Chereads / BETWIN / Chapter 9 - Unnamed

Chapter 9 - Unnamed

Sa lugar kung nasaan sina Laot...

Ano ba, bitawan mo ako! Huwag mo akong hagkan sa batok ano ba?

Wala namang nakakakita, tanging ikaw at ako lang narito. Isa pa halik lang naman hayaan mo na ako, tsaka na yung isang bagay sa oras na ikaw ay aking mapakasalan.

Ano ba?~tumagilid pakaliwa. Tumigil ka nga sa sinasabi mo, di nakakatawa mga biru mo!~nakayakap parin si Laot, yung nakatalikod si Jangsoo kay Laot; si Laot ay nakahawak sa bewang ni Jangsoo tapos si Jangsoo nasaunahan nito. Tumigil ka na baka makita ka ng mga tauhan ni ama.

Oo na, pero gusto kong maglakad tayong magkahawak kamay.

Sya, sya, sya!~ang sagot kahit kinakabahan ito pag nakita ng kanyang ama.

Hinawakan ni Jangsoo ang kamay ni Laot at naglakad.

Laot, tila...ito yata yung mga tauhan ni Ama...sinabi nang makita nitong lagpasan sila.

Ha?'~sabi ni Laot.

Sa paglalakad ay nalagpasan sila ng mga ito, kung hindi lang nila si Jangsoo narinig magsalita ay hindi sila titigil.

Haru, narinig ko ang binibini.

Totoo ba yan Manni?

Syang tunay...

Kung ganon...

Pag talikod nila ay namataan nila si Laot naglalakad papalayo sa kanila at ang binibini.

Binibini! Laot!

Parine kayo mga gunggong sabi ni Laot!

Dali takbo tayo! Ano gusto nyo kami lalapit abah!

Ah, opo! Masusunod po.

...

Sa barko makalipas umalis sa pinagdadaungan...

Sa silos ng ama ni Jangsoo...

Haru, puntahan mo si Jangsoo.

Masusunod po.

Pagpunta nito sa silid ay nakahiga silang dalawa ni Laot at nakitang magkayakap na natutulog. Sabay alis. Nang mga panahong yaon di pa uso ang pinto sa mga panlayag tanging kurtina lang ang harang.

Magkayakap po silang natutulog.

Hay naku wala na akong sinabi pang iba...sa kanila. Binalaan ko na di dapat ganon maging asal nila sapagkat magkaiba sila ng kasarian.

Tama po kayo, ngunit bakit po kaya...Ganon sila magkasindikit?

Sapagkat sapol pa pagkabata masyado nang madikit si Jangsoo kay Laot. Paano ba naman simula ng mawala ang aking asawa ng mapaslang ay ito na nagalaga dito sanggol pa lang kaya hayan tila hindi mapaghiwalay.

Ganon po ba?

Oo, ngunit bakit mo nausisa?

Sapagkat simula ng padpad ako sa inyong palad ay nabighani sko sa ganda ng binibini.

Gayon ba?

Ngunit...

Anong bumabagabag sa iyong dibdib?

Tila si Laot at Jangsoo ay nagiibigan.

Paano mo naturan?

Sapagkat naroon ako may gilid ng barko kasabay sa panunuod ng paglubog ng araw.

Laot pagmasdan mo palubog ang araw...tunay na kay ganda kung ito'y pagmamasdan.(Nakaharap sa araw habang pinagmamasdan ito, samantalang si Laot ay nakatungo at mayroong iniisip. Pumaling pakaliwa si Jangsoo kay Laot at si Laot naman ay pumaling pakanan mula sa pagkakatungo sabay tunghay. Aksidenteng nagkahalikan sila. Parang saglit na tumigil ang mundo nila...)

Jangsoo paumanhin hindi ko iyon sinasadya... namula naman mukha nito at di makapagsalita. Dahil doon umalis na lang ito at nagtatakbo.

Nang makita ko iyon sinundan ko si Jangsoo papunta sa silid nya, at napansin naman agad ako nya at pinaupo sa kanyang tabi. Sabay sabing napakasaya ng araw na ito ako at si Laot nagkadait ang labi, bagamat saglit lang iyon...iyon ay tunay na kay tamis bagamat kaarawan ko ay kaytagal pa tila natanggap ko ng maaga ang pinakamatamis na regalo. Sabay alis ko ngunit nagpaalam naman ako.

Binibini ako'y lilisan na at naalala kong mayroon pa akong gagawin.

Sige nauunawaan ko, yan naman tugon nyang may ngiti sa labi natila sinasariwa ang mga pangyayaring nakalipas.

Nais kong umiyak ngunit ni luha ay walang tumulo, nais kong magalit ngunit di ko naman siya maaaring saktan.

Kung gayon tunay pala ang aking kutob siyang ang dalawa ay nagmamahalan.

Kung gayon halika at samahan mo ako sa silid niya at nais ko silang kausapin.