KAEL
*BANG! BANG ! BANG ! *
Tatlong magkasunod-sunod na putok ng baril ang nakapagbingi sa tahimik na daan . Nakasandal lamang ako sa pinto ng kotse habang humihithit ng sigarilyo. Sunod na umalulong ang tunog ng humaharurot na motorsiklo. Saktong huminto ito sa harap ko kaya napatingin ako sa bultong bumababa sa sinasakyan. Pagkababa nito ay mabilis na inagaw sakin ang stick na nakaipit sa gilid ng labi ko at agad na sinubo sabay hithit at buga ng usok ng sigarilyo.
" Senator Galvez's down. " Bagot na litanya nito at gumaya saking sumandal sa kotse.
Tumango lamang ako at bumaling sa ibang direksyon. Narinig ko ang papalapit na yapak mula sa likod. Sumalubong samin ang ngiting aso na si Kelvin.
" Tapos na . Patay na yung gobernador pati yung Mayor Salva . Saan na si Sheng? ' Di pa tapos? " Tanong nito agad pagkalapit .
Malaki ang binayad samin para sa misyong ito. Milyon din kaya sayang kong papalihisin lamang namin. Isang gobernador , senator , mayor at isang sikat na business tycoon ang pinapapatay samin sa kadahilanang sagabal daw ito sa plano ng nag-utos samin. Wala naman itong kaso samin dahil sa ilang beses na naming ginagawa ang pagpatay ng kung sinu-sino at ni-isa sa ginawa namin walang nakapagbigay ng lead para makasuhan kami. Walang may hawak samin na organisasyon para kumitil kapalit ng pera. Kumikilos kami dahil sa nais at silaw kami sa pera. Boring din ang buhay namin kung walang patayan at isa pa hindi sapat ang sweldo ng karaniwang trabaho sa trabaho namin na milyon ang bayad. Mahirap ang pinanggalingan naming angkan . Sa mga magulang na yumao din namin ito namana. Kumbaga nasa lahi na namin ang pumatay kapalit ng pera.
Bago pa ako makasagot ay may mabilis na humintong kotse sa harap naming tatlo. Bumukas ang pinto ng kotse at iniluwa ang bulto ng babaeng bakas ang inis at irita sa mukha.
" Fuck ! I missed ! " inis na sigaw nito at malakas na sinara ang pinto sabay sipa.
" Wha- "
*BANG ! *BOGSH! *BANG! BANG !
"Tangina ! Ano 'to ?! Ambush?! " Malakas na sigaw ni Kelvin at nagsimulang tumakbo habang kinakasa ang baril. Agad akong pumasok sa kotse at madaling sumunod naman sina Sheng at Devon.
" Fuck those ass face ! " Iritabling sigaw ni Sheng at pinapapaputukan ang sasakyang papalapit.
Mabilis naman akong nagpaharurot ng sasakyan. Kinasa ni Devon ang kanyang baril at binuksan ang bintana ng kotse . Naka-focus lamang ako sa pagmamaneho habang patuloy na nagpapalitan ng putok. Nakita ko sa hindi kalayuan si Kelvin kaya agad kong tinawag si Sheng para buksan ang pinto sa likod. Mabilis namang sinunod ni Sheng ang sinabi ko .
" Sakay ! " Sigaw ko at pinahahrorot ang kotse.
Mabilis namang nakasambunot si Kelvin sa pinto yun nga lang nakasayad sa kalsada ang kalahati ng katawan niya .
" Fuck you Rancano ! " Malakas na mura ni Kelvin habang tinutulungan ang sariling makasakay sa kotse. Huminto si Sheng sa pagbabaril at tinulungan si Kelvin habang patuloy sa pagbabaril si Devon. Binuksan ni Kelvin ang kisame ng kotse at inilabas ang dalawa niyang baril at mabilis na pinapapaputukan ang nakasunod samin.
Habang nasa harap ang mata ko kita ko sa unahan ang apat na kotseng nakahinto sa gitna ng kalsada.
" Fuck ! Fuck! Fuck ! Fuck! Damn it ! " Inis na saad ko at hinampas ang manubela.
Agad kong sinuyod ang paligid upang humanap ng malulusutan. Too bad kasi puro nagtataasan at magkadikit na puno ang nakatayo sa magkabilang gilid ng kalsada. Darn ! Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse. Napansin ko ang pagtahimik ng putukan .
" Putangina ! Kael mamatay tayo ! " Malakas na sigaw ni Sheng dala ng pagkataranta .
Kita ko sa rearview mirror ang expression nina Sheng at Kelvin na kapwa kabado sa maari kong gawin habang pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan.
" Kapit ! " Sigaw ko at pinataas ang speeding meter at pursigidong tingnan ang mga kaharap na kotse. Kasabay ng pagsigaw ng kasamahan ko ay ang sunod-sunod na pagbaril ng mga lalaki sa harap namin.
Sumalpok ang nguso ng sasakyan ko sa dalawang sasakyan pa at napaatras dala ng malakas na pagkakabangga nito. Patuloy parin ako sa pagpapaharurot ng kotse habang nakasalubong ang mga bala ng mga bumabaril. Paatras sila nang paatras habang kami naman ay sumusulong . Bumangga kami sa isang kotse dahilan upang mapahinto ang kotse. Rinig ko ang sunod-sunod na mura ng mga kasamahan ko habang nakapalibot parin ang mga ligaw na bala papunta sa direksyon namin. Basag na ang mga bintana ng kotse kaya puno na sa bubog ang loob ng kotse. Binuhay kong muli ang kotse at inatras sabay salpok uli dahilan upang umatras ang kotse at mahawi sa daanan. Pinaharurot ko ang kotse palayo sa lugar na 'yon habang nakasunod ang bala samin na tumatama lamang sa iba't-ibang parte ng sasakyan.
" Muntik na puta ! " naibugang salita ni Devon habang nakatuon sa harap ang atensyon.
" Tangina guys si Sheng may tama ! " Sigaw ni Kelvin
" Shit ! Kael bilisan mo ! Kelangang magamot si Sheng ! " Tarantang saad ni Devon .
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan nang may humarang sa daanan namin. Pati sa magkabilang gilid meron din. I-aatras ko na sana ang kotse ng makita sa side mirror ko ang nakaharang rin na magkaparehong kotse.
Nasapak ko ang manubela at iritableng tiningnan ang mga lalaking kalalabas lang siya kotse nila. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko. Bakas sa itsura nila ang takot sa kadahilanang ito ang unang beses na mahuhuli kami. Nakarinig ko ng katok mula sa bintana ng kotse. Agad akong napalingon at tinangnan ang naka-itim na lalaki sa labas. Sumenyas itong lumabas kami. Napalunok ako ng buo at agad napalingon sa kasamahan ko ng marinig ang pag-ubo ni Sheng.
Kumatok uli ang lalaki sa labas kaya agad kong binuksan ang bintana.
" We'll cure your friend just get out. " Usal niya.
Ramdam ko ang paininitig ng mga kasamahan ko hanggang sa i-unlock ko ang pinto ng kotse. Tingnan ako ng mga kasamahan ko na parang nagsasabing ' TANGINA MO NAHIHIBANG KANA BA?! '
Pumikit ako at binuksan ang pinto. Sumunod namang lumabas sila Kelvin at Devon habang akay-akay si Sheng na tulog.
" Come with us in peace . " Usal ng lalaki sa harap namin sabay motion ng kamay niya kunin kami.
Agad na may mga lalaking humawak sa magkabilang braso ko ganun din sa mga kasamahan ko.
Tinulak nila akong malakad papunta sa nakaparadang itim na van. Nang makasakay kami lahat agad na sinara ang pinto ng van . Napansin ko ang pagusuot ng mga mask kaya nagtaka ako. Bigla kong naramdaman ang lamig sa loob. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang natumba sa magkabilang gilid sina Devon at Kelvin.
Nakaramdam ako ng pagkati sa ilong hanggang sa nabahing ako. Pero ilang sandali pa naramdaman ko na ang pagbigat ng katawan at talukap ng mata ko hanggang sa tanging mukha na lamang ng lalaking nakamask ang nakita ko bago ako hilahin ng dilim.