Chereads / Be Still My Heart / Chapter 4 - 3

Chapter 4 - 3

Audrei's POV

Kumawala ako sa pagkakayakap kay Via. Pinahid ko ang mga luha ko at nagpakawala ng hininga. Ngumiti ako sakanila.

Napatingin ako kay Ivan na nakatingin din sakin. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sakanya dahil hanggang ngayon gulat parin ako sa ginawa niya.

"thank you guys" pilit ngiti kong sabi sakanila. humarap ako kay Ivan at nginitian ito. "Thank you Ivan. I don't know what to say"

"shhh. don't worry I did that because you're a woman and your Via's friend" nakangiti niyang sabi at naglakad na siya palayo samin. Ganun din yung mga boys nag si alisan na sila.

Oo nga naman Audrei babae ka at ginawa niya iyon dahil kaibigan mo si Via na kaibigan niya din. Syempre ginawa niya iyon. Pero hindi matanggap ng isip ko ang sinabi niya dahil kakaiba siya kanina.

Galit siya talaga kanina dahil never ko pang nakita si Ivan na magalit dahil lang sa babae. oo nakiki pag-away sila pero dahil rin sa kanila pero kanina, duh! ginawa niya dahil lang sa kaibigan ako ni Via.

"bakit hindi mo na lang kase tanggapin yung sinabi niya. babae ka kaya linigtas ka niya" pagproprotesta ng utak ko.

"hindi ganun yun. alam kong may rason siya kong bakit niya ginawa iyo" pagproprotesta din ng puso ko.

"haynako Audrei ako ang paniwalaan mo. wag kang umasa baka masaktan ka lang"

niyaya ko na lang sila na pumasok na sa next class namin. Pumayag naman sila. Inakbayan ako ni Via kaya nginitian ko siya.

"stop thinking about him bhe" sambit ni Via. tumango lang ako.

Kung alam mo lang Via hindi si Kyle ang iniisip ko ngayon kundi si Ivan. Hindi naman kase kapani-paniwala yung rason niya kanina eh.

"shhh. don't worry I did that because you're a woman and your Via's friend" nag paulit ulit ang sinabi niya kanina kaya napailing ako.

"wait guys. do you not wondering kung bakit ganun na lang ang inasta ni Ivan kanina" muntik na akong maubo sa sinabi ni Star.

tsk! Kung alam niya lang. Pati ako nag tataka ako sa mga ginawa niya kanina. Naalala ko na naman yung mga sinabi niya bago siya umalis.

"Actually na surprised ako because of his action earlier." nakangiwing sabi din ni Via.

"I agree. first time in history that I saw Ivan got angry"

"hindi ka ba nagtataka bhe?" biglang tanong ni Shine sakin.

"ako? ah syempre nagulat ako" kinakabahan kong sabi. bakit ako kinakabahan sa tanong niya?

Nakarating agad kami dito sa classroom hindi na kami nag-usap-usap. Umupo na ako sa upuan ko at ganun din sila. hinintay lang namin yung lecturer namin.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa banda ni Ivan. Nahuli pa niya akong nakatingin sakanya buti na lang agad akong nakaiwas.

shet! nakakahiya ka Audrei. Dumating na yung lecturer namin kaya umayos na ako.

Wala ako sa mood makinig sakanya. Nakatingin nga ako sa harap pero utak ko lumilipad.

nagulat ako ng biglang isiko ako ni Star. Napamura pa ako dahil sa sakit.

"Miss? any problem? may sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ng lecturer namin.

natameme ako dahil sa gulat dagdag mo din ang hiya dahil nakatingin silang lahat sakin. Except Ivan and girls.

"No-nothing sir" nauutal kong tugon.

"Okay. stand up and answer my question" nakangisi niyang sabi.

tumayo naman ako para hindi na ako mapahiya. Shet! God guid me sana po masagot ko ang tatanongin niya. nanginginig na ako dahil sa kaba.

"what is the date when world war II happened here in Philippines?"

"world war II start on September 1, 1939 and end on September 2, 1945" taas noong sagot ko.

"Very good. kahit pala nagday-daydream ka atleast may alam ka"

"sir?" nagtatakang tanong ko.

"nothing miss Valdez"

Napabuntong hininga na lang ako. Tang*na kase kong ano-ano ang iniisip ko.

"daydream pa more Audrei" bulong ni Shine.

"tsk! hindi kaya" bulong ko din.

"anong hindi. halata kaya. ano bang iniisip mo? tsk! si Kyle na naman" si Star.

"what the hell of course no" napatingin pa sila Via sakin. shet napalakas ang pagkakasabi ko.

"Ms. Valdez get out."

"huh sir?"

"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko. i said get out to my class the door is opened for you" inis na sigaw niya sakin kaya nagmadali kong kinuha ang mga gamit ko.

"sorry sir" sambit ko bago lumabas ng classroom.

IVAN'S POV

Sinulyapan ko si Audrei na nakatulala sa harap. Napailing na lang ako kase parang nakikinig hindi pala. Kawawa naman siya, maganda naman siya pero nakuha pang ipagpalit sa iba.

Hindi ko maiwasan isipin yung nangyari kanina. Bakit ko kaya ginawa yun? kanina pa ako nagtataka kong bakit ko siya pinagligtas, at mas lalo akong nainis kaninang sabihin ni Kyle na girlfriend niya si Audrei.

nag echo sa pandinig ko yung sinagot ni Audrei kanina. Napangiti na lang ako dahil sa tapang niya. Alam kong mahal niya si Kyle pero ang tapang niya kase nakaya niyang sabihin yun kanina.

"no hindi ko siya BOYFRIEND" nagpaulit-ulit sa isip ko yang sinabi niya.

tang*na Ivan anong nangyayari sayo bakit mo pa yan iniisip. Nagulat na lang ako ng bigla niyang patayuin si Audrei at tinanong ito buti na lang at nasagot ni Audrei yung tanong niya.

Umupo na si Audrei kaya napatingin ako sakanya. Nakita kong bumulong si Shine sakanya at sumunod naman si Star. Mas lalo akong nagulat ng sumigaw siya. Naptingin yung mga classmate namin sakanya.

Pati si sir natigilan sa pagsulat dahil sa sinabi niya. Nagsalubong ang kilay ni sir at dahan-dahan tumingin kay Audrei. Patay siguradong papalabasin siya.

"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko. i said get out to my class the door is opened for you" siagw ni sir kay Audrei.

Halata sa mukha ni Audrei ang pagkapahiya. Tang*na bakit nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi ni sir kay Audrei. shet! what the hell is happening to me.

Sinamahan ko ng tingin si Audrei hanggang sa makalabas siya ng classroom. Gusto ko siyang sundan pero paano. naisipan kong i-general ang cellphone ko. Tang*na ano ba tung ginagawa ko.

"Speed tawagan mo nga ako" mahinang sambit ko kay Speed. naguluhan namn tung isa.

"huh? anong trip mo ngayon Ivan?" nakangisi niyang tanong.

"basta tawagan mo ako. bilisan mo hah"

"tsk!" singhal niya at kinuha niya yung cellphone at dinial ang number ko.

Hindi naman nagtagal at tumunog ang cellphone ko. Natigilan ulit si sir sa pagsusulat sa harap at napatingin silang lahat sakin.

"what the hell. sir excuse me may tumatawag" nagpanggap pa ako na natataranta.

hindi ko na hinintay ang sasabihin ni sir kinuha ko na yung bag ko at nagmadaling lumabas ng classroom. nagtataka naman yung mga kaibigan ko dahil sa ginawa ko.

nag ring ang cellphone ko at pangalan ni Speed ang nakita ko. nag text lang naman ang loko.

*what the fvck are you doing bro?* yan lang naman ang text niya.

*nothing bro. babalik din ako mamaya. saglit lang* reply ko sakanya.

*wag mong sabihin na susundan mo si Audrei*

*ganun na nga bro. susundan ko siya. wag kang maingay sakanila. sa atin lang tuh bro*

*tang*na mo Ivan. wag mong idamaya si Audrei sa kalukuhan mo.*

*don't worry bro hindi ko siya pagtritripan.*

*siguraduhin mo kong ayaw mong masapak kay Via*

*yes boss. basta wag kang maingay bro*

tuluyan ko ng binulsa ang cellphone ko. hinanap ko si Audrei pero hindi ko siya makita. Pumunta ako sa field baka nandun siya pero bigo ako dahil walang akong nakitang Audrei.

Sumunod kong pinuntahan yung library pero wala rin siya dun. Asan ka na ba? hirap pala maghanap ng taong ayaw magpahanap. Bigla kong naisipan pumunta sa parking lot.

Tsk! anong gagawin ni Audrei dito. Pero hindi ako nabigo dahil nakita ko si Audrei na nakatayo sa hindi kalayuan. Habang palapit ako sakanya nakita ko kung ano yung tinitignan niya.

napamura na lang ako dahil sa nakita ko. Shet! anong ginagawa niya dyan? at pinanood pa talaga niya ang ginagawa ng gago niyang ex. Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo. Nakita ko namn ang gulat sa mukha ni Kyle.

Hinabul niyia si Audrei at nahabul naman niya. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa ginawa niya kay Audrei. Hinalikan niya si Audrei, pero panay naman ang tulak ni Audrei.

HIndi ko na napigilan ang sarili ko hinila ko si Audrei at sinapak ko si Kyle. Napahiga siya sa sahig tumayo siya at susuntukin ako pero mas nauna akong nakasuntok kaya napa upo ulit siya sa sahig.

"I-Ivan?" nanghihinang sambit ni Audrei sakin.

Napatingin agad ako sakanya. Nagulat na lang ako ng bigla akong hilain ni Kyle at pinagsusuntok. Narinig ko ang sigaw ni Audrei kaya natigilan si Kyle.

Patakbong lumapit si Audrei sakin. Hinawakan niya ang dumudugo kong labi. Tinignan niya si Kyle bago siya tumayo kaya tumayo na din ako.

"Kyle please stop this. Ayaw ko na ng gulo. Umalis ka na Kyle bago pa kita mapagsalitaan ng masasakit na salita" nagpipigil inis na sabi ni Audrei.

"Audrei handa akong magpaliwanag sayo. IBa yung iniisip mo hindi ganun yun Audrei" hinawakan niya pa si Audrei sa kamay. Pero hinila naman agad ni Audrei yung kamay niya.

"I don't need you damn explanation Kyle. ang gusto ko lang ay umalis ka na"

"Brad 'di mo ba narinig yung sinabi niya. umalis ka isama mo yang babae mo." cool na sambit ko.

Humarap ako kay Audrei at ganun na lang gulat ko ng bigla niya akong yakapin. Mas nagulat ako ng maradaman ko pag hikbi niya. Shet! parang natunaw tung puso ko. Hindi ko kayang makakakita ng babaeng umiiyak dahil lang sa mga gagong lalaki.

HInaplos-haplos ko ang buhok niya.

"shh! tahan na Audrei. Wala na siya." mahinang sabi ko. hinawakan ko ang balikat niya at iniharap sakin. "Don't worry hindi na siya makakalapit sayo. Nandito lang ako para tulungan ka" niyakap niya ulit ako.

"thank you Ivan. thank you for saving me. Pangalawang beses mo na akong linigtas kay Kyle" umiiyak na sabi niya.

"shhh! wag ka ng magsalita. basta tandaan mo nandito lang ako, kami para sayo."

BUmita siya pagkakayakap sakin at humarap siya. Nginitian niya ako hindi iyon pilit, totoong ngiti niya iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas ako ng tingin.

Niyaya ko na siyang pumasok dahil baka malate kami sa last class namin. At baka naghahanap na yung anim samin.

Pinauna ko siyang pumasok para hindi magtaka yung anim. Lalo na sa mga kaibigan niya. Sumunod naman ako sakanya. Hindi pa ako nakakalayo natanaw ko na sila Speed na naglalaad papapunta sakin.

Hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa nagyari kanina. I mean hindi ako makapaniwala na yayakapin ako ni Audrei at umiyak pa siya sa harap ko.

Kung ibang babae sigurado magtatalon na dahil nayakap nila ako. isang Ivan Remirez yayakap ng isang babae. Tsk! Swerte nila. Pero bakit ganun parang ako ang ma swerte ngayon araw na ito. Dahil isang Audrei Valdez na pinagpapantasyaan ng mga lalaki niyakap ako.

Tsl! Ivan iba na talaga ang tama mo kay Audrei. Wag ka ng umasa self bwahaha. Baka masasaktan ka lang, (JOKE). Baka ma misunderstand niyo ang mga sinsabi ko.

Hindi ko po gusto si Audrei naaawa lang ako saknya. Yun lang yun kaya tinutulongan ko siya. ☺

--Please Vote my story. and comment if there's something wrong in my Grammar, and comment suggestion if you have. Thank you.

MeiY|