Chereads / MOAN MY NAME / Chapter 12 - Chapter 9

Chapter 12 - Chapter 9

A/N: Here comes the bride!!

This is it pancit! Hope langis.

Enjoy reading!!

+----

"AND CUT!" sigaw ng ina ni Cia sa loob ng cctv room. Ang mga mata nito'y hilam na ng dahil sa kakaiyak. Siya'y lubhang masaya. Ang kaniyang nag-iisang anak ay magiging mabuting may bahay na.

Magiging lola na siya pagka lipas ng ilang mga taon. Hindi pa siya handa ngunit siya'y masaya na sa magiging kalalabasan ng kwento ng kaniyang pinaka mamahal na anak.

"Tacio, kung nandirito ka man ngayon ang iyong anak ay nas mabuti ng mga kamay"

MAGKA HAWAK kamay na lumabas sila Cia at Zion sa silid habang may malawak na ngiti sa labi. Hindi mapuknit iyon at feeling niya'y naka lutang siya sa ulap.

"Congrats mga anak!" Salubong sa kanila ng kaniyang ina habang nag pupunas ng luha. Agad niya itong niyakap ng mahigpit at muling napahikbi.

"Salamat Ma" aniya habang mahigpit na nakayapos dito. Marahan naman siyang pinapatahan ng ina habang kinahagkan ang kaniyang ulo.

"Nawa'y maging maligaya ka sa piling ni Zion, Anak ko."

ILANG LINGGO NA DIN ang naka lipas magmula ng nag propose sa kaniya si Zion at ngayon ay busy silang nag p-plano ng kanilang nalalapit na kasal.

Hanggang ngayon ay hindi padin siya makapaniwala na malapit na silang mag-isang dibdib ni Zion. Na parang dati lamang ay pangarap niya lamang ito. Ni maging girlfriend nga siya ni Zion ay hindi niya lubos na maisip pero ngayon hito silang dalawa sa harapan ng altar magka hawak kamay habang naka tingin sa imahe ng Diyos.

Napa baling siya ng tingin kay Zion ng hinagkan nito ang likod ng kaniyang kanang kamay.

"I promise that i'll be a good husband,Cia." senserong ani nito na syang dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. 

"And i'll be a good wife" aniya habang naka titig dito. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng binata at kalauna'y hinagkan ito sa labi.

She's contended.

She's now whole.

She found a perfect love for her.

Zion is her home.

NOT SURE IF  YOU know this

But when we first met

I got so nervous I couldn't speak

In that very moment

I found the one and

My life had found its missing piece~

Kabadong kabado si Zion habang nag-uumpisa ng lumakad ang mga ninang at ninong ng kasal. Pinag papawisan siya ng malagkit habang marahang tumatawa ang kaniyang best man na si Dusân.

"Relax man, mukha kang natatae" natatawang lintaya nito na siyang ikina sama ng kaniyang tingin.

Fuck this man. Balit nga ba ito ang kinuha niyang best man.

"Shut up Dus." Madiin niyang ani at muling ibinaling ang tingin sa pasilyo ng simbahan.

Ang desinyo ng simbahan ay lubhang napaka ganda. Nababalutan ito ng mga baby pink na tela at may mga nag gagandahang bulaklak pa. His bride loves pink so in short the theme of their wedding is pink. Even his tux is pink.

Lihim na lamang siyang napa ngiti ng maalalang pinag-aawayan nila ni Cia ang kulay ng tux na isusuot niya at sa bandang huli ang dalaga ang nag wagi.

"NANDITO NA ANG BRIDE!" sigaw ng isang tinig na siyang ikina kaba ni Zion.

Muling napako ang kaniyang tingin sa intrada ng simbahan at doon nakita niya ang kaniyang pinaka mamahal. Naka suot ito ng pink na gown habang naka kapit sa braso ng ina.

So as long as I live I love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now 'til my very last breath

This day I'll cherish

You look so beautiful in white

Tonight~

Marahan ang naging lakad nito. Napaka ganda nitong tingnan sa suot na damit. Nakakatawa mang isipin na beautiful in white ang theme song nila samantalang ang suot nito ay kulay pink.

Kahit na malayo'y kita niya ang mga butil ng luhang umaagos sa magaganda nitong mata. Kitang kita niya din kung paano ito pinupunasan ng ina ni Acacia.

Hindi na siya naka tiis pa't lumapit na sa dalaga dahilan para umani ng tawa mula sa kanilang mga bisita. At wala siyang pakealam. He want her wife.

"May i?" Tanong niya sa ina ni Cia na kasalukuyang umiiling.

"Juskong bata ka, hindi makapag antay? Oh siya, alagaan mo ng mabuti ang aking anak." Lintaya nito at iniwanan sila ni Cia.

Agad siyang lumapit sa dalaga at inilagay ang kamay nito sa kaniyang braso. At ramdam niya ang marahang pagkurot sa kaniya ng dalaga.

"Masyado ka namang atat lalaki" natatawang ani nito na siyang kaniyang ikina kamot ng ulo.

"Mamamatay na ako sa kaba sa unahan kaya sinundo na kita baka takasan mo pa ako mahirap na" pabiro niyang ani habang patuloy na naglalad.

"Asus, hinding-hindi kita tatakasan,ilang taon ko din 'tong hinintay" ani ng dalaga na siyang kaniyang ikina-ngiti.

Masyadong patay na patay sa kaniya ang kaniyang mapapa ngasawa.

"Ijo masyado kang sigurista" biro sa kaniya ng pari ng makarating sila ng altar na siyang sinundan ng mga pag sang-ayon ng mga bisita lalong lalo na ng kaniyang mga kaibigan.

"Sorry father,naninigurado lang baka biglang tumakbo mahirap na." aniya na siyang dahilan para makatanggap siya ng hampas mula ka'y Cia.

"Siraulo" bulong ni Cia sa kaniya na siyang kaniyang ikina ngisi.

"TAYO ay narito ngayon sa loob ng simbahan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nila Zion Provenchoco at Acacia Calumpig na kalauna'y magiging Mrs. Provenchoso na rin" mahabang lintaya ng pari na siyang ikina kapit niya ng mahigpit sa braso ni Zion.

Kinakabahan siya at hindi niya iyon maitangi. Ganito pala ang feeling pag kinakasal akala niya'y pini-peke lamang iyon sa mga palabas ngayon ay masasabi niyang totoo ito at nakaka kaba ngang talaga.

"Kung may tumututol man sa kasalang ito ay maaaring lumapit. At kung wala nama'y tayo'y magpapa tuloy" dugtong ng pari na siyang ikina tahimik ng lahat.

Napamasid siya sa paligid baka kasi mamaya bigla na lang may sumigaw na itigil ang kasal na tiyak ay di niya kakayanin.

"Kung gayon, tayo'y magpatuloy" ani ng pari at binalingan ng tingin si Zion.

"Zion Provenchoso, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Acacia Calumpig, na maging kabiyak ng iyong puso,

sa habang buhay,

sa hirap at ginhawa,

sa sakit man o kalusugan,

at mamahalin mo siya

sa habangbuhay,

gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" Mahabang lintaya ng pari habang naka tingin kay Zion na kasalukuyang naka taimtim na naka titig sa kaniya.

"Opo,Father."

Pagka tapos niyon ay siya naman ang binalingan ng pari. Abo't langit ang kaniyang kaba na ani mo'y isa siyang kalahok sa miss universe.

"Acacia Calumpig, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Zion Provenchoso,na maging kabiyak ng iyong puso,

sa habang buhay,

sa hirap at ginhawa,

sa sakit man o kalusugan,

at mamahalin mo siya

sa habangbuhay,

gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" Mahabang lintaya ng pari.

Humugot siya ng malalim na hininga habang marahang kinakagat ang pang ibabang labi upang mapigilan ang malakas na pag hikbi.

"Opo,father" aniya habang naka titig sa mga hilam na mata ng binata.

"By the power vested in me by God and man, I pronounce you husband and wife. What God has joined together, let no man put asunder. You may now kiss the bride"

kasabay ng mahabang lintaya ng pari ay ang paghalik ni Zion sa kaniyang mga labi.

Sa wakas, Isa na siyang ganap na Mrs. Provenchoso.

She's now happily contended being Zion's Provenchoso's wife.

The end.

+------

A/N: Congrats sa ating newly wed!

Soon, i will found mine too. And same as yours. Malay mo tayo talaga ang para sa isa't isa HAHAHAHA