Chapter 3 - Chapter 2

"Good morning, students." bati ng kadarating na teacher namin. May katangkaran siya at mahaba ang buhok. Mukha siyang masungit para sakin. Sa looks lang naman. Hindi ko alam kung pati ugali.

"Good morning Ms. Mary," bati ng mga kaklase ko.

"Okay.. I guess we have transferee? Where is he/ she?" tanong nito.

Taray dre! English spokening ang Lola niyo! Charot!

"Joy, Tayo kana." bulong sakin ni Mareng Rogen.

Wala sa sariling napatayo ako. Nakaramdam ako ng hiya ng lahat sila ay nakatingin sa akin. Ayun na naman kasi yung tingin nilang nakakatunaw.

Hindi ako ice cream oy! Pero baka matunaw ako! Choz!

Nabighani siguro sa kakyutan ko?! Kapal selp!!

"Hello iha. Kindly introduce yourself" nakangiting anito. Mukhang mabait naman pala. Judgemental ka selp!!

"H-Hi. I'm Joy Miñeque. 16 years old stunner. Ipinanganak na kyut. Lumaki pa ring kyut. Naniniwala sa kasabihang aanhin mo pa ang gwapo kung wala namang laman ang ulo. And I thank you." pagpapakilala ko.

'Hanep!'

'Kyut daw? San Banda? Charot!'

'Iba din!'

Mga komento nila matapos kong magpakilala. Mga bully 'to oh!. Kala mo naman close kami. Hmp!

"You're funny iha. Btw, I'm Ms. Mary Joy Eunice. You're advicer. Feel free to talk to me if you have any questions. Okay?" aniya ni Ms. Mary.

Tumango naman ako dito at sinenyasan ako na maupo na. Pagkaupo ko ay may isang lalaki na hinihingal na pumasok sa pinto ng room namin. Napatitig ako ng mabuti dito at pamilyar.

Siya yung amaw na hakdog kuno kanina. Ano kaya nangyari at pawis na pawis ito? Nagmarathon? Choz!.

"Oh Mr. Lopez, bakit ngayon ka lang?" puna dito ni Ms. Mary.

"I'm sorry Miss. May hinanap lang po ako." sagot nito.

"Palagi ka na lang late sa klase ko. Hindi ka ba nahihiya?"

"Pasensya na po talaga Miss. Next time aagahan ko na po," paghingi ng paumanhin nito.

"Hindi na talaga mauulit Mr. Lopez. Ipapatawag ko ang magulang mo kapag nangyari pa ito ulit. Maupo kana."

Napapahiyang naglakad naman yung tinawag na Mr. Lopez ni Ms. Mary.

Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa huminto sa tapat ko. Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ng mukha ko. Nakayuko kasi ang amaw. Napahiya or amaw lang talaga?

"Upuan ko 'yan," nakayuko pa ring sabi niya.

"Ay oo nga pala mare. Ang anak ko nakaupo diyan." bulong sakin ni Mareng Rogen.

Anak na naman? Napakadaming asawa naman pala nito kapag nagkataon. Tsk!

"Ahh okay," sabi ko na lamang at kinuha ang bag ko. Sa mabilis ako kausap eh. Kapag hindi akin, hindi akin!! Choz! Hugot ka na naman selp?!

Nang tumayo na ako at akmang maglalakad ay napahinto ako dahil nakaharang yung anak kuno ni Mare sa dadaanan ko.

"Padadaanin mo ako o padadaanin? Choose wisely," malumanay kong sabi.

Napaangat siya ng ulo at nagtama ang paningin. Napataas kilay ako samantalang siya ay napangisi.

"Amaw girl?" tanong nito.

"Hah?"

"Amaw gi---"

"Hah-tdog!" pambabara ko saka siya hinawi.

"Oooohhhh." rinig kong reaksyon ng mga kaklase ko.

Sumimangot naman ito. Pero agad ding napawi at napalitan ng ngisi.

Amaw!

Hinawi ko na lang siya at binigyan niya naman ako ng daan. Naghanap na nga ako ng uupuan. Hindi na masama at nasa dulo katapat ng bintana. Para makakapagdaydream. Choz!

"Wait Ms. Miñeque!" Napahinto ako sa akmang pag-upo ko sa upuan.

"Po? Bakit po?" Takang tanong ko.

"Magsisitting arangement na lang tayo ng upuan para maging maayos," Ani Ms. Mary.

Napatango tango na lamang ako. Tinawag naman isa-isa at nagsisitayuan naman Ang nga tinatawag. Ako? Tamang chillax lang kakyutan ko dito. Choz!

Awuut! Sandali!! Lopez? Miñeque? Ohmyyshemay! Magkatabi kami?

Napatingin ako sa amaw na kanina pa pala nakangisi na nakatingin sakin. Tumataas kilay pa siya sabay wave ng kamay. Napaiwas agad ako ng tingin. Ang creepy!!

"Mr. Lopez!" tawag ni Ms. Mary.

"Yes Miss?" amp! Nagpapakyut pa ang amaw. Bet nya si Miss?!

Amp! Ano pake mo selp?!

"Sit beside Ms. Miñeque," at tumigil ang mundoooooo~ Amp! End of the world na ba? Choz!

Ang bait mo Mam! Ang bait mo!... Hindi ako sarcastic diyan ah. Mga 99.9% lang. Yung 1% germs na yun.

Napatingin sakin ang amaw at nakangisi ang bwiset. Napangiwi na lang ako at inirapan ito.

Naupo na lang ako at hindi na nagdemand. Hindi ko gawain yun eh. Mahirap na, baka ako pa mapasama. Sabihin ang demanding ko eh kaybago bago ko pa lang.

"See?" nakangising sabi niya.

"Awan sayo!" Saka siya inirapan.

Napabaling naman ako kina Mareng Rogen at Zei. Mga nang-aasar ang ngiti at tingin nila. Kumikindat-kindat pa si Zei. Si Mareng Rogen naman ay may pafinger heart pa.

Anakng kagang na yan!

Pinandilatan ko sila. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng kaibigan na mapanukso.

Umupo na nga siya sa tabi ko pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Ano siya? Si Park Hyung Sik?. Hindi siya singkit kaya huwag siya. Singkit gusto ko no.

"I'm John Cedrick Lopez. Ceddy na lang," rinig kong sabi niya.

Pero hindi ko siya pinansin. Hindi ako interesado.

"Kausapin mo naman si chocolate Ate Joy," nangingiting ani Zei.

Ano daw? Chocolate?

Napatingin ako kay amaw. Sabagay, balat niya kulay chocolate.

"So Joy pala name mo?"

"Hindi, baka Sad." pamimilosopo ko.

Natawa siya ng bahagya. "Joy name mo pero ang sungit mo," aniya.

"Eh pakialam mo ba?" Pagtataray ko.

Tumawa siya ng tumawa. Buti maingay pa ang klase at lumabas pala si Ms. Mary.

"Seryoso kasi,"saad niya.

"Seryoso din ako Dre. Kaya 'wag ako hah?" tinaliman ko siya ng tingin.

"Parang makikipagkaibigan lang eh." nakangusong sabi niya tapos parang naging isip-bata. Nagkukutkot ng kuko eh habang nakayuko.

Buang!

"Okay,"sabi ko na lang. Hindi naman ako madamot no!

Napatingala siya tapos nakangiti ng wagas. Kala mo naman nanalo ng jackpot price sa lotto.

"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hindi," sagot ko tapos ayun na naman siya sa pag-iisip bata nya. "Oo nga! Amaw neto." medyo inis na sabi ko.

Parang baliw kasi. Dadramahan pa ata ako nito. Paawa epek?!

"Hehe kala ko ayaw mo eh. Sayang pagiging hakdog ko." may pagsa-mahanging sabi niya.

"May bagyo ata pards," Ani ko.

Dahil sa slow rin ata to. Hindi niya alam na nangbubully ako.

"Hah? Wala naman akong nabalitaan?" 'Di ba? Timang siya! Di makaramdam.

"Meron. Ngayon-ngayon lang!..." Sagot ko.

Pinanliitan niya ako ng mata. "Ang sama mo!"

"Hindi ah! Bait ko kaya." bahagyang natatawang sabi ko. Parang bakla kasi, panguso-nguso pa ang amaw.

"Yieee tumatawa na siya.. By the way, sabi mo kanina Pards diba? So...."

"Yah! Ayoko ng tawagan na pabebe eh kaya Pards na lang," saad ko.

"Sabagay. Well pards yieee," ano daw?

"Buang ka?" Nakataas kilay na sabi ko.

"Haha ate Joy ganyan talaga si chocolate." singit Ni Zei.

"Amaw? Halata nga," Sabi ko. Natawa naman si Zei.

Napanguso naman ang kumag. Dumating na si Ms. Mary at nagstart na ang klase kaya nanahimik nako. Study first mga dre! Choz!

********

"Mare, arat na!" tawag sakin ni Rogen.

"Hah? Saan?" Takang tanong ko.

"Lah! Recess na uy! Dun tayo sa canteen." sagot niya.

Kumaway naman ako upang tumanggi. Hindi naman ako mahilig magmeryenda.

"Ayaw mo? Bakit?" takang tanong niya.

"Oo nga ate. Ang payat mo na, baka maging tinik ka diyan. Choz!" si Zei.

Natawa naman ako sa tinik na sinabi ni Zei. "Hahahaha Hindi naman. Tinatamad akong kumain. Mamaya na lang sigurong lunch. Punta na kayo. Dito lang ako."

"Sige. Pero kung nagugutom ka diyan sunod ka lang samin hah? Makikita mo naman kami dun dahil kami ang pinaka tahimik dun." Sabi ni Mare.

Natawa ako. "Haha oo nga. Halata naman. Sige na, Kain na kayo---kahit walang kayo. Choz! Kain well!"

"Ayy hugot?" Sabi ni Zei.

"Hahaha parang? Sige na, babye." Paalam ko.

Umalis na nga sila at naiwan akong mag-isa sa classroom. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagpatugtog na lang.

~I met you in the dark, you lit me up

You made me feel as though I was enough

We danced the night away, we drank too much

I held your hair back when

You were throwing up~

Eme ah! Heto talagang kanta na'to nagplay?! Kaurat!

~Then you smiled over your shoulder

For a minute, I was stone-cold sober

I pulled you closer to my chest

And you asked me to stay over

I said, I already told ya

I think that you should get some rest~

Bigla ko na lang naisip yung napapanaginipan ko dati. May makikilala raw akong tatlong tao. Dalawang lalaki at isang babae. Yung babae ay mahaba ang buhok. May kaliitan kaysa sakin. Yung isang lalaki Naman, kulot na moreno. Samantalang yung isang lalaki ay singkit at payat. Saka magkasama kami sa isang lugar na may water falls.

Totoo kaya yun?

Sabi kasi ng iba, ang panaginip ay hindi nagkakatotoo. Pero, bakit kasi ganun? Naguguluhan talaga ako. Matagal ko ng napapanaginipan yun. Pabalik-balik siya sa panaginip ko kahit hindi ko iniisip. Kung magkatotoo man yun, sino sila? Paano ko sila makikilala? Saan?

Maraming katanungan ang gumugulo sa isip ko. Pati paghahanap ng sponsor ko ng load. Mygasssss!

~I knew I loved you then

But you'd never know

'Cause I played it cool when I was scared of letting go

I know I needed you

But I never showed

But I wanna stay with you until we're grey and old

Just say you won't le-----

"Ay amaw!" gulat na sabi ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na pagkabog nito dahil sa gulat.

"Hahahhaha magugulatin ka pala!?" natatawang aniya.

H-Hindi ako maka-hinga! Yowo!

Hindi agad ako nakapagsalita. Agad kong kinuha ang inhaler ko sa bag at mabilis na ginamit ito.

"M-May hika ka?" gulat niyang tanong.

Huminga muna ako ng malalim bago siya harapin. Pinanlisikan ko siya ng mata, yung parang may dagger na lalabas. Hindi literal pero yung dama niya yung galit ko.

"S-Sorry," napapahiyang sabi niya.

"Sorry? Sorry? Mukha mo sorry!!" Pigil ang galit na sabi ko.

"Hindi ko n-naman alam. Kaya nga nagsosorry ako."

Sarkastikong tinitigan ko siya. "Sa susunod pumili ka ng gugulatin mo! Hindi tayo close para lumapit sakin ng ganito. Amaw ka!"

"Pasensya na ulit. Hindi na mauulit. Nasanay lang talaga ako,"ramdam ko namang sinsero siya sa paghingi ng tawad. Bigla ring naging malumanay ang boses niya. Yung tipong may naisip siya bigla.

Parang giniguilty naman ako nito!

"Oo na!" Sabi ko at inirapan siya.

"Pasalamat ka kyut ako"dagdag ko.

"Wews hah? Hangin din,"komento niya.

"Gusto mo tanggapin ko sorry mo diba?" nakataas kilay na sabi ko.

"Oo naman,"

"Oh edi sumang-ayon ka dapat sa kakyutan ko. H'wag kang ts diyan. Magbagong buhay kana," saad ko.

Napahagalpak naman siya ng tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" pagtataray ko.

"Hahahha natatawa lang ako sa'yo," tumatawa pa ring aniya.

Napangiwi ako. "Buang kana Dre!" Sabi ko na lang.

"Buang sa kaniya! Charot lang," huminto siya sa pagtawa. Napaiwas ng tingin nung tinignan ko siya.

"May hugot sa buhay?"

"Wala naman. Sa dati ko lang na bestfriend." Parang may hinanakit sa boses na sabi niya.

Nangangamoy drama ah! Choz!

"Babae o lalaki?"

"Babae," tipid ang sagot niya at napabuntong hininga.

Tinago ko muna ang headset at cellphone ko sa bag bago umayos ng upo at humarap sa kaniya. Chika to mga sis! Kaya go Lang!

"Anong meron sa bestfriend mo?" interesadong tanong ko.

"I like her way back then, I think until now." English! Loading! Choz!

"Pilipino tayo kaya huwag mo ako maenglish-english diyan. Baka gusto mong ipatapon kita sa Malabon kung saan may mga crocodiles. Marunong rin ako mag-english ah! Don't me! Choz! Basta marunong ako mag-english. Hindi lang halata."

"Magkukwento ako o hindi?" tanong niya.

Napasimangot naman ako. "Oo na. Biro lang eh!" aniya ko at sumenyas.

"Elementary pa lang kami nun. Bestfriend lang talaga kami until naging crush ko siya. Hindi ko pa nasabi sa kaniya nun. Nasabi ko lang nun grumaduate kami nung elementary. Kaso umalis na siya. Nasa ibang bansa siya. Pinangakuan ko siya na hihintayin ko siya. Pero," huminga siya ng malalim. ".... nagkaroon na pala siya ng jowa kaya wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siya." Ang iksi ng kwento niya pero nagets ko talaga pramis! Hope you die! Charot!

"Parang pinaubaya mo ganun?"

Tumango naman siya. Aray! Mukhang masakit nga yun.

Pero elementary pa lang? May ganun na siyang nararamdaman? Immature ba ako nung elem? Ang iniisip ko lang nun eh, paano tatalunin sa teks, jolens at pogs yung mga kaklase ko.

"Kung saan siya masaya, susuportahan ko siya. Bilang kaibigan na lang niya." napayuko siya sa mga huling salitang sinabi.

Nakaramdam naman ako ng lungkot. Bakit ba kasi nahahawa ako kapag may taong malungkot sa paligid ko? Hay naku.

Hinawakan ko siya sa balikat. "Alam mo pards. Kung hindi man naging mutual ang nararamdaman niyo, tanggapin mo na lang. Baka hindi siya para sa'yo. Hindi lang siya ang babae sa mundo. Marami pa diyan. Hindi ko sinasabing mapapalitan mo siya agad, pero try to move on. Palayain mo yung sarili mo sa pagkahulog mo sa kaniya. Hindi ka magiging masaya kung palagi mo siyang iniisip. MOVE ON pards. Yan lang magagawa mo. Ang palayain ang sarili mo sa kaniya" huminga ako ng malalim. "Maaaring pinagtagpo lang kayo pero hindi tinadhana. Lesson learn lang kumbaga. May tao ring para sa'yo diyan. Hintay ka lang." dagdag ko.

Ilang sandali ang namutawing katahimikan sa amin. Naririnig ko pa nga paghinga namin sa sobrang tahimik eh.

Napabuntong hininga siya at napahilamos sa mukha. Bigla na lang siyang tumingin sa gawi ko.

"You know what?"

"What?" Amp! Napaenglish na din ako!

"Ang lawak mo mag-isip. May karanasan ka na ba sa ganun?"tanong niya.

Napaatras naman ako. "Porket marunong mag-advice may karanasan na? Hind ba pwedeng mulat lang ako sa ganap sa earth, sa mga taong nabroken kaya may alam ako? Amaw neto!" Nakangiwi kong sabi.

"Hahahha malay ko ba. It looks like may karanasan ka kasi. The way you say those words. You know? Advice about love?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Amaw mo! Wala nga! Poknatan kita diyan eh!"

Hindi na siya sumagot at tumawa na lang ng tumawa. Parang buang. First day palang ang dami ng ganap. Nastress kakyutan ko! Mygassss!