Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, naramdaman kong may nakahawak sa aking mga kamay.
Dad- mahinang tawag ko dahil nanunuyo pa ang aking lalamunan sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay ngunit kaunting galaw lamang ang aking kaya.
Mira' you're awake- masayang sabi ni Daddy at agad akong niyakap
Dad water
at dali dali namang naglagay si Daddy ng tubig sa baso at iniabot sa akin
agad ko naman ininom iyon.
tatawag lamang ako ng doctor ok- sabi ni dad at tumango lamang ako.
maya maya lamang nagdatingan na ang mga doctor, yes MGA Doctor.
na agad naman akong sinuri.
Mr. Reise- tawag nang doctor kay daddy at sumenyas ito
hinaplos naman ni daddy ang aking buhok at tsaka sumunod sa doctor.
hindi ko alam kung ano ang kanilang pag uusapan ngunit nagugutom na ako.
nakatitig ako sa kisame nang may maramdaman akong pumasok paglingon ko ay nabigla ako.
Narinig ko kay Uncle Jin na nagising ka na, kaya pumunta kami ni Mommy dito- sabi ni kuya Mat at ipinatong ang bulaklak at prutas sa side table.
Si Daddy?- tanong ko
Kinakausap ng doctor kasama si Mommy- sabi niya at nag nod lang ako
gusto mo bang kumain?- tanong niya sakin tatanggi na sana ako ngunit tumunog naman ang aking tiyan hudyat na ako ay gutom na at nagpangiti kay kuya Mat.
agad naman akong nakaramdam ng hiya dahil dun kaya tumalikod ako at nagtalukbong.
naramdaman ko ang mga kilos niya sa paghahanda ng kakainin ko.
nagulat na lamang ako nang may humatak ng kumot.
kumain ka na- utos niya
hindi na ako nagdalawang isip dahil ako ay gutom na gutom na kaya't nagsimula na akong kumain.
habang kumakain ako napansin kong nakatingin si kuya Mat sa akin.
ang takaw mo pa rin- sabi niya kaya napakunot ang aking noo
excuse me?
hahaha kumain ka na nga lang sabi niya pa at biglang tumunog ang kanyang cellphone at nakita ko ang pagbabago ng kanyang mukha mula sa kalmado ay biglang sumimangot na wari mo'y naiirita
Hello- rinig kong sabi niya
uhm... ok meet me at the lobby- sabi niya pa at ibinaba ang tawag at inilagay ang cellphone sakanyang bulsa.
Mira' may susunduin lang ako sa baba, may gusto ka pa bang kainin bago ako bumaba- sabi niya
sinenyasan ko na lang siyang umalis dahil hindi ako makapagsalita dahil sa puno ang aking bibig ng pagkain na agad na nagpatawa sakanya ng mahina.
haha ok mauna muna ako
at umalis na nga siya.
habang ako ay natulala
ang gwapo pala ni kuya Mat, I mean gwapo talaga siya mas gumwapo nga lang pag nakangiti.
Mira anak
nagulat ako nang biglang may tumawag sakin na dahilan kaya ako ay nabilaukan
*coughing*
oh I'm sorry- si daddy at dali daling inabutan ako ng tubig at hinimas ang aking likod.
hahahaha parang hindi ka tatlong buwan natulog Mira sa sigla mong kumain- narinig kong sabi ni Auntie Rin na ngayon ay nasa tabi na ng aking kama
at ano? three months?
what did you say Auntie? I've been sleeping for three months?- tanong ko at naramdaman ko ang paghimas ni daddy sa aking buhok
yes princess, youve been unconscious for 3months- sabi ni daddy na seryosong seryoso.
eh na saan si Mommy?- kunit noong tanong ko na nagpatahimik ng buong paligid
agad naman akong niyakap ni Daddy at sinabing
I'm so sorry princess, wala na ang Mommy mo anak
sabi niya na nagpatulala sa akin
It can't be dad' I saw her and Uncle Marty just now they even asked me to go home and— and at naputol ang aking sasabihin
when it suddenly hit me, I remembered how tiring it was, how lonely I was before my mom pushed me.
w-what happened?- I asked dahil wala akong maalala.
all I can remember was when we are having a dinner at a restaurant
noooo I shouted
tell me dad, it's not true, this is just a dream too, it can't be- I cried in my father's chest habang hinihimas niya ang aking ulo
shhh princess, daddy is here, your mom will always be with us, not physically but she will be in our heart forever- my dad said trying to console me
but I can't help not to cry, it's painful! It's too painful
sa sobrang pag iyak ko ay nakaramdam ako ng pagod at nakatulog.