Sino ka binibini?
Ninong ako ito si Adlawan.
Ad...adlawan iiikaw na ba iyan? Ang iyong ganda ay walang mapagkukumparahan di man lang nagbago ang hubog ng iyong itsura. Unti-unting lumapit ito kay Adlawan nakapalibot pa rin ang mga kawal kina Adlawan at kay habang naglalakad ito papalapit...
Mahal ko para siyang pamilyar sa akin parang isa siya sa mga piratang...
Ano ika mo?
Oo, syang tunay iyong narinig...palagay ko isa sya sa mga lusob sa amin at dahilan upang magpalaot-laot ako sa dagat kasama ang aking dalawang alalay.
Eh?
Adlawan sinasaktan ka ba ng mga kawal na nakapalibot sa iyo? Sino yung lalaki sa tabi mo yan ba ang bumihag sa iyo? Mga singkit sila! Mga kalaban, masasama sila.
Nakatingin kay Habong Banuk ang mga kawal.
Ginoo...
Ha, marunong ka ng wika namin?
Oo, syang tunay, ginoo. Ako si Lee Jinki ang asawa ni Adlawan narito kamo kami upang dalawin ang ama ni Adlawan makalipas ang 31 taon.
31 taon na ang nakalipas? Kung ganon...mayroon nang anak kayo siguro ano?
Oo mayroon na!
Ilan?
3 ngunit namatay ang isa...
Nasaan ang Dalawa?
May kaugalian ang Dalhaebyeol na dapat isa lang ang tagapagmana kaya inhabilin ko ang isa sa pinsan ko.
Kahangalan! Mayroon siyang pamilya rito, di mo ba naisip?
Paumanhin hindi ko naisip ipaalaga sa ama ng aking pinakamamahal na asawa, patawarin nawa ako ni Bathala sa nagawa ko!~lumuhod ito.
Nang mapansin ito ng mga kawal...
Kamahalan huwag po kayong lumuhod.
Ikaw pirata...ano bang iyong ginawa sa hari bakit mo sya pinaluhod?
Kamahalan ano bang hinihimutok ng piratang ito di namin nauunawaan, basta di ko ibig tono ng pananalita niya.
Di nga maganda ang tinuran nya ngunit di iyon pangaalipusta kunding isang aral, pinapangaralan nya ako!
Ikaw, hoy anong pinapagusapan ninyo, anong tinatalakay nyo? Di porke marunong ka ng wika namin ay katanggap-tanggap na ilaw sa akin pinakasalan mo ang aking pamangkin sa malayong lugar ni di man lang kayo bumisita makalipas ang 31 taon. Tapos ngayon...
Bumalik kami ninong upang alamin si ama ng tulong o kung nais nyang makipagsanib pwersa sa kaharian ng Dalhaebyeol gayong ang asawa ko naman ang hari nito.
Ano, yang lala...king iyan ay isang hari?
Hindi ba ako mukhang hari?
Oo!
Aray, sakit mo namang magsalita.
Paumanhin, Hara Adlawan at Datu Jinki. Ano ba sya nyong tunay na pakay?
Nabalitaan namin na sasalakayin ang Sulu ng mga Espanyol kaya nais kong alukin si ama na kung ibig ika niyang makipagsanib pwersa para labanan ang mga ito.
Maganda yang iyong iminumungkahi maging ako ay sangayon sa iyong mga tinuran.
Talaga po ba?
Syang tunay.
Ninong maaari bsnh paatrasin mo na yung mga tauhan mo?
Masusunod!
Narinig nyo naman siguro ang tinuran ni Hara Adlawan.
Masusunod tugon nila bagamat ganon ay bantay sarado sa kanilangng mga mata ang tropa ng hari at ang hari.
Pagdating nila sa laot...
Nagsilapitan agad ang mga taong may sibat at nagbigay pugay. Lumuhod habang natusok sa buhangin ang sibat.
Pagkababa ng lahat sa daungan ay may namataan dilang dumaong na isang lalaki lulan ng bangka kakaiba ang kanyang kasuotan kahit na ito ay nakabaluti tulad ng Hari at Reyna ng Dalhaebyeol. Matangos ang ilong nito, maputi at kulay brown ang buhok may bigote at maputla ang labi.