Via's POV
Nag lakad kami ni Shine dito sa may corridor dahil hinahabol namin si Star. Natigilan kami ni Shine ng biglang may sumigaw at alam na namin kong sino yung sumigaw.
"AUDREI VALDEZZZZZZZ" sigaw ni Star kumaway-kaway pa siya.
Nakita namin na natigilan si Audrei at napatingin sa banda ni Star. Natatawa na lang ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ni Star sa pangalan niya. Kumaway na lang din si Audrei at naglakad papunta kay Star.
Naglakad na din kami palapit sa kanilang dalawa.
"hi girls" masayang bati ko sakanila.
"hayop ka Star ang lakas ng sigaw mo. Gaga ka" natatawang sabi ni Shine. "Nakakahiya ka talaga kahit kailan" tinapiktapik pa niya ang balikat ni Star.
"Ang aga aga, nakalunok ka ba ng micro phone?" si Audrei.
"Gaga niyo. Sige pagtulongan niyo ako. Magpasalamat na lang kayo at nagkaroon kayo ng magandang kaibigan" taas noo niyang sabi.
Nag kunwari kami na nasusuka sa sinabi niya. Kaya nagmaktol siyang naglakad.
" I hate you guys" nagmamaktol niyang sabi.
"Bahala ka sa buhay mo" sigaw ko.
Masaya kaming naglaka papunta sa classroom namin. Late na kami pero may lakas ng loob pa kami mag asaran kanina.
"Good morning ma'am" sabay naming bati sa lecturer namin.
"Good morning din girls. take your sit" nginitian niya kami kaya nginitian di namin siya.
Sa likod kami umupo nagulat ako ng makita ko sila Miggy na naka upo rin dito sa likod. Nahh! nagkatotoo ang sinabi ko na same section kami.
Nakita ko si Kuya na nakangisi samin. Akala ko ba hind papasok ito eh mas nauna pa yata siya kaysa sakin. Inarapan ko lang sila.
Umupo ako sa tabi ni Miggy. Si Star naman sa tabi ko, sa tabi ni Star si Audrei at sa dulo si Shine.
Kinukulit ako ni Miggy kaya panay siko ko sakanya pero makulit talaga eh. Minsan sinasamahan ko siya ng tingin para tumigil pero lagi akong bigo kinginang buhay 'to. Bakit siya kase katabi ko? Tsk!.
"Via si Krysler oh nakatingin sayo" panunukso niya sakin, wala naman akong pake.
"what the hell Miggy. Pwede tumahimik ka na ang ingay mo" inis na bulong ko.
"okay lang yan gwapo naman ako eh"
"pakshet! gwapo? saan banda Miggy?" umakting pa ako na maiiyak dahil sa sinabi niya.
"grabe ka naman sakin Via. Diba best friend tayo? dapat i suppport mo ako" kunware nalulungkot siya.
"pakyo ka Miggy tumahimik ka na. letse ka"
"hey kayong dalawa diya kanina pa kayo. Pwede na kayong lumabas kung hindi pa kayo titigil" sambit ng lecturer namin.
"Ikaw kase." bulong ko. "nasan yung gwapo mong mukha na sinasabi mo. gago"
Hindi naman nagtagal yung lecturer namin nagpakilala lang siya at sinabi niya lang yung mga module namin. Hinihintay namin yung next lecturer namin. Sabi ng mga ibang students terror daw yung next lecturer namin.
Linapag niya yung mga gamit niya kaya nagulat kaming lahat sakanya. Napamura si Miggy dahil sa gulat. Buti na lang at ako lang ang nakarinig sa sinabi niya.
"Yan yung terror na lecturer natin. Ayaw daw niya sa mga gwapong katulad ko. bitter lang eh" bulong ni Miggy kaya natawa ako sa sinabi niya.
"Gago ayaw niya sa mga walang utak, TULAD MO" diin kong sabi kaya napamura siya
"What? Ako walang utak? Come on Via. Hinahabol pa nga ng mga babae dahil sa gwapo at talino ko" pagmamauabang niya.
"loko ka talaga Miggy. pag ikaw narinig niya bahala ka sa buhay mo. wag mo akong idamay" bulong na sabi ko.
Kingina mahirap na baka mapalayas kami ng wala oras.
"Okay class good morning. I'm Florence Ocampo teacher niyo ako sa biology" seryoso niyang sabi. "and alam niyo naman kung ano ang ayaw ko. pero kong tanga kayo edi sasabihin ko na lang" deretsong sabi niya.
Jusko walang preno ang bibig. Straight forward talaga.
Grabe naman siyang makatanga samin. Jusko. Napatingin siya sa amin kaya nag iwas agad ako ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan yung titig niya. nakakamatay. shet!
"ayaw ko sa mga MALALANDING ESTUDYANTE" diin niya talaga yung words na yun sabay tingin sa banda namin.
"Grabe naman siya diin niya talaga sabay tingin satin. buset" bulong ni Star. tumango lang ako bilang sagot ko.
"and second ayaw ko sa mga BOBO" tumingin siya sa banda nila Krysler, kuya, Miggy and Ivan. "yun lang ang mga ayaw ko sa loob ng klase ko"
Napasinghap na lang si Miggy dahil sa sinabi ng lecturer namin.
"yes ma'am" sagot naming lahat.
"and don't call me ma'am. call me miss Flore" nakataas kilaya niyiang sabi.
"tang*na demanding din pala itong lecturer na ito eh" bulong sakin ni Miggy.
Kingina pag kami nahuli talaga lagot kaming dalawa. Paano kase kanina pa bulong ng bulong si Miggy sakin, nahuli na nga kami kanina eh.
"okay class dismiss" pagpapaalam niya at nag silabasan na ang mga classmate namin dahil break time na namin.
"huh! putek! first day of class ganun na siya. grabe naman yung teacher na yun" pagrereklamo ni Audrei sakin.
"sinabi mo pa bhe. tang*na kung pwede lang palitan siya pinalitan ko" si Shine naman.
"bitter lang ang teacher natin. buset" si Star naman.
"ang dami niyong reklamo sana nag reklamo kayo kanina sakanya" pagsawsaw ni Krysler sa usapan.
"look who's talking" maarteng sabi ni Star. "tara na guys baka mahawaan pa tayo ng pagka abnoy" pang-asar niya pa.
sasagot pa sana si Krysler pero pinigilan ko siya.
AUDREI'S POV
Nakasalubong namin si Kyle na may kasamang babae hindi ko na lang siya pinansin. Nag-iwas agad ako ng tingin ng tumingin siya sakin. Nakita ng mga kaibigan ko kung paano ako nag iwas ng tingin.
"nakita niyo ba ang nakita ko?" nagtatakang tanong ni Via.
"yap. and guess who kasama niya si Ivy" naiinis na sabi ni Shine.
"Ang harot talaga nung babaeng yun." nang-gigigil na sambit ni Star.
"don't mind them guys" sabi ko na lang at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Naramdaman ko namn na sumunod sila sakin. Gustong pumatak ang mga luha ko pero pinipigilan ko ang mga ito. Ayaw kong mag mukhang kawawa dito dahil lang sa lalaki.
But honestly ang sakit na, ang sakit-sakit na dito sa puso ko. I love him so much. Minsan nga naiisip ko na lang kong saan ba ako nagkulang at nagawa pa niyang humanap ng iba.
Hindi ko na umimik. Umupo na lang ako sa table namin. Tumayo ako para umorder.
"guys ako na mag-oorder. ano sa inyo?" pagbabasag ko ng katahimikan.
"samahan na kita" pagprepresinta ni Via.
"sama na rin ako" sambit din ni Shine.
"sige tayo na lang ang mag oorder" si Star naman.
Alam kong ginagawa nila tuh para mapatawa nila ako. Masaya naman ako pero ayaw kong lukuhin ang sarili ko. Napatingin ako sa mga nagkukumpolan sa may gilid. at dun ko lang napansin na nakatingin sila samin.
*nakita niyo na ba? si Kyle and Ivy ay magkasama* bulong nung isang babae pero rinig ko naman.
*yeah. nakita ko. at sabi ni Ivy sila na daw" bulong din nung isa.
*so means pinagpalit si Audrei kay Ivy. Sabagay mas hot naman kase si IVy kaysa kay Audrei*
Hindi ko na sana sila papansinin pero hindi ko nagustuhan yung huli nilang sinabi. tang*na alam kong mas hot si Ivy dahil siya malandi ako hindi.
"hi girls. correction lang hah. una hindi ako pinagpalit ni Kyle, pangalawa ako ang naki pagbreak sakanya. Kaya bago kayo mag chismisan dyan alamin niyo muna bago niyo ichismis sa iba" sarkastiko kong sabi. Nginitian ko sila ng nakakaloka. Kitang-kita sa itsura nila ang kaba.
"Good girl. Ganyan nga girl palaban. Wag padadala sa kanila" nakangiting sabi ni Shine habang pumapalakpak.
"Audrei alam kong nasasaktan ka. Nandito lang kami para sayo?" nag-alalang sabi ni Star.
"okay lang ako guys, don't worry. nakita niyo namn yung ginawa ko kanina, diba?" pngitian ko sila pero pilit lang.
"lukohin mo na ang lahat Audrei wag lang kami" si Via.
Magsasalita pa sana ako ng biglang may humila sakin. Nagsalubong agad ang kilay ko ng makita ko kong sino ang humihila sakin. Sinusubukan kong pumalag pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
Nakita kong sumunod yung tatlo samin na nakakonot ang noo. Shit! This is another war. Sinenyasan ko sila na wag na sumunod.
Binitawan lang ako ni Kyle nung makarating kami dito sa bakanteng building sa likod ng school namin.
"Audrei I'm sorry" yun lang ang sinabi niya. Pero nag liyab ang galit ko.
Sinampal ko siya ng napakalakas hindi lang isang beses kundi dalawang beses ko siyang sinampal.
"What sorry can do Kyle? mahal kita pero dahil sa ginawa mo nawala lahat ng pagmamahal ko sayo" galit na sigaw ko sakanya. "Kahit magmakaawa ka sa harapan ko kahit lumuhod ka hindi na maibabalik ang dating tiwala na sinira mo" lakas loob kong sabi sakanya.
Hinawakan niya ang dalawang balikat ko pero huli na ang lahat ng bigla siyang matumba. Napatingin ako sa sumuntok sakanya at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Ivan.
Sa hindi kalayuan nakita ko sila Via, sumunod pala sila.
"oh my gosh" gulat na singhal ni Star.
"are you okay?" si Via.
Tumango lang ako. Dahil hindi ko na kayang magsalita dahil sa mga nangyayari ngayon.
Susuntukin sana ulit ni Ivan si Kyle ng may umawat sakanya.
"Tama na yan bro baka mapatay mo siya" si Krysler.
"Sa susunod bro pag sinaktan mo pa si Audrei hindi lang yan ang aabutin mo sakin" mahinahon na pagbabanta ni Ivan.
Nagulat kaming lahat dahil first time ni Ivan na gawin ito. I mean shet diko ma explain. Pero first time niya akong iligtas. Kase sa totoo lang wala siyang pakealam sakin at magugulat na lang ako dahil sa ginawa niya ngayon.
Tumayo si Kyle at sinibukan niya akong lapitan pero humarang ulit si Ivan.
"Please Audrei forgive me" pagmmakaawa niya.
"Wag ka ng magtangkang lumapit. Kung ayaw mo dagdagan ko pa yan" galit na sabi Ivan sakanya. "gusto mo bang ipaulit yung mga sinabi ni Audrei sayo kanina."
"bro please gusto kong makausap ang girlfriend ko" pagpupumulit niya.
"girlfriend? ah boyfriend mo pala ito Audrei" sambit ni Ivan. "Sana sinabi mo na boyfriend mo pala tung gagong 'to. Kase nakita namin iba kahalikan kanina" sarkastikong sabi niya.
"No hindi ko siya BOYFRIEND" diin ko pa yung huli word na sinabi ko. "and please Kyle wag mo na akong guluhin. ayaw ko na pagod na ako pagod na pagod na ako sa kakapatawad sayo" naiiyak na ako. nag iinit na ang mga sulok ng mata ko.
Hinaplos-haplos ni Via ang likod ko at hindi ko na napigilan umiyak. Niyakap ko si Via at dun na ako humagulgol ng iyak. Hindi ko na kaya ang sakit-sakit na. Gusto ko lang naman magmahal pero bakit ganito.
"Umalis ka na bro. Baka kong ano pa ang magawa namin sayo"
Yun na lang ang huli kong narinig sa kanila.
--Please Vote my story. and comment if there's something wrong in my Grammar, and comment suggestion if you have. Thank you.
MeiY|