Chereads / MAPAMO SG / Chapter 4 - THREE

Chapter 4 - THREE

NESRIN

Puta! Akala ko ikukulong na ako nung lalaki eh ! Mataman akong naghintay sa kanya dito sa labas ng kwarto. Naramdaman ko ang paglapit ng lalaking pinagsabihan na bantayan ako.

" Anong pangalan mo? " Tanong niya

Tumingala naman ako para makita ko ang itsura niya. To make the description short --- gwapo.

" Ayus lang " sagot ko .

" Huh? " nagtatakang tanong niya

" Huh? Mali ba ang sagot ko? " tanong ko pabalik.

" Ayus lang ang pangalan mo? " Paniniguradong tanong niya.

" Huh? Hindi ! " Mabilis na tanggi ko .

' Kahiya amputa '

I heard him chuckled kaya tumikhim ako. At nilihis ang tingin ko sa kanya nang may lumabas galing sa pinto.

Agad naman itong lumapit sa amin na medyo iritado? Ewan basta nakabusangot ang mukha. Lumipat uli ang paningin ko sa likod ng may lumabas uli na kasamahan niya.

" Tara na ? " Tukoy nito sakin.

Tumango lang ako at tumayo. Nauna na itong naglakad sa amin palabas ng presinto kaya tahimik din akong sumunod. Nang makarating kami sa sasakyan niya agad niyang binuksan ang pinto ng kotse at pinasakay ako. Walang imik na pumasok ako ng at agad niyang sinara ang pinto.

Pagkapasok niya ay mabilis niyang binuhay ang makina at binagtas ang daan patungo sa kung saan. Ilang minuto lang ang tinagal ay nakarating kami sa isang malaking hotel. Kaagad na ipinasok niya sa parking area ang sasakyan at pinatay ang makina pagkatapos magparking. Agad din naman itong lumabas kaya lumabas na rin ako. Giniya niya ako papasok habang nakapirmi ang seryosong awra.

" May condo ka rito? " Tanong ko sa kanya.

" Yeah " maikli niyang sagot.

Grabe mapapanisan naman ako ng laway sa katahimikan ng isang 'to. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay may dinotdot siya ron tapos bumukas ito ng kusa . Gagu ang cool nun!

Pinapasok nya ako at nagdire-diretso siya papuntang kusina ata yun. Umikot ang paningin ko sa kabuuan ng lugar niya. Namataan ng mata ko ang mahabang sofa kung kaya't yun ang tiningo ko at umupo habang nakasukbit parin sa likod ko ang bag ko. Bumalik siyang may dalang isang baso ng juice tapos isang can ng beer. Binigay niya sa akin ang baso ng juice at siya naman ay binuksan ang can beer tapos umupo sa kaharap ko na sofa. Uminom ako at tiningnan siya. Bakas sa itsura nito ang pagkairita at galit? Nangyare dito?

" Anong pangalan mo? Tsaka anong trabaho mo? Curious ako kasi parang kilala ka don sa prisento .. " nagtatakang tanong ko.

Agad naman siyang napatingin sakin at uminom muna bago pinatong sa center table ang lata.

" I'm Koln Arpon . An undercover agent . " maikling hayag niya.

" Woah! Talaga?! " pasigaw kong sabi na ikinangiwi niya.

Agad naman akong umayos at tumikhim .

" Sorry nadala lang haha . " pambawi ko.

" And you? Anong pangalan mo? At bakit ka nakikipag-away sa mga lalaki kanina? Considering you're a girl . " tanong niya.

" Ah! Nesrin Qúeens ang pangalan. Yung mga nakaaway ko kanina is mga panget na pakalat-kalat. Napagdiskitaan ko yung ibang myembro nila kaya ayun sinugod ako. " Paliwanag ko.

" And why are with your backpack? I was just guessing earlier. " tanong niya uli.

" Uhmm.. right guess. Naglayas ako kasi gusto ko ng bagong thrill sa buhay ko. Literal na tambay at pambabasag ulo lang talaga ang buhay ko at ayun nga badtrip sakin nanay ko . Naumay ako sa kabubunganga niya kaya nilayasan ko. " Litanya ko tsaka uminom ng juice .

" Ahh... You can stay here if you want to. Para naman may tao ang condo ko while I'm not around and also para may makapaglinis din at the same time. " Sabi niya habang nakatitig sakin ng seryoso.

Nalaglag panga ko don. Maid ? Puta hindi ganitong thrill ang gusto ko.

" Ano?! Ayaw ko! Buti pang tumira sa lansangan kesa dito! " Sigaw ko at agad na tumayo .

Agad akong nagtungo sa pinto at hinatak ang handle nito. Unluckily ayaw bumukas. Irita akong tumingin sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa.

" No one can open that except me . Fingerprints parin Ang gamit ng pinto na yan. In and out. " Maikli niyang saad at uminom uli.

Bagsak ang balikat ko na lumapit sa kanya at bumalik sa kinauupuan ko. Makalabas lang talaga ako dito. Ininom kong muli and juice ko at bumuntong-hininga. Bumaling ang tingin ko sa bagay na nagslide sa gilid ng baso ko.

" Ano 'to? " Sabay pulot ng bagay na nasa harap ko.

" Seriously? Cellphone yan in case na di mo alam kung ano ang bagay na hawak mo. " Sagot niya.

Literal na pumatag ang itsura ko at inikutan siya ng mata.

" Ambobo ko sa part na 'yon. Seryoso para saan 'to? " Saad ko.

" Call me if it's emergency. " Sabi niya at tumayo.

" Ah... Mukha ka bang ospital? " tanong ko.

Agad namang itong napa-face palm at nagmartsa na paalis.

Kinabukasan , nagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw . Madali akong bumangon at nagtungong cr. Pagkalabas ko ng kwarto nadatnan ko si Koln kasama yung dalawang lalaki kahapon sa prisento.

" Good morning ! " Maligayang bati ko at pumuntang kusina.

" Good morning Nesrin ! " Bati pabalik nung lalaki na nagbantay sakin kahapon sa labas ng IR.

" Ahh kilala mo ako? " tanong ko.

" Koln told us . Anyways I'm Dandrius . Dan for short and this guy beside me is Nixon . " Saad niya.

Tumango na lang ako at naghanda . Total dito na rin naman ako titira might as well lubusin kona. Nagluto ako ng fried bacon , hotdogs and eggs at fried rice rin. Nang maset kona lahat ito sa table ay tinawag ko sila na kumain na.

" Dito na ako madalas mag-aagahan may tiga-prepare na eh. Tsaka mag-isa lang din ako sa condo kaya more one delivery ako kasi katamad magluto. " Litanya ni Dan habang nagsasandok ng kanin.

Wala namang imik ang dalawa habang kumakain . Tahimik lang ang hapag hanggang sa narinig ko ang pagtunog ng upuan dahil sa pagtayo ni Koln.

" Tapos na ako. Tara na. Nesrin stay here. May stock naman diyan na pagkain and also you can do whatever you want to as long us lilinisin mo. And the thing I gave you yesterday use it only when it's emergency. " Sabi nito at kinuha ang coat niya.

Agad ding tumayo ang dalawa at nagpaalam. Sinundan ko ang papalayong yapak nila. Nang buksan ni Koln ang pinto ay doon dumikit ang mata ko. Agad kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kutsara at nang huling lumabas ay si Dandrius agad kong binato sa ere ang kutsara patungo don sa pinto para pigilan itong sumara. Laking tuwa ko nang hindi nga ito nagsara. Agad kong niligpit ang mga kubyertos at nilagay sa lalabo. Madali akong tumakbo ng kwarto para kumuha ng jacket at binitbit ang cellphone na binigay sakin ni Koln.

Tumakbo ako papunta sa pinto at lumabas. Bago ako umalis inalis ko muna ang kutsara dahilan upang sumara na ito ng tuluyan. Maingat akong bumaba papuntang groundfloor . Dumaan ako sa fire exit upang hindi makasalubong sila Koln. Napadpad ako sa isang madilim na bahagi ng groundfloor. Mahihina at maingat akong naghakbang hanggang sa may narinig akong boses na parang nagbabarteran. Huminto ako at nakinig sa kanila. Wala naman akong naiintindihan kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Laking gulat ko nang may isang malamig na bagay ang dumikit sa ulo ko. Napamura ako ng mahina at pumikit. Pagdilat ko nasa harapan kona ang lalaki habang nakatutok sakin ang baril.

" Why are you here ? " Malamig nitong tanong na nakapagtindig ng balahibo ko.

" Napadpad lang po ako dito. " Sagot ko at pinipigilan ang sarili na manginig.

" What have you heard ? " Tanong niya uli.

" May narinig akong dalawang boses na nagbabarteran ata tapos di kopo nakita ang mga bulto nila. Wala naman ako nai- " naputol sa hangin ang sinasabi ko nang marinig ko ang pagkasa ng baril.

.

WTF ?!

" What's happening here Mr. Concillo? " Tanong ng isa pang boses mula sa likuran

" She heard us . " Malamig na sagot nito .

Lumabas mula sa likuran ng lalaki ang isa pang lalaki at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. Tangina lakas makapang-insulto ah!

Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil nagagawa ko pang magreklamo ngayong mamatay na ata ako. Tanginang thrill 'to hindi nakakatuwa! Sana pala di na lang ako lumabas ng condo at ipinirmi na lang ang kaluluwa ko sa loob kesa ditong nakikipag-agawan na si Kamatayan sakin. Puta !

" Pwede natin siyang gamitin to play the game . Let her suffer before the end Concillo. " Saad nito na ikinakunot ng noo ko.

Agad na lumapit ang dalawang men in black at pwersahang kinaladkad ako.

" Teka saan niyo ako dadalhin?! " sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nila.

" Bring her to the Tesla " saad nung lalaki at tumalikod.

Kinaladkad uli ako nung dalawang lalaki papunta sa isang van.

" Teka lang! Sasama ako basta ba patawagin nyo muna ako sandali sa nanay ko. Saglit lang. " Saad ko.

Pinapasok nila ako sa loob at sinara ang pinto ng van.

" Please magpapaalam lang ako sa nanay ko " pakiusap ko.

Wala akong nakuhang sagot kaya mabilis kong kinuha ang cp sa bulsa ko at pinindot don ang emergency button. Agad namang nagpop up ang pangalan ni Koln kaya pinindot ko at mabilis namang nagring ito. Pagkasagot na pagkasagot niya ay nagsalita ako agad.

" Koln help me! Kinidnap nila ako! Nasa isang kulay itim na van ako . Mga men in black ang kumuha sakin!! " Natatarantang saad ko

" Nesri- " pinutol ko agad ang tawag nang bumukas ang pinto at sinet ito sa vibrate mode at sinuksok sa bulsa ko .

Alam kong naka-on ang location nito at sana naman hindi bobo si Koln para hindi ako i-locate through GPS.

Sumakay ang dalawang lalaki at pinagitnaan ako . Nakatingin lamang ito sa harap nang mapagtantong wala akong imik.

" Saan nyo'ko dadalhin? " tanong ko

Wala akong nakuhang sagot kaya di na rin ako kumibo. Ilang sandali pa umalingawngaw ang sirena ng pulis . Agad na dumikit ito sa gilid ng van dahilan upang mawala sa linya ang takbo ng sasakyan.

" Ahh! Tangina ! " Malakas na sigaw ko nang mauntog sa headboard ng sasakyan.

Mabilis na bumunot ng baril ang katabi ko at binaba ang binata sabay pinagbabaril ang katabing kotse. Bumukas ang binta ng katabing sasakyan at natanaw ko ang tatlong lalaki kasama si Koln. Pinagbabaril ni Koln at Nixon ang sinasakyan ko habang nagmamaneho naman si Dandrius. Yumuyuko ako sa t'wing nababasag ang salamin at tumatama ang bala sa parte ng van. Nakakabingi rin ang ingay ng sunod sunod na pagputok ng baril lalo na't magkabilaang nagpapaputok ang mga katabi ko. Naramdaman ko ang mabilis na pag-abante ng sasakyan at ang papalayong tunog ng pagputok ng baril sa likod. Mabilis akong lumingon upang tingnan kung nakasunod pa ba sila Koln pero tanging mga itim na sasakyan lamang nakita ko na papalayo.

Sa sobrang kaba ko mabilis na kumilos ang katawan ko upang sapakin ang katabi ko na agad napasandal ng marahas sa pinto ng van. Sunod kong sinuntok sa panga ang isa at mabilis na hinablot ang baril at tinutok sa mga lalaking nasa magkagilid ko. Agad na pumreno ang sasakyan dahilan upang masubsob ako sa headboard at maagaw sakin ang baril. Nakatanggap ako ng malakas na sapak upang maging malabo ang paningin ko. Sinundan pa ito ng isa pa at tuluyan na talagang naging blangko ang paningin ko.