me for century.
"Darah..." Napalingon ako sa likuran ko at nagtaas ng kilay "What is it?" Seryoso kong saad. Nailang naman siya sa akin "Ah....tungkol doon sa assignment ni Ma'am sa english....yung draw a god or goddess, meron ka na ba?" Alinlangan niyang saad sa akin. Tumango ako at inilabas 'yun sa bag ko, it was drawn in a small white board. Namangha naman niya 'yung tiningnan "Did you draw this?"
"Ah...hmmmm...." simpleang saad ko. Tumango tango siya habang nakatingin duon sa drawing ko. I draw Hades and his lare, hindi naman nila malalaman na 'yun mismo ang itsura ni Hades at ng kaharian niya. Lumipat ang tingin niya sa akin "Pwede bang padrawing? Wala pa ako eh"
"Ah sige, wala din naman akong ginagawa..." I took my pencil and eraser inside my bag. Ilang beses ko na bang ginagawa ito? Ilang beses na bang lumalabas ako bilang isang estudyante. Wala na akong maisip na ibang gawin kundi ang magpanggap na estudyante. Inabot niya sa akin ang dra-drawingan ko, tinanggap ko 'yun at tiningnan siya. Nagtaka siya sa pagtingin ko "Sino ang idra-drawing ko?" Nakuha naman niya 'yun at napapahiyang tumawa "Ah...hahahaha...si ano sana, si Amphitrite.." napatigil ako at nangunot ang noo
Amphitrite...
Tumango ako at humarap sa papel. "Kailangan mo ba ng gayahan? Magse-search lang ako sa internet!" Saad niya. Agad ko syang nilingon at pinigilan "Wag na..." Napakurap kurap niya sandali at tumango "Ah sige...." saad niya at bumalik sa pagkaka upo niya. It's my fourt year here in high school, paiba iba din ako ng paaralan kada graduate ko and doing this thing is common for me, pero ang kaibahan lang ay iyong pagbanggit niya kay Amphitrite.
I haven't heard that name for the century "Here...." inabot ko sa kanya yun "Ang galing...ang ganda naman nito...." puri niya sa guhit ko "Pano kaya kung ito talaga ang itsura niya ano?" Mangha parin niyang saad. I stared her face for a minute "ang sobrang ganda niya, for sure..."
Nilipat ko ang tingin ko sa papel at pinatitigan 'yun. Hindi ko malilimutan ang araw na 'yun. Iginuhit kong maigi ang bawat detalye ng itsura niya, hinding hindi ko malilimutan ang itsura nya dahil sila ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon nagdudusa ako "Yan ang itsura talaga niya..." saad ko habang nakatitig doon. Nag angat sya ng tingin sa akin "Ha?"
Nilipat ko ang tingin sa kanya at umiling "Pangalanan mo na at baka dumating na si Ma'am..." saad ko at humarap na sa harapan "Sige haha salamat pala Darah..." pahabol niya. Humalumbaba ako at napatingin sa kawalan. How did I get here? Tanong ko sa sarili ko. I was supposed to be dead.
"The time for you has stop.."
"Darah, wake up."
It's strange, why I am hearing West and Amphitrite voice? More importantly, why I am hearing things? Is that even possible if you're already dead? Iyan ang unang pumasok sa utak ko sa pagkakagising sa akalang kamatayan ko. Nagising ako sa tapik sa pisnge ko. Unang bumungad sa akin ang muka ng batang babae na kuryoso ang tingin sa akin. "Ate ayos ka lang po?" Sa maliit na boses ay kita mo ang pag aalala. Nilibot ko ang paningin ko at naalalang ito ang lawa sa Camp na sandaling pinagtirahan namin.
It is indeed pero ibang iba na ang itsura nito. "Ate tara sa bahay ang putla mo po..." hinila ng kanyang munting kamay ang braso ko. Nagpatianod ako sa kanya ngunit ang isip ko naglalakbay. Bakit nandito parin ako? Patay na ako hindi ba?
Natanaw ko ang isang maliit na bahay na gawa sa kawayan.
Pero....
Bakit wala na ang mga bahay na gawa sa mga kahoy at tent? "Tatayyyyyyyyy...." sigaw ng batang babae. Mula sa loob ay may lumabas na lalaki at nakakunot ang noo na nakatingin sa amin "Alia...." tawag nung lalaki
Nang makalapit kami ay pinasadahan ako ng tingin nung lalaki, unconciously ginawa ko din ang ginawa niya. I'm still wearing the clothes I wore last time I can't remember. "Tay nakita ko po si ate na lumutang duon sa lawa...." tiningnan ako ng lalaki naghihintay ng sagot. Nang walang makuhang sagot sa akin ay pumasok siya sa loob at lumabas din agad na may dalang tuwalya na malaki. Inabot niya 'yun sa akin at agad ko 'yung pinulupot sa katawan. Strange, I don't even feel cold.
Naglipat ng tingin ang lalaki sa bata "Alia...pumasok ka muna sa loob at panggawa mo si ate at tatay ng maiinom" tumango ang bata sa mahinahon na utos ng ama. Nang makapasok na ang bata ay agad niyang nilipat sa akin ang tingin. Iginaya niya ako upuan sa labas. Pinaupo niya ako duon "Anong nangyari sa iyo?" Hindi katandaan ang lalaki at hindi rin kabataan, he look at me trying to solve me.
Umiling ako, hindi alam ang sagot. "Anong pangalan mo?" Napaisip ako
I have a name. "Darah...."
"Darah...." halos bulong kong saad. May gusto akong itanong pero hindi ko alam kung ano.....
Napabuntong hininga ang lalaki sa harap ko "Magpahinga ka muna sa loob.." tumayo siya at sumunod ako. Nang makapasok sa loob ay agad akong sinalubong ni Alia. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagpahinga. I don't even know kung saan ako pagod, but I still rest. Napabalik ako sa realidad ng kuhitin ako sa likudan ko. "Darah?"
"Oh? Bakit?"
Tiningnan niya ako ilang sandali at umiling. Napabuntong hininga ako at binalik ang tingin sa harap. "Good afternoon, class..." nagsitayuan kami para bumati din sa kanya "Good morning ma'am alia.." magiliw na saad nila
Alia Marshall Peeters, ang kaapo apuhan ni Alia. Nang malaman nila kung ano ang nangyari sa akin ay hindi na nila ako iniwan. They swore to me na aalagan nila ako, kahit hindi ko naman hinihingi. Their whole family is serving me for a hundred years. Sila lang ang nakakalam kung ano ako at kung bakit hanggang ngayon ay buhay ako.
Time of Kronos as she say, ang oras ko ay tumigil at hindi alam kung tatakbo ba ulit ito.
I'm sick of time, but that is all I have. Time is my companion and my greatest enemy and I will still linger here, till time meets it end.