Kendrick Winter POV
Putcha guys! Akala ko mamatay na si cute na ako sayang naman tong kagwapuhan ko kung wala man lang makikinabang-,-
(Ms. H: ang kapal mo din noh?)
Ms. H naman e-,-
(Ms. H: che! *snob*)
Hayaan nyo na si ms. H hindi kasi sya pinapansin ng crush nya hihi
(Ms. H: hoy Winter! manahimik ka at baka di ko mapigilan tong sarili ko at mapatay kita!)
Ayan tuloy, kayo kasi e! Sorry na ms. H wabyuuu!
(Ms. H: che! *walkout*)
Ayun nag walkout na!
Ay oo nga pala magpapakilala pa si cute na ako! Kendrick Winter is the name ladies! ayan kilala nyo na ako so back to the story tayo akala ko talaga mamatay na ako kanina pero buti na lang at nandoon si Bellatrix at iniligtas ako!
*Flashback*
Nagising akong hingal na hingal para akong patay na nabuhay hindi ko alam kung anong nangyari at kung paano ako nabuhay dahil ang alam ko namatay na ako! Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakatingin sa akin at punong puno ng pag-aalala ang mga mukha nila pwera kay Aidan wala emosyon yan e.
"Kendrick!" Zahara.
"Bro/Dude" sabay na sabi nila Lazarous at Terrence.
"Kuya Kendrick!" nakangiting tawag sakin ng pinaka bunso sa amin pero ang pinaka malakas din sa amin maliban sa itinakdang prinsesa na taga pagligtas naming lahat.
"Couz!" mangiyak ngiyak na tawag sakin ng pinsan ko at dinambahan ako ng yakap.
Pero teka? Bakit wala man lang akong maramdaman na sakit? Bakit hindi man lang ako naghihina? Diba dapat nararamdaman ka yun kasi kaka gising ko lang? Aish ang daming tanong sa isip ko!
"Kendrick!" tawag sigaw ni Brea ang bestfriend ko at pinalo palo ako.
Nagkunwari naman akong nasasaktan.
"A-aw!"
Agad naman nyang tinigil ang pagpalo sa akin.
"S-sorry sorry!" paghingi nya ng tawad at tinitignan pa kung may masakit at sugat ako.
"Tss. Ayos lang ako HAHA!" natatawang sabi ko.
Nagulat ako ng umiyak sya, damn anong ginawa ko?! Hirap pa namang patahin 'tong babaeng to-,-
"H-huy! B-bakit? May nasabi ba akong masama? May nagawa ba akong di mo gusto?" sunod sunod na tanong ko.
Iyak lang sya ng iyak kaya nataranta na ako!
"D-damn paano ba kita mapapatigil sa sa kaka iyak?" tanong ko. "Hey anong ginawa ko? May ginawa ba akong masama?" tarantang tanong ko.
Umiling naman sya kaya nagtaka ako.
"Eh ano?"nalilitong tanong ko.
"Why did you do that?!" inis na sigaw nya sakin.
Hindi naman ako slow para hindi ko ma gets ang pinupunto nya.
"I have my reason kaya ginawa ko yun." seryosong sagot ko.
Magsasalita pa sana sya ng may magsalita sa likod namin kaya napalingon kami.
"Are you done with that drama of yours?" malamig na sabi ni Bellatrix.
Walang sumagot ni isa sa amin pero may binulong sa akin si Priela.
"Kuya, ate Bellatrix saved you from death." nagulat ako sa sinabi ni Priela! Maraming tanong sa isip ko like bakit nya ako niligtas, e sa nagtataka ako pake nyo ba?! Ipinagsawalang bahala ko na lang ang tanong na iyon at nagpasalamat sa kanya, tanging tango lang ang sagot nito at umalis na.
*End of Flashback*
So ayun ang nangyari! Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit nya iyon ginawa sa hindi nya lubos kilala. NASA isang lugar kami ngayon kung saan may mga pagkain nagugutom na nga kami dinner na rin kas at wala pa kaming kain simula kanina. Hindi din namin alam kung saan kami pupunta dahil wala kaming kilala sa lugar na 'to or mundo ng mga tao kung tawagin iniwan kasi kami ni Bellatrix kaya wala kaming mapagtatanungan kung saan pwedeng tumira at oo nga pala wala kaming matutuluyan! Aish! Nakatingin lang kami sa mga taong kumakain at sa mga pagkaing kinakain nila huhu gutom na gutom na kami!
Bellatrix Magenta Vellum POV
NASA isang restaurant ako ng maramdaman ko ang mga presensya ng mga royalties malapit dito ipinikit ko ang mga mata ako at hinanap ko kung nasan sila nakita kong nasa labas sila ng restaurant kung nasaan ako ngayon. Minulat ko na ang mga mata ko dahil baka magtaka yung mga tao dito kung bakit nakapikit ako, tssk. Alam kong hindi pa sila kumakain kaya andyan sila sa labas at alam ko ring wala silang mauuwian ngayon gabi at sa mga susunod na araw. Tumayo ako at tinawag ang waiter ko, oo waiter ko dahil restaurant ko ito wala ng tanong dahil hindi ko naman sasagutin lahat ng tanong nyo.
"Yes, lady what can i do for you?" tanong ng waiter ko pagkalapit nya sa table ko.
"Call them and tell them to come here." utos ko sa kanya. "The people out there with different colors of hair. Also tell them that I don't want to watse every minute." sabi ko dahil alam kong magtatanong sya kung sino ang papasukin dito.
Tumango na lang ito at naglakad na paalis. Isang minuto ang lumipas at wala pa rin sila dito alam kong hindi sila papasok dito ng hindi nila nalalaman kung sino ang taong gustong papasukin sila, kaya dahil naiinip na ako kakahintay sa wala ay lumabas na ako para tawagin sila. Kung pwede lang talagang patayin sila ginawa ko na kaso malilintikan ako kay dad and mom also kay Goddess Cazelle-,-
Nang makalabas ako ay agad lumapit sa akin ang waiter ko at sinabing....
"Lady, I'm sorry for keeping you waiting. Pero ayaw nilang sumunod sa sinasabi ko." paghingi ng tawad ng waiter ko.
Tinaguan ko na lang ito at sinabing ako na ang bahala dito. Tinignan ko naman ang mga royalties na may mga ulong matitigas (alangan namang malambot.) Tss. Hindi ko na sila inantay na magsalita at sinenyasan na sumunod na lang hindi naman sila nagreklamo at sumunod na. Dumeretso kami sa VIP room at inutusan ko ang mga waiter dito na mag-handa ng mga pagkain sinunod naman nila agad ako at naghanda na. Mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng VIP room dahil walang balak magsalita nabasag lamang ito ng magtanong si Aidan.
"Why are we here?" malamig na tanong nya sa akin. Napa roll eyes na lang ako sa isip ko.
"I know that all of you are hungry and nowhere to go." sagot ko.
"What do you mean?" Lazarous ask.
"I will give all you want. House, Clothes, Food, Money and etcetera. In one condition."
"What condition?" Aidan ask na bakas ang pagtataka.
"Tell me why are you here." i ask.
A/N: ano kaya ang isasagot nila sa tanong ni Bellatrix? May idea ba kayo? Kung meron man comment down below my Terrasen's!!!
–COMMENT
–VOTE
–FOLLOW
Scroll for the next chapter>>>>>>>>>