Chereads / Dark Queen [On-going] / Chapter 7 - CHAPTER 4

Chapter 7 - CHAPTER 4

Brea Crystallia POV

Nasa kalagitnaan kami ng labanan laban sa mga darkanian na patuloy na umaatake sa amin. Nagulat ako ng lumitaw sa harapan ko si Kendrick parang namang nag slow-mo lahat ng nasa paligid ko ng maramdaman ko na bumagsak si Kendrick sa harapan ko.

"KENDRICK!!!!" nabalik ako sa katinuan dahil sa sigaw ni Terrence.

Tila binuhusan ako ng napaka-lamig na tubig sa nakikita ko.

"K-kendrick!" sigaw ko na lang ng mag sink-in sa akin ang nangyari kay kendrick!

Nakahandusay sya sa sahig dahil sa pana na tumama banda sa kanyang puso. Dahil sa halo halong nararamdaman ko ay agad kong pinatay ang walang kwentang nilalang na pumana kay Kendrick, sa best friend ko. Agad kong pinuntahan si Kendrick na nag aagaw buhay dahil unti unti na syang namumutla!

"K-kendrick b-bakit mo ginawa y-yun?" tanong ko sa kanya.

Sinalag lang naman nya ang pana na dapat sa akin tatama!

"S-syempre b-best f-friend k-kita e!" nakangiting sabi nya pero bakas parin ang panghihina ng katawan nya.

"Husssh! Wag ka ng magsalita, mas makakasama sa kalagayan mo yan ngayon. Please? D-don't worry mabubuhay ka!" umiiyak na sambit ko sa Best friend ko.

Hindi ko namalayan na naubos na ng iba ko pang kasama ang mga hayop na darkanian na umatake sa amin. Nagsilapitan naman sila sa amin.

"Kendrick!" sigaw ni Terrence habang tinatapik ang balikat ni Kendrick.

"Aahhh!!!" ungol ni Kendrick dahil nahawakan ni Terrence ang sugat nya.

"H-hayop k-ka ikaw pa ata ang p-papatay sa akiin!" pagbibiro ni Kendrick kay Terrence.

"K-kuya Kendrick wag kang mag alala g-gamutin k-kita!" umiiyak na sabi ni Priela.

Sinimulan na nyang gamutin ang sugat ni Kendrick ngunit wala pa ring nangyayari, nagtaka kami kung bakit hindi pa rin gumagaling ang sugat ni Kendrick. Sinubukan ulit ni Priela na gamutin si Kendrick pero wala talagang nangyayari!

"Damn!" inis na sigaw ni Aidan ang leader namin sya ang pumapangalawa na malakas sa amin. Pero hindi ngayon ang tamang panahon para sa pag ku-kwento tungkol riyan!

"Priela? Bakit ayaw pa ring gumaling ng sugat ni Kendrick?" tanong ni Zahara.

"H-hindi ko alam" umiiyak na sagot ni Priela.

Ilang ulit pang sinubukan ni Priela na gamutin si Kendrick pero wala talaga. Nagsimula na kaming kabahan dahil hindi na gumagalaw si Kendrick.

"Bakit hindi na sya gumagalaw?!" kinakabahan na sigaw ni Lazarous.

"K-kendrick!" umiiyak na sigaw ni Lyra, si Lyra ang pinaka malapit kay Kendrick bukod sa akin dahil pinsan sya ni Kendrick.

Hindi ko na rin mapihilang mapahagulgol sa nangyayari kay Kendrick, please Kens don't leave me, us. Please! sabi ko sa isip ko.

"Stupids, can you please stop crying?" isang malamig na boses ang nagsalita sa likod namin. Nang humrap kami ay isang nakakatakot na aura ang sumalubong sa amin alam kong hindi lang ako ang nakaramdam ng aurang iyon. Hindi ito gaanong kalakas pero nakakatakot pa rin.

"Move." utos ni Bellatrix ngunit hindi namin sya sinunod.

Oo kay Bellatrix nanggaling ang nakakatakot na aurang iyon.

Bellatrix Magenta Vellum POV

"Move." utos ko pero hindi sila nakinig sa akin.

What a stupid royalties! Hindi ba nila alam na nalason yang kasama nila? Ang tatanga naman!

"My princess, hindi mo ba sila tutulungan?" sabi ng guardian ko.

"Tutulungan na nga sila pa yung matigas ang ulo, letse!" sagot ko naman.

"Tulungan mo na sila, my princess. Sayang gwapo pa naman si Kendrick kaso mukhang eto na ang wakas ng buhay nya."  my guardian said and heave a sigh.

"Kinokonsensya mo ba ako ha, lalaki?" sabi ko. "Baka gusto mong ikaw ang patayin ko, madali lang naman akong kausap." malamig na sabi ko sa kanya.

"Nagbibiro lang e!" kahit hindi makita ang mukha ng pangit na guardian ko alam kong nakanguso sya.

"Eh hindi ako pa---" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil pinutol ko na ang communication namin.

Mag rereklamo lang naman yun, tss.

"Do you want him to alive?" malamig na tanong ko.

Ang tatanga kasi! Sinabing move hindi nakikinig!

"Ate Bellatrix p-please make my Kuya alive....p-please!" nagmama kaawang sabi ng kapatid ko.

Hindi ko ito pinansin at tinignan ang ibang royalties. Tumango na lang ang iba ngunit hindi pa rin sumasagot si Brea.

Ang tigas talaga ng bungo netong babae na to!

"Can you make him alive?" garalgal na tanong ni Brea sa akin.

Sa wakas nagsalita na!

"What if i say Yes?" sagot ko sa kanya.

"P-please i-im begging you! Make my bestfriend live!" pagmama-kaawang sabi nya.

Tumango na lang ako at lumapit kay Kendrick, sarap na sarap sa tulog ang gago. Ayan kasi nagpaka hero pa, pag ibig nga naman. Tss. Hahawakan ko na sana si Kendrick ng may magsalita sa tabi ko. Tss. Epal.

"Kapag hindi mo sya napagaling at kapag namatay sya ng dahil sayo, ako mismo ang tatapos sa buhay mo." malamig na sabi nya, as if naman na matatakot ako sayo.

Tinignan ko lang sya ng sobrang lamig kaya napa iwas sya ng tingin. Tss.

Kinuha ko ang dagger ko at hiniwa ang puso nya pero bago iyon tinanggal ko muna iyong pana na nasa puso nya, malamang!

"B-bakit mo hiniwa y-yan?" inis na tanong ni Lazarous.

"Can you please shut the hell up? Let just trust her!" malamig na sagot ng kapatid ko.

Mana talaga sakin tong kapatid ko!

Nagpatuloy ako sa ginagawa kong panggagamot sa lalaking malapit ng mamatay, matapos kong hiwain ang puso nya ay agad kong ibinuhos ang lunas para matanggal ang lason na nasa buong katawan nya. Oo, nalason itong lalaki na 'to may lason ang panang tumama sa kanya. Isang minuto ang lumipas at natapos na rin ako, napakadali lang ng gagawin para magamot lang 'tong lalaking to. Sleeping beauty ang peg ng gago, nang matapos na ako ay agad akong tumayo   at aalis na sana ng....

"Are you done?" nagtanong yung apoy.

Tumango na lang ako.

"Kailan sya magigising?" tanong ni Brea.

"3 minutes from now." sagot ko naman. Aalis na ulit sana ako ng may tumawag sa akin.

Takte inaantok na ako e!

"Ate Bellatrix." lumingon ako at nakita ang mukha ng kapatid ko.

"What?" inis na tanong ko. Don't get me wrong okay? Ayaw na ayaw ko lang talagang pinipigilan akong umalis, tss.

"Can we wait for him to wake up?" tanong nya. "Para po masiguro na magigising talaga sya." nahihiyang sabi nyo.

Tumango na lang ako at sumandal sa motorbike ko.

2 minutes left.......

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

1 minute left........

.

.

.

.

.

.

Sampung segundo na lang ang natitira kaya kinakabahan na naghihintay ang mga royalties. After 10 seconds ay nagising na si Kendrick.

A/N: Thank you sa readers ng story na to!!!! Hope you all enjoy this chapter!

COMMENT–VOTE–FOLLOW!

SCROLL FOR THE NEXT CHAPTER!!!