ELYSIA'S POV
Pagkatapos kong umiyak lumabas na agad ako ng kuwarto at hinarap ang pamilya.
"Good morning...ano okay ka na?"wika ni Papa
"Uhmm m-medyo po.." mahina kong sagot.
Bigla akong nakaisip ng paraan para maging maayos ang aking pakiramdam.
"Aah maa! Pwede po ba kaming lumabas ni Shan?"
Oo gagala kami ng kaibigan ko para kahit papano gumaan yung pakiramdam ko.And besides matagal na rin kaming hindi nagkikita.
Inihanda ko na ang mga gamit ko para sa pag-alis.
"Ma! Pa! iintayin ko na lang po si Shan sa labas.Una na po ako..."
Pagkalabas ko ng bahay, tumingala ako at tinignan ang napakaganda at bughaw na kalangitan at tila inamoy pa ang sariwang hanging dumadampi sa aking katawan.
"Hmm..hayy..okay Ely, magsimula tayo ule."
Habang nakatingala,nakapikit at nakaharap sa langit ay may biglang tumusok sa tagiliran ko.
"A aa aaraay!!" sigaw ko.
"Ano ka ba naman, mangingiliti na lang di pa magsasabi!".
Ako'y tumalikod para maharap ang taong tumusok sa tagiliran ko.
"Gaga! may ganun ba?!, aay sorry po Ms.E-lay sana ininform mo ako na ganun pala dapat gagawin ko.Sorry ha,pwede take 2?."aniya Shan
"Timang! Tara na baka gabihin tayo."
"T-teka saan mo ba ako dadalhin?"pagtatanong ng kaibigan.
"May alam ka bang pwede nating puntahan?"sabi ko.
"Haa? Di mo alam kung saan mo 'ko dadalhin?"
"Gaga ka talaga! Alam mo nang napakalayo ng bahay ko--"
Sunod sunod na pagtatanong nito.
Habang nagdadaldal at nagsasatsat si Shan ay iniwan ko na siya.Ang bungangera kase nakakainis.
"Hooy! Tingnan mo talaga 'tong babaitang ito! Hoy! ikaw ang nag-aya sa akin dito remember? tapos iiwan mo lang ako, sa gitna pa ng daan?haaaaa! ely wait mo 'kooooo!"
Inirapan ko lamang ito at naglakad ng mabilis.Ang OA kase e.Pero alam nyo kahit gaganyan ganyan yan napakabait,supportive, at caring niyan wala nga lang jowa.HAHAHA jowain nyo na gaiz, jowang jowa na yan pero medyo choosy.
Nang maabutan niya ako, nagsalita siya at sinabing..
" Hay...grabe...para kang sasakyan...ang bi-lis mo maglakad ha..ha" hingal na hingal na wika ng OA kong kaibigan.
"Gusto mo tubig?"nag-aalala kong tanong.
Ngumuso naman siya at tumango tango.
"Wait tumingin ka sa bawat gilid ng kalsada"
Ako naman ay nagkunwaring detective at sinabing..
"hanap tayo ng kanal."
Grabe natatawa ako sa itsura niya naghahanap din siya e HAHAHAHAHA.
Bigla niya naman akong binatukan.
"Araay! Bakit mo 'ko binatukan?"
"Kailangan pang itanong ha? Kala ko naman bibigyan mo talaga ako.Gaga ka tara na nga baka mapatay na kita dito sa daan."naiinis na sabi ni Shan.
"Pero gusto mo talaga?"pagtatanong ko.
"Gaga ka talagaaa..."sabi nito.
Inakbayan naman niya ako at sabay na naglakad patungo sa bus station.
Pagsakay namin ng bus kinuwento ko yung mga nangyari kanina.Tawa naman ng tawa ang gaga.Kasi daw di naman dapat pinagluluksaan yung mga ganon.
"AHAHAHAHAHAHA"halakhak ni Shan
"E sa masakit sa akin na nawala siya e!"
Napatingin naman sa amin ang mga pasaherong nakasakay sa bus.
"Aa aahm ha ha haa."sinabi ko habang nakatingin sa mga tao.
Kinulbit naman ako ng lalaking na sa likod ko at sinabing..
"Okay lang yan Miss..Chair up."
May pa punas punas pa ng mata wala namang luha.Kidotdot ka gurl.
"Alam mo Ely, madali ka ring makakamove on, saglit mo lang naman nakilala e."tinapik tapik pa nito ang likod ko.
"Hay sana ganun na lang kadali.." buntong hininga ko
Pagkababa namin ng bus, sakto namang may bumangga sa kaibigan ko.
"Araaay! ano ba kuya dahan dahan naman po kayo maglakad."sabi ni Shantilly.
"Uhm i'm so sorry ma'am i'm in urgent.."pakiusap nung lalaki
Napatingin naman kami sa kahitsurahan ng lalaki.
Abaa tingnan mo nga naman kung sino pa yung nabangga siya pa ang nagpabebe, nagpacute na ewan, di maintindihan.
"Urm itsh um kay...cwen i gwet yer nember mishterr..."wika ng talandi kong kaibigan.
"Hoy inday ano nangyari sa'yo bakit parang napulupot yung dila mo?, 'di bagay ah para kang bulating inasinan."bulong ko.
"He-hendwe o-okay lang ako..."sabi nito at kinurot ang tagiliran ko.
"Aaah!" mahina kong reklamo.
"Am sir you can go now.Sorry po!" sabi ko
"Uhmm haha thank you miss."wika ng gwapong lalaki.
Sabay naming tiningnan ang gwapong lalaki na tumatakbo palayo.
"Oh tara na gagala pa tayo!"
Ipinasok ko ang braso ko sa braso niya at ipinulupot ito.Pagkahila ko sa kanya, nabaling naman ang tingin ko sa paa niya kase nung hinila ko siya ayaw niyang sumunod.
"May natapakan ka bang glue?"pagtataka ko.
Pagkaangat ng tingin ko sa kaniya, nakatingin pa rin siya sa dinaanan ng lalaki.
Pinalo ko naman yung ulo niya at sinabing..
"Hoy sabi ko ta -ra -na!, nadinig mooo?!"sabi ko
"H-haa?" at tila nakatingin pa rin dun sa dinaanan ng lalaki na kanina pa wala.
"Tingnan mo sumigaw na ako nun ah! Patingin nga ako ng tenga mo baka may luga na yan!"sabi ko
"Ah...eto yung tenga ko oh.."sinunod naman niya ito at pinapakita niya pa ang tenga niya sa akin.
"Tingnan mo talaga ang gaga pinapakita din talaga"wika ko.
"Hay naku ewan ko sa'yo uuna na nga ako!"
Tumingin muna si Shantilly sa direksyon ng dinaanan nung lalaki bago sumunod sa akin.
"W-wait Elysiaaaa!" wika nito.
"Elysia..wala ka pa rin bang idea kung saan tayo pupunta?
"Aah...wala pa..."
"May alam akong pwede nating puntahan.May bago kaseng bukas na mall dun sa may paliko ng kantong yan.Ano?want mo?"sabi ni Shan.
"Aba naging mabait ka yata ah"
"Eh ano kasi..nakita ko na kasi ang Prince Charming koooo!"kinikilig na sabi nito.
"Prince Charming talaga?, meron ba nun dito?
Alin yung inoorder?"sabi ko.
"Elay naman eee..."
"Alin yung nakabungguan mo kanina?Prince Charming agad?Alam mo Shan, hindi tayo nakatira sa isang wattpad ha.Walang ganyan dito sa mundong 'to no.At saka nakabungguan mo lang Prince Charming na agad?! Duh!."pagiinarte ko
"Bakit gwapo naman siya ah?!"pamimilit ni Shan
"Hoy! fyi Shanti, hindi porket gwapo pwede nang jowain ha! Grabe ka talaga! hay naku! Shanti! Malay mo may jowa na yun or taken na tsaka wala naman sa itsura yung kailangan para makahanap ng true love no!Hay naku!Alam mo kung ano ang magadang gawin?Pumunta na lang tayo dun sa sinasabi mong bagong bukas na mall baka makapatay pa ako dito dahil sa'yo!ani ko.
"Naman! Elysia Lyon Isis! minsan na nga lang ako magkacrush e!"pagmamaktol nito
"Minsan ha? Ang minsan ba ay 10x?"
"Hoy bumanganga mo, baka may makarinig sa'yo" mahinang sabi nito.
"Di ka pala papalag e"
"Hay naku Elay tara na baka mamaya sumabog ka na diyan!"
Mga ilang minuto lang ay nakarating din kami, thanks to my tourist guide.
"Oh 'di ba ang ganda dito?!"sabi ni Shan
"Medyo...tara bili tayo ng damit!"ani ko
"Ah okay po, dun po yun sa may third floor."
"Teka bakit alam mo?nakapunta ka na ba dito?parang kabisado mo lahat dito ah?pagtataka ko.
Tumingin tingin naman ako sa paligid bago ko ibinaling ang mata sa kaibigan ko.
Para naman siyang timang na nakatingin sa akin.
"Ano?!, Shantilly Rose Immorte!"
"Kailangan buo talaga?Tsaka wag ka sumigaw ang daming tao dito.E k-kasi ga-ga-nito nga kase yun ii e-elyy.." pangangatal ngatal na sabi nito.
"E-e a-ano n-ngaaa? Ayusin mo yung dila mo.Ayan na naman yung pagkabulati ng dila mo e."pagkairita ko.
"Eeeeeeeee...".