•JOY POV•
Busina ng mga nagsisibilisang mga sasakyan ang narinig ko umaga pa lang. Bukod diyan ang init init ng pwesto ko dito sa loob ng tren. Para kaming mga sardinas sa sobrang dikit-dikit. Hindi ako judgemental na tao pero may amoy kwan talaga kasi. Sa isip ko, 'sana nagjeep na lang ako' kasi naman----hay bahala na. Nandito na ako eh.
Huminto na ang tren na sinasakyan namin. Bumukas na nga yung pinto at bahagyang lumuwag-luwag na dahil siguro naiinitan na rin yung ibang mga pasahero tulad ko Kaya nagmamadaling lumabas. Sa wakas din ay nakaalis na yung si Ateng mataba sa harap ko. Ang bango niya kasi grabe.
'Buti alive pa'ko no? Char'
Nagmadali na akong lumabas ng tren at baka sumarado ito. First day of classes ba naman na sa ibang school ako papasok. Ba't kasi palipat-lipat kami ng bahay?. May house issue ba si Mama dun? Ay ewan. Basta ako tamang kyut lang dito.
Lakad takbo ang ginawa ko para lang mabilis akong makapunta sa sakayan ng tricycle. Susmee! Haggard na ako. Buti na lang wa-poise pa rin ang kakyutan ko.
"Saan po tayo Ma'am?" Tanong ni manong habang nagpapaandar ng motor Niya.
"Walang tayo Manong char!. Sa may FIS po," sagot ko dito.
Napapailing na lang si Manong sa sagot ko. Naweirduhan siguro. As usual. Weirdo nga daw ako sabi ng mga kaklase ko dati. Like hello? Ang kyut ko namang weirdo.
Habang nakaupo ay binuksan ko muna ang messenger ko. As usual kala mo may patay dahil walang kachat. Yung totoo? May tampo sakin si messenger at hindi ako binibigyan ng kachat? Char. Sadyang binablock mo kasi selp yung gustong makipagchat sayo.
Like hello? Sino gustong makipag usap sa bumbay? Darling daw? Errr, sussmeee. Sayang kakyutan ko. Bihira pa man din ako magkaload. Sana magkaroon ako ng sponsor ng load. Mygasss!!!.
"Nandito na tayo," rinig kong sabi ni Manong. Pinatay ko na ang data at mabilis na itinago ito sa bag ko.
Nanguha na ako ng pambayad sa tinignan si Manong. "Paulit-ulit ka Manong? Wala ngang tayo. Oh! Ayan na po bayad," sabi ko dito.
Napataas kilay ito. "Bakit? Sinabi ko bang gusto kita? Hah iha? Saka alangan namang nandito na ako at ikaw ang sabihin ko?!. Lutang ka ba iha? O nagdadrugs ka?" Parang pagalit na sabi nito at padabog na kinuha ang bayad. Saka pumaharurot ng alis.
"Kuya sorry! Joke lang eh! 'Di ka naman mabiro! Walang forever, sa mga taong galit kaya don't be mad," sigaw ko kahit hindi na niya ito maririnig.
Halos maghabol ako ng hininga matapos kong magsisisigaw. Napatingin ako sa paligid ng may maramdamang prisensya na tumitingin at hindi nga ako nagkamali. Yung pagtingin nilang "Ang weirdo naman nito" look sila. Ano bang masama kapag may sumisigaw na kyut sa daan?.
"Tingin kayo? Inggit kayo sa kakyutan ko?," tanong ko sa mga ito.
"Lah sis! H'wag ilusyunada hah? Tingin ka muna salamin bago ka magsalita diyan," mataray na sabi Ni Ateng mataba. "Buang!" rinig ko pang sabi niya bago umalis.
Napasimangot na lang ako na naglakad papasok ng school. Makabuang si ate ah. It really hurtz. Charot!
Ang laki sana ng school na'to. Kaso yung uniform ng babae eh----sana pinagpanty at bra na lang nila kami. Ang iksi teh! Sakit sa bangs kahit wala akong bangs.
Bigla akong napahinto ng biglang may tumatakbo na babae sa harap ko. Naamoy ko pa hair niyang pang Rapunzel. Amoy gamot. Charot!. Amoy Victoria's Secret. Pati ba naman buhok papabanguhan pa? Kakaiba din ah!. Pero, naiingit naman ako sa pang-Rapunzel niyang buhok. Akin kasi parang pang-Dora the Explorer. Mamaya nga hahanapin ko si boots. Char!
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Ang iingay nila, palibahasa kasi may kachikahan. Syempre ako na naman wala. Ipinanganak yata akong sadgurl. Hay buhay parang life.
"Ouch!" Daing ko.
"Hahhahaha tanga kasi!" Rinig kong sabi ng isang babae at naghalakhakan sila ng mga kasama nila.
Ako? Tanga? Naglalakad lang ako tapos tanga na agad ako? Iba din!
Tinignan ko sila na parang wala lang. Napangisi yung isang babae na may hawak ng bola. Yun ata yung tumama sa mukha ko.
"Tingin-tingin mo?! Palag ka?!," mayabang nitong sabi.
"Baka hindi? Baka oo?," pamimilosopo ko.
"Oooohhhh burn!" rinig kong reaksyon ng mga kasama niya.
"Shut up!," sigaw niya sa mga kasama niya. "Aba hinahamon mo talaga ako?," baling niya sakin.
"Baka hindi? Baka oo?," pag-uulit ko.
"Woooaaahh double burn!," reaksyon ulit nila pero hindi nagbabago ang reaksyon ko.
"One more time guys!! I'll kick your ass!" naiinis niyang sabi dito at natahimik naman ang mga ito.
Pity!
Hinahayaan nila siyang ganitohin sila? What a shame!
"You!! Who are you to talk to me like that?!!" sigaw niya sakin pero hindi pa rin lumalapit. Tinuro ko naman ang sarili ko at kunwaring hindi alam ang sinasabi. "Yeah! May iba pa ba akong tinuro?!" pagalit niyang sabi.
"Ahh kala ko siya," sabi ko sabay turo sa katabi niya.
"Are you an idiot?" arte naman nito! Pilipino naman pero umeenglish!? Feeling American citizen ka gurl? Choz!
"Hindi, baka ikaw" pabalang kong sagot.
"You!! B*tch!" sigaw niya na dinuro pa ako at balak na sana akong sugurin kaso napahinto din siya. "What...the.....hell!?" napapangiwing sabi niya.
Ngumiwi-ngiwi kasi ako na parang may epilepsy. Naririnig ko naman ang tawanan nung mga kasama niya.
"May saltik pala yan. H'wag muna patulan Aira," sabi nung kasama nitong lalaki saka sila nagtawanan.
"Let's go. Err creepy," maarte nitong sabi na tinawag ng lalaki na Aira.
Tinuloy-tuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa makaalis sila. Tinigil ko na rin ng hindi ko na sila makita.
"Mga amaw," saad ko. "Ay kabute!"
"Hahahhaa" tawa niya.
Amp! Bwiset to ah!
"Saya mo no? Tawa pa sige!," sarkastikong sabi ko.
Napangisi siya. "You look so funny," natatawa pang sabi niya.
"Mukha ba akong clown? Tse!! Layas!," iritableng sabi ko at hinawi siya sa daan at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hey! I'm sorry!," rinig kong tumakbo siya at sumabay sakin.
Pero hindi ko siya tinapunan ng pansin. Pinagtitinginan na rin kami ng mga nakakakita samin. Malamang may mata sila selp!
"Hoy!" tawag niya sakin.
"Hoy ka din!" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya, sa daan lang.
"Hahahhaha attitude ah!" natatawang sabi niya.
"Who cares?" slang kong sabi.
"Amp! Sorry na nga oh. I'm just joking,"
"Okay," tipid na sagot ko.
"So, are we good?" bakas Ang excitement sa boses na tanong niya.
"Tanong mo kay Mang Kulas," tugon ko.
"Hah? Who's Mang Kulas?"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Yung sa kadenang Ginto. Tatay ni Carlos," sagot ko at napakunot noo siya kaya iniwan ko na siya. Pero sa sinuswerte nga naman. Sumabay pa rin at nangulit ng nangulit kung sino daw si Mang Kulas? Tatay ko daw ba? Eme niya ah!
"Pwede ba lubayan moko?!" pigil ang inis na sabi ko.
"Eto naman. Ang sungit mo... Bago ka lang dito diba??" paawa epek na tanong niya.
"Oh eh ano naman sayo?" naiiritang tanong ko.
"Itutour kita. Ayaw mo nun? May tour guide kang hakdog?" Nu daw? Hakdog?
"Hah? Anong hakdog?" takang tanong ko.
"Hakdog means----Hoooottt!" sabi niya sabay hawi ng buhok.
Ay amaw! Ang kapal neto!
"Hmm? San banda?" nakangiwing sabi ko at pinagmasdan ang mukha niya.
"What?! Edi in all over my body?" Parang naiinis na sabi niya.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hindi ko kita," sagot ko.
Napakunot noo siya. "You're mean,"
"Baka hindi," pamimilosopo ko.
Napakamot siya sa ulo niya. "Arggh bakit nga ba kita kinakausap?!"
"Lah bakit sakin mo tinatanong? Ikaw 'tong amaw na lumapit eh,"
Nangunot noo na naman siya. "Hah? Amaw?"
Napakamatanong naman nito!
Napa-facepalm na lang ako. At inayos ang bag ko.
"Interview? Hah? Interview? Leche!! Aga-aga," Sabi ko at iniwan na nga siya. Buti at hindi na humabol. Naweirduhan din siguro.
Mabuti yun at walang manggugulo. Mukhang amaw pa naman yun. Pinaglihi rin siguro sa bulate. Ang gaslaw eh. Daig pa babae. Baklita ata. Charot!. Mukha bang baklita selp to yung itsurang yun? Moreno na moreno. Tapos medyo kulot ang buhok, matangkad tsaka maayos katawan.
Yun nga lang mahangin. Nung ipinanganak ata yun ay nakatapat sa electric fan tapos naka number three. Choz. Parang hindi ka mahangin selp ah?.
*******
Tingin sa harap. Tingin sa baba. Tingin sa gilid. Tingin ulit sa harap.
Para akong buang dito!
Eh kasi naman mga kakyut---wow hangin selp--- kanina pa sila nakatingin sakin. Para nila akong ini-scan. Parang may scanner mga mata nila. Imagine-nin mo na lang my red sila sa mata. Choz!
Pero kasi naman nakakailang!. Ganun na lang ba sila humahanga sa taglay kong kakyutan? Choz! Kahanginan ko lang yan. Kanina pa kasi nga nila ako tinitignan. Ni hindi nila ako kinakausap.
Nung makapasok kasi ako kanina sa hall. Eh nagtanong ako sa isang student na nakasalamin. Nerd siya parang ganun. Pero maganda siya. Nung pagkalapit ko, mukhang natatakot pa siya. Pero nung nagtanong ako eh sumagot naman siya. Astig nga ng name ng section eh. Pang sosyalin siya. Emerald Tribes? Amp tribo tribo? Char. Parang ugegs yung section eh.
Back to reality tayo. Maingay sila pero 'di nila ako kinakausap. Like yung tingin nilang maraming sinasabi pero 'di nila masabi. Gets niyo? Ay bahala kayo umintindi. Basta kyut ako! 'Yun ang mahalaga.
"Hi,"
Napaangat ako ng ulo dahil sa tinig na iyon. Pagtingin ko sa kaniya. Maganda siya, morena, mahaba ang buhok, maganda ang hubog ng mukha. Basta Morena siya na maganda.
"I'm Rogen, ikaw?" Rogen? Nice name!
"Joy. Ako si Joy," pakilala ko na medyo nahihiya.
Ngumiti naman ito at nakatingin lang ako sa kaniya nung hanggang sa maupo siya sa tabi ko.
"Pwede tayong maging magkaibigan?" tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot. Tinuro ko pa ang sarili ko sa pangungumpirma. Tumango naman ito.
"Sigurado kana diyan? Wala ng atrasan?" Pangungulit ko pa.
"Ahh oo naman. Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Baka lang Kasi nagkamali ka ng kakaibiganin. Kaiwan-iwan ako sis. Walang nag-istay sakin," saad ko.
"Hoy! H'wag mo ngang sabihin yan!" sita niya sakin at bahagyang hinampas ako sa braso.
Feeling close agad? Choz!
"Ganun kasi dati kong mga kaibigan. Nandiyan sila kapag kailangan nila ako. Tapos kapag wala na silang kailangan, iniiwan nila ako. Haha parang ginamit lang nila ako. Hindi lang pala parang. Ginamit na talaga nila ako for their projects, activities, quizzes and so on," kwento ko habang inaalala ang nangyari. "Iniwan nila ako kasi bored daw akong kausap. Weird at kung ano ano pa. Kaya tinanong kita kung sure ka na makikipag-kaibigan sakin. Ayoko yung gagamitin lang ako ulit. Ayokong darating ka or kayo tapos iiwan din ako kapag sawa na. Ayoko ng...maiwan ulit," halos hindi ko maisatinig ang huling mga salita na sinabi ko.
Nagflashback sakin ang mga alaalang iyon. Yung pinahalagahan mo sila pero ikaw hindi? Ang mas masakit pa, iniwan ka nila na parang basura.
"Ayos lang 'yan. H'wag mong pigilan ang pag-iyak mo dahil mas lalo lang bibigat yang nararamdaman mo," bakas sa boses ang pag-aalala nito.
"H-Hindi ko lang mapigi-lan. Ang s-sakit kasi. P-pasensya na. Ang drama ko," naiiyak kong sabi.
"Shhh okay lang yan. Nandito ako. Kung iniwan ka nila dahil sa boring ka kausap or weirdo ka. Hindi ko gagawin yun. Mukha ka ngang nice kaysa sa iba diyan eh. Pulos paarte lang yung iba. Maganda ka at mukhang mabait. Hindi mo deserve yung mga taong ganun. Kung iniwan ka nila, edi salamat na lang kamo sa lahat. Atleast wala ng gagamit sayo. Wala ng mang-aapi sayo. Okay? Nandito ako. Handa akong manatili bilang kaibigan mo," nakangiting sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Napangiti ako at tumahan na. Pinunsan ko na rin ang luha ko at nakaramdam ako ng hindi pag-iisa dahil sa kaniya.
"Salamat, pero,"
"Pero?" tanong niya.
"Pero hindi ako maganda. Kyut lang ako," sabi ko at nagtaas-taas kilay.
"Ay kyut din ako" natatawang aniya.
"Haha apir!"
"Apir!"
"Hi Inay!" biglang sulpot ng isang babae. Medyo pandak siya pero maganda. Mahaba buhok. Naiingit na naman si ako. Hayssst.
Napalingon si Rogen dito. "Oh anak. Hello," pagbalik bati niya dito.
Naguluhan naman ako. Inay? Anak? Magnanay sila?
Tinignan ko si Mareng Rogen at yung tumawag sa kaniyang Inay.
"Magnanay kayo?" takang tanong ko.
Napahinto naman sila at sabay na tumingin sakin tapos nagkatinginan sila saka.....
"Hahahhahahahaahahahhahaahahahah" humagalpak sila ng tawa.
Loading.....
Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko reaksyon nila. May nakakatawa ba sa tanong ko?
"Anong nakakatawa? Magnanay nga kayo?" tanong ko ulit.
"Hahahha hin--- hahhahahahha" si Mareng Rogen.
"Laughtrip ka ate hahahha!" natatawang sabi nito.
Nakakunot noo pa rin ako habang nakatingin sa kanila. Napatigil naman sila nung makitang seryoso ako.
"Seryoso ka diyan? Dimo talaga gets?" tanong ni Mareng Rogen.
"Hindi. Magtatanong ba ako Kung naintindihan ko?" medyo may pamimilosopong tanong ko.
Nagkatinginan naman sila. Sabay pa silang napangiwi.
"Sabi nga namin slow ka," nakangiwing sabay na sabi nila.
Wow duet? Choz!
"Ano nga?" tanong ko.
"Tawagan lang namin yun. Inay tawag niya sakin tapos anak tawag ko sa kaniya," paliwanag niya.
"Ahhh," Sabi ko at napatango-tango pa.
"Yes ate,"sabi nung anak kuno ni mareng Rogen.
"Okay... Ano pangalan mo?" Tanong ko dito.
"Tawagin mokong Zei ate. Alexa totoo kong pangalan pero mas bet ko ang Zei," nakangiting sabi nito.
"Ahh ako naman si Joy. Joy the cute," pagpapakilala ko.
"Tinatanong ko ate? Choz. Kyut din ako ate," wews!
"Pilosopa din," aniya ko.
"Hahaha Sabi nga nila ate. Kyut kasi ako," pagmamalaki niya.
"Hangin ah! Mas kyut ako,"
"Mahangin ka din. Mas super kyut ako!"
At nagtagisan na nga kami ng pagmamalaki ng kakyutan kuno namin.
"Ops! Para walang away. Ako ang kyut talaga, hindi kayo!" singit Ni Mareng Rogen na nagpakyut pa sa harap namin.
Kunwaring may hinahanap ako. "Nasaan?"
"Anong nasaan?" Tanong ni Mareng Rogen.
"Yung sinasabi mong kakyutan mo. Nasaan kako?"
Napasimangot naman siya. "Aba Mare ah!" Kunwaring tampo niya.
"Oo nga Inay! Nasaan nga ba? Choz!" Si Zei.
"Apaka niyo! Mga bully,"nakabusangot na sabi ni mare at nagcross arms.
"Charot lang mare eh, hindi ka Naman mabiro," pagsuyo ko dito.
"Hmp!" Sagot lang niya.
"Oo nga Inay. Charot nga lang eh. Kyut ka naman" sabi ni Zei.
Napangiti naman si Mare. "Salamat" nakangiting aniya.
"Pero mas kyut ako Inay" pagmamalaki ulit ni Zei.
Tinignan ko naman siya na nanliliit ang mata. "Mas kyut pa rin ako!" sabi ko.
At nagtagisan ulit kami ng kahanginan. Kahit ganuon at natuwa ako ng sobra ng makilala sila. Hindi kasi sila maarte tulad ng iba. Binubuyo man namin ang isa't-isa pero masasabi kong nagagalak akong nakilala sila.