Chereads / Rewrite (Tagalog) / Chapter 19 - She's back

Chapter 19 - She's back

Chapter 18

- Arabella's POV -

Makalipas ang ilang araw ay makakalabas na ako ng ospital. Palagi din akong binibisita ni Heaven at masasabi kong natural na ang samahan namin. Yung wala nang galit sa isa't isa.

Palagi din akong binibisita ni Daddy at nila kuya kaya hindi ako nabo-boring doon. Pumupunta din doon si Martin minsan pati narin sila Brigitte pagkatapos ng school.

"Ano, ready ka na bang umuwi?" Tanong sa akin ni Heaven.

"Oo. Excited na nga ako, ehh." Nakangiting sabi ko.

"Wait, dito muna kayo. Kukunin lang namin yung car." Sabi ni kuya tapos sabay silang umalis ni Kuya Chase. Kasama sila sa akin sa paghatid sa bahay, pati na rin yung si Ryan.

"Ryan, bakit ang tahimik mo. May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. May iniisip lang." Sabi nya tapos ngumiti. "Sigurado ka bang wala nang masakit sayo? Ano, gusto mo bang bisitahin ka namin palagi sa bahay nyo?" Tanong nya. Umiling muna ako bago sumagot.

"Wag na. Ok na nga ako. Tyaka papasok na din ako sa susunod na araw. Alam na yon ni Dean kaya wag ka nang mag-alala sa akin dahil talagang magaling na ako." Nakangiting kong savi habang nakaakbay sa kanya. Bigla din namang dumating ang sasakyan.

"Baby girl, let's go." Sabi ni kuya Chandler tapos inalalayan akong makapasok sa loob ng kotse. Nang makapasok ako ay ganon din ang ginawa nya kay Heaven.

"Naku, excited na excited na yung mga kaibigan mong makita ka." Sabi ni Heaven habang nakangiti.

"Ako din naman. Hayaan mo na, susurprisahin ko nalang sila." Nakangiting kong sabi sa kanya.

"Excited sila, ehh, palagi naman silang dumadalaw." Sabi ni kuya Chase.

"Hayaan mo na. Ganon lang talaga ang mga kaibigan ni Arabella." Sabat ni Ryan.

"Ok, fine." Sabi nya tapos tumahimik nalang. Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay. Pagdating namin ay nandoon si Tita Made at may mga pagkain na ding nakahanda.

"Pumasok na kayo." Sabi ni Dad tapos pinapasok na kaming lahat sa loob. Nang makapasok kami ay nagsalo-salo kami saglit dahil may pasok pa sila Dad. Ako naman ay nagpahinga nalang sa kwarto para makapasok na talaga ako ng maayos.

Pagkapasok ko ng kwarto ay tinignan ko ang sugat ko kung magaling na ba talaga iyon. May kunti pa itong peklat pero talagang maayos na ito. Binigyan din ako ni kuya ng ointment para hindi mag-iwan ng marka ang sugat na yon.

Dahil ilang araw ko ding hindi na buksan ang phone ko ay napag-desisyonan kong buksan ito ngayon na. Isinaksak ko muna ito para mag-charge at saka ako nahiga. Pagbukas na pagbukas palang ay ang dami na agad na tumambad sa aking mensahe galing sa mga kaibigan ko.

Yung iba galing kay Sensui. Dahil mas marami ang kanya ay inuna ko munang basahin lahat ng sa mga kaibigan ko dahil hanggang ngayon ay may iba pang dumating na mensahe galing sa kanya.

'Bell, kailan ka papasok? Text mo kami, ha?'

'Bell, I miss you na!!! Stop me!! Text mo kami, ha?'

'Hi Bell, I hope pagaling ka na.'

'Bell, My god. Magaling ka na ba? Papasok ka na ba? Sabihin mo lang. Nakakai-stress ang project na yon, sayang wala ka. Sana nai-stress ka din. Joke! Love you, Bell. Pasok ka na, Wait ka namin.'

Ayan ang iba sa random text sa akin nila Brigitte. Nagtext din sa akin sila Noah at Levi pero mas madani parin sang text ni Sensui sa akin kahit pinagsama-sama na ang mga text nilang lahat.

Dahil bigla akong dinapuan ng antok ay itinabi ko muna ang phone ko at hinayaan iyong mag-charge. Hindi din naman nagtagal ay nakatulog na agad ako at nang magising ako ay gabi na.

Tumayo na ako para maglinis at paglabas ko ng banyo ay kinuha ko ang laptopp ko para magsulat ng email para kay babu. Alam ko namang hindi nya mababasa iyon dahil hindi ko din naman sini-send.

'Dear Babu,

Kumusta ka na? Alam mo bang galing ako ng ospital? Hindi kasi ako nag-iingat, ehh. Gusto ko lang namang protektahan yung kapatid ko. Ayoko lang na may g*gong umapisa kanya. Wag kang mag-alala, magaling na ako. Magaling na ang sugat ko at sobrang ok na din kami ni Heaven. Palagi ko ding kasama ang mga kuya ko at si Ryan. Namimiss ko nang mag-aral, namimiss ko na ang mga kaibigan ko kahit alam kung bumibisita naman sila palagi.'

Natigil ako sa pagsusulat ng biglang may kumatok. Pagkatapos ay bumukas iyon at iniluwa ng pintuan si Daddy. Nakangiti ito habang may dala otong parang tinapay. Tapos naupo ito sa harap ko.

- Third Person's POV -

Nasa kalagitnaan ng paglalakad si Madeline ng mapadaan sya sa kwarto ni Bell. Aksidente nyang nakita ang asawa nyang nakaupo sa harap ng anak nito at tila masayang nag-uusap.

"Namimiss nyo po ba si Mama?" Biglang sabi ni Bell kaya napakunot ang noo nya.

"Hmm..." Sagot ng asawa nya na ikinagulat nya.

"Bakit po ba kayo naghiwalay?" Tanong pa ni Bell.

"A... Ayaw sa kanya ng lolo't lola mo. Para sa akin, ayokong iwan ang mama mo kasi dati na syang nawala. Pero gumawa nanaman syaa ng desisyon na hindi ako kasama." Malungkot na sabi ni Manuel. Lingid sa kaalaman nilang dalawa na naroon sa may pinto si Made. "If I can go back to that time, pipigilan ko ang mama mo. Hindi na sana ako pumayag na pumunta ng America para nalaman ko ang plano nila. S-Sana hindi kayo nahiwalay sa akin ng kuya mo, s-sana buhay pa sya." Malungkot na sabi ni Manuel. Si Made naman ay hindi na napigilan ang luha dahil sa kanyang narinig.

"Pero... Naging kami ang kasama nyo, hindi po kayo magiging masaya." Nakangiting sabi ni Bell. "Sana po wala kaming kapatid. Walang Martin at Heaven." Nakangiting sabi pa ni Bell. Nakangiti namang tumango si Manuel sa kanya, tanda ng pagsang-ayon.

"You're right." Nakangiting sabi ni Manuel. "Matulog ka na para may lakas ka bukas." Sabi nya sa anak nya, ngumiti at tumango naman sa kanya si Bell. Bago pa man makalabas ng kwarto si Manuel ay nauna nang unalis si Made.

Nang lumabas si Manuel ay naghanda na sa pagtulog si Bell. Habang si Made naman ay pumunta ng kusina at kumuha ng wine doon, at si Manuel ay dumiretso sa office nya sa kanilang bahay.

KINABUKASAN. . .

- Devin's POV -

Lahat sila ay naroon sa kanilang tambayan. Bukod kasi sa The Barb, may iba pa silang tambayan at nasa loob lang iyon ng school. Doon sila tumatambay kapag may free time sila.

"Kumusta na si Bell?" Biglang tanong ni Brigitte. Naging alerto ang tenga ko at awtomatiko itong nakinig sa usapan nila.

"I heard she's ok now." Sagot ni Levi.

"I heard nakalabas na din sya kahapon." Sabi naman ni Noah. Alam kung nakalabas na nga si Bell dahil pumunta ako doon para bisitahin sya pero wala na akong nadatnan doon.

"Papasok na ata sya, ehh." Biglang sabi ni Anna kaya agad akong napaharap sa kanila.

"When?" Mabilis kong tanong. Lahat naman sila ay nakangisi sa akin kaya agad akong umisip ng excuse. "M-Matagal na din kasi syang hindi nakakapasok. Marami na syang namissed na subjects." Pagpapalusot ko.

"Yon lang ba talaga?"

"Oo nga, Devin? Yun lang ba talaga?" Pang -aasar ni Brigitte at Reggie sa akin. Nag-iwas nalang ako ng tingin. "Pero namimiss ko na sya." Biglang sabi pa ni Brigitte.

"Kami din." Sabat ni Margot.

"Lahat naman tayo, ehh." Sabat ulit ni Reggie. "Hindi ko nga sya ma-contact kagabi, ehh." Sabi pa nya.

"Baka busy." Sabat ni Brigitte.

"Namimiss nyo na talaga sya? Ayon, ohh." Sabi ni Noah. Napatingin kaming lahat sa ininguso nya at agad na napasigaw ang mga kaibigan ni Bell.

"Bell!!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito tapos agad na lumapit kay Bell. Ako naman ay nakatitig parin sa kanya na parang hindi parin makapaniwalang nasa harap ko na sya.

"Hi, Levi, Noah." Sabi nya tapos ngumiti sa mga kaibigan ko. "Hi, Devin." Sabi nya sa akin pero ako ay tulala parin sa kanya.

"Ayy, tulala yarn?" Nang-aasar na sabi ni Reggie na sinundan ng mapanuksong ngiti at ingay.

"Hi, Bell." Sa wakas ay naibuka ko na rin ang bibig ko. Nakangiti sya ngayon sa akin tapos nagtinginan lang kami ng mata sa mata.

"Baka matunaw nyo ang isa't isa nyan." Pabirong sabi ni Reggie.

"Hayaan nyo na. Muhkang sabik na sabik sa isa't isa, ehh." Mapanukso ring sabi ni Brigitte.

"Kumusta?" Tanong sa akin ni Bell.

"I'm fine. Ikaw, kumusta na yung sugat mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ok naman na. Kailangan na lang lagyan ng ointment para mawala yung bakas." Sabi nya sa akin. Agad naman kaming natawang dalawa.

"Pumunta ako kahapon sa ospital para bisitahin ka at si Kuya. Kaso, wala ka na daw doon." Sabi ko sa kanya.

"Sorry, hindi ko alam na pumunta ka pala." Sabi nya habang makikitaan mo din ng guilt.

"Ok lang." Sabi ko at ngitian sya.

"Oh! My! God! Stop mee!!!" Malakas na sigaw ni Brigitte.

"Anong ginagawa nya dito?" Sabi naman ni Anna. Napakunot ang noo ko at agad akong napaharap sa tinitignan nila at maging ako ay maging ako ay nagulat din. Kunot-noo ko syang pinanood na lumapit sa amin.

"Hi, babe. I'm back." Malanding sabi nito at akma nya akong bebesohan pero umiwas ako sa kanya.

- To Be Continued -

(Wed, July 28, 2021)