Chereads / Rewrite (Tagalog) / Chapter 17 - Another Half Sibling

Chapter 17 - Another Half Sibling

Chapter 16

- Arabella's POV -

Gabi na ngayon at inihintay kong tawagan ako nila kuya. Hindi ko alam pero nagagalit ako ngayon kay Ryan. Para nya kasi akong trinaydor na hindi ko alam.

Dahil hindi na ako makatiis, tinawagan ko na si Ryan. Wala akong pake kung natutulog na sya o ano dahil gustong-gusto ko talaga syang nakausap.

"Hey, baby girl."

"Baby girl mo muhka mo. Anong pinakain mo sa kapatid ko, ha?"

"Huh? Anong sinasabi mo dyan?"

"Wag kang mag-maang-maangan."

"Wala nga akong alam sa sinasabi mo."

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko tapos binabaan sya. Tapos agad kong tinawagan si Kuya.

"Hmm? What do you want?"

"Kuya, si Ryan?"

"Hmm? What happened to that *ssh*le?"

"Tingin ko kasi may gusto sa kanya si Heaven."

"Who's Heaven?"

"She's our half sister---"

"What?! Tell me, what happened?"

"Kasi, kanina, nagtatanong si Heaven about kay Ryan. Kuya, natatakot ako para kay Heaven. Alam mo namang babaero yan si Ryan, ehh."

"Shhh... It's ok. Ako nang kakausap kay Ryan. Goodnight."

"Ok, goodnight." Sabi ko tapos binabaan na nya ako. Ako naman ay medyo nakahinga na ng maluwag dahil sa narinig ko kay Kuya.

KINABUKASAN. . .

Nag-uusap kaming lahat ngayon ay nagkakatuwaan kami nila Sensui. Ganito kami araw-araw palaging kaming magkakasama kahit sa lunch break ay magkakasama parin kami.

"Nasaan si Reggie?" Tanong ko dahil napansin kong wala ito dito.

"Pinatawag kasi kanina yon ni Dean. Hindi pa nga nakakabalik, ehh." Sagot ni Brigitte sa akin.

"Baka may iba pang pinuntahan?" Sabat ni Anna.

"Baka nambabae?" Sabat ni Levi.

"Baka nanlalaki?" Natatawang sabi ni Kyle.

"Oyy, grabe kayo kay Reggie, ha?" Nakangusong sabi ni Brigitte.

"Teka, ayon na sya, ohh." Biglang sabi ni Noah. Napalingon kami doon at ayon nga ito. Kasama nya pa si Ysay at si Hunter.

"Ohh, bakit ang tagal mo naman?" Tanong agad ni Brigitte sa kanya ng makalapit sya sa amin.

"Pinatawag nga kasi nako ni Dean. By the way, pinapatawag kayo ni Dean. Pumunta na daw kayo ngayon doon sa office nya." Sabi nya sa amin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Sensui.

"Bakit daw?" Tanong ko kay Reggie.

"Aba'y malay ko. Baka may ginawa nanaman kayong kasalanan."

"Wala kaya!!" Sabay naming tanggi ni Sensui.

"Edi, wala." Sabi nya tapos pabirong umirap.

A Few Moments Later. . .

"Dean, wala po kaming ginawa."

"Baka po yan may ginawa."

"I promise, I didn't do anything."

"Children, children, kalma." Nakangiting sabi ni Dean. "Hindi naman kayo pinatawag kasi may nagawa nanaman kayong kasalanan, pinatawag ko kayo kasi gusto ko kayong i-congratulate." Sabi nya habang nakangiti parin. "Dahil dyan, bibigyan ko pa ulit kayo ng isang project." Nakangiti parin nyang sabi.

A Few Moments Later. . .

"Sige. 7am bukas, ha? Wala namang pasok, ehh. May isang araw lang tayo para gawin to kaya salamat sa tulong nyo." Sabi ko sa kanila. Nagsabi kasi silang gusto daw nilang sumali sa amin ni Sensui. Agad din naman kaming pumayag dahil muhkang hindi din naman namin kaya iyon ng kami lang.

"Sige, mauna na kami. May practice kami ngayon, ehh." Sabi ni Levi.

"Sayang naman. Wala pa namang pasok si Bell." Nakangusong sabi ni Brigitte.

"Ahh, sige na. Magkikita pa naman tayo bukas, Brigitte." Sabi naman ni Anna.

"Oo nga naman." Sabat naman ni Reggie.

"Sige na, umuwi na tayo. Susunduin ako nila kuya." Sabi ko tapos nauna nang maglakad.

"Bye, papa Levi." Sabi ni Brigitte bago ko naramdaman ang pagsunod nila. Maya-maya lang ay biglang may sumigaw. agad kaming napaharap doon at nakita kong si Heaven ang sumisigaw at may lalaking papalapit sa akin. Parang hinoldap nya yung bag ni Heaven.

Agad naging alisto ang katawan ko at nang malapit na sya sa akin ay pasimple kong inilagay sa dadaanan nya ang paa ko. Si Heaven ay sigaw parin ng sigaw at umiiyak na. Tama nga ang naging kilos ko dahil napatid at nadapa ang lalaki sa mismong harap ko.

"Reggie, lumayo kayo!" Sigaw ko sa kanila na mabilis naman nilang ginawa. Nilingon ko sila saglit at napatingin ako sa bag na nabitiwan ng lalaki. Kay Heaven nga ang bag na iyon. Bago pa man sya makatayo ay kinuha na nya ang bag at hinarap ako.

"Ano bang problema mo, ha?" Maangas na tanong nang lalaki. "Panira ka ng diskarte, ehh." Maangas parin nyang sabi. Biglang itong naglabas ng balisong at pinaglaruan nya pa sa kamay nya.

"Arabella, hayaan mo na yan!" Sigaw sa akin ni Heaven.

"Oo nga, Bell. Baka mas*ks*ak pa nyan!" Sigaw pa ni Brigitte.

"Ano, miss? Makinig ka nalang sa mga kaibigan mo. Sayang ka, maganda ka pa naman. Tapos m*m*t*y ka lang ngayon." Nakakadiring ngumisi ito at tinignan ako mula sa ulo hanggang sa paa. Ngumisi din ako sa kanya bago ako nagsalita.

"Akin na yang bag." Mahinahong kong sabi.

"Bakit? Gusto mo to? Kunin mo sa akin." Natatawang sabi nya tapos iwinagayway pa sa harap ko ang bag ni Heaven. Mabilis ang naging kilos ko at bigla kong hinampas ng braso nya at agad nyang nabitawan ang bag ni Heaven.

Nabitawan na din nya ang balisong nya at nagpaikot-ikot nalang sa lupa dahil sa pamimilipit ng kamay nya. Agad kong kinuha ang bag ni Heaven na nahulog sa lupa. Tumayo ako at pinagpagan ang bag nya bago ako naglakad papunta sa gawi nila at ibinigay sa kanya ang bag nya.

"Next time, hawakan nyong mabuti yong mga bag nyo. Ang gaganda nyo nga, hindi naman kayo marunong mag-ingat." Sabi ko tapos kinuha na ni Heaven ang bag nya.

"Bell!" Biglang sigaw nila Brigitte. Dahil sa inakala kong sinugod sila ay agad akong humarap at pagkaharap na pagkaharap ko pang ay may kung anong bagay ang bumaon sa tagiliran ko. Yung lalaki iyon.

Sumama ang muhka ko dahil masakit iyon. Daplis lang naman pero nasisigurado kong masakit iyon. Agad ding kumilos ang lalaki at akmang tatakbo ay bigla kong kinuha ang gamit na malapit sa akin at ibinato ito sa lalaki at agad itong nawalan ng malay. Librong makapal pala kasi ang naibato ko sa kanya.

"Bell!" Sigaw ng mga kaibigan ko at ni Heaven. Tapos bigla ding sumulpot sila Devin at biglang ko nalang namalayang naging itim na ang lahat.

- Devin's POV -

"Naririnig nyo ba yon?" Biglang sabi ni Noah. Napatigil kami sa paglalakad at narinig na din namin ang sinasabi nya. Naglalakad kasi kami papunta sa covered court.

"Is that scream?" Tanong naman ni Levi. Nagkatinginan kaming lahat at mabilis na tumakbo papunta doon hanggang sa nahanap namin ang pinaggalingan ng sigaw. Naroon sila Heaven, sila Brigitte, isang lalaking walang malay at si Taguro'ng may sugat sa tagiliran.

"Bell!!" Malakas kong sigaw at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Mabuti nalang ay nasalo ko kaagad sya. "What happened?!" Galit kong sigaw sa kanila. Napaharap ako sa lalaking parang balak pang tumakbo. Agad ko itong inapakan sa kamay. "Wag mong subukang tumakbo dahil hindi ka namin bubuhayin kapag nakita ka namin ulit." Galit kong sabi sa lalaking iyon.Bigla ding dumating ang mga kuya ni Bell at mabilis na inagaw sa akin ni kuya Billy si Bell.

"What happened to my sister?!" Agad ding sigaw ni kuya Billy sa akin.

"I don't know!" Sigaw kong sagot.

"Ryan, call an amb*lance!!" Sigaw ulit ni kuya Billy. Napatingin kami sa kanya at nakatingin lang sya kay Heaven. "Ano ba! Tigilan mo nga si Heaven!" Sigaw pa ni kuya Billy.

"Tumawag na kami, k---" Bigla namang dumating yung police at amb*lance at mabilis naman syang isinakay ni kuya Billy sa sasakyan.

"Devin, what's happening?" Tanong sa akin ni Heaven.

"Shut upp!!" Galit ko paring sabi. "Levi, bilisan nyo!! Susunod tayo sa ospital!" Galit ko paring sabi na mabilis din naman nilang sinunod.

- Heaven's POV -

Masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari. masyado kasing mabilis ang lahat ng pangyayari. Sinabi kasi ng lalaking iyon kanina na kapatid nya si Bell. Sinabi din ng lalaking iyon ang pangalan ko na parang kilala na nya ako.

Mabilis kaming sumunod sa ospital at agad ko ding tinawagan si Dad about sa nangyari. Katulad ng inaasahan ay nagalit din ito katulad nila Devin at yung apat pang lalaki. Nasa loob kaming lahat ngayon ng kwarto ni Bell. Mabuti nalang at daplis lang ang sugat nya.

Maya-maya lang ay dumating na sila Daddy at nakahinga ng maluwag si Dad dahil walang nangyari sa anak nya. Nang makita nya kaming lahat ay nagulat sya. Ang dami kasi namin masyado at hindi na sumama sila Charlee at Saylor dahil may gagawin pa daw sila.

"Pwede na kayong magsi-uwi, mga bata. Ok na si Bell." Nakangiting sabi ni Daddy. Nang magsitayuan sila ay bigla namang nagising si Arabell.

- Arabella's POV -

Nang magising ako ay nandoon sila Sensui at sila Brigitte. Kasama sila Dad, Heaven, at Tita Made. Tinignan ko pa ang buong paligid ko kung nandoon ba sila kuya pero wala akong nakitang presensya nilang tatlo.

"Nasaan po sila kuya?" Agad kong tanong kay Dad.

"Anong kuya?" Naguguluhan at kunot-noong tanong nya sa akin.

"Sila kuya po." Sabi ko sa kanya.

"Pero, Arabella, wala ka namang kuya. Anong sinasabi mo?" Naguguhan din sabi ni Tita Made.

"Labas lang po kami." Paalam nila Sensui tapos lahat sila lumabas, maliban lang kay Heaven.

"Pero---" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng biglang pumasok sila Kuya. Napakunot agad ang noo ng mga ito dahil sa nadatnan nila.

"Pinapagalitan nyo ba ang kapatid ko?" Kunot-noong sabi ni Kuya. "Sino ba kayo para gawin nyo yan, ha?" Tanong nya pa.

"Ikaw, sino ka? Anong kapatid?" Naguguluhang tanong ni Dad.

"Ahh... Dad, ganito po kasi yon." Sabat ko. Ipinaliwanag ko sa kanila at nagulat sila dahil sa nalaman nila.

'Ako din naman nagulat ng malaman kong may kapatid pa pala ako.'

- To Be Continued -

(Sat, July 17, 2021)