~Timothy Mathew's POV~
Nagising ako ng may maramdaman akong kaluskos sa paligid ko at agad kong inilibot ang aking paningin.
oh gising ka na pala Sir- bati ng nurse at inabutan ako ng tubig
salamat- sabi ko
Sir maari na po kayong makalabas, bilin si Sir Jin na tawagan siya pag nagising na kayo, baka maya maya lang po nandito na siya- mahabang pahayag ng nurse na tinanguan ko lang
oh siya po ako'y lalabas na pindutin niyo lang yang button sa tabi ng kama niyo pag may kailangan kayo- sabi niya bago tuluyang umalis.
at ako ay naiwan nanamang mag-isa at napatulala nanaman sa kisame.
Mat'
agad akong napalingon sa tumawag sa akin at agad napakunot ang aking noo
Molly, anong ginagawa mo dito?- tanong ko sa taong bagong dating
binibisita ka- sagot naman niya
at binisita kita kagabe kaso tulog ka, kumusta ka na- tanong niya na bumakas ang pag aalala sa mukha niya
I'm ok na, you don't have to visit me
well I heard auntie still unconscious, and there are restrictions so I couldn't visit her
~knock knock~
we heard a knock at bumungad sa amin si Uncle Jin.
oh may bisita ka pala- ani Uncle Jin na nakatingin kay Molly
Hi po- bating wika ni Molly
hello Ija- balik na bati ni Uncle Jin.
Uncle can I visit my mom now- agad kong tanong
Oo bago tayo umuwi bisitahin mo muna ang iyong Mommy, isama mo na rin itong kaibigan mo- sabi ni Uncle Jin
at may pumasok na nurse na may dalang wheelchair
dahil hindi ka pa ganun kalakas kaya kailangan mo muna mag wheelchair at baka mabigla ang iyong katawan- paliwanag ni Uncle Jin nang tignan ko siya ng may pagtatanong at sinunod ko na lamang ang kanyang sinabi
inalalayan ako ng Nurse na makaupo sa wheelchair at itutulak niya na sana palabas nang
Ako na po ang gagawa niyan- pag boboluntaryong pahayag ni Molly at agad na pumweso
hindi na ako nag-abalang kumontra
Molly is my ex, we separated coz she's too clingy and needy, well I loved her, it's too toxic. She said she will change for me so im looking forward to it or I guessed not but right now it's not the time for that.
nauunang lumakad si Uncle Jin at kaming dalawa ni Molly ay kasunod niya lamang, ngunit gayun pa man ramdam ko ang lungkot ni Uncle Jin hindi ko alam kung bakit, mamaya ko na lamang siya tatanungin.
at hindi nagtagal ay nakarating na kami sa kwarto kung nasaan si Mommy, may dalawang guards na nagbabantay sa labas ng pinto ng makita si Uncle Jin ay agad nag bow ang mga ito.
at kami ay pumasok na sa loob
I saw mom lying on bed sobrang kalma ng kanyang mukha ngunit may kaunting galos bandang ulo at ang kanyang paa ay may benda ito'y maaring naipit.
Mat, I'll leave you here first I will just pick this call up- Pagpapaalam ni Uncle Jin at tinanguan ko lamang
Mat, what happened?- tanong ni Molly na ikinuwento ko naman ang mga naalala ko at ang sinabi ni Uncle Jin.
at niyakap naman ako ni Molly, well at least right now I know someone is here for me aside from Uncle Jin then I suddenly remembered Auntie May hindi pa niya ako dinadalaw pati si Mira
Mat' let's go?- tanong ni uncle na nakabalik na pala kaya agad akong napahiwalay kay Molly.
ok po uncle- sagot ko
ikaw Ija saan ka nakatira at nang maisabay ka na namin- alok ni Uncle Jin kay Molly
sa Brilliant Estate po, at salamat po pero nandyan po ang driver namin- sagot naman ni Molly ng nakangiti
ay ganun ba, o siya sige mag iingat ka at salamat sa pagbisita kay Rin- sagot naman ni Uncle Jin kay Molly
at nagpaalam na nga kame at sumakay na sa sasakyan
Mat, sa Reise Residence ka muna mag-sstay ok lang ba saiyo?
ok po- sagot ko naman
at mamayang hapon papasundo kita sa driver at may pupuntahan tayo- dagdag pa niyang sabi
at nagpatuloy lamang ang byahe na tahimik, hindi rin nagtagal ay nakarating rin kame sa Reise Residence
inaasahan ko na sasalubungin kame ni Auntie May ngunit nabigo ako, mababakas mo ang kalungkutan sa buong mansion
maganda araw po Sir Jin and Sir Mat- bati ng mga katulong sa amin
sa ngayon si Mat ay dito muna tutuloy kaya't inaasahan ko naitatrato niyo siya na parang pamilya Reise.
opo sir Jin makakaasa po kayo- sagot ng may edad na na babae
Siya ata ang Head Maid
halina po kayo Sir at ihahatid ko po kayo sa iyong kwarto- aya ng isang katulong na sinundan ko naman patungong 2nd floor
na daanan ko ang isang pinto na may nakalagay na Princess Mira iyon siguro ang kwarto ni Mira
at sa katabing pinto doon pumasok ang maid at sinundan ko naman
Sir ito po ang iyong kwarto- sabi niya
sa katabing kwarto ni Mira?- takang tanong ko
opo sir bilin ni Sir Jin- sabi niya na tinanguan ko na lamang
ngunit habang nagpapagaling pa po Si Ms. Mira ay kayo po muna ang mag isa dito sa mansyon- sabi niya pa naikinagulat ko
nagpapagaling?- takang tanong ko
opo Sir- tipid niyang sagot
maiwan ko na ho muna kayo- dali dali niyang paalam
inilibot ko ang aking paningin sa buong silid simple lamang ang ayus ngunit mababakas mo ang mamahaling kagamitan.
nagtungo ako sa CR upang maligo habang naliligo pumasok sa isip ko ang sinabi ng kasambahay
anong sakit ni Mira? kaya siguro hindi ko naabutan si Auntie May dito dahil binabantayan niya si Mira at yun din siguro ang dahilan kung bakit bakas ang lungkot sa mansion at kay Uncle Jin.
Nagfocus na lamang ako sa aking pag ligo at nang matapos ay agad nagpahinga dahil kailangan ko ng makarecover ngunit sa hindi inaasahang panahon biglang kumalam ang aking sikmura ngunit hindi ko na lang ininda nagtungo sa kama upang mahiga