Chapter 12
- Third Person's POV -
Nasa loob parin sila ng study room habang pareho silang busy ni Taguro at gumagawa ng project nila na gagawin at ipre-present nila sa Monday. Napatigil lang si Taguro ng may nagtext sa kanya.
Nang tignan ito ni Bell ay nakita nyang ang tatlong kuya nya ito, si Ryan, at si Brigitte. Hinahanap na sya ng mga kuya nya, si Brigitte naman ay sinabing naroon ang mga kaibigan ni Devin. Habang binabasa nya ang text nito ay hindi nya mapigilang matawa.
Kahit kasi sa text ay ganon parin ito. Napansin naman ito ni Devin at agad na napakunot ang noo nya. Napabuntong-hininga ito bago sya tumayo at tumabi sa kinauupuan ni Bell. Si Bell naman ay nagulat dahil sa biglang paglapit at pagtabi sa kanya ni Devin.
"Gumagawa tayo, ohh. Focus naman, ohh." Sabi nya. Tapos biglang sinilip ang phone ni Bell pero naiwas agad ni Taguro ito.
"Focus naman ako, ahh?" Sagot naman ni Bell.
"Sino ba yung kausap mo?" Tanong pa ni Sensui.
"Si Brigitte lang." Pagsisinungaling nya.
"Bakit parang sa tono mo, hindi lang si Brigitte ang kausap mo?" Tanong pa ni Devin habang pinanliliitan ng mata si Taguro.
"Ano bang pakialam mo?" Tanong naman ni Taguro.
"Fine. Basta mag-focus ka nalang." Pagsuko nya. Alam kasi nyang kahit anong gawin nya, hinding-hindi nya matatalo ito.
"Tsk. Oo, hindi lang si Brigitte ang kausap ko." Biglang bawi ni Taguro. Dahil pabalik na sana si Sensui sa upuan nya kanina, muli syang naupo sa tabi ni Taguro para tanungin ito. Ulit. "Si Daddy pa ang kausap ko. Tapos si Ryan at yung dalawa kong pinsa at yung kuya ko."
"May kuya ka pala?" Tanong nanaman ni Devin.
"Oo. Kaibigan pala ni Ryan yon." Natatawang sabi ni Taguro.
"Ano mo ba yung Ryan na yon?" Kunot-noong tanong ni Sensui. Taka naman syang nilingon ni Taguro. "Ahm... Lagi kasi kayong magkasama."
"Bodyguard ko." Biglang sagot ni Bell.
"Bodyguard?" Takang tanong ni Devin.
"Pinababantayan kasi ako ng kuya ko sa kanya. Takot kasi yung kuya kong mawala ako ulit." Natatawang kwento ni Bell.
"Ang sweet pala ng kuya mo." Mapait na sabi ni Sensui.
"S-Sorry. Nasa ospital nga pala ang kuya mo, ano?"
"Yeah. He's in coma." Malungkot na sabi ni Sensui.
"Bakit nga ba sya naospital?" Tanong pa ni Bell.
"It's a long story." Mahinang sabi ni Devin. Parang maiiyak nanaman sya dahil naisip nanaman nya ang nangyari dati.
"Cheer up, Devin." Nakangiting sabi ni Taguro. Pilit namang ngumiti si Sensui tapos nag-aalangan man ay pilit na hinawan ni Taguro ang balikat nya para pagaanin ang loob nya.
- Arabella's POV -
Lumipas ang ilang araw ay maayos namang naming napresent ang project. Masaya na din ang buong school dahil naging maayos na din ang naging trato ni Devin sa lahat. Wala nang mataas at wala nang mababa. Lahat magkakaibigan na.
"Oyy, good morning!!" Malakas na sigaw ni Brigitte. Kakaway na sana si Reggie at yayakap kay Brigitte ng biglang lumapit ito kay Levi. Si Reggie ay napangiwi dahil doon.
"Yakapin mo nga ako, Anna." Nag-iinarteng sabi nya. Natawa nalang kami ni Anna sa kanya.
"Master, baka matunaw si Madam Anna nyan." Malakas na sabi ni Kyle.
"Kyle?!" Saway sa kanya ni Noah. Si Anna naman ay nahinang natawa naman.
"Oyy, Bell. Yung papa mo, hinahanap ka pala kahapon. At, may kasama pang tatlong pa." Sabi ni Brigitte.
"Akala ko nga ibibigay nya sa amin yung tatlo, ehh. Pero ikaw yung hanap nilang tatlo." Nakangusong sabi ni Reggie.
"Bell, alam mo bang artista si Ryan?" Tanong naman sa akin ni Anna.
"Shempre, alam ko." Sabi ko. Nagulat ako ng mapatingin ako kay Sensui ay pinanliliitan nanaman ako nito ng mata. "Ano nanamang problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala." Mabilis nyang sabi tapos nakangusong nag-iwad ng tingin. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong problema non?" Tanong ko sa kanila.
"Baka nireregla nanaman." Sabi ni Noah.
"He's jealous." Sabat naman ni Levi.
"Jealous?" Tanong ko at nilingon si Devin na nakanguso parin pero nakatingin na sa ibang deriksyon.
"Oo. May manhid kasi dito." Sabat ni Reggie.
"Manhid?" Tanong ko pa.
"Ayy, oo. Meron." Sabi pa nya. Tiningnan ko naman sila isa-isa. Tapos hinampas ko si Kyle sa balikat.
"Aray!" Angal nito.
"Hindi naman manhid si Kyle, ahh? Sino ba?" Tanong ko pa habang nagtataka parin kung sino ang tinutukoy nya.
"Wala! Basta malalaman mo din kung sino yon!" Sabi pa ni Reggie. Napakunot nanaman ang nooko at nilingon ulit si Devin. Nitong mga nakaraang araw, naging close kaming lahat.
Kapag kakain kasi ay palagi kaming magkakasama. At parang komportable na kaming lahat sa isa't isa kahit isang linggo palang ang nakalipas. Nag-uusap sila kaya nakinig nalang ako sa kanila.
"Bukas, may lakad kaming lima. Pupunta kami ng gym!!" Malakas na sabi ni Brigitte.
"Sama kami?" Tanong ni Noah.
"Girls out yon." Sagot ni Margot.
"Ok." Pagsuko ni Noah.
"Sasama ka ba, Bell?" Tanong sa akin ni Reggie.
"Oo naman." Mabilis kong sagot.
"Sama din ako!" Biglang sabi ni Devin. Napalingon naman kami sa kanya lahat. "Well... Gusto ko din lumabas, ehh. Sama nalang kami nila Noah, diba?"
"Hindi nga pwede. Girls out nga lang, diba? Bakit kayo sasama?" Masungit na sabi ko. Ngumuso nalang ito dahil natalo ko nanaman sya.
"Sige. Sure na yan bukas, ha?" Tanong ni Brigitte.
"Oo." Sagot ko naman sa kanya.
- Heaven's POV -
"Huh! Nakakainis!" Sabi ni Saylor. Taka naman kaming tumingin sa kanya.
"What the h*ll is your problem now, Saylor?" Tanong ko sa kanya.
"Look that them! That should be us!" Sigaw nito.
"Saylor, it's not our problem. And, we can be friends with them naman, ahh?" Sabat ni Charlee.
"No! Hindi ako papayag! After all I've done for project blocked, for him!?" Sigaw pa nya.
"What are you going to do, then?" Tanong ko sa kanya.
"I want her get out of this school. And if we can't do that, aalisin ko nalang sya sa mundo." Sabi nito tapos tumayo. Nagkatinginan kami ni Charlee at sabay na nilingon si Saylor.
Papalapit na ito sa pwesto nila Devin kaya agad kaming tumayo. Agad kaming sumunod at nagulat nalang kami ng biglang sunggabang ni Saylor si Arabella at hinila ito.
"Hey!!" Sigaw namin ni Charlee. Agad kaming lumapit at pinigilan si Saylor. Mabuti nalang at marami kami at mabilis naming napatigil si Saylor.
"Saylor, ano ba?!" Pagpigil namin sa kanya dahil gusto pa ulit sumugod ni Saylor.
"What is your problem?" Tanong sa kanya ni Devin.
"Sya ang problem ko!" Sigaw ni Saylor.
"Bakit? Ano bang ginagawa ko sayo?" Tanong ni Arabella sa kanya.
"You stole my spot! Kami dapat ang kasama nila Devin! Hindi yung cheap friends mo! Masyado kang mang-aagaw!" Sigaw ni Saylor. Kami naman ni Charlee ay pinipigilan parin sya dahil pilit parin itong lumalapit kay Arabella.
"Ano bang spot ang sinasabi mo? Wala akong inagaw sayo!" Sigaw naman ni Arabella.
"You stole Devin!" Sigaw pa ni Saylor.
"W-Wait, what?" Gulat at nagtatakang tanong ni Devin.
"Yes! After all na nagawa ko sa project blocked, you're just gonna throw me like a trash?!" Parang maluluha nang sabi ni Saylor. "After I've done to you that night?" Tanong pa nya at doon na tumulo ang luha nya.
"What? Wait. I don't know what are you saying. I... I... I don't even know who you are. Sino ka nga ba ulit?" Tanong ni Devin na nakapagpatahimik kay Saylor. Dali-dali itong umalis at iniwan kami.
"Saylor. Her name is Saylor." Madiin kong sabi bago sumunod kay Saylor.
- Arabella's POV -
Medyo nakakatrauma ang nangyari kanina kasi bigla nalang akong sinugod ni Saylor. Hindi ko alam kung anong problema nya sa buhay pero hanggat maaari ay ayoko syang patulan.
Hindi na ako nag-overtime dahil maaga ding umuwi sila Brigitte at mabuti nalang ay nakarating na sila Kuya ngayon ulit dito. Tin-ext ako ni Ryan na susunduin nya daw ako at mabuti nalang ay may dala akong extra'ng damit.
Pumunta ako sa may harap ng The Barb at palabas na din si Madam Barb dahil kakatapos lang naming tapusin lahat ng gawain sa loob ng Cafe nya. Nauna na itong umalis habang ako naman ay naiwan pa dito.
Dumating na sila Ryan at nagulat pa ako dahil kasama nya pa ang tatlo kong kuya. Nang makababa sila ay agad silang yumakap sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Akala ko ba si Ryan lang ang susundo sa akin?" Natatawang tanong ko.
"Alam mo ba yung salitang surprise?" Tanong ni Kuya tapos kinuha ang gamit ko tapos bumalik na sa kotse. Agad din naman kaming sumunod sa kanya at makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa destinasyon namin.
"Ospital?" Tanong ko sa kanila habang nakakunot ang noo ko. "May sakit ka ba, Kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. May bibisitahin lang tayo. Ang isa ko pa kasing kaibigan ay nandito. He's in coma." Sabi nya habang naglalakad kami.
"Gwapo din yun, pero mas gwapo ako." Sabi ni Kuya Chase.
"Ako kaya ang gwapo." Sabat ni Kuya Chandler.
"Mas gwapo ako sa inyo." Sabi naman ni Ryan.
"Mas gwapo ang kuya ko." Natatawang sabi ko na ikinalingon nila sa akin. Natawa naman ako dahil sa naging reaksyon nila.
"Hey, bro." Sabi ni Kuya kay...
Devin?!
Muhkang nagulat din sya kasi bakas din ang gulat sa muhka nya at nagtatakarin sya kung bakit ako nandito.
"By the way, this is Arabella. My long lost sister." Nakangiting sabi ni Kuya.
"Bell?" Tanong nya.
"Hehehe." Naiilang kong tawa tapos gumalaw ng kunti at nagtago sa ligod ni Kuya.
- To Be Continued -
(Tue, July 13, 2021)