Chereads / HOPE TO SEE YOU / Chapter 7 - CHAPTER 4

Chapter 7 - CHAPTER 4

Tanghali na ako nagising at medyo masakit pa ang ulo ko.

"Ugh, ang sakit ng ulo ko!"

Lumabas ako agad ng kuwarto at humanap ng makakain.

Bumungad naman sa akin si Mama.

"Oh buti gising ka na, pinaghandaan na kita ng makakain mo at alam kong may hangover ka pa."

"Aaah, ang sakit talaga."

"Oh, humigop ka muna ng sabaw."

Iniabot naman sa akin ni Mama ang pinakamasarap at mainit-init niyang sinigang.

Habang nakain ako, napansin kong nakatingin ng seryoso sa akin si Mama.

"Bago ka pa lang sa trabaho mo,may naghatid na agad sayo."

*Pfffft!

Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi si Mama.

"Ayusin mo nga 'yang pagkain mo! ang kalat nito."

"May naghatid sa akin dito?!"

"Oo, at alam mo ba ang gwapo niya tsaka mukhang mayaman kase nakakotse pa kayo kagabi."

Naalala ko nga na may naghatid sa akin, pero di ko alam kung sino.

Bigla namang sumakit ang ulo ko at naalala ang nangyari sa akin kagabi.

*Pumunta kami ng resto kagabi.

*Nagparty sa bar.

*Pinipilit din ako ni Troy na siya na daw ang maghahatid sa akin.

"Elysia, ihahatid na kita, lasing ka na."

"Si Troy ang naghatid sa akin dito?!Halaa! Wala naman siguro akong nagawang masama sa kanya kagabi?! Yung pagsalo at paghawak lang naman nung likod ko 'di ba!, w-wait hinawakan niya yung likod ko? Jusko! Totoo ba yun?Naku sana hindi maging awkward bukas. Haaaaay! Ely naman eeeeee! Bakit ka pa kasi pumayag makipag inom, e 'di ka naman talaga nainom!" sabi ko sa sarili ko.

Muli naman akong natauhan nang magsalita si Mama.

"Oh? Bakit naiiyak ka na diyan?"

"Ma? A-ah...ang asim kasi ng niluto mo ma e, bakit ba kasi ang asim mo magluto ma."

"Timang! Sinigang yan! Kaya natural maasim yan! Saan ka nakatikim ng Sinigang na mapait?"

"Aaah? wala"

"E sinigang na maalat?"

"Wala din."

"Pala e, maiwan na nga kita diyan! Kung ano ano na lang pinagsasabi mo!"

Tiningnan ko naman ang pag-alis ng galit na galit na tila nag-aalburoto kong Mama.

"Haaaaaay!" pagwawala,pagpapadyak at tila sinasambunutan ko ang sarili matapos umalis si Mama.

"Pa'no na?" pagbuntong hininga ko.

KINABUKASAN

*krriiiing *kriiiing *krriiiing

*3:00 am

Maaga akong nagising sa ingay ng aking alarm clock.

"Hmm..panibagong umaga na naman!"masayang bati ko.

Ngunit bigla ko muling naalala ang mga nangyari nung gabing iyon.

"Ano ba namannn! Kailan mo ba ako titigilan?!"

"Hindi, Elay kaya mo yan! Yun lang naman 'di ba? Hmp napakaliit na bagay at saka lasing naman ako nun."

"Ahaaa! Magpapanggap akong 'di ko alam ang mga nangyari! AHAHAHAHAHAHAA brilliant idea Elay!" nagmukha akong evil witch sa paghalakhak ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na agad ako sa magulang ko.

Sabay muli kaming pumunta ni Shan sa trabaho.

"Talaga ba Elay?! HAHAHAHA ang landeee.....di ko alam na may tinatago ka ding kalandian."

"Mukha mo! Wag mo kong igagaya sa'yo no!"

"Araay ha! Pero kailan kaya mangyayari sa akin yun no?"

"Year 9000000001"

"Patay na 'ko nun"

"Alam mo naman pala e"

"So, pinapalabas mo na 'di na ako magkakajowa ganon?"

"Hindi naman sa ganon! Pero parang ganun na nga!"

"Naku Elay 'pag talaga ako nagkajowa ihahampas ko talaga sa'yo!

"*pag!"

"Aaay! basta kinikilig ako Elay ha? So? Nagkiss kayo?." pagtatanong nito.

"Kiss? Kiss talaga?!E kung kiskisin kita diyan."

"E kasi napanood ko na yung mga ganyang pangyayari e!Sa mga kdrama,pdrama,sa mga webtoons at iba pa.Yung tipong sasaluhin ni Boy si Girl tapos magtitigan sila ng matagalan hanggang sa....

*Naiimagine ko naman yung sinasabi ni Shan, naiimagine ko na si Troy yung boy at ako si Girl.

*Hoy tumigil ka nga self! Ano ba yan! Magka-trabaho lang kami periodt.

Nanumbalik naman ako ng biglang napatigil si Shan sa pagkukuwento.

"Hoy! Tumigil ka nga! Tsaka yun lang yung nangyari sa amin..Swear!"

Makaraan ang mga ilang minuto ay nakarating na din kami.

Sabay kaming pumasok ni Shan nakapulupot ang braso niya sa akin.

Nakita ko namang papasok din si Troy.

Kinabahan ako ng 101% pero buti na lang ay lumagpas siya sa amin.

"Oy! 'di ba si Troy yun!"

"Ano ba wag kang maingay baka madinig ka." bulong ko.

Nagulat naman ako nang bumalik siya at hinarap kami.

"Aah Elysia, nakalimutan ko pa lang mag-thank you last night,because of what you said."

*Grabe, 'di na ba 'to makakaabot ng mamaya kailangan now na?sabi ko sa sarili ko.

"Aah Sir, because of what i said? Haha ano pong sinabi ko sa inyo last night?"

"Aah excuse po Mr.Troy mauuna na po ako ha,Bhie uuna na ako baka may mga kailangan pa kayong pag-usapan" paniningit ni Shan at tila nanindat pa.

"Ano ka ba?" bulong ko.

"Umm?..you can't remember? Aah nakakahiya mang sabihin pero sinabihan mo akong gwapo kagabi."

"A-ako? Sinabi ko 'yon?!" nauutal kong tanong

"Oo hehe" at nagkamot pa ng batok.

"Aah S-sir, if you don't mind,can i ask you a few question?"

"Mm, yea' ano 'yon?"

"Ano pa yung sinabi at ginawa ko sa inyo kagabi?"

"Hmm...w-wala na naman.Yun lang.

Umm..Ms.Elysia i'll go ahead.See you later." pagpapaalam nito.

"Aah okay Sir."

"Haaay...salamat naman hooo..kinabahan ako dun legit!"

Matapos naming mag-usap, pumunta na agad ako sa table ko at kinuha ang mga dokumentong pinaayos sa akin ni Mr.President.

*tok *tok *tok

"Come in!"

"Ah, Mr.President, ito na po yung mga papeles, kumpleto na po 'yan tsaka na double check na po."

"Thank you Ms.Isis.You can go now."

"Ah your welcome po."

Paglabas ko ng kuwarto ni Mr.President pansin ko ang pagiging malamig nito.

"Siguro may problema si Mr.President." bulong ko.

Bago ako makarating sa table ko.

Nabaling naman ang tingin ko sa kuwarto ng Manager namin.Nakabukas kasi ito.

Nakita ko kasi siyang naglilipstick at nagfo-foundation.

Nagulat naman ako nang tumingin din ito sa akin.Agad naman akong umalis sa paninilip ko roon.

Nang makarating ako sa table ko.

"Uhm Ms.Elysia pinapatawag po kayo ng Manager." sabi ni Kuya Noli.

"Po? A-aah sige po."

Bumalik ako sa kuwarto ng Manager.

Pansin ko na hindi siya mapakali at tila kinakabahan pa ito.

"Aa-aah S-sir bakit niyo po ako--" naputol yung pananalita ko nang lumuhod sa akin si Mr.

Sandro Aguilar."

"Nagmamakaawa ako sa'yo, wag na wag mong sasabihin sa mga tao dito yung nakita mo.Oo na bakla na ako pero sana magkaroon tayo ng agreement na never mong ipapaalam kahit kanino ang nalaman ar nakita mo, kahit sa nanay mo man plss."

"Tss yun lang pala, tumayo ka na diyan! Promise Mr.-- ay Ms. pala na never kong ibubunyag yung nalaman ko kahit sa mga magulang ko pa."

"T-totoo?"

Bigla niya naman akong niyakap at nagtatatalon.Sinabayan ko naman ito sa kanyang pag-indayog.

"Ang bait mo naman pala, maraming maraming salamat Elysia.Haay jusko!Kala ko mamamatay na ako sa sobrang kaba." sabi niya in a gay tone.

"Aah teka, bakit nga pala ayaw mong ipaalam na bakla ka, mahirap kaya na itinatago mo yung tunay na pagkatao mo.'Di ka ba nahihirapan?."

"Nahihirapan din no! Kaso nga lang natatakot ako dahil maraming mga judgemental people na idadown ka, iuunderestimate ka,ididiscriminate ka because of your true identity so i decided to hid my true personality."

"Alam mo hindi mo naman forever matatago 'yan.Malalaman at malalaman yan ng mga tao. Oo idadown ka nila at mamaliitin, pero sana kahit malaman ng iba, wag kang magbabago,wag mong sisihin yung sarili mo.Magpakatotoo ka kase alam mo na wala ka namang ginagawang masama.At saka hindi mo dapat sila iniintindi.Mahalin mo yung sarili mo.Wag kang magpapatalo sa sasabihin ng iba.In fact magiging masaya ka pa 'pag nalaman nila kase 'di mo na kailangan magtago basta alam mo sa sarili mo na nagpakatotoo ka.Be brave and have a confidence enough Ms."

"Aaaaaah.....thank you Ms.Elysia i really really appreciate it.

"Ano ka ba maliit na bagay HAHAAHA."

"Aah sabay na tayong kumain ng lunch mamaya, pupuntahan na lang kita sa department mo.Kung pwede?"

"Hay naku Marites pwedeng pwedwe!"

"Aaay bongga! Marimar!"

Bigla namang pumasok si Ms.Cora at nagulat ito sa kanyang nadinig.

"Aah? M-mr.Manager?"