Chereads / Rewrite (Tagalog) / Chapter 22 - Grandparents

Chapter 22 - Grandparents

Chapter 21

– Arabella's POV –

"Dahil sa nangyaring ito. Si Charlee, Margot, at Destiny ay 2 weeks suspended. Sila Saylor, Cyrus, at Heaven naman ay expulsion." Dahil doon ay agad na kinabahan ang lahat ng naroon habang ako naman ay naiiyak parin dahil pakiramdam ko ay trinaydor ako.

A Few Moments Later. . .

Nandito kaming lahat sa sala habang ako ay umiiyak at hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari. Nag-aaway ngayon sa harap namin sila Tita Made at si Dad dahil gusto ngang e-expulsion ni Dean si Heaven.

"Dad, I'm sorry." Umiiyak ding sabi ni Heaven.

"See! She's saying her SORRY!!" Malakas na sabi ni Tita Made.

"No! It's her punishment for doing such a thing!!" Sigaw din ni Dad.

"Manuel! Masisira ang buhay ng anak nating kapag hinayaan mo syang expelled!!"

"Mas masisira ang buhay nya kung ganitong kukunsintihin mo sya, Made!!"

"Dad, I really didn't do anything. I don't know what are they talking about." Nagmamakaawang sabi naman ni Heaven.

"See! It's a set-up, Manuel! Na-set-up lang ang anak mo, Manuel!!" Sigaw naman ni Tita.

"I-I'm sorry, Bell. I'm─ ─ ─ I'm really sorry." Sabi nito tapos biglang tumayo at tumakbo.

"Manuel! Your daughter is going somewhere!! Follow her!"

"No, she have to learn her mistakes." Pagmamatigas ni Dad.

"My god, Manuel. What happened to you? You're not my beloved husband now. I don't know are you now. I think I've lost my husband." Sabi ni Tita Made bago nya sinundan si Heaven. Ako naman ay wala paring nagawa.

A Few Moments Later. . .

Kakatapos ko lang magbihis at biglang may naririnig akong ingay galing sa labas ng kwarto ko. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ko para malaman kung anong nangyayari at nagulat ako ng makita ko si Heaven na umiiyak parin at may dalang maleta.

"Heaven, anong nangyayari?" Takang tanong ko at pinigilan sya.

"Bell, I'm really sorry. Hindi ko talaga alam kung ano yung binibintang nila sa akin. Pero, sana paniwalaan mo akong wala talaga akong kinalaman doon." Sabi nya habang umiiyak parin. Yumakap ito sa akin at saka nya itinuloy ang pagbitbit sa gamit nya.

"Heaven, sandali lang." Pagpigil ko sa kanya at hinawakan ang braso nya. "Saan kayo pupunta? Wag kayong umalis." Nagmamakaawa kong sabi.

"Anak, let's go." Biglang sulpot ni Tita Made. Kinuha nito ang gamit ni Heaven at humarap sa akin. "Take care, Bell. And please, take care of my husband." Sabi nito bago kami iniwan ni Heaven.

"Made, please, pag-usapan muna natin to. Isipin mo naman ang mga bata." Nagmamakaawang sabi ni Dad pero wala syang narinig na salita kay Tita Made. Habang ako ay tulala parin dahil sa mga nangyayari sa buong paligid ko.

"Let's go, Heaven." Sabi ni Tita tapos hila ng marahan kay Heaven. Wala man lang itong pagkakataong makapagpaalam kay Dad. Si Dad naman ay pilit silang pinigilan pero ayaw talaga magpaawat ni Tita Made.

"Dad, hayaan mo muna sila. Baka gusto lang magpalamig ni Tita Made." Sabi ko tapos pinigilan na syang habulin ang umandar nang sasakyan nila Tita. Sya naman ay napaupo nalang sa sariling nga paa dahil sa panglulumo. Ako naman ay niyakap nalang sya at pinilit na pumasok sa loob ng bahay.

KINABUKASAN. . .

– Devin's POV –

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Levi sa kwento sa kanya ni Brigitte.

"Grabe naman pala ang naging epekto non sa kanila." Parang naawang sabi ni Noah.

"Dapat lang talagang e-expulsion yon si Heaven. Biruin mo, muntik na nyang mapatay ang kapatid nya tapos ganyan pa ang ginawa nila? Huh, ibang klase! Hindi ako makapaniwala!" Inis na sigaw ni Brigitte.

"Pati si Margot! Akala ko kaibigan natin sya, tapos pareho lang pala sila ni Heaven." Sabat naman ni Reggie.

"Guys, tumigil na nga kayo. Malay nyo may malalim lang na dahilan yung dalawa. At tyaka, wala naman tayo doon nung nagpaliwanag silang lahat kaya wag nyo muna silang husgahan kasi hindi nyo pa naman alam yung dahilan nila." Sabi naman ni Anna.

"Tama si Anna. Wag na muna tayong dumagdag sa isipin ni Bell." Singit ko sa kanila kaya natahimik naman silang lahat.

'Siguro dahil masyado akong seryoso.'

– Arabella's POV –

Lumipas ang ilang araw at naging malungkot ang buong bahay. Kahit na palaging bumibisita doon sila kuya ay parang may kulang parin sa buong bahay. Lalong nagiging malungkot kapag kami lang talaga ni Dad.

Kasabay ng lungkot ay ang inis dahil sa palaging pambubully ni Destiny sa akin simula noong bumalik sila sa school. Totoo nga ang teyorya ni Tita Made, na set-up nga si Heaven dahil inaamin naman iyon ni Heaven.

Nandito ako ngayon sa hallway at walang tao dito dahil nasa klase na ang lahat. At ako naman ay nagpaalam na may kukunin lang sandali. Kamalas-malasan ko namang nakasabulong ko si Destiny dito.

"Hey, Bell." Bati nito sa akin. At doon palang ay alam ko nang may gagawin o may sasabihin nanaman itong hindi maganda sa akin.

"Ano nanaman bang kailangan mo sa akin, Destiny?" Masungit kong tanong pero sobrang seryoso nito at parang gusto akong kalbohin.

"I heard that Devin is courting you now. You didn't pay attention to my warning to you. Do you want me do something that can bring you really down?" Pananakot nito sa akin.

"Tigilan mo na ako, Destiny. Baka sa kakabanta mong yan, ikaw na talaga ang lumubog at hindi ka na makabangon pa ulit." Sabi ko tapos iniwan na syang mag-isa sa hallway.

A Few Moments Later. . .

Pauwi na ako at nagtext sa akin si Dad pero hindi ko na nabasa iyon dahil nagmamadali kami nila Kuya. Sinundo nya kasi ako ngayon at gusto din sana akong ihatid ni Sensei pero may practice sila at ayon nga, sinundo ako nila kuya.

Pagdating namin sa bahay ay maraming bagahi sa harap ng bahay at naging excited ako kasi akala ko umuwi na sila Tita Made. Agad akong pumasok at sumigaw pa ako para tawagin si Heaven.

"Heaven!" Excited kong sigaw habang nakangiti pa. Pero imbis na si Heaven ang lumabas ay si Dad ang lumabas sa kung saan. "Dad, umuwi na ba sila Tita Made?" Ngiting-ngiti kong tanong. Pilit-ngiti itong umiling na ipinagtaka ko.

"Pero, bakit ang dami pong bagahi?" Tanong ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa mga bagahing naroon. At may biglang pumasok sa utak ko. "Dad, wag mong sabihin iiwan mo din ako dito?" Agad kong tanong sa kanya. Napakunot naman ang noo ko dahil bigla itong natawa.

"Hindi ako aalis. May dumating lang tayong bisita, sayang nga lang at wala dito ang mga kapatid mo, paniguradong matutuwa ang mga iyon." Malungkot nyang sabi. Hinawakan ko ang balikat nya at nagsalita.

"Dad, wag kang nang malungkot. Maayos din natin tong problema natin. Sa ngayon, ano bang meron dito?" Tanong ko at ibinalik ang tingin sa mga maletang naroon.

"Manuel..." Biglang tawag kay Dad ng kung sino. Agad kaming napaharap doon at bumungad sa akin ang dalawang matandang muhkang mag-asawa.

"Dad, Mom, this is Bell." Nakangiting sabi ni Dad tapos nginitian ako. Ako naman ay ngumiti lang akmang lalapit sa kanila ang magsalita yung matandang babae na muhkang lola ko.

"Sya pala ang bastardo mong anak?" Mataray na tanong nito tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You look so happy na nawala dito ang pamilya ng daddy mo. You're just like your mother, you're a troublemaker." Mataray at madiin nyang sabi.

"Excuse me." Biglang singit ni Kuya. "Yes, we're just the bastards of this family but, we can live our own. We can provide our own needs, we don't need you as our grandmother."

"Kuya..." Saway ko sa kanya dahil biglang sumama ang muhka noong matanda.

"Huh! Magkapatid talaga kayo." Sabi naman nung lolo ko.

"Mom, Dad, tumigil na kayo, please. Wag nyo namang bastusin ang mga anak ko sa mismong harap ko." Sabi naman ni Dad. "Pumasok na kayo, malapit na ang hapunan." Sabi ni Dad at hinawakan ang balikat ko. "Wag mo nalang intindihin ang sinabi ng lola't lolo mo." Bulong nito sa akin tapos ngumiti. Ako naman ay tumango nalang sa kanya.

A Few Moments Later. . .

"They are close." Sagot ni Dad sa tanong ni Lola.

"I hate seeing my grandchildren crying because of your bastard daughter." Sabi ng lola ko.

"Mom, stop." Pagpigil sa kanya ni Dad.

"I heard that you're graduated now. What do you want to take in college?" Biglang tanong ni Lolo. Hindi ko alam pero muhkang si Kuya ang tinatanong nya.

"I'm already graduated in college. I'm a doctor now." Sagot naman ni kuya. Hindi nagyayabang, pero hindi din nagpapakababa.

"Really? How about you?" Tanong sa akin nang lola namin.

"First year, senior high school palang po ako. Pareho po kami ni Heaven." Sagot ko naman sa kanya. Tumango-tango ito at hindi na ulit nagsalita.

"Arabella is not going to be Sai." Biglang singit ni Kuya. "She's going to our heir." Dagdag nya pa.

"We don't care if she's a Sai or a Romero. It's doesn't matter to us. And, we don't want her too, to be a Sai. She's a shame for our name."

"Mom! That's it! You're in my house, if you disrespect my children in my own house, you're disrespecting me too." Galit na sigaw ni Dad.

"Ano ba kasing nangyari at biglang nilayasan ka ng asawa mo? Masayang-masaya kayo noong huli naming uwi tapos ngayon, uuwi kaming mga anak mo na sa labas ang kasama mo?!"

"Mom!"

"Fix your own mess, Manuel!"

"Tama na po." Singit ko. "Ako po ang may kasalanan kung bakit nangyari to. Ako nalang po ang aayos ng problemang to." Sabi ko tapos nagpaalam sa kanilang aakyat na nang kwarto ko.

'Nakakapagod na kasing makipagbangayan.'

- To Be Continued -

(Tue, August 3, 2021)