Chereads / MOAN MY NAME / Chapter 9 - Chapter 6

Chapter 9 - Chapter 6

A/N: at ako'y muling nagbabalik. Sorry kung natagalan. Medyo busy po kasi sa majors.

Hi yebbo, kamusta? Lagi ba kayong nag iingat? Alagaan nyo sarili nyo okay? Keep safe.

ENJOY READING YEBBO!

----

GISING na gising ang kaniyang diwa. Rinig na rinig niya ang mga tinuran ng binata. Pigil na pigil niya ang kaniyang hininga habang sinasabi nito ang mga katagang iyon.

Siguro'y may magandang naidulot din ang pag kukunwari niyang tulog. Maraming salamat sa kaniyang inay na palagi siyang pinapasok dati sa kwarto at tinitingnan kung gising padin siya ng alas dose ng hating gabi.

Pinapakiramdaman niya lang ang binata hanggang siya ay pinangko nito at dinala sa kaniyang silid. Ramdam din niya ang pag ayos nito ng kaniyang damit. Ramdam niya ang pag pipigil nito at ang init.

Inantay niyang makalabas ito ng kaniyang silid at agaran niysng idinilat ang mga mata at tahimik na nagtutumili. Para siyang kiti-kiting hindi mapakali. Napaka likot niya at napaka saya.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Sobrang init ng kaniyang pisngi,at sa palagay din niya'y siya ay maiihi.

Nakaka kilabot. Ganito pala ang feeling ng kiligin. Ngayon niya lang naramdaman to sa tanang buhay niya.

Agad siyang tumikhim at inayos ang sarili. Kailangan niyang kumalma. Agaran siyang lumabas at agad niyang natanaw ang binatang babad sa kanina nilang ginagawa.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at ito'y binato niya ng sapatos.

Kita niya ang pagbalatay ng sakit sa mukha nito pero wala siyang pake alam. Kung hindi pa ito umalis agad ay hindi niya mapipigilan ang sarili na sunggaban at angkinin ito. Baka nga pati nararamdaman niya'y masabi niya rin dito.

"ANO PANG GINAGAWA MO SA BAHAY KO? UMALIS KANA!"

Malakas niyang sigaw na siyang ikina-karipas nito ng takbo. Agad niyang isinarado ang pinto at napasandal doon habang sapo sapo ang dibdib. Hindi padin kumakalma ang tibok ng kaniyang puso.

Inabala niya na lamang ang kaniyang sarili sa pag gawa ng kaniyang mga aralin. Ngunit agad niyang napansin ang selpon ni Zion na naka tiwangwang sa sahig. Agaran niya itong dinampot at saktong mayroong tumawag.

Engineer Gelotin Calling....

Accept.              Declined. 

"Engineer?..."bulong niya sa sarili at agad na sinagot ang tawag. Magsasalita pa lamang siya upang sabihin na wala si Zion ngunit naunahan na siya nito.

"Engineer nandyan ka ba? Sinulit mo ata leave mo,huwag mo lang kakalimutan na may project ka pang gagawin. Aba'y huwag mo namam akong iwan" mahabang lintaya nito at tumawa pa.

Napa takip siya ng kaniyang bibig ng dahil sa narinig. Labis siyang nabigla,hindi niya lubos inakala na ang kaniyang kaibigang lalaki ay may propesyon na. Akala niyay kagaya lamang niya ito na nag-aaral pa.

Ngunit paano iyon nangyari? Halos sabay kasi silang dalawa nag klase.

"Hello? Nabingi kana ata. By the way,mamusta ang kababata mong mahal mo? Naka porma kana ba? Galaw galaw engineer baka pumanaw" muling lintaya nito at walang pag-aatubli niyang pinatay ang telepono.

Napa upo siya sa lapag ng dahil sa kaniyang mga nalaman. After all this time isa lang palang kasinungalingan ang lahat. Hindi niya na alam ang totoo. Hindi niya matukoy kung alin sa mga ipinapa kita sa kaniya ni Zion ang dapat niyang paniwalaan.

O marahil, siya na lamang ay mag bulag-bulagan.

Napa sabunot na lamang siya sa kaniyang buhok. Nalilito at hindi mapakali. Nais na lamang niyang kainin ng lupa sa dami ng kaniyang iniisip.

Isang katok mula sa pinto ang nagpa balik sa kaniyang ulirat. Agad siyang nag tungo dito at walang pasubaling binuksan ito at doon tumambad sa kaniya ang mukha ni Zion na may alanganing ngiti sa labi.

Agad na umarko ang kaniyang kilay ng dahil sa lalaking nasa kaniyang harapan.

"Anong kailangan mo?" Walang gana niyang tanong dito.

Tiningnan siya nito na para ba siyang isang kakaibang elemento.

"Bakit ganiyan na naman hilistya ng mukha mo? Para lang pinag sakloban ng kaldero" pabirong saad nito at bahagya pang pinisil ang kaniyang pisngi na siyang ikina-inis niya lalo.

Tinampal niya ang kamay nito at sinabing.

"Mukha ba akong nakikipag biroan?" Seryoso niyang saad na siyang ikina-lunok ng laway ng binata.

"Chill,para mo naman akong kakainin sa tingin mong 'yan. Nandito ako para kunin ang cellphone ko" ani nito.

Muli niyang naalala ang naging pag-uusap nila ng lalaki sa telepono. Ay mali,hindi nga pala pag-uusap iyon dahil hindi naman siya nagsalita.

Padabog niyang ibinigay ang cellphone ng binata at sinabing.

"Hanap kana sa construction site, engineer..." Aniya dito at kitang kita ng dalawa niyang mata kung pano ito nabigla sa kaniyang tinuran.

Magsasalita pa sana ito ngunit pinag sarhan niya na ito ng pinto.

Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang duwag at sinungaling.

I hate you,Zion.

BALISA iyan ang kaniyang kasalukoyang kalagayan. Naka tingin siya sa kawalan at nag iisip ng mga posibleng idadahilan sa dalagang naging kausap niya kanina lamang.

Mukhang wala na siyang maitatago dito. Nalaman na nito ang pinaka tatago niyang sikreto.

Hindi niya naman talaga gustong itago iyon. Sa totoo nga'y naghahanap siya ng tsempo para sabihin dito ang lahat.

Wala na. Sira na ang pinag hirapan niya.

Mukhang kailangan niya na namang umisip ng bagong plano.

Dagli niyang kinuha ang kaniyang telepono at tinawagan ang natatanging taong makaka tulong sa kaniya.

"Anong kailangan mo ijo?" Tanong ng taong nasa kabilang linya.

"911,Tita." Simpleng ani niya habang kinakagat ng pang ibabang labi ng dahil na din sa kaba.

"Susko kang bata ka,napaka kupad mo talaga. Oh siya ako na ang bahala" Nakukunsomeng lintaya nito at binabaan siya ng telepono.

Napa suntok na lang siya sa hangin ng dahil sa naging resulta ng kanilang pag-uusap.

Sa wakas,may maganda ring nangyari sa araw na ito. Mabuti na lamang at umaayon sa kaniya ang pang yayari.

Mabuti na lamang at ang Ina ni Acacia ang kaniyang kakampi.

Ang kailangan niya na lamang gawin ay ang umisip ng plano at siguradohing may positibo itong epekto. Mahirap pa namang suyoin ang babaeng may toyo sa ulo. Paniguradong mahihirapan siya nito.

"Bahala na bukas!" Lintaya niya

----

A/N: Goodluck Zion!

Please leave a vote and comment.