Chereads / Dark Queen [On-going] / Chapter 18 - CHAPATER 15

Chapter 18 - CHAPATER 15

CHAPTER 15: Mission

Kyla Christine POV

Natatakot ako. Natatakot ako sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung sino sila at kung anong kailangan nila sa amin pero sa tingin ko kay Bellatrix sila may kailangan. Anong kailangan nila sa kanya? Bakit may dala silang mga hindi ko matukoy na armas? Papatayin ba nila kami? Madadamay ba kami ni Melanie? Malamang madadamay kayo boplaks!

Hindi! Hindi dapat ako mag-isip ng kung anong negative vibes dapat always positive lang! Tama Kyla, tama yan think positive! Akala ko magagawa kong hindi mag-isip ng negative vibes pero hindi pala— hinila ako ni Bellatrix kaya malakas ko ring hinila si Melanie nagpatianod naman sya sa paghila ko.

Alam kong takot din sya sa maaring mangyari pero mas takot at kinakabahan ako. Itinago kami ni Bellatrix sa isang sulok at madilim na bahagi ng lagayan ng mga sasakyan upang hindi kami makita at masaktan ng mga kalaban nya. Natatakot ako para sa kanya baka kasi kung anong mangyari sa kanya.

Nagsimula na ang maging maingay sa buong paligid. Dahil sa takot ay hindi ko mapigilang maiyak. Niyakap ako ni Melanie kaya niyakap ko rin sya pabalik. Naramdaman kong basang-basa ang balikat ko alam kong umiiyak na rin si Melanie ngayon dahil sa takot at pangamba sa maaring mangyari sa amin at kay Bellatrix na nakikipaglaban sa mga malalaking lalaki.

Melanie Wicthirest POV

Pilit kong tinatatagan ang loob at isip ko dahil hindi pwedeng dalawa kaming takot ni Kyla. Pinapatahan ko sya ngayon dahil hindi pa rin sya tumitigil sa pag-iyak. Nagmistulang gyera ang nangyayari sa pagitan ng mga lalaking nakaitim at ni Bellatrix dahil sa palitan na putok ng baril nila.

Alam ko ang mga bagay na ginagamit nila dahil minsan na rin akong pumuslit sa mundo ng mga tao. Hindi 'to ang tamang oras para ikwento ko ang nangyari sakin. Wala na akong naririnig na mga putok ng baril kaya medyo nabawasan ang kabang nararamdaman ko ngunit si Kyla ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

Naiyak ulit ako dahil akala ko 'to na ang magiging katapusan ng buhay namin. Habang umiiyak ay patuloy ko pa ring pinapatahan si Kyla sa pag-iyak nito nang may nagsalita ng napakalamig sa harapan namin. Alam ko na kung sino ang taong 'to sa lamig pa naman ng boses nya sinong di makakakilala sa kanya? It's Bellatrix.

"Both of you are you hungry?" she coldly ask.

Tinaas ko ang ulo ko upang tignan sya sa mata ngunit agad ko rin 'yong iniwas ng magtama ang mga mata namin. Blangko, blangko ang makikita mo sa dalawang pares ng mga mata nya. Walang kahit anong emosyon ang makikita mo dito. Kung gaano ka lamig ang pakikitungo at pananalita nya sa amin ganun naman ka walang emosyon ang mga mata nya— ngunit hindi ko maitatanggi na sobrang ganda ng mga mata nya.

She have dark blue ocean eyes but i noticed something in her eyes. It's has red on her left eyes and black— nevermind. Baka namamalikmata lang ako.

"Bellatrix! Are you okay? May masakit ba sayo? Nasagutan ka ba? Ano? Sagot?!" sunod-sunod na tanong ni Kyla kay Bellatrix na may nagsusumamong mga tingin. Umaasa na sagutin ni Bellatrix ang mga katanungan nya but as I expected she just ignored all of Kyla's questions.

Tumayo na rin ako mula sa pagkaka-upo ko kanina sa sahig at sinagot ang tanong ni Bellatrix.

"Yes, we're hungry." tanging sagot ko sa kanya.

Tumango na lang sya at hindi na nagsalita pa. Naglakad sya palabas ng parking lot ay kinuha ang cellphone nya sa kanyang bulsa at may pinindot doon. Maya-maya pa ay may dumating na isang magandang sasakyan sa harap namin. Wari ko ay napakamahal ng ganitong sasakyan dito sa mundo ng mga tao.

"Get inside." utos nya sa amin na kaagad naman naming sinunod.

Bellatrix Magenta Vellum POV

After an hour ay natapos na silang kumain. Nagutom nga talaga sila sa pag-iyak at nangyari kanina kaya halos lahat ng korean food na nasa menu ay inorder nila. I didn't mind it because i can pay the bill naman.

Nagpahinga muna sila ng ilang sandali bago namin tuluyang nilisan ang mundo ng mga mortal.

*****

"So explain why did you leave the academy going to the mortal world without my permission?" kalmado ngunit mababakas ang awtoridad sa boses ni Gilbert.

Nasa head minister's office kami ngayon dahil nalaman ni Gilbert na umalis kami ng academy ng walang pahintulot mula sa kanya. Tss. I don't even care if he get's angry or he externalize his anger to us.

"Wala talagang magsasalita sa inyo? Because of that i will give all of you a punishment. You will be having a mission and this will be your second mission royalties." he seriously said and emphasizes the word 'royalties.'

Alam kong kanina pa sila nasa labas ng gintong pintuan ni Gilbert at nakikinig sa pinag-uusapan namin. Or should i say, sa pangangaral ni Gilbert samin.

Gilbert Vellum POV

Alam kong kanina pa nakikinig sa labas ang mga royalties sa amin kaya binanggit ko na rin ang pangalan nila. Naii-stressed ang gwapong pagmumukha ko sa apat na 'to I'm referring to Aidan, Kyla, Melanie, and last but not the least Bellatrix Magenta Vellum my niece. Ang titigas ng ulo sa bagay sino ba naman ang may malambot na ulo? Oo nga no? Sino kaya hmmmm??

Walang nagawa ang royalties kaya pumasok na rin sila dito sa loob at umupo sa mahabang sofa at tumingin ng diretso sa akin. Binigyan din nila ng tingin sila Aidan. I heave a sigh and sat down to my golden swivel chair. Tumingin ako sa kanila ng seryoso.

"As what I've said all of you will be having a mission. That mission is to go back to the mortal world and look for our princess the lost princess." sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng opisina ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng bawat isa maski ako ay nalulungkot rin ngunit kinakailangan kong lakasan ang loob ko na makikita at mahahanap namin sya sa lalong madaling panahon dahil kapag ang mga tauhan ng Dark King ang makakuha sa kanya maaring matalo kami sa nalalapit na laban at yun ang kinakatakot ko.

"But—" tututol pa sana si Melanie sa sinabi ko ngunit inunahan ko na ito.

"My decision is final and that's the punishment for the four of you." saad ko at tinignan silang apat.

Wala na silang nagawa dahil alam nilang maari kong dagdagan ang punishment na ibinigay ko sa kanila.

"So tito, where could we find her? We don't have any clues or idea if where is she. The mortal's world is so big and we're just eleven." Brea said.

"Oo nga tito, mahihirapan kaming hanapin sya kung kami-kami lang." segunda naman ni Zahara.

Again, i heaved a sigh and look at them.

"You can't do it?" i directly asked.

Hindi sila nakasagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"I know you are tired but we can't easily give up for looking for her. She's our last hope for the battle. So please as your uncle and the head minister of this academy we will do everything to find her no matter what happen and how it costs." seryosong sabi ko.

Bellatrix Magenta Vellum POV

Pagkatapos ng naging seryosong usapan nila Gilbert at nang royalties ay lumabas na ako ng opisina nila. Hindi ko na hinintay sila Kyla and Melanie I don't want to be with them. Can't they see and feel my presence? I'm here they're looking for. Tss. What a stupid royalties and also what a stupid and dumb uncle i have.

While walking to the long hallway may bumangga sa akin. Yes, 'bumangga' sa akin. I look at the trash na bumangga sa akin and i saw a clown girl and a boy. Sila ang mga walang kwentang tao na bumangga sa akin.

"You whore! How dare you to sumama sa mga royalties and lapit....lapit to my boyfriend huh?!" oh god damn it! Hindi ba 'to nag-aral ng mabuti at pati pagsasalita ng english ay naging conyo? Conyo girl?

I remained silent and looking at her with my blank expression.

"Ano babae hindi ka magsasalita? Natakot ka siguro sa amin. Dapat lang kami lang naman ang pumalit kay Xandrea bilang naghahari sa buong akademya kaya dapat lang na matakot ka." nakangising sabi ng lalaking mukhang aso kung makangisi.

Kumapit naman sa kanya ang babaeng clown at humalik dito. I thought PDA is not allowed here? Bakit may aso at clown na naghahalikan ngayon sa harapan ko? God it sucks. Iba't-ibang bulungan naman ng mga estudyante sa ang narinig ko.

"Sh*t it's Amarino and Akhira!"

"Kawawa ang si nerd kapag nagalit ng tuluyan si Akhira."

"Dapat umalis na si ateng nerd."

Marami pa akong narinig kabilang lang ang mga yan. Seriously? Amarino and Akhira? Oh maybe i should stay here for a while what do you think?