Ivan's POV
Shit! Ano ba ang nangyayari sakin? Bakit ganito ako mag-alala sa isang babae? Huta! Hindi yata ako si Ivan. Hindi ko ugali ang mag-alala sa kahit sinong babae.
And ang pag kakaalam ko wala akong gusto kay Audrei. Naawa lang ako yun lang talaga ang alam ko.
Andito ako ngayon sa kitchen ni Audrei nagluluto ako ng makakain niya. I don't know why I'm doing this shit right now.
Dahil sa pag-iisip ko ng kung ano-ano nahulog ko yung pinggan, kutsara and tinidor. Huta! Kase naman may biglang tumakbo sa labas ng bintana.
Sumilip ako dun pero wala namang tao, guni-guni ko lang yata yun.
"Ivan are you okay?" mahinang tanong niya sakin.
Nanghihina parin siya dahil sa kakaiyak niya kanina pa.
"AH yes I'm okay. Natabig ko lang kaya nahulog" wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa pinupulot ko.
"Ako na diyan. Tignan mo na lang yung linuluto mo" pag-pri-prisinta niya.
"No. its okay. Ako na lang dito. Doon ka na lang mag hintay baka masugatan ka pa. Paki patay na lang yan. Thank you" sabay turo sa linuluto ko.
"Okay. Be careful" sagot niya at naglakad papunta sa lutuan.
"ouch. Shit" mahinang sabi ko dahil may pumasok na bubug sa hintuturo ko.
Patakbong lumapit si Audrei at hinawakan agad ang kamay ko. nataranta siya dahil sa dugong lumalabas.
"kasasabi ko lang na be careful nabubug ka na agad" nakataas kilay niyang sabi.
Natawa ako dahil sa reaction niya, pero natigilan ako ng bigla niya akong tinignan. Umiwas agad ako ng tingin at ganun din ang ginawa niya.
Tumayo siya at kinuha yung first aid kit niya. Linagyan niya ng band aid yung nasugat.
"Thank you. Sige doon ka na." nakangiting sabi ko.
"sige. Mag iingat ka"
Tumango na lang ako bilang sagot ko. Hindi naman siya nagsalita at pagtingin ko sa likod ko wala na siya.
Linagay ko na sa bowl yung adobo na linuto ko, kumaha lang ako ng kanin at tubig. Hindi pa ko pa nahahawakan yung tray ng bigla siyang sumigaw.
Sa subrang gulat hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, kung tatakbo ba ako palabas ng kusina or bibitbitin muna tung tray ng pagkain bago lumabas.
Fvck! Sorry hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito kase nga wala akong pakealam pero WHAT THE FVCK! Lang kase bat ko ito ginagawa.
"Audrei what's wrong?" nag-alalang tanong ko.
"nothing." Mahinang sabi niya habang naka upo sa sahig.
Linapag ko agad yung tray at mabilis ko siyang linapitan at tinulungan ko siyang tumayo.
Pinaupo ko siya sa sofa at naka kneel ako sa floor para tignan yung paa niya na hawak-hawak niya. Unti-unti kong inukot kaya napaungol siya dahil sa sakit.
"Ouch! wag masiyado masakit" sabi niya kaya dinahan-dahan ko.
"kunting tiis na lang matatapos na ito. Tiniisin mo muna kase masakit talaga 'to" sabi ko. Tumango naman siya bilang sagot niya. "namamaga na ang paa mo. Teka kukuha ako ng ice"
Linagay ko agad yung ice sa paa niya. Medyo okay na kaya linagyan ko ng bandage at kinuha yung linuto ko para makakin na kami.
"Thank you Ivan" biglang sambit niya habang ngumunguya.
"For what?"
"All of this. I don't know if why did you do this right now but I'm thankful that you save me not once but twice and thank you for this" emotional niyang sabi kaya napatingin ako sakanya.
"It's okay, kaibigan ka ni Via kaya ayos lang" nakangiting sabi ko.
"But still thank you"
Hindi na siya ulit nag salita kumain na lang siya, nabalot ng katahimikan ang loob ng bahay hanggang sa matapos kaming kumain.
Inayos ko yung mga pinagkainan namin at linagay sa kusina para mahugasa. Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa likuran ko.
"ako na diya. Hindi gawain ng lalaki ang paghuhugas ng pinggan" natatawang sabi niya. Napatingin ako sa paa niya.
"Hindi ako na lang dun ka na sa sala baka mapano pa yang paa mo"
"tsk! Lahat na lang ba kokontrahin mo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit kinontra ko ba lahat ng sinabi niya? Napaisip ako tuloy.
"sige na nga. Pagbibigyan na kita. Pero dito lang ako hah?"
"bahala ka"
Pinanood ko lang siya habang naghuhugas siya. Pinag-aralan ko ang kanyang mukha, bakit kaya nakuha pa siyang lukohin? Sa totoo lang nasa kanya na ang lahat, ganda, talent, mabait, magaling, mapagmahal basta nasa kanya na ang lahat.
Tsk! Kung ako ang magiging boyfriend niya hinding-hindi ko siya sasaktan at lulukohin.
Napangiwi ako sa naisip ko. tsk!
"Wag mo akong titigan baka matunaw ako" nagulat ako sa biglang sabi niya.
"Hi-hindi ah" nauutal kong sabi. Shit!
"Hindi daw, eh bat nabubulol ka?"
"Yah. Hindi ah"
Tumawa siya kaya natawa na rin ako.
"mas maganda ka kung lagi kang tumatawa" wala sa sarili kong sabi.
"hah?"
"wala"
Hindi na siya nagsalita naglakad na siya palabas ng kusina kaya lumabas na din ako. umupo siya sa sofa kaya tumabi na lang ako sakanya.
Napatingin na naman ako sakanya ng hindi ko namamalayan. Napatingin din siya dahil sa ginagawa ko. ngumiti na lang siya at umiwas ng tingin.
Hinawakan ko ang mukha niya kaya nagulat siya sa ginawa ko. Ngumiti ako at hindi ko namalayan na naglapat na pala ang mga labi namin.
Kumalas ako sa pagkakahalik sakanya at napatayo dahil sa gulat. Tinignan ko si Audrei na nanlaki ang mata dahil sa nakikita namin ngyaon.
Nagkatinginan kami nila Audrei. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko ngayon sa mga kaibigan niya at sa mga kaibigan ko.
Shit! Tinignan ko si Via na nakakunot noo at si Shine naman nakataas ang kilay, pagtingin ko kay Star parang walang kareact react.
Napangisi yung tatlo sakin kaya napakamot ako ng sintido ko.
"Kung ano man ang iniisip niyo hin-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Via.
"Anong gusto mong isipin namin?" malamig niyang tanong. At unti-unti siyang lumapit sakin. "na nag jack n poy kayo na magkalapit ang-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Krysler.