Chereads / MAPAMO SG / Chapter 2 - ONE

Chapter 2 - ONE

NESRIN

" Anak ng tokwa naman Nesrin ! Wala ka na ngang kwenta napakabasagulera mopa ! Kelan kaba magtitinong animal ka ! "

Papasok pa lang ako sa pinto ng bahay namin dinig kona ang nakakakilig na sigaw ng nanay ko. Yumuko lamang ako at dumiretso sa kwarto habang patuloy sa pagdakdak yung armalite na bunganga ni Mama.

Nilapag ko sa kama ang nangangalay na likod at tumitig sa kisame. Inaalala ko ang mga mala- action star na galawan ko kanina habang binubugbog yung mga pangit na uhog na nakasalubong ko habang pauwi. Grabe napakurot ako sa aking pisnge dahil sa hindi ko mapigilang ngisi .

" Angas mo talaga Nesrin ! " Sabi ko sa sarili ko.

Nagmuni-muni ako habang nakatitig sa kisame nang biglang sumagi sa isip ko ang pag-aaral ko. Kelan kaya ako makakapag-aral uli? Haist ! Kung bakit ba naman kasi pinahinto pa ako eh alam namang makakahanap ako ng trabaho para makapangtustos sa pag-aaral ko. Lahat na Lang bawal sakin tapos nung nagrebelde na ako pa itong walang kwenta tangina .

Bumangon ako at nagtungo sa maliit kong aparador tsaka kumuha ng malaking backpack. Pinasok ko sa loob ng bag ang mga damit at mga importanteng papeles. Obvious namang maglalayas ako eh noh? Umay nako sa buhay kong tambay at pambabasag ulo lang ang ginagawa . Mas mabuti pang lumayas dito nang sa ganun may thrill namang bago ang buhay ko diba? Pagkatapos kung maisaayos ang mga gamit ko lumabas ako ng kwarto at naabutan ang mama ko na nagtatahi ng mga kung anu-anong kolereteng pambahay.

" Oh saan ka pupunta ? Lalayas kana ba? Aba'y mabuti! Mababawasan na rin ang palamunin dito sa bahay. Wala ka rin namang kwenta kaya hindi nakakapanghinayang na lumayas ka. " mabilis na sabi ng nanay ko.

" Oo nga eh. Kung di lang ako walang kwenta ay nako baka kumakain kana ngayon ng pera. Total wala rin naman akong respeto mga 90 % sayo sasabihin ko ito sayo. Wala ka rin namang kwenta nandito ka lang din naman sa bahay naghihintay ng malalamon. Puro ka na nga pambubunganga mukha ka pang pera. Umaayos lang naman pakikitungo mo kung may maiaabot sayong pera. Noong may trabaho pa ako tangina laki ng ngiti mo kasi naabutan ka pero nung naging tambay na ako tangina inasal mo akong aso . Hindi tayo magkaiba dahil simula't sapol pareho lang tayong palamunin at walang kwenta ang kaibahan lang anak mo'ko na nireresponsibilidad. Nagsisisi pa nga ako kung bakit binuhay mo pa ako eh. " mabilis kung saad kasabay ng paglabas ko ng pinto.

" Putangina mong hayop ka !!! " sigaw ng mama ko

Nagmadali akong tumakbo palayo sa lugar na iyon habang maraming mata ang nakatitig sa akin. Tawag dito RUNAWAY DAUGHTER .

Nakarating ako sa isang masikip na eskinita . Basa at mabaho , maiitim na daanan ang makikita dito. Binagtas ko ang daan papunta sa kung saang dulo ang hangganan ng masikip na eskinita na ito. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko nakaramdam ako ng mahinang kaluskos kung kaya't hinanda ko ang sarili ko. Wala naman akong nararamdamang takot sa ilang taon ko ba namang pambabasag ulo ngayon pa ako natatakot eh halos araw araw akong nakikipagbasagan. Nararamdaman kung nakasunod lang ang mahihinang kaluskos ng kung sino man. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa hawakan ng aking backpack. Ilang sandali pa may isang malakas na bagay ang tumama sa binti ko dahilan para ma-out of balance ako. Mabilis kong hinarap ang may gawa nun . Napaface palm na lang ako nang makilala kung sino ito.

" Hindi ka pa talaga nadalang pangit ka . Haist nabali na lahat lahat ng buto ng mga kasamahan at mas lalo nang pumangit ang itsura mo may lakas ka parin ng loob na bangasan ako? Naknamputa. " Plat na tonong pagkakasabi ko.

" HAHAHA lakas mo kasi magmayabang tangina ka . Wala kang karapatan na saktan ang grupo ko dahil lang sa napagtripan mo!! " gigil na usal niya.

" Putcha kung nanggigil ka manggigil ka lang pero tangina ka iwasan mo namang tumalsik ang malakanal mong laway puta kadiri! At isa pa kung hindi ba naman kasi mga panget ang mga kagrupo tingin mo paglalaruan ko? Ikaw nga tong makapal anhg mukhang mag-amok eh sa ating dalawa ikaw kasumpa-sumpa ang mukha. So sinong hindi mangtitrip sa ganyan kapanget na itsura ?!! Panget ka na nga bobo kapa! " Inis na saad ko kasabay ng pagpahid ng basang parte ng mukha ko.

Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili . Tiningnan ko siya ng nakangisi at tumingin naman siya sakin ng nakakaloko. Ang sagwa puta.

Isang iglap pa sumugod na sakin ang panget na 'yon kasama ang baseball bat niya. Nauumay nako sa baseball bat puta . Sinalag ko ang bawat palo at hampas ng baseball bat niya at humanap ng tiyempo para ako naman ang tumira. Sinuntok ko ang tagiliran niya dahilan para umatras ang loko. Sinapo niya saglit ang tagiliran niya at ngumisi tapos bigla na namang sumugod. Ang gago lang pwede namang huwag na ngumisi diba? Tangina ampanget talaga puta.

Nilabanan ko na rin ang mga hampas niya. Suntok at sipa ang pinapakawalan ko sa tuwing nakakakita ako ng free part na hindi niya masasalagan. Magaling din naman ang panget na ito ang kaso lang ang panget talaga niya. Call me laitera but damn it ampanget talaga niya. Dalawang magkasunod na sipa at suntok ang pinakawalan ko na nagpatumba sa kanya. Sapo-sapo nito ang bibig habang inaayos ko ang sarili ko at hinipan ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

Dumura ng dugo si gago at pumito. Kaagad namang nagsulputan ang mga galamay niya. Scratch that--- alipin I mean mga basahan niya. Nak ng! Hindi nakapagtatakang panget din ang mga tagasunod niya. Sa panget ba naman ng amo diba? Tapos aasahan kong may isang maitsura sa kanila? Ano siya sinuswerte o nabundol kaya nagka-amnesia tapos sumama sa kasamahan ng mga panget na ito? Haist!

Pinalibutan nila ang si magandang ako. Well hindi pa naman ako nakakaramdam ng pagod kaya why not beating this ugly creatures and consider this as an afternoon exercise ? Bakit? Umaga at gabi lang ba pwede mag-exercise? No way highway kasi iba ako.

Tiningnan ko isa-isa ang mga nakapalibot sa akin at gusto ko talagang masuka seryoso . Nagraincoat at boots siguro ang mga ito nong nagpa-ulan si maykapal ng kagwapohan at kagandahang itsura . At ang kapal pa ng mukhang makipagtitigan sa akin? At dahil ayaw ko talaga sa panget nagsimula na akong bumanat ng isa sa kanila na agad din namang natumba. Nak ng ! 'yon na yun?! Pansin ko rin na bago ang mga panget na mukhang nakaharap ka ngayon at kaninang umaga. Daming basahang nakakalat tangina. Nang makita nilang tumba na ang isa nilang kasamahan sabay sabay silang sumugod at syempre dahil nga maangas ako nilabanan ko sila ng sabay sabay. Sinipa ko sa gitna ang kaharap kung panget dahilan upang sumalapak sa sahig at mamilipit sa sahig. Sunod ko namang binato ng suntok ang nasa gilid ko at sinipa ang nasa likod . Tumambling ako at sinuntok sa mukha ang nakaharap ko . Marami na akong napatumba pero tangina bakit mas dumadami ata ang mga ito. Habang patuloy ako sa pakikipagbasagan napansin kong unti-unting nababawasan ang nakapalibot sakin. Pero hinayaan ko na lang iyon at nagpatuloy sa pagsusuntok at pagsisipa sa mga panget nilang mukha. Kasunod ng pagtumba sa nasa harap ko ay saktong pagbangga ko sa isang matigas na bagay . Agad kung hinarap ito at napagtantong isa itong likod ng kung sino. Saglit ko lamang itong tiningnan at nakipaglaban uli. Kinalabit niya ako at sinenyasan na naintindihan ko naman agad. Humarap ako sa kanya at humawak sa kamay niya kasabay ng pagtalon ko at pag-angat niya ng katawan ko sa ere at pinaikot ako habang pinagsisipa ko lahat ng madadaanan ng paa ko. Nang mailapag ko ang mga paa ko sa semento ay pagbagsak naman nga panget na nakalaban namin. Hingal akong umupo sa semento at suminghap.

" Ampanget putangina nila lakas mang-amok mga pulpol naman aish ! " tanging nasabi ko na lang at pumikit habang naghahabol ng hangin.

Napansin ko ang dalawang pares ang paa na nakatayo sa harap ko kung kaya mabilis kung sinundan ang pinanggalingan nito. Okay medyo nakahinga ako ng maluwag ng makitang mukha itong tao. Buti naman baka tuluyan pa talagang masira ang araw dahil sa mga basahang nakikita aruy jusko!

Inextend niya ang kamay niya para abutin ko at tulungang tumayo. Agad ko namang tinanggap at tumayo. Pinagpagan ko ang pwetan ko at pinulot ang bag na nailapag ko kanina habang nakikipag-away. Pinagpagan ko rin ito at sinukbit sa likuran ko. Humarap uli ako sa tumulong sakin at pinagmasdan siyang mabuti. Nakapolong long sleeve pero nakatupi hanggang siko . Pants na itim at makintab na maitim na sapatos. Sunod kung sinuri ang mukha nito. Magulong buhok , singkit na mata , matangos na ilong, mapupulang labi gagu pahalik man! Dejuk lang. Hindi gaanong malaki ang katawan pero sure akong may abs to . Matangkad at maayos na tindig in short gwapo.

" Tapos kana mang-inspection? " tanong nito.

Agad namang akong nabalik sa ulirat at huminga ng malalim. At tumingin sa likuran nito.

" Mauuna na ako " tanginang saad ko at naglakad na palagpas sa kanya.

" Naglayas ka noh? " tanong niya na nagpahinto sakin.

" Pag nag-oo ba ako aampunin mo ako? " mapanghamong saad ko.

Ang kapal ko sa part na yan. Seryoso.

" Tara ? " sabi niya lang tas ngumiti.

At hindi naman ako bobo dahil naiintindihan ko agad yon. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya.

" Mukha ka namang mayaman dahil hindi ka dugyot manamit at gwapo ka rin. So ayus lang na sumama ako at tsaka kahit hindi kita kilala ayus lang mapahamak basta may makakasama Lang ako at mauuwian. " litanya ko .

" Okey " Sabi niya lang at nauna ng naglakad palabas ng eskinita.

Excited naman akong sumunod sa kanya at nanatiling tahimik kahit nagmumukha ng may nasinghot na utot ng demonyo sa lapad ng ngiti ko . Wala naman ako paki-alam kahit sino makasama at kung saan ako mapadpad eh. Naglayas nga diba? Edi panindigan na .