Isang umagang kahali-halina ang sumalubong sa
akin.
"Hmm..mukhang magiging masaya araw ko
ngayon ah!"
Agad akong dumako sa study table upang kunin
ang aking selpon.Nang buksan ko ito agad na
bumungad sa akin ang litrato ng aking sinisinta.
"Aaaah! omy gash..wait..p-pa'no kumalmaaaaa!"
"Bakit ba kase napakagwapo mo iniirog kooo!"
"Hoy..Juanito!!!"
*Tug tug tug.Tunog ng pagtalon ko.Ilang beses din
akong nagwala na parang bata.
Nagulat ako ng biglang may pumasok sa kwarto
ko.
"Putra***! na saan ang magnanakaw?"
"Anak may nangyari ba sa iyo?"
"May ipis ba?! Ha?!"
*Yan ang tatay ko napakamaalahanin.
"Pa! easy....si crush kase...a-ang gwapo
Aaaaaah!". At tila nagpabebe pa.
"Tingnan mo pa mapapatili ka din."
Nakikita ko si Papa na papalapit sa akin pero agad
akong tumagilid para makita niya ang larawan.
*Ugg!
Nagulat ako kay Papa nang bigla niya akong
batukan.
"Aray Pa! Ang sakit ah!"
"Bwisit ka kala ko kung na ano ka na! yan lang
pala!"
"Patingin nga ako!"sabi nito.
"Titingin ka rin pala Pa eh."
"Hay naku, di hamak na mas gwapo ako dito."
"Hay naku Pa, sige na nga oo na, nagmana naman
ako sa iyo eh yiiee!"wika ko.
"Nambola pa 'to. Halika na at kakain na tayo!"
"Opo, susunod na po."
Mga ilang minuto ay bumaba na agad ako at
pumunta sa may sala.Nakita ko yung mga kapatid
at mga magulang ko na nakahanda na para
kumain.
"Good morning Universe!"sigaw ko.
"Good morning ate! Good morning nak!"bati nila
sa akin.
"Ma, anong ulam?"pagtatanong ko dito.
"My very best recipe, of course Sinigang!"wika nito.
"Waaw...Ma! Alam mo favorite yan ni Bebe
Juanson." sabi ko.
"Ayan na naman siya..Juanson,juanson puro na
lang juanson.Hay naku ma, ang buong araw
natin mapupuno na naman ng pangalan ng crush
niyal"pagsisingit ni Kate.
"Ay grabe parang di na nasanay! Ako lang naman
'to masanay na kayo."
Bigla namang nanahimik ang paligid.
Matapos naming kumain, kinuha kong muli
ang aking selpon at binuksan ito. Tumungo ako
sa Fezzybook.Ngunit....nagulat ako sa aking
nakita.Pagbukas ko...ay tila naging mabagal ang
lahat.Nanakit ang dibdib ko sa nakita ko. Tila
babagsak ang mga luha sa mga mata ko.Biglaan
lang kase ang pangyayari.
"Ate, alam mo na ba?"
Narinig kong sabi ni Kate na papasok sa
kwarto.Bago ako napasandal sa pader at bumuhos
lahat ng luha.
Agad namang pumasok si mama.
"Ma...Ma...si Juan-s-son...patay na.."hagulhol ko.
"Mamaaaa....."sabi ko habang hinahaplos ng palad
ng aking ina ang aking likod.
"Kate iwan muna natin si Ate mo."sabi ng
nagaalala kong ina.
*iiik.Tunog ng pagsasara ng pinto.
"Hindi 'to totoo 'di ba?.Hindi pwede kase hindi pa
kami nagkikita, ni hindi ko pa siya nahahawakan."
Humiga naman ako sa aking malambot na
kama,tumingala at hinarap ang puting kisame.
"Juanson!! bakit? haaaaaa..sigaw ko. Tsaka
isinubsob ang mukha sa malambot na unan.
Nang oras ay narinig ko na namang kumakatok
at sumisigaw sa labas si Kate habang ako ay
nakahiga sa kama at namumugto ang mga mata.
*tok tok tok tok
"Ate lumabas ka na diyan, anong oras na, kumain
ka naman muna!"
"Wala pa akong gana."Matamlay kong sabi.
"Ano ba atelnang dahil lang diyan sa crush mo.
na hindi ka kilala. Ni hindi nga niya alam na
nabubuhay ka pala dito sa mundong 'to eh!.Ate
naman hindi pwedeng hindi ka kakain.Intindihin
mo naman 'yang sarili mo! Mamamayat ka niyang
ginagawa mo eh!"
Nagulat ako sa mga salitang binibitawan ng
kapatid ko. Alam kong masakit bilang fangirl pero
totoo nga naman, hindi nga ako nun kilala, ni
hindi nya alam nanamuhay pala ako sa mundong
ginagalawan niya noon.
*hms aahh... iyak ko nang mahina para hindi
madinig ng kapatid ko.
Natapos din akong umiyak.At sinabi sa sarili kong
marahil napagiwanan nga ako. pero i will not
replace you Juanson in my heart.Naging fan kase
ako ni Juanson for about 5 months...yea' bago pa
lang Pero ewan ko kung bakit ganito...sobra yung
sakit. Ilang buwan ko pa lang siyang nakilala pero
labis ang paghanga ko sa kanya.Juanson gusto ko
lang na malaman mo na ikaw pa rin ang da best
kahit na magkaroon pa ako ng sandamakmak na
lalaki wala pa ring makakapantay sa iyo.Mahal
kita
"Juanson sana kahit sa saglit lang na oras..."
Juanson i will wait for you kahit saan man yan
It's okay if not now but i hope to see you.