Chapter 6 - Chapter 6

I stood up from my swivel chair and went to the mini bar in my office. I need a drink. Five hours of sitting and getting down to business without a taste of my favorite cognac Camus Cuvee 5.150 is not giving me even an ounce of pleasure.

Nakalimutan ko kasing magdala kanina sa online meeting kasama ang mga European counterparts na tumagal ng tatlong oras. Hindi na rin ako nakatayo pa  dahil pagkatapos ng meeting ay  sunud-sunod naman ang pagpasok ng calls galing sa mga consultants sa Japan. I was planning to take the famous capsule hotel to the Philippines and Japan being the pioneer of this is the perfect place to start. Capsule hotel or pod hotel offers cheap overnight accomodation for guests and tourists who cannot afford for expensive hotels. The room is small hence the name capsule. Alam naman niyang may mga nauna na sa kaniya sa pagpapatayo nito sa Pilipinas pero balak niyang gawing mas inclusive at angkop sa panlasang Pinoy ang magiging capsule hotel ng kompanya.

Binuksan ko ang bote ng alak at naglagay sa baso. I added two cubes of ice before gulping it down. Ah, heaven on earth.

Bitbit ang baso ay hinawi ko ang kurtina sa kinaroroonang penthouse. Tinanaw ko ang mga nagtatayugang gusali sa tapat. I remembered my conversation with my mother last night. She's nagging me again for grandchildren. As if naman ang dali lang gumawa. Technically, madali naman talagang gumawa ng bata. Ang mahirap ay ang maghanap ng babaeng mapapangasawa. I don't want a child out of wedlock. I might be a playboy in the eyes of many but I believe in our family's edict. Iyon rin ang dahilan kaya ilang araw na akong nagkakampo dito sa hotel. Kukulitin lang ako lalo ni mama tungkol sa kaparehong paksa kapag umuwi ako sa mansiyon.

"You're too old for that game of yours, Maverick. Settle now for God's sake! Naunahan ka pa ng kapatid mo na bigyan ako ng apo. Panganay pa naman kita."

Mahina akong natawa pagkaalala sa sinabi ni mama. Marriage is not on my mind right now and definitely not in the nearest future. I'm only 27. Too young to be caged, too ambitious to stop. Dapat alam ni mama ito. Pinalaki niya kaming masyadong competitive. Nag-iba nga lang ang ihip ng hangin nang mawala si papa. My mother craved for a companion. Not another husband but grandchildren.

"Besides, hindi ko pa nakukuha si Femella."

My body felt the familiar ache on the virile organ between my thighs. It twitched at the thought of the feisty woman. I have not been laid for almost a month now. Another record breaking moment. Dati ay halos araw-araw akong may kaulayaw plus the weekly visits to La Vida club. You can't blame me. I'm a healthy man with a great appetite for sex. But something changed when I saw Femella. I can't give in to the obvious stares and interests of other woman. Now I believed more than ever that she bewitched me. Ano pa ba kasi ang dahilan kung bakit hindi mawala-wala sa isip ko ang mukha niya? The woman has become a challenge I needed to overcome. She continued to test my patience and ego.

Ibinalik ko sa dating ayos ang kurtina nang lumubog na ang araw. Iyon lang talaga ang hinihintay ko. Sunsets in the city is different. It brings serenity to my jam-packed day.

Bumalik ako sa likod ng mesa at binalikan ang mga binabasang papeles. It's just mostly tying the loose ends of a billion dollar contract for the looming Europe expansion of his hotel empire.

Nalipat ang paningin ko sa cellphone na nakapatong sa tabi ng laptop nang tumunog ito. Kumunot ang noo ko nang mabasa kung sino ang tumatawag. It's the head of the security of hotel. Pinindot ko ang answer button at sumagot.

"Yes Carl?"

"Sir, sorry po sa istorbo. I just want to report an incident. 7:23 PM. May nahuli kaming nag-breach ng security protocol sa control room natin," sagot nito sa kabilang linya.

Bumuntung-hininga ako. Hindi na bago ang insidenteng ito. Noong isang buwan ay may kapareho ring pangyayari. It's not because our security is substandard. Inside job ang nangyari. Mismong parte ng security team ang gumawa.

"Another inside job? Call the legal department. Sila dapat ang una mong tinatawagan."

"Sir, the suspect warrants to see you. Kilala niyo raw po siya."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Who?"

Sinabi nito ang pangalan. Hindi ako agad nakahuma sa narinig. What is she doing there?

Tumayo ako at isinuot ang coat na nakasampay sa likod ng swivel chair bago binalikan ang kausap.

"Hold her in. I'm coming."

Malalaki ang hakbang na lumabas ako sa opisina patungo sa private elevator.

Ilang sandali pa ay nasa control room na ako. Binuksan ko ang pinto. Tumayo ang mga nasa loob at nirekognisa ang presensiya ko. Lumapit sa akin si Carl.

"Where is she?" I asked.

"Sir, nasa loob po together with our security force."

"Okay."

Humakbang ako sa isa pang pinto na naroroon at pumasok. Nakita ko agad ang babae na prenteng nakaupo sa isa sa mga silya doon.

"Leave us alone," ani ko sa mga security guards. Nagsilabasan naman ang mga ito. Naiwan kami ng babae sa loob. Umupo ako sa harap nito at ngumisi.

"Look at you. What a very unlikely guest we have here. What brought the La Diva club's owner to my turf? Pagod ka na bang maglaro doon at naisipan mong lumipat dito?"

Wala akong nakuhang reaksiyon mula dito. She just sat there looking at me with her stoic face. Pagkalipas ng ilang sandaling pagtititigan ay nagbuga ng hininga ang babae. Her face became grim.

"I know we were not friends to begin with Mr. Fuentebella but can I at least ask for a favor this time? Can you at least let this pass through? Pwede mo ba akong pakawalan?" she begged. Wala na ang matigas na anyo nito kanina. Para pa ngang iiyak ito ngayon. My curiosity heightened.

Hinimas ko ang baba habang pinag-aaralan ang babae.

"What did you do? I know I can have all the information I want from my staff but I want it to hear from you. Let's hear it and let me decide. After all, naging malaking parte sa kin ang pag-aari mong club."

Bumalik ang tapang sa mga mata ng babae kaya mas lalo akong naintriga.

"It was just out of desperation." Nanginig ang mga kamay nitong pilit na itinago sa loob ng jacket. "Nadala ako ng bugso ng damdamin. I was so pumped up to get any evidence against him kaya hindi na ako nag-isip pa." Sinalubong niya ng defiant na tingin ang mata ko. "Room 901. Your guest there did something I badly want to have."

"Kaya ka sumugod dito para kunin ang footage. You know you can't do that. That's against our rules and policy of the hotel. Our guest in the room you mentioned is our exclusive member," dugtong ko.

"Alam ko kaya ginawa ko ang sa unang tingin ko ay tama."

"Katangahan ang ginawa mo. You really believe you can pass all my security protocols unchecked?"

"So ano na ngayon Mr. Fuentebella? Ipapakulong mo ba ako?"

I shrugged my shoulders. "Depends upon you."

Nalilito ang mga matang tumingin siya sa akin. "What do you mean?"

"Ms. Vida, you know exactly what I mean. You know who I wanted for so long now."

Tumigas ang mukha nito. "You can't have her. She doesn't want you."

It's my turn to wonder. "So what? She's supposed to be given to whoever bidded the highest for her. Nagtataka na talaga ako. What is it with Femella na hindi mo siya pinapabid-out?"

"You are also in the business world, Mr. Fuentebella kaya alam kong alam mo ang kahalagahan na mapanatili ang customer interest sa negosyo. In my case, Fem is my greatest asset. Ibibigay ko rin siya in the right time. Just not now. Hindi pa oras."

"Mukhang mas dapat kang mag-alala sa kalagayan mo ngayon Ms. Vida more than your business. Going to jail should be the least of your concern now." Pahinamad akong naupo.

"What do you mean?"

"I know that man in Room in 901. By now, alam na niya ang ginawa mo. I already have an idea on what he's going to do."

"So what do you propose?"

"I'm a simple man. Fate brought you here. I want that woman. Pick a struggle."

"Ano ang ibibigay mo sa akin?"

"The CCTV footage."

Nahulog sa malalim na pag-iisip ang babae.

I glanced at my watch impatiently. "Decide now Ms. Vida. I don't have the luxury of time to wait for your decision."

A loud stinging tone interrupted us. The woman grab her phone on the small table and answered it.

"What?!" Marahas itong napatayo habang nakikinig sa kausap. Natapos ang tawag ng ilang segundo.

"Mr. Fuentebella, do you have a chopper?" the woman asked me in a determined tone.

"Why? What happened?" I rose up from my seat.

"You want Femella, right? Get your chopper now before it's too late."

Naguguluhang tinitigan ko siya. "Why?"

"The NBI is raiding my club."