Chereads / The Villainess is Weird [FILIPINO] / Chapter 15 - 15: Merriole Kingdom

Chapter 15 - 15: Merriole Kingdom

"Letty, have you packed my things?"

"Yes, my lady".

Bukas na kasi kami aalis papuntang Merriole Kingdom. Hindi ko maisasama si Letty dahil kaming mga estudyante lang ang pinahintulutan makapasok doon kaya naman uuwi muna siya sa Eveque Residence.

"I'll be going out for a while. Zaggy, let's go", tawag ko kay Zaggy tsaka siya pumulipot sa leeg ko, ang favorite place niya.

May orientation na gaganapin ngayon bago kami umalis para bukas. Pinayagan din kasi akong dalhin si Zaggy sa expedition basta't lagi siyang nasa tabi ko. Hangga't maaari ibubuhol ko siya sa katawan ko. Pagkalabas ko ng dorm building napansin kong nakaabang si sila Prim, Charlotte, Ash at Chadwick sa may pintuan.

Ngumiti ako ng pilit at napailing-iling nalang. They insisted on walking me to the Archaeology class. Para namang hindi ko alam ang room na iyon, noh?

Noong nakaraang araw, napapansin ko ang pagiging clingy nila saakin. I have no complaints about Prim and Charlotte since their my classmates and we are always together, however, for the two... feeling ko nalalagasan ako buhok dahil sa sakanila.

Ever since na malaman nila na aalis ako for the expedition kung anu-ano na pinagsasabi at pinaggagawa nila. Prim and Charlotte were very excited for me, of course. Sinabihan lang ako ni Charlotte na mag-ingat doon samantalang si Prim, i-memorize ko raw mukha nung crown prince nila hangga't maaari i-drawing or mag-uwi raw ako ng portrait niya.

Si Chadwick nagpadala ng mga libro tungkol sa Merriole Kingdom, aralin ko raw. Huwag na huwag daw ako magkakalat ng kahihiyan doon. And lastly si Ash, na gustong sumama pero hindi pinayagan dahil sa marami siyang gagawin dito sa academy. Narinig ko na nagpaalam pa siya sa emperor, pero tinaasan lang daw siya ng kilay like what the fuck? Ano ba naman kasi ang gagawin niya dun di ba?

Kaya naman ang ginawa ni Ash, tuwing book club ay trine-train niya ako ng mga self-defense. Kahit alam ko naman na. Meron pa siyang dummy na ipinagawa, na inihawig niya kay Daryl. Akala niya ata hindi ko mapapansin, naka-black robe na medyo nakikita yung brown hair na wig.

Napailing-iling nalang ako sa tuwing naaalala ko mga yun. Nakarating na kami sa labas ng room kung saan gaganapin yung orientation. Hindi sila pwede pumasok dahil medyo confidential yung pag-uusapan. Hindi kasi nila alam na ang pupuntahan doon ay tungkol sa "demon sighting" 200 years ago. Ang alam lang ng karamihan ay simple expedition lang ang gagawin namin doon.

"Well we won't be able to send you off tomorrow since you will be departing at dawn", ani ni Charlotte.

"So, after your orientation, will wait for you in the crown prince's private dining room. We will be having a send-off dinner party for you", dugtong naman ni Prim.

"Aww. Thanks guys", tsaka ko niyakap sila Charlotte at Prim. Pinanuod lang naman kami nila Chadwick at Ash. Kung makaakto kami para naman kasing hindi na ako babalik.

"Well, see you later", paalam ko sakanila. Pero bago pa yun ay tinawag ulit ako ni Ash. "Here, take this", tsaka siya may inabot na box saakin. The box was over-decorated. Napakunot-noo ako, hindi ko naman birthday para bigyan ng regalo.

"Thanks". Inabot ko yung box. "Should I open it now or later?", tanong ko.

"You can open it now", masayang binuksan ko yung box pero agad iyon napawi ng makita ko kung ano ang laman. Inilabas ko yung maliit na dagger sa box.

I looked at Ash with a questioning look. What the hell am I gonna do with this dagger? He just smiled at me and... "If someone dared to attack you, use that dagger and stab them here", tsaka niya ituro yung bandang leeg. "They'll just bleed and then die. It will be easy", dagdag pa niya.

Huminga ako ng malalim. "Did you just teach me how to kill a person?"

"Yes, Ria. Don't worry about disposing of the body. I have people for that", he said casually.

"Or you could just stab them on the heart area if it is hard for you on the neck", biglang sulpot ni Chadwick.

Seriously, what's wrong with you two?

"These two brats are so funny", ani ni Zaggy habang tumatawa. (ako lang nakakarinig)

"Hehehe.. sure sure", inilagay ko nalang ulit sa box yung dagger. I can't argue with these two.

"Then, see you later", pumasok na ako sa room.

"There you are Lady Alexandria, we will now start the orientation", ani ni Sir Howard pagkapasok ko. Ako nalang pala ang hinihintay. Kung anu-ano pa kasi itinuturo nung dalawa saakin.

==========================================

Madaling araw na at kasalukuyan kaming nandito sa labas ng academy. Naka-prepare na yung mga carriages na sasakyan namin at mabuti nalang ay may kaniya-kaniya kami. Makakatulog pa ako.

Dalawang oras palang ang tulog ko dahil sa napatagal kami sa dinner party na inihanda nila Prim. Tulad ng mga kaklase ko ay napapahikab sa sobrang antok.

Traveling to the border by carriage usually takes at least two weeks, pero dahil may mga wind mages mas mapapabilis ang biyahe namin. Though hanggang sa border lang kami maihahatid ng mga wind mages pero at least yung two weeks magiging 2 days nalang and from the border to the Merriole Kingdom it will only take a day.

Pinapasok na kami sa kaniya-kaniya naming mga carriage. "Zaggy, umalis ka muna sa leeg ko at mahihiga ako". Humiga na ako para matulog ulit. Naramdaman ko naman na parang lumutang yung carriage, it must be the wind mages.

"AAAHHH", papikit na ang mata ko ng biglang lumipad ng napakabilis yung sinasakyan kong carriage.

"Teka! OH MY GOD!", naalog-alog na ako sa loob, kung saan-saan na ako natatama. Don't tell me dalawang araw na ganito kami?

"Hahahaha"

"Walanghiya ka Zaggy, nagawa mo pang tumawa diyan".

//After 12 hours//

Huminto muna kami para magrecharge yung mga wind mages at para rin kumain na kami. Lumabas ako ng carriage na para akong nakipag-digmaan. Tinignan ko yung mga kaklase ko na kapareho ko ng kalagayan.

May mga punit mga damit, magugulong buhok at malalaking eyebags. Lumapit ako kay Sir Howard na mukhang zombie at basag ang salamin.

"Sir, could you tie us on our sit instead so that we won't go rolling over and over inside the carriage", ani ko. Napatango-tango naman mga kaklase ko sa sinabi ko. Tinignan kami ni Sir Howard isa-isa na may luha sa mata tsaka niya ipinakita ang hawak niyang tali. It seems like he was expecting this.

Mukhang hindi rin inaasahan ni Sir na magiging rough yung travel namin. They should've put seatbelts on the carriage.

Nag-ayos lang kami saglit tsaka sumakay ulit. And now, we're being tied up on our seats.

//A few hours passed//

Nasanay na ako sa rollercoaster carriage dahil nakatulog ako. Sumakit nga lang leeg ko kaya naman ngayon ginawa kong pillow neck si Zaggy.

//More hours have passed//

We took a quick stop, may mga sumuka na kasi habang si Sir Howard ay parang iniwan na ng kaluluwa niya. Me? Mukha akong kakabangon sa hukay. Yung rollercoaster ride naging slingshot. Hindi naman nagmamadali yung mga wind mages di ba? I looked at my reflection from my hand mirror.

That noble lady named Alexandria Eveque is gone.

//Hindi ko na alam kung ilang oras na ang lumipas//

Nandito na kami sa boundary ng Merriole Kingdom at Kershian Kingdom. It will still take a day bago kami talaga makapasok sa Merriole Kingdom pero panandalian muna kaming nagstay sa isang inn sa isang village to freshen ourselves. Para naman salubungin kami doon na maayos ang mukha namin.

Umalis na yung mga wind mages samantalang kami ay nag-stay sa aming mga room para matulog. Yung 48 hours na travel time sana namin ay naging 40 hours kaya naman binigyan kami ng 8 hours to sleep. Hahahaha...

//After 8 hours of sleep//

We continued travelling in a normal way to the Merriole Kingdom.

Binuksan ko ang bintana ng carriage na sinasakyan ko. Napakapresko ng hangin. Inilabas ko ang ulo ko at napapikit.

"You look stupid", ani nung ahas na nakasabit sa leeg. Sinara ko nalang ulit ang bintana, panirang ahas eh.

"We are nearing the entrance, my lady", may kumatok na knight ng academy. "Thanks for telling", sabi ko nalang.

Na-excite tuloy ako. "Zaggy, magtago ka ng mabuti", paalala ko sakaniya. "Sure, sure".

Huminto kami saglit sa may entrance dahil may inspection na gagawin. Nagsuot ako ng bonnet, para maitago ko si Zaggy.

Ilang oras din ang itinagal ng inspection. May mga papers na ipinakita si Sir Howard, chineck isa-isa yung mga gamit namin at yung sakay naming carriage. Buti nalang ay hindi na kami kailangan kapkapan since we are a guest from another country and we're nobles. I mean, how dare they.

We continued riding the carriages again. Some of the Merriole knights accompanied us on our way to the palace, wherein the crown prince will be welcoming us.

Napatingin ako ulit sa labas. It seems like we are in the capital. There are a lot of people looking at us-- well at the carriages passing by.

The buildings here are quite different from Kershian Kingdom. The ambiance is also different. I still can't believe I am in another country.

"Are you excited, Zaggy?"

"Not really"

"Aren't you curious about that demon we are going to look for?"

"Not really"

"So cold, Zaggy. This is why you're an emo and alone for life".

"What the f*ck? Are you putting a curse on me?", itinago ko ulit ko yung ulo ni Zaggy sa bonnet na suot ko.

"Of course not-- oh we stopped. What the? The palace is glowing", may nagbukas ng pintuan ng carriage and a knight helped me get off. Napatakip ako ako ng mata nang makita ko ng mabuti yung palace. The palace is made of gold. How rich is this empire?

"Scholars of Kershian, on behalf of His Majesty and every citizen of this country, I, Gabriel Vische de Auguste, the crown prince bid you a warm welcome to Merriole Empire", a silver-haired guy approached us and greeted us with a full smile.

As a custom and respect, we also greeted everyone who have welcomed us with a curtsy taught here in Merriole. Pinagpractice kaya kami ng Merriole's custom and etiquette before departing.

How the ladies and gents show their respect is different here. Magkaiba yung pag-bow dito compare sa Kershian. The decorum here is more strict than in Kershian. Pasalamat nalang ako na medyo freer doon. I feel like I don't belong here, so I must watch my actions here.

"We have eagerly looked forward to your visit", dagdag pa nung prince. "Oh, where are my manners? I take that your travel here must have been exhausting. The servants here will guide you to your designated rooms so you can have your rest", may mga lumapit na mga servants sa amin.

"Thank you, Your Highness, the crown prince".

"The pleasure is mine. The servants will cater to all of your needs during your stay here. Also, there will be a banquet tonight so see you all there, I'll take my leave now", dagdag nung prinsipe pero bago siya umalis ay ngumit muna siya saamin.

Even his smile is blinding. "As expected of the crown's prince killer smile", rinig kong sabi nung isa kong kaklase.

The crown prince of Merriole Kingdom was proclaimed to have the brightest and most beautiful smile in the country, rinig kong sabi pa nung isa. Kinilabutan naman ako doon. The title is giving me secondhand embarrassment. Ang corny.

After kami ihatid sa kaniya-kaniya namin rooms, the head of the Poppy palace gave us a tour of the whole palace. (Note: Poppy palace is the name of the building/palace where the guests stay)

Ilang oras din ang inabot nung tour. It was enjoyable dahil napakaganda dito except for pagod na kami.

The head was still in full energy habang kami ay gusto nang mahiga. Idagdag pa na naka-heels ako. Gusto ko na ngang alisin at sunugin itong sapatos ko eh.

"And this is where we finished the tour. I hope you enjoy your stay here. The refreshments I ordered is now ready, I'll guide you to the Garden of Carnation", ani nung head. Napa-yes nalang ako sa utak ko.

For the nth time, napa-wow nanaman kami. Garden of Carnation is literally a garden of carnation. Punong-puno ng carnation flower dito... at may mga pagkain. Tatakbo na sana ako doon nang maalala ko na nasa ibang lugar ako. I should really watch my actions and manners.

After the short garden tea party, pinagpahinga lang kami saglit. Itinago ko naman si Zaggy sa jewelry box. Sa laki nun ay kasiya doon. Dito ko iya ilalagay dahil ako lang naman ang pwede magbukas dito. Hinding-hindi ito hahawakan ng mga papasok na servants. Tsaka bago kami umalis ay pinaayos ko itong jewelry box na gawing higaan para kay Zaggy, kaya huwag siyang mag-iinarte.

Ilang saglit lang ay may mga maids na pumasok at tinulungan akong mag-prepare para sa banquet. Sila na rin ang nagprovide ng susuotin kong gown, it's a gift from the emperor daw.

Nagpadala nalang ako sakanila tutal wala naman akong choice. Para akong zombie the whole night of the banquet. I just want the night to end. Ilang beses akong nagtago sa mga tao. Ayoko kumausap ng iba tsaka yung iba kasi nag-aaya sumayaw so as much as possible lumalayo ako sakanila. Hanggang sa natapos na ang inihandang banquet nung prince.

Nasa may room na ako at tapos nang maligo. Pinalabas ko agad yung mga maids na naka-assign sa akin at sinabihan sila na matutulig na ako. Nang maramdaman kong wala na sila ay pinakalabas ko na ng jewelry box si Zaggy.

"What took you so long?", bungad niya saakin tsaka siya gumapang papuntang higaan ko. Napansin kong nakasara na yung kurtina ng terrace, mukhang isinara nila kanina. "Feel ko magpahangin muna".

"AAHH--", pagkabukas ko ng kurtina nagulat ako dahil mukha agad ni Daryl ang bumungad saakin. Agad naman niyang tinakpan ang bunganga ko.

Anong ginagawa niya dito?!