"'Nak paabot nga nung isang hanger dun sa may pintuan. Nakasabit yun dun!" rinig kong utos sakin Ni Mama.
Tumayo naman agad ako at kinuha ito.
"Eto na Ma," inabot ko yung hanger. "Kamay abot Ma, hindi paabot." aniya ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Eh kung kurutin ko singit mo diyan. Kapilosopohan mong bata ka!"
"Hindi Ma. Hindi ako pilosopo."sagot ko pa.
"Eh kung balyahin kita diyan?!" nakataas kilay na sabi nito. Oh diba?! Attitude din si Mama. May pinagmanahan!
"Mahahaduken kita Ma," sagot ko at ihahampas na sana ni Mama ang hanger sakin kaso nakailag ako. "Biro lang Ma. 'To naman," paglalambing ko at niyakap si Mama.
"Nakuu! Yang pagiging pilosopo mo magpapahamak sayo sa ibang tao, anak. Kaya bawasan mo yan." at nagsimula na nga ang pangaral ni Mama.
"Naku naman Ma.. Bahala sila. Basta ako chillax lang. Alam mo yung kasabihan na "ipakita mo lang ang bad side mo at tignan mo kung sino ang mag-istay sayo"? Ganun paniniwala ko Ma." Saad ko at inamoy-amoy si Mama.
Amoy Victoria secret! Ahihihi!
"Ang bango talaga ng Mama ko kahit hindi pa naliligo oh!"Ani ko.
"Naku h'wag kang mambola anak. Masama mambola sa kyut" oh ha? May pinagmanahan talaga ako eh!
"Manang-mana talaga ako sa'yo Ma eh! Pati kahanginan." natatawang ani ko.
"Suss, kyut ako aminado anak. Ikaw lang hindi. Pulos kahanginan lang." See? Bully din mama ko!
"Aba Ma ah!" Bumitaw ako sa pagyakap sa kaniya at sumimangot. "Binubully mo kakyutan ko. Masama yan,"
"Truth hurts yun anak" ouch naman! Mama ko ba talaga 'to? Choz!... "Mamaya na 'yang kahanginan mo. Magsaing kana para makakain na tayo. May binili akong chocolate cake sa may Red Ribbon kanina." automatic na naglakad ako papuntang kusina at hinugasan ang kaldero namin.
"Oh Ma! One-eight lang parte mo ah! Akin yung matitira!" sigaw ko mula kusina. Bigla akong ginanahan mag-aral dun!
Sokoleyt beybeh!
"Kapal ng peslak mo anak! Hanggang bukas pa yun. H'wag kang PG diyan!" Sigaw niya sa'kin pabalik.
Natawa na lamang ako. Parang teenager pa si Mama eh. Daig pa nga ako pumorma niyan. Sabagay, maagang nabuntis si Mama kay Papa.
Napaisip ako bigla. Ano kaya itsura ni Papa? Singkit ba? Choz! Laki ng mata ko tapos singkit si Papa?! Edi ampon ako kapag nagkataon. Pero, saan na kaya si Papa? Bakit hindi siya nagpapakita? Bakit iniwan niya kami? Bakit hindi man lang niya kami hinanap? Bakit iniwan niyang naghirap si Mama sa pagpapalaki sakin? Bakit?
Maraming katanungan ang naiisip ko. Ganun ba ang mga lalaki? Matapos makuha ang lahat pati dignidad ng babae, iiwan na lang bigla?.
Napailing ako sa naisip.
Hindi naman siguro lahat. Bakit si Jack? Kahit mamatay siya basta ligtas si Rose gagawin niya ang lahat. Buti pa sa Titanic na movie, kahit tragic atleast alam nilang mahal nila ang isa't-isa. Pero ang korni lang sa part na ang bilis nila mafall sa isa't-isa. Wala pang ilang araw, may tukaan ng ganap. Mygassss! Ang bangs ko sa imagination kumukulot.
*******
Umilaw ang laptop ko habang nagsusulat ako. Tinignan ko ito at may friend request na galing sa kung sino.
Rogen Gitgano sent you a friend request....
Confirm Decline
Zei Darrah sent you a friend request....
Confirm Decline
John Cedrick Lopez sent you a friend request....
Confirm Decline
Sila agad bumungad sa notification ko. Pero marami pang nag-friend request. Tamad ako tignan kaya sila mare muna cinonfirm ko.
Pabalik na sana ako sa sinusulat ko ng may magpop na message galing kay...... Amaw?
In-open ko ito.
John Cedrick Lopez
Active Now
Hi cute pards?
Kain kana hahaha kain narin ako hahaha
Chat kita mamaya hahah
Napaangat ako ng isang kilay. Kailangan neto?
Hindi pa ako nakakapagcompose ng message eh may chat ulit.
Kamusta?
Napabuntong hininga ako na nagtype sa keyboard ko.
Ayos Lang
Ikaw?
Hahahha buti naman ayos Lang
Hakdog pa din haha
Napangisi ako. Amaw talaga neto! Hangin din!
Hangin mo no?
Kumain kana?
Ayt gravi naman to😒
Kakatapos lang, ikaw ba?
Natawa ako ng bahagya. May paemoji pa. Ang arte haha.
Kakatapos lang din
Naksss, ano ginagawa mo?
Nagsusulat, ikaw?
Ang tagal niyang sumagot kaya nagsulat ako ulit. Hindi ako matopic na tao kaya mabilis magsawa sa'kin ang mga kausap ko. Hay buhay parang life.
Makalipas ang ilang minuto ay umilaw ulit ang laptop ko. Wala akong nagawa kundi magtipa dito.
Baka hindi ako matapos nito! Tsk! Bahala na!
Sorry, inutusan lang ni Papa✌️
Kamusta? Ano ginagawa mo?
Nagsusulat nga diba?
Naka-unli kaba?
Hahhaa oo nga, sorry
Bukas, sabay ka samin
magbreaktime ah?
Ayoko, kayo na lang
Typing....
Tagal naman nito!
Napasimangot ako sa tagal magtype. Supercalifragilisticexpialidocious ba tina-type nya? Choz!
😑
Napataas kilay ako. Mapapamura pa ako nito ah!. Ang tagal magtype tapos galit na emoji lang sinend nya? Aba'y Tang orange to!
Anong emoji yan?
Galit malamang!!
Oh? May exclamation point na, means galit na nga. Aish.
Sorry naman, bat ba
nagagalit ka kung
Hindi ako maka
kasama sa break-
time bukas?
Eh kasi friends na tayo
Syempre kapag friends
walang iwanan😊
Napaarko ako ng kilay sa sinabi nito. Friends?
Friends tayo?
When? How?
Ito naman😒
Nagshare na'ko sayo ng
secret ko eh. That means,
you're one of my friends na,
pinagkakatiwalaan na kita..
Why? Ayaw mo akong maging
friend?🥺
Uwaws lang ah?! Gumamit pa talaga ng emoji na pa-kyut.
Biro lang eh, kaso
gusto ko yung kai-
bigan na mag-istay
no matter what
happen.
Sure😊 Hindi ako
mang-iiwan no, ako
lang iniiwan
Charot
Hugot ka Dre?
i-MMK mo na yan
Hahahaha grabe ka!
Natawa naman ako. Parang buangs kasi.
Bakit na naman?
Wala haha, gusto
ko lang tumawa😂
Napasampal ako sa noo. Buang na yata to or inaantok na.
Matulog kana nga
Kulang lang yan
sa tulog
Haha siguro nga, madalas
kasi akong nagpupuyat eh
Edi matulog kana
Goodnight
Sweet dreams
Goodnight and sweet
dreams too Pards!!
Nagreact lang ako ng puso sa sinabi niya bago ligpitin ang gamit ko. Hindi ko na rin maipagpapatuloy at inaantok na din ako.
********
Maaga akong nagising dahil nakasanayan ko na ito. Maaga ring nagluto si Mama at maaga ring umalis. Naaawa ako kay Mama. Wala man lang ako maitulong pa sa kaniya ngayon. Dapat talaga magtapos ako at maibigay ko lahat ng gusto niya. Makabawi ako sa lahat ng pagsasakripisyong ginawa niya para lumaki akong maayos at hindi pariwara.
Buti na lang maluwag ang kalsada ngayon. Hindi pa kasi rush hour kaya bihira pa sasakyan. Maaga pa naman kasi. Nasa sakayan na ako ng tren ng tumunog cellphone ko.
You have 1 new message...
Binuksan ko ito at galing kay Mama.
From: Mamsie<3
Composed Message:
Good morning anak. Male-late ako ng kaunti hah? At maraming idedeliver ngayon. Magluto ka na lang. Bibilhan na lang kita ng kisses mo. I love you. Ingat.
Napangiti naman ako. Alam pa rin naman pala ni Mama paborito kong kainin.
To: Mamsie<3
Compose Message:
Ayos lang Mama. Mag-iingat ka din diyan. I love you. Kisses ko ah? Choz. Ingat.
Tinago ko na ang phone ko ng makitang malapit na akong bumaba. Pagkabukas ng pinto ng tren ay lumabas agad ako upang pumunta sa sakayan ng tricycle. Pagkahinto ko sa may linya ng tricycle---kung minamalas este sinuswerte ka nga naman. Si Manong na pilosopo masasakyan ko ulit.
Ngumiti ako. "Good morning Kuya!" masayang bati ko.
"Walang good sa morning! Ikaw na naman pasahero ko eh!" aniya at pinaandar ang motor.
"Ouch naman kuya. It hurts!" humawak pa'ko sa dibdib ko at kunwaring nasaktan.
"It hurts ka dyan. Sasakay ka o hindi?"masungit na tanong nito.
Natatawang sumakay naman ako sa tricycle. "Kuya masama sumimangot. Nakakapanget 'yan," Saad ko.
"Talaga ba? Eh bakit ikaw, nakangiti ka pero panget ka?"
Ay yowo!! Aba bully to amp!
"Ang bully mo Manong! Kala mo naman mala-adonis peslak mo."
"Wala akong sinabi. Pero, aminado naman na panget ka." anito.
"Aba Ma-----"
"Oh, huwag ka ng humirit diyan. Nandito na ikaw at ako!"
Natawa ako. "Oo na Manong. Oh ayan na po bayad ah. Salamat." sabay abot ko sa bayad bago bumaba at kumaway pa dito. Inirapan lang ako ni Manong bago umalis.
"Ang arte arte naman nun. Kala mo babae,"nakangiwing ani ko.
Boooogsssshhhh!
Napadapa ako sa lakas ng tumama ko sa ulo na 'yun. Napapikit ako dulot ng hilo na epekto nun. Para akong binambo ng bakal sa ulo.
"Hahhaha bagay nga sa'yo. Mayabang ka eh!" rinig kong pamilyar na boses.
Ako pa talaga mayabang ah?
Pumikit-pikit ako upang matanggal ang hilo sa ulo ko. Saka ko pinilit tumayo.
Hawak ko ang ulo na naglakad papasok. Naririnig ko ang tawanan ng mga estudyante. Siguro nakita nila yung nangyari. Pero hindi ko sila pinansin at nagmadali na lamang na maglakad papunta sa classroom. Pagkarating sa pinto ay huminto ako at hinawakan ang ulo ko.
Ano kaya pinang-ano nila sa ulo ko? Tsaka malaman ko lang kung sino exactly gumawa nun. Tamo! Magiging lima paningin niya!!
"Good morning ate Joy!" masiglang bati ni Zei. "Oh? Anong nangyari sayo ate? Bakit namumutla ka? Nakalimutan mo maglipstick? Choz. Bakit nga?"
Kumaway lang ako sa kanya para sabihin na wala lang iyon.
"G-Good M-Morning," ngumiti ako ng pilit.
"Sure ka ate? Ayos ka lang talaga?" pamimilit nito.
Ngumiti ako kahit medyo nahihilo ako.
"Oo naman. Pasok kana." sagot ko.
"Sabay na tayo ate," anyaya niya kaya sumabay na lamang ako kahit bahagyang nahihilo pa rin.
"Good morning mare!" masiglang bati ni Rogen ng makapasok ako. Ngumiti lamang ako dahil pakiramdam ko saksak sa'kin ang magsalita. "Ay hala! Walang good morning pabalik?"
Napabuntong hininga ako at bahagyang klinaro ang boses. "G-Good m-morning," pilit ang pagsasalitang bati ko.
"Ay shala mare! Ba't ganun boses mo? Masakit ba lalamunan mo?" takang tanong niya at halata ang pag-aalala sa mukha nito.
"Oo nga Inay. Kanina ko pa napansin 'yan nung binati ko siya sa labas." singit ni Zei.
Umupo ako sa upuan ko at dumukdok muna sa desk ko. Feeling ko walang akong dalang ulo. Amaw no? Walang ulo agad?. Para kasing ganun nararamdaman ko. Ang gaan ng ulo ko na mabigat. Basta ganun, medyo masakit.
"Kapain mo nga baka may lagnat," rinig kong utos ni mare.
Naramdaman ko na lang ang kamay ng kung sino sa leeg ko.
"Anong nangyari ba dito?" Rinig kong boses ni Ceddy. Ngunit nanatili ako sa pwesto na iyon.
"Hindi rin namin alam. Pati boses niya parang hirap siya magsalita." sagot ni mare.
May tumapik sa'kin. "Hey!" si ceddy.
Hindi pa rin ako nagbabago ng pwesto. Feeling ko kapag nagsalita pa ako lalo kong iindahin ang sakit ng ulo ko.
"Hayaan niyo muna kaya si ate Joy. Baka kailangan niya ng pahinga." rinig kong sabi ni Zei.
Tama ka diyan Zei!
"Sige, magpahinga ka muna diyan. Gigisingin ka na lang namin mamaya." rinig kong sabi ni Ceddy at nakaramdam nga ako ng antok kaya tuluyan ko ng ipinikit ang mga mata ko.