Mom!- I called her and hurriedly hug her
Son- my mom while hugging me back
How are you?- she asked
I'm fine- I answered
Where's your dad?- she asked me and I dont know how to tell her about what happened
natahimik ang paligid at naramdaman ko na lamang nang may humawak sa balikat ko
Uncle Jin- nasambit ko at binigyan niya ako ng isang assurance look kaya lumabas muna kaming lahat at naiwan silang dalawa ni mommy.
Habang nag hihintay sa labas ng silid narinig ko na lamang ang hikbi ni Mom sa loob, nagagalit ako sa sarili ko wala man lang akong nagawa ng mga oras na iyon.
Sobrang lalim nang mga iniisip ko ng lumabas na sa kwarto si Uncle Jin at sinabing pumasok na ako sa loob.
Papasok pa lamang ako nang may nagmamadaling lalaki ang lumapit kay Uncle Jin habol ang hiningang nag salita
Mr. Reise, s-si Ms. Mira po ay nag aagaw buhay- sabi ng lalaki habang hingal na hingal at hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko
Anong sabi mo?- tanong ni Uncle Jin
si Ms. Mira po ay nag aagaw buhay- pagkasabi niya nun agad na nanlamig ako at tinignan si Uncle Jin ngunit dali dali na itong naglakad at hindi na nakapag paalam sa akin kaya't pumasok na ako sa loob ng silid nagpaalam muna ako kay mommy na pupuntahan ko si Mira na agad naman sinabi na magmadali akong magtungo roon
*****
~Jin Reise's POV~
halos palakad takbo na ako makarating lamang sa kwarto ng anak ko nang malaman ko ang balita
nang makarating ako sa tapat ng kwarto niya nakita ko sa glass door kung paano sinusubukan ng mga doctor iligtas ang anak ko.
Sir bawal po kayo sa loob- pigil nang isang assistant nurse sakin nang subukan ko pumasok
Princess, Mira anak don't leave daddy ok?- tangi kong nasambit
hindi ko na kakayanin anak, wala na rin ang Mommy mo, lumaban ka baby- mangiyak ngiyak kong sabi nang bigla na lamang bumalik ang masiglang linya sa monitor.
doon lamang ako nakahinga nang maayos at halos mawalan ng lakas ang aking mga tuhod ng maramdaman kong may umalalay sa akin nang tignan ko ay si Mat
lumabas na ang mga doctor nang masiguro na maayos na si Mira na agad ko naman silang sinalubong
How is she doc?- tanong ko sa head doctor
Sir as of now need pa rin natin siyang imonitor dahil mahina ang pagsignal ng kanyang utak.
anong ibig sabihin nun?-
any moment maari siyang bumigay Sir kung magpapatuloy ang ganung response- pagpapaliwanag nang doctor na nagpatulala sa akin.
nagsuot ako ng protective suits bago pumasok sa silid kung nasaan si Mira, hinawakan ko ang kamay niya at pilit na kinausap baka sakaling marinig niya
Mira anak miss ka na ni Daddy.
****
~Mira's POV~
Mom!
I keep calling my mom from the distance pero para bang hindi niya ako naririnig kaya't tumakbo ako papalapit sakanya habang tinatawag siya ngunit palayo rin siya ng palayo hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Mira anak!
I heard my dad's voice kaya nagpalinga linga ako ngunit hindi ko siya makita
Hinanap ko siya, para bang nawawala ako sa di kalayuan nakita ko si Uncle Marty, nginitian niya ako at tumalikod ito mula sa akin.
Uncle, saan po kayo pupunta- tanong ko ngunit hindi siya sumagot at naglakad lamang ito
susundan ko sana siya ngunit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, unti unti nang nakakaramdam ng pagod ang katawan ko ang utak ay litong-lito, na saan ba ako? nananaginip ba ako?kung oo, nakakapagod namang itong panaginip na ito
hanggang sa bumigay na nga ang aking mga binti at natumba ako sa gitna nang damuhan na ipinagtaka ko dahil kanina lamang ay nasa gitna ako nang lugar kung saan napakaraming tao.
nakaupo ako at unti unting binalot ng lungkot at takot, wala akong nagawa kundi ibaon ang mukha sa aking dalawang tuhod at umiyak.
Ija bakit nandito ka pa?- narinig kong tanong mula sa pamilyar na boses at agad kong iniangat ang aking tingin
Uncle Marty- nasabi ko at agad naman niya akong inalalayan tumayo.
Ija, dapat umuwi ka na, naghihintay ang Daddy mo saiyo- sabi niya habang inaayos ang nagulo kong buhok
paano? hindi ko alam kung na saan ako Uncle
Sundan mo lamang iyang daan- turo niya sa akin nang lingunin ko siya ay wala na siya
agad nanaman akong binalot ng takot ngunit bago pa man ako masakop nito sa parte kung saan tumuro si Uncle nakita ko si Mommy at agad akong tumakbo sakanya sa takot na mawala ulit siya sa aking paningin hindi ako kumurap
Hindi nga ako nabigo sinalubong niya ako ng yakap at nakangiti siya sa akin ngunit nagulat nalamang ako nang itulak niya ako sa bangin takot na takot ako, bakit mom naitanong ko na lamang sa isip ko
sa sobrang takot ko ay naipikit ko na lamang ang aking mga mata at sumigaw.
aaaaaaahhhhhhh!
napabalikwas ako sa kinahihigaan ko
isang panaginip nasabi ko na lamang habang hingal na hingal
inilibot ko ang aking paningin napadako ang mata ko sa taong titig na titig sa akin
y-you're awake
ang nasabi niya at doon ko napagtanto na nasa ospital ako at agad ko naman na ramdaman ang uhaw ngunit nakarinig na lamang ako ng alarm at unti unting nagdilim ang aking paningin
Mira no- narinig kong sabi ni kuya Mat bago ako mawalan nang malay.