Chereads / Dark Queen [On-going] / Chapter 14 - CHAPTER 11

Chapter 14 - CHAPTER 11

Bellatrix Magenta Vellum POV

NASA cafeteria na ako at nag-oorder ng makakain habang hinihintay ko ang inorder ko may naririnig akong mga nagbubulungan sa labas at maging sa loob ng cafeteria.

"Sya ba yung transferee? God akala ko pa naman ang ganda nya!" g1

"Oo nga! Pero isang nerd lang pala sya!" g2

Oo, tama kayo ng basa sa sinabi ni girl 2 isa muna akong nerd for now....nag-disguise ako para walang maka-alala sa akin at walang makakilala sa akin dito sa Nethilor Academy nabasa ko kasi sa wattpad books with a fantasy genre na yung mga taong may kapangyarihan ay pumupunta rin sa mortal world. Hindi porket mafia queen at prinsesa ako hindi na ako pwedeng magbasa ng wattpad noh!

Hindi nila malalaman na I'm disguising as a nerd dahil gumamit ako ng spell para maging makatotohanan ang pagdi-disguise ko, get's nyo? Kung hindi wala akong pake.

"Ms. Here are your order." sabi ng babaeng waiter na nag assist sa akin at kumuha ng order ko.

Kinuha ko na lang ito at tumango, naka-disguise man ako ngayon hindi ko pa rin babaguhin ang ugali ko hindi ako kagaya ng ibang nerd na nagpapa-api sa mga nakakataas sa kanila! Umupo ako sa pinaka-dulo at nagsimula ng kumain, hindi pa man ako nakakalahati sa pagkain ko ng may mga babaeng clown na pumunta sa gawi ko at nilagyan ng dumi ang pagkain ko. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung ginugulo ako sa pagkain ko at sinasayang ang pagkain ko!

Nanatili lang akong naka-upo at tinitigan ng malamig ang tatlong clown na nasa harapan ko, akala ko sa mortal world lang ang may clown pati rin pala dito-,-

"Oh, so you're the new transferee huh?" tanong ng babaeng nasa gitna sa tingin ko eto ang pinag-uusapan nang ka roommate ko kanina.

Ano nga ulit ang name nya? Xandre? Sandrio? Xand? Ah basta I'm not interested anyway. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng malamig at hindi sinagot ang tanong nya.

"Hey! I'm talking to you, are you deaf?!" inis na singhal nya sa akin.

Ang baho ng bunganga nya!

"Tss." tanging saad ko na lamang at tumayo.

Akmang aalis na ako ng harangan ako ng dalawang alipores nya, mukhang may mamatay ng hindi pa nila oras.

"You stupid filthy nerd!" turo ng isa sa dalawang alipores nya sa akin.

Tinitigan ko ito ng malamig, bahagya naman itong napaatras dahil sa lamig ng titig ko. Tssk.

"Hindi mo ba ako kilala!?" galit na tanong sa akin ng leader nila.

"Idiot, how can I know you if I'm the new transferee like what you've just said?" nakangising sabi ko sa kanya pero nanatili pa rin ang lamig ng tono ng boses ko.

Hindi naman ito nasindak at nagsalita pa ulit.

"B*tch!" sabat ng alipores nya sa pag-uusap namin. Buhay pa pala 'to?

"Aaaaaaaaaarrrrg!" inis na sigaw nya at akmang sasampalim nya na ako ng may dalawang babaeng humarang sa kanya at nagmamaka-awang huwag nya akong saktan.

"D-don't.....don't hurt her Princess Xandrea!" pagmamaka-awang sabi ni Melanie, bakas sa boses nito ang takot at pangamba.

"Forgive her Princess Xandrea, we will do whatever you want j-just....just don't hurt our friend please!" umiiyak at nagmamaka-awang sabi ni Kyla sa grupo ni Princess Xandrea kuno nila.

Hindi naman itinuloy ni Xandrea ang binabalak nyang saktan ako at ngumisi ng nakakaloko.

"Fine i won't hurt her anymore but.....in one condition." nakangising saad nya. Tssk she really love to play the weakers.

Xandrea Anastacia POV

"Fine i won't hurt her anymore but.....in one condition." nakangising saad ko.

Hi weakers! I'm Xandrea Anastacia and i really love playing the weakers like this three idiot infront of me!

"S-sige...ano pong condition?" tanong ng iyakin at mahinang babae sa akin, i think her name is Kyla.

I heaved a sigh first and smirk like this is the most dangerous thing I've ever said...

"Go to Forbidden Forest of Nethilor Academy and get the dark golden leaf. Don't comeback here if the two of you didn't get the thing i want." nakangising sabi ko na naging dahilan ng pagkagulat ng karamihan maging ang dalawang nasa harapan ko maliban sa babaeng nerd na 'to.

Sari-saring bulungan ang naririnig ko.....

"Napakamapanganib ng Forbidden Forest of Nethilor Academy!"

"Baka hindi na sila makalabas ng buhay kapag sinunod nila ang kagustuhan ni Princess Xandrea!"

"Kawawa naman silang dalawa lagi na lang silang  pinag-iinitan ni Princess Xandrea."

Ang iba naman ay nasisiyahan sa ginawa ko, yeah be happy from what I did weakers!

"They deserved it!"

"Pabida kasi!"

"I can't wait to see them being miserable!"

"Kung hindi sana nila tinulungan ang nerd na yan edi sana wala sila sa posisyon na yan, what a attention seeker."

Kabilang lang yan sa mga bulong-bulungan sa paligid namin...

"And what will be the exchange if they do that?" bored na tanong ng babaeng nerd.

Sa wakas nagsalita na rin!

"I will set the three of you free and i will never make your life miserable.....anymore." seryosong sabi ko.

Pero dzuh! Hindi ako tanga para gawin yan sinabi ko lang yan ng seryoso para pumayag sila noh! I'm the Princess anyway:)!

Melanie Wicthirest POV

Tila natulos ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Princess Xandrea.....at ang sinabi nyang magiging malaya na kami at hindi na nya kami guguluhin kapag sinunod namin sya bilang kapalit.

Pero....pero kapag ginawa namin iyon maaring hindi na kami makalabas pa ng buhay sa forest na 'yon napakamapanganib ng Forbidden Forest of Nethilor Academy. Wala pang nakakapasok doon dahil nga sa pinagbabawal iyon na pasukin at puntahan dahil sa hindi malamang dahilan. Ang alam lang namin ay napakadelikado ng Forest na 'yon.

"W-we.....we will d-do it!" nagulat ako ng lakas loob na sinabi ni Kyla ang mga salitang 'yon sa condition ni Princess Xandrea.

"B-but—" pagtutol ko sa sinabi nya pero agad nya itong pinutol.

"Please Melanie? This is the right time for us to be free.....please?" umiiyak at nagmamaka-awang sabi ni Kyla sa akin.

Yes, all the past 10 years until now ganito lagi ang position namin.....walang tumatanggap at nakikipag-kaibigan sa amin dahil mahihina kami. Ayaw nilang makisama sa amin dahil ayaw nilang mabahiran ng mahihinang nilalang ang grupo nila.

Huminga ako ng malalim at tumango na lang kay Kyla.....

Magsasalita na sana ako para sabihin na pumapayag na ako sa gusto ni Princess Xandrea ng magsalita ng napakalamig at nakakatakot ang babaeng nerd, ang ka roommate namin...

"Don't obey her stupid and you.....Xandrea Clown Bitch including your clown group, don't you ever lay a single finger on this two lady or else I.will.kill.you.right.now.right.here. And take this fuck*ng note, i don't fuck*n care if the Head Minister know what I want to do to you and to your group and I'm dead serious." mahabang saad ng ka roommate namin na ikinagulat at ikinapanindig balahibo naming lahat.

OO, as in LAHAT!  kasama na ang mga royalties na kanina pa nanonood sa nangyayari sa amin, nakakatakot, nakakapanghina.....nakakapanghina ang lamig ng boses nya. Maging si Princess Xandrea ay hindi makagalaw at namumutla gaya namin.

Hindi ko alam pero.....pero may kakaiba sa babaeng nerd na ka roommate namin. Mababakas mo sa boses at galaw nya ang awtoridad ng isang malakas at matapang na babae sa likod ng nerd nyang pagkatao.

Sino ka ba? Yan ang tanong sa isip ko ngayon....

Para kaming nakahinga ng maluwag ng pumasok si Head Minister sa loob ng cafeteria....hindi ko alam kung anong kayang gawin ng isang babaeng nerd but to be honest I'm scared....

__________________________________________________________

[INFORMATION]

FORBIDDEN FOREST OF NETHILOR ACADEMY

–ang Forbidden Forest of Nethilor Academy ay ang gubat na kung saan pinagbabawal na puntahan at pasukin ng kahit sino.

–magmula ng mawala ang prinsesa ng Nethilor Kingdom ay naging Forbidden Forest na 'to.

–ito ang gubat na pinakamaganda sa buong kaharian ng iba't ibang palasyo. Ito ay tinatawag na Omnipotent Magical Forest noong hindi pa nagsimula ang digmaan sa pagitan ng mga light mages and dark mages.

–walang kahit sino ang nakakapasok sa loob ng Forbidden Forest of Nethilor Academy o nakakalabas ng buhay sa loob nito. Walang nakaka-alam kung ano ang nag-aabang sa loob ng forest. Tanging ang nawawalang prinsesa lamang ang makakapasok at makakapagbalik ng dating kaayusan at kagandahan nito.