Anong ipinahihiwatig mo?
Magingat ka sa palasyo, sa sandaling makapunta ka doon. Magbalatkayo ka o pinturahan mo ang iyong mukha para di mapansin ka na kamukha ka ng prinsipe.
Anong dahilan bakit mo ako tinutulungan?
Dahil nakitaan kita ng potential na maging isang mahusay na lingkod at maaaring tagapayo ng hari.
Ayun lang ba, wala ka na bang ibang pakay?
Wala na, oo wala na!
Di ako naniniwala ayon sa pagkakabigkas mo at tunog ng iyong boses mayroon kang tinatago, mamaya kausapin mo ako ng tayong dalwa lang pag tulog na ang lahat.
Sige.
Nang ang dalawa na lang ang gising...
Sige magsalita ka idepensa mo sarili mo kung hindi ka magsasalita yang hininga mo ay tiyak na malalagutan.
Napalunok na lamang ang kawal sa narinig...
Ako si Bongkang isang kawal sa palasyo kaisaisang natira sa mga nakakaalam na may kakambal ang Prinsipe Tabak inutusan ng hari na nais kang kausapin upang pasalamatan. Nang makita ko ang iyong mukha bigla kong naalala na marahil ikaw ang kakambal at yun ang nais kong kumpirmahin. Ngunit di ko inaasahan kamukha ka nya at kaboses ka pa. At naisip ko maaari kang gamitin laban sa hari.
Naku sinasabi ko na sa iyo di mo ako magagamit, kung tunay man yang sinasai mo nais ko silang makila at makasama. Kahit na patago, kahit pagsilay lang, kahit na makilala at kilalanin lang nila ako. Kaya siguro nung mamatay si Ama inabanduna na ako ng lahat. Sa kanila, sa kanila ko natutunan magmahal at ang pagmamahal ng pamilya. Kadalasan laman kami ng kalye at tumutulong sa nangangailangan kahit na kapos kami. Minsan tinatanong nga ako ni ina na bakit umuwi pa daw ako ay aalis rin kinabukasan. Ang pinuno ng gang nagturo sa akin ng pakikipaglaban, panggagamot, pagluluto, pagsisibak, at pakikipagnegusasyon sa iba'ibang lengwahe.
Ah...
Papayag akong maging tuta mo kung matatalo mo ako sa isang dwelo pagbalik natin sa Gang namin tayo ay maglalanan at kung sino masunod syang magiging tuta ng mananalo.
Hmm...gusto ko yung naisip mo, mahusay.
Sa Palasyo...
Bakas sa mukha ni Yunuko Bin ang sakit na kanyang nadarama dulot ng pagsakit ng tiyan di lang yun nagsusuka pa...
Kamahalan narito na po si Doktor So Sung Ae
Ano kumusta Doktor So ang kalagayan ni Yunuko Bin doktor?
Malubha ngunit ipainom nyo ito tuwing siya ay mapapadumi isang sulyaw pagkadumi o miske sumuka lang.
Masusunod!
Magpapaalam na po ako kamahalan.
Sige ika'y humayo.
Pagalis ni Doktor So...
Kati, Dati...bantayan nyo siya.
Masusunod.
Kayo Jun, Jin, Jan...
...biglang sumulpot ang tatlo...
Ano pong maipaglilingkod namin?
Hindi maaaring ihapag sa akin hanggat di nyo sinasabing ligtas kainin ang pagkain, ika kayo ang tagatikim at tagamasid. Si Jin ay mensahero, si Jan taga masid at tagatanong kung sino ang nagdadala ng pagkain mamaya ibibigay ko sa iyo listahan ng mga katulong ko, court lady at tauhan at si Jun ang tagatikim.
Nauunawaan po.
Hulong kayo at humayo gawin nyo kung anong nararapat.
Nauunawaan po.
Sa Sulu...
Di pa man nadaong ang sasakyan ng hari ng Dalhaebyeol ay nagsisigawan na at nagtutugtugan na roon sa sulu.
Ina bakit may piging dito sa tribo kalikasan? Sa pagkakaalam ko kasi nagpipiging lamang kung may darating na bisita, kapistahan o may kaarawan.
Oo, Atari...darating ang iyong kapatid.
Kapatid, sino ina?
Ang anak ng iyong ama sa punong babailan ns si Dalu Pagayon. Sinasabing isa raw diwata si Dalu Pagayon.
Paano nyo po naturan na marahil isa siyang diwata gayong di nyo tiyak ayon sa paraan ng iyong pananalita?
Dahil pagsilang nya kay Adlawan ay naglaho na sya na parang bula.
Umm...
Biglang pumasok si Datu Batuk Patimpalak...
Mahal ko anong inyong pinaguusapan ni Atari?
Ah wala tinanong lang nya kung bakit mayroong piging.
Hinawakan ng datu sa balikat...anak siya ay iyong kapatid tulad nina Dakila, Akur, Gahel at Dang Ay.
Sino po ba yung ina nina ate Dakila, kuya Akur, Gahel at Dang Ay?
Si Reyna Liwa Haar Putra Puh Tee ang ina ni Dakila, siya ay prinsesa ng Tsinong Timog Silangan o Thailand sa modernong panahon.
Si Reyna Wawaki Orizuji ay prinsesa ng Hapon ina ni Dang Ay Shogu tawag ay Dang Ay si Wawaki ay pinakamababa sa lahat ng prinsesa doon dahil ina nya ay ordinaryong mamamayan lang. Di ko sya inig pero upang di ito mapunta sa digmaan ay pinili ko na lamang na pakasalan ito ayon sa hiling ng ama nito.
Si Akur at Gahel ay anak ni Datu Humad Jakar Dahil aking kapatid ngunit namatay ito maging ang asawa nito dahil sa assassinasyon ngunit mastering may nagligtas sa kanyang mga anak at nagulat na lang ako sa balita na inihatid sa akin kasama ang mga sanggol. Sila ay kambal ngunit magkaiba ang itsura.
Ama bakit higit sa isa ang iyong asawa hindi isa lamang?
Balak ko magasawa ng isa lamang ngunit namatay ng maaga ang Lolo nyo ako na nagpakasal kay Liwa. Pero ang tunay na mahal ko ay si Dalu Pagayon ngunit pagkapanganak ay naglaho na parang bula makalipas ang isang linggo nakilala ko ang iyong ina si Ayali Ayu Akan prinsesa ng tribo Bakayon na nakatira rin sa Sulu.
Kung gayon malawak pala ang Sulu.
Ang Sulu ay may apat na kahariang tribo ang Kalikasan ang pinakamayaman at masagana doon ang daungan ng mga mangangalakal, ang Makan ang pinaka maganda at mapayapa, ang Bakayon ang pinakamalaki at mataong lugar at ang Baganhi ang pinakasalat ngunit ang mga tao doon ay higit na malalakas kaysa taga Kalikasan, Makan at Bakayon.