Gilbert Vellum POV
(Ms. H: sa hindi nakakakilala sa kanya sya yung H.M ng Nethilor Academy....makikilala mo sya pag binasa ninyo ang CHAPTER 7)
Hi there! I am Gilbert Vellum and yes VELLUM nakababatang kapatid ako ni Xenon Vellum aish namimiss ko na talaga yung tanda na yun-,- Hindi na kasi sila dumadalaw dito simula nung matapos ang gyera dito sa buong Nethilor kamusta na kaya sila ni Zein? Si Zein ang bayaw ko sya ang asawa ni tandang Xenon. Napatigil ako sa pag iisip ng maramdaman ko ang presensya ng mga royalties....nakabalik na nga sila mula sa mundo ng mga tao pero ang tanong nahanap ba nila ang nawawalang prinsesa?
*BLAAAAAAAAAAAAAAAAG*
"AY BAKLANG KABAYO!" gulat na gulat na sigaw ko dahil sa hindi ko inaasahan na pagsipa ng kung sino sa pintuan ng office ko! Takte naman oh ang sakit ng pwetan ko! Nahulog kasi ako mula sa upuan ko mga batang to talaga oh!
"D-damn tito! HAHAHAHA!" Lazarous.
"Epic HAHAHAH!" Lyra.
"Tangina dre! HAHAHAHAHA!" Terrence.
"B-baklang kabayo HAHAHAHAH!" sabay na sabi ni Priela at ni Zahara.....aba!!!
"May g-ganun ba? HAHAHAHAHHA!" tawang tawa na sabi naman ni Kendrick habang pinapalo si...Aidan. Lagot ka ngayon bata ka WAHAHAHA *cough cough*
"Are you done?" natigil si Kendrick o mas kilalang Prince Kendrick Winter sa pagpalo kay Aidan o Prince Aidan Flame ng mapagtanto nya kung sino ang pinaghahampas nya habang tumatawa.
"A-ah e-eh waaaaah!!!" tili ni Kendrick dahil hinagisan sya ni Aidan ng fireballs pero bago pa sya masunog ay nakapagtago sya sa likuran ni Brea o Princess Brea Cyrstallia...paparating na ang fireballs malapit sa kinaroroonan nila Kendrick at Brea ng mapigilan ni Brea ang pagdating ng fireballs sa kanila.
"Kayo talagang mga bata kayo oh! Hindi ba uso sa inyo ang salitang 'knock before you enter?" hingal na hingal na sabi ko sa kanila habang hinihimas ang masaket kong pwetan at inemphasize ko talaga ang salitang KNOCK BEFORE YOU ENTER.
"Hindi HAHAHA!" pabalang na sagot ni Brea....aba!! Sabi ko nga hindi sila marunong kumatok-,- para sa hindi nakaka alam....ipapaalam ko sa inyo na hilig nila akong asarin at pagtripan napakasama talaga ng ugali nila! Teka ano nga ba ulit yung sinasabi ng mga mortal na tao kapag nagbibiro sila? Chayor? Carrot? Chatot? Charot? Aaah!! Oo charot!.....charot lang yan sinabi ko ha? Baka kasi sunugin ako ng mga magulang nila sayang pa naman ang napaka-gwapo kong pagmumukha kung walang makikinabang wala pa naman akong girlfriend aish!
(Ms. H: torpe ka kase)
Hoy author na hindi naman kagandahan hindi ako TORPE! Aba!
(Ms. H: eh ano ngayon kung hindi ako kagandahan? At least ako pinapansin ng crush ko e yung nagababasa at ikaw pinapansin ba kayo? *insert sarcasm* hindi daw torpe ang gago...utak mo bulok!)
Huwaaaaah! Bat ka ganyan author T_T
(Ms. H: che! *walkout*)
So back to the story tayo apaka sama talaga ni author!
**********
Umupo ako sa aking swivel chair at sumeryoso dahil alam kong hindi magandang balita ang sasabihin nila ngayon *sigh* Umupo na din sila sa mahabang couch dito sa loob ng office ko at sumeryoso na rin ang mga mukha nila.
"We can't find her." malamig na sabi ni Aidan.
Sinasabi ko na...hindi ko alam kung saang lumalop ng mundo pa namin sya hahanapin. Hindi ko din kilala kung sino ang kumuha sa kanya noong kalagitnaan ng gyera sa buong Nethilor, gusto ko ng sumuko sa kakahanap sa kanya pero hindi maaari dahil kailangan sya ng mga magulang nya.....kailangan namin sya.....kailangan sya ng buong Nethilor dahil lamang ang nag-iisang itinakda na tatapos sa kasamaan ng hari ng Dagen Kingdom.
(Ms. H: ang Dagen Kingdom ay ang kaharian ng mga Dark Mages in another term ito ang tinatawag na Dark Kingdom. Dagen pronounce as Da-Gen)
"Tito?" nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Zahara. Tumingin ako sa kanila at huminga ng napaka-lalim.
"Ano na ang gagawin natin? Kailangan na nating mahanap ang kapatid ko bago pa tayo maunahan ng taga Dagen Kingdom." nag-aalalang sabi ni Priela.
"We need to hurry, Gilbert. Time is running." Aidan said.
"Don't worry we will find her no matter what happen. And I'm telling you this....never give up on her because all of the Terrasen's including us need her." sabi ko para patatagin sila.
Tumango naman sila at hindi na nagsalita pa.
"For now, you need to rest and you're excuse to your classes this week and next week will be your next class."
Tumango sila bilang sagot at umalis na. Napahawak na lang ako sa aking sentido dahil hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kanya.....may dalawang Terrasen's lang akong kilala sa mundo ng mga tao hindi kaya.....may alam sila tungkol sa prinsesa kaya hindi sila bumabalik dito at kaya hindi nila ako binibisita dito? napangiti na lang ako sa naisip ko walang masama kung bibisita ako dun at tanungin sila.
SOMEONE'S POV
Nakaupo ako dito sa aking trono at pinagmamasdan ang madilim na kalangitan habang umiinom ng alak.
"Mahal na hari." natigil ako sa pag-inom ng alak dahil sa pagtawag sa akin ng aking kawal.
"Balita." agad na sabi ko gamit ang napakalamig at nakakatakot na boses.
"Mahal na hari, hindi pa rin namin sya nahahanap." nanginginig na sabi sa akin ng walang kwenta kong kawal. Dahil sa sinabi nya ay agad akong napasigaw.
"AAAAAH!!!! MGA INUTIL! ANG DAMI AT ANG TAGAL NYO NANG NAGHAHANAP SA KANYA NGUNIT NI ANINO NYA AY HINDI NYO MAHANAP! MGA WALANG KWENTA! AAAH!!!"
"P-patawad mahal na hari!" galit na tinignan ko sya at ang mga kawal ko na nasa likuran nya. Akmang papatayin ko na sya ng magsalita ulit sya. "Ngunit mahal na hari m-may nahanap kaming mag-asawang Light Mages sa mundo ng mga mortal." sabi nya na agad na ikinangisi ko. Mag-asawang light mages....mag-asawang light mages.....hindi kaya may alam sila sa nawawalang prinsesa?
"Dalhin ang mag-asawang light mages dito sa lalong madaling panahon!" nasisiyahan na utos ko sa kanila ngunit hindi pa rin mawawala ang nakakatakot na boses ko.
"Masusunod mahal na hari!" sabi ng kawal ko at yumuko tanda ng paggalang sa akin at umayo na.
Malapit na kitang mahanap prinsesa maghintay ka lang.....malapit ka ng mapasakin... hindi na ako makapaghintay na gamitin ka laban sa mga light mages WAHAHAHA!