Chereads / BETWIN / Chapter 10 - Unnamed

Chapter 10 - Unnamed

Habang naglalakad...naglalaro sa isipan niya na maaaring may ginagawa nang himala ang dalawa

Sa isip...

Yeobeo... tama na! Yeobeo wag jan!

...pailing-iling habang naglalakad. Kaya tumigil ito ng sandali.

Ayos lang po ba kayo?

Oo, Haru! Salamat sa iyong pagaalala.

Tayo nang magpatuloy.

Sa Palasyo...

Kinabukasan...katulad ng araw ng paggagayak nina Laot sa dagat pabalik ng Dalhaebyeol at araw na ang Reyna at Hari ay naglakbay patungong Baganhi.

Inubo si Tabak ng dalahit na at sumuka ng dugo!

Kamahalan...ayos ka lang ba? Ako'y lubos na nagaalala sa inyo.

Oo, Yunuko Bin. Puntahan mo ang dakilang manggagamot at ang asawa kong si Ryeonhee pati ang anak kong si Haejung. Pagkasuri sa akin ay tsaka mo sila papasukin. Ehe,ehem! Dinadalahit pa rin ng ubo.

Nauunawan ko po, kamahalan.

Kayo munang mga katulong at Court Lady Bae ang bahala sa prinsipeng tagapagmana.

Nauunawaan ko po!

Pagalis ni Yunuko Bin, nang mapansin nilang gising ang prinsipe ay binigyan nila ito ng tubig...at sandaling maubos ito ay dagliang nakaramdam ito ng antok.

"Tila nakakadama ako ng antok at bumibigat ang aking paningin."

Tumingin ito sa mga katulong at sinabing "Anong inilagay nyo sa aking inumin habang sinasabi iyon ay humihina ang boses nito at kasabay ang pagpikit ng mga mata nito na nakatinging magaling sa mga katulong at sa Court Lady.

Nang pikit na at pansin nilang himbing na sa pagkakatulog...

Lady Bae...anong nais nyo sa aking turning kanina?

Pumunta ka sa palasyo nina Kebes at iulat nyo ang naganap.

Masusunod po!

...

Sa Palasyo nina Kebes.

Pagbungad pa lang sa gate ay ang mga kawal na mula sa bansa ng ina ni Kebes.

Pinagbuksan ng pinto ng kawal ang mga katulong...

Pagpasok ay makikita ang mga batang naglalaro sa kabilang banda ay ang mga Concubine na nagkukwentuhan at nagpapagalingan.

Dirediretso lang sila di alintana ang gulo at ingay sa paligid. Kung iyong ilalarawan ang palasyo ay napakaraming iba't ibang uri ng bulaklak, mga punong kahoy sa paligid. ang bahay ay malaki at mahaba mayroong isang baytang ang hagdan tapos may isang dipa ang layo ng pinto ng bahay(sliding door)

Kinausap ang kawal na nasalabas...

Ginoo maaari mo bang sabihin sa prinsesa na narito kami sa labas nais syang makausap.

Masusunod.

...pumasok sa loob ng bahay.

Ang silid ay madilim ngunit maliwanag sapagkat bawat sulok ay puno ng kandila. Ang prinsesa ay nakaupo at nagmemeditate...

Ina, tama na! Ayoko nang magasawa pang muli.

Hindi anak ko, kundangan ka namang hinayupak ka ang kinalantaring mo at ginawang prinsesa ay anak ng isang mangangaso. Anong mapapala mo doon? Tapos ngayon dinadala nya ang iyong binhi. Anak ko, anak ko kung alam mo lang ang kahihiyang dinulot mo sa akin...Diyos ko kung sinunod mo lang ako di ka sana nagkaganito.

Bukas na bukas rin makipagkita ka sa prinsesa ng Brunei na Prarita Pantrida Putra.

Ina!

Biglang binuksan ng kawal ang pinto at ito'y pumasok sabay sarang muli na dahilan upang mabasag ang pagtatalo ng dalawa.

Kamahalan mayroon akong ulat

Ano iyon.

Narito sa labas ang iyong mga espiya kay Prinsipe Tabak. Mukhang mayroon silang ulat.

Ulat?

Hmm...

Papasukin mo ang mga iyon!

Masusunod po! Nauunawaan ko!

Paglabas ay sinabi niya ang bagay na iyon sa mga alipin at pinapasok nya ang mga ito.

Kamahalan...nagbibigay pugay po kami sa inyo.

Kami po ay naparito upang magulat ukol sa kalagayan ng prinsipe...

Tuloy nyo lang ang inyong tinuturan at ako'y makikinig.

Kamahalan sa palagay po namin kumakalat na ang lason sa katawan ng prinsipe at may indikasyong sumusuka na sya ng dugo. Tila nanunuyo ang mga labi at maputla ang itsura.

Hmm...mainam!

Ipagpatuloy nyo lang at iulat sa akin ang bawat hakbang nya.

Opo, opo, masusunod!

Hulong at kayo'y magsihayo.

Sabay bukas ng pinto nagbow sabay tumalikod sila at dahan-dahang umalis ng pinto at paglagpas pa lamang ay sabay sara ng pinto.