—↠⨪._- Classroom of Special Abilities ↞৲–—¬»
CHAPTER ONE
–MARINE'S POV–
——Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtama ng sikat ng araw saaking mukha. Mariing ipinikit ko ang aking mga mata at isinara ng maayos ang kurtina.
Hindi ko nga alam kung bakit nakabukas nanaman ito since I'm sure na sinasara ko ito ng maayos sa gabi.
Nabalot ng kadiliman ang buong kwarto ko nang isara ko ang kurtina.
Nagtungo ako sa harapan ng aking vanity table at malayang pinagmasdan ang sarili. Mula sa aking golden brown na buhok na umabot lamang hanggang sa aking balikat, ang maliit pero matangos kong ilong, ang aking makutis at makinis na balat na maikukumpara sa kulay ng niyebe, ang aking perpektong hugis ng mukha at natural na mapula-pulang labi hanggang sa....mala-anghel at inosente kong kulay lilac na mga mata.
But let's stop there.....looks can be deceiving, and a lot has already witnessed without knowing.
These eyes of mine....are special. Maganda man sa paningin, pero katakot takot na pagmasdan.
Because these eyes, can see through your greatest fear.
Napabuga ako ng malalim at pilit iniwasan ang sarili kong mga mata. Kinuha ko ang shades na palagi kong ginagamit at isinuot sa sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Good Morning Pa, Mint" Pagbati ko sakanila at umupo sa katapat na upuan ng ama ko
"Good morning bunso, Mint ipaghain mo na 'yang kapatid mo" sagot naman ni Daddy habang nanatili padin ang tingin sa diyaryong binabasa
"Ha? Malaki na yan Pa, kaya na ni Marine yan diba?" Pangloloko pa ng kapatid ko at bahagya pa akong nginisian. Inikutan ko nalang ito ng mata at pinaghain nalamang ang sarili.
He's River Mint Cavelry. My annoying and a little bit arrogant twin brother. Nagkakasundo naman kami sa maraming bagay sadyang loko-loko at mapang-asar lang talaga siya, maaasahan naman pero....minsan lang.
"Naka-ready na ba lahat ng gamit mo Marine?" Tanong ni Papa
"Opo, anong oras ba ang klase doon Mint at bakit andito ka pa?" Sagot ko naman. Alas nuwebe na din kasi at nandidito padin si Mint. Nagkaroon ako ng 'maliit' na problema sa dati kong school kaya inilipat nalang ako ni Daddy sa eskwelahan na pinapasukan ng kapatid ko. Boarding school iyon kaya may dorm din kaming pagtutuluyan, nandito lang ngayon si Mint dahil Linggo kahapon at normal na umuwi siya dito tuwing weekends. Parehas kami ni Mint na nasa Grade 8 kaya panigurado ay madalas din kaming magkikita doon.
"Tutulungan kita sa mga kung ano-anong gagawin mo dun, magpapa-late nalang ako, ngayon lang naman" balewalang sagot nito
"Marine, that school is absolutely different from the others, so do your best okay?" Paalala ni Papa na tinanguan ko
Umakyat kami ni Mint sa kwarto ko at ibinaba niya ang ilang gamit ko habang ako naman ay nag-ayos na ng sarili.
Tiningnan ko ang kabuuan sa salamin. Maganda naman ang uniform nila. Puting long sleeves ito na pinatungan ng royal blue na vest. May necktie din itong kulay blue habang ang skirt naman ay 2 inches above the knee, checkered siya at may different shades ng kulay blue. Bumagay ang uniform sa golden brown kong buhok at lilac kong mga mata. To be fully satisfied on my looks, naglagay ako ng kulay blue na bow sa naka-ponytail kong buhok. I didn't wear much make-up because first, sa school lang naman ang punta ko, second I'm just 15 years old at baka masira pa ang balat ko and lastly I'm not used of it. Tanging gloss lang ang nilagay ko sa sarili at kaunting pulbo.
Pinagmasdan ko ang pin na nakakabit sa bandang kanang dibdib ng vest. Logo iyon ng eskwelahan at kapansin-pansin dahil kulay ginto ito. Kahit hindi ko pa man nakikita iyon ay sa tingin ko napaka prestihiyoso na, kung ibabase mo sa uniporme.
"Marine, let's go?" Napatingin ako sa may pintuan ko at nakita roon si Mint na bahagyang nakasilip. Tumango na lamang ako at kinuha ang bag ko.
Nakapag-enroll na ako nung isang-araw, hindi na din ako pinag entrance exam dahil sapat na requirement na daw ang report card ko na puro matataas na marka ang nakalagay. Medyo nagtaka pa ako dahil isa itong prestihiyosong paaralan at walang kaeffort-effort man lang akong nakapasok pero pinabayaan ko nalang. I will just consider myself lucky.
Panay ang pag-kwento ni Mint sa maaari kong maexperience sa school na iyon, pilit akong nakikinig pero parang wala akong naririnig dahil nakapokus lamang ako sa bintana ng kotse.
"Basta ang masasabi ko lang ay astig! Napaka astig! And trust me, you will like it there, lalo na at it's a place for us"
Nakuha ng atensyon ko ang huling sinabi ni Mint kaya agad akong napalingon dito.
Is he referring to our hidden ability?
Kinunotan ko ito ng noo pero nagbalik din sa pagmumuni-muni.
Buti nalang din at madaldal itong si Mint kaya hindi ako masyadong naboboring sa biyahe, pero habang nagsasalita ito ay sa labas lang ang tingin ko. Nag-iimagine ako na nag-shu-shoot daw ako ng isang music video na mayroong car scene at dahil siguro mukhang nakakaramdam si Mint ay binigyan naman ako nito ng background music. Nagtatawanan lang kami pareho habang pansin ko ang pagsulyap-sulyap ni Papa sa rear viewer ay bahagyang ngumingiti din.
Halos isang oras din ang biyahe nang makarating kami.
Pinagtulungan ng dalawa ang mga bagahe ko habang pinagmasdan ko naman ang istraktura sa aking harapan.
Medyo malayo siya sa publiko dahil ang katabi ng paaralan ay puro bakod pero kung magpopokus ka sa mismong paaralan ay mamamangha ka sa sobrang laki nito.
Lancaster Prime University
Ang sabi sa taas.
"This is your new school Marine, welcome!" Masiglang sabi ni Mint.
"Hanggang dito nalang ako, bantayan mo nalang 'yang kapatid mong yan ha? May trabaho pa ako, mag-ingat kayo goodluck Marine" Sambit ni Papa at humalik sa noo naming dalawa. Pinanood ko ang pagalis ng kotse nito. Napahinga ako ng malalim at nakaramdam ako bigla ng excitement.
"Bakit walang guard?" takang tanong ko nang mapansing walang kalbong guwardiya na nakatayo sa may school gate na kung umasta ay parang siya ang may-ari ng school.
"We don't need guards here Marine" Sagot naman nito. Nakita ko na bahagyang idinikit ni Mint ang mukha sa may parang scanner at nakita kong may pulang laser na tumapat sa lilac niyang mata.
Access granted
Maya-maya pa ay kusang nagbukas ang gate na ikinamangha ko.
"Woah, ang hight-tech naman. Magkano tuition na binabayaran sayo ni Daddy dito? For sure, mahal dito" Tanong ko nang makapasok kami. Nilingon ko ang pinanggalingan naming at nakitang mag-isa din itong nag-sara
"Hindi nagbabayad ng tuition si Daddy Marine" Sagot nito na ipinagtaka ko
"Ha? Scholar ka? Imposible di ka naman matalino"
"Ouch, you wounded me my dear twinny, but to answer your question is no and you will know soon" He said and winked at me
"Mint you're la- Oh, who is she?"
Natigil kami sa pagkukulitan nang may lumapit saming babae na blonde ang buhok. Mukhang foreigner ito dahil kulay asul din ang mga mata. Mukha siyang maldita. Parehas lang kami ng suot na uniform pero hindi niya suot ang kaniyang vest. Ipinagkrus niya ang kaniyang braso at tinaasan ako ng kilay.
"Carsy? Class hour ngayon, ba't ka nasa labas?" Kunot-noong tanong ni Mint
"Duh, of course I'm waiting for my boyfriend! Bakit ba ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay! At sino ba 'to at kung makakapit sayo wagas" She spat rudely. I already hate her. But wait...
"Boyfriend? You have girlfriend?!" Tanong ko dito at humiwalay sa pagkaka-abrisette sakanya
"No-
"Yeah and? What is it to you?"
"Carsy can you stop being rude?"
Diyos ko po, tag-araw ngayon at napakainit tapos nilapitan pa kami ng isang babaeng aso
"Can you stop already? Eh kung hindi ka kasi bulag edi sana hindi ka nagdada-dada ngayon" I said in frustration. Kung hindi kasi siya sobrang 'possessive' ay sana kanina niya pa napansin na magkamukha kami ni Mint hindi ba? Like we literally look the same tapos pagseselosan ako?
"B-bitch! How dare y-
Akmang sasampalin na sana ako nito nang hawakan ni Mint ang palapulsuhan niya. Medyo napalunok ako nang Makita ang seryoso niyang mukha na nakatingin sa babaeng nangangalang Carsy...or more like Carbitch
"Don't lay a hand on her Louvré. You're blind. We're twins. She's my sister. We're over" He said coldly at hinila na ako palayo. Lumingon ako sa babaeng naiwan at nginisian ko ito at siniguradong nakita niya ito
"May girlfriend ka pala? Ba't di ko alam? Nagbreak pa tuloy ko dahil sakin" I said. It's true tho, kahit ayoko sa babaeng iyon ay wala din akong karapatang tanggalin ang kasiyahan ng kapatid ko
"Nah, she's just a fling and I'm not happy with her 'cause I don't love her" He answered while smirking
Okay I take that back.
"Playboy ka pala dito ha, cool! And since kambal tayo dapat ay gayahin kita! I want to be a playg-
"What are you saying? Hindi mo 'ko gagayahin Marine, Don't talk to other guys" And there he goes with his protective side. Hindi naman kasi makakaila ang kagwapuhan ni Mint and please don't get me wrong, I'm just saying this because we look a-like and complimenting him means loving myself.
"Ihahatid lang kita sa office tapos aalis din ako, kukunin ko pa ang bag ko sa dorm sobrang late na ako. Magkita nalang tayo mayang lunch pupuntahan kita sa room mo"
"You don't even know my classroom"
"Sa tingin ko alam ko na"
"Ikaw? Anong section mo?"
"2 for now"
"For now?"
"You'll know soon, ayan na, pasok na. Kita nalang tayo mayang lunch bye!" Nagmamadaling sabi nito at humalik sa pisngi ko bago tumakbo sa kabilang side
"No running in the hallways!" Rinig kong sigaw ng kung sino pero hindi ko na pinansin at kumatok . Pumasok ako sa loob at nakita roon ang nakangiting babae na sa tingin ko ay nasa mid 30's.
"Good morning po Ma'am. I'm Ocean Marine Cavelry po, transfer student" Magalang kong tugon at bahagyang yumuko pa. Korean style. Nakita ko ang pag-angat ng dalawang sulok ng labi nito
"Another Cavelry. Intereseting. Kaano-ano mo si Mr. Cavelry?" Tanong nito na satingin ko ay tinutukoy si Mint
"My twin brother Ma'am"
"Oh just call me Terra, I personally don't like being called Ma'am, Miss, Madame or what so ever. Terra will do" Nakangiting sabi nito.
"I understand Terra"
"Why don't you have a seat first and let's have a little chit chat shall we? I will explain to you how our curriculum works" Sinunod ko ang sinabi nito at pormal na naupo sa velvet na single sofa.
"So what exactly is this school Terra?" Panimula ko
"Right. This is a school for the gifteds, where students have special abilities or what we call gifts"
Muli pag-kabata ay aware na ako na may kakaibang nangyayari saakin, and I'm aware that I am not normal kaya hindi na din nakakagulat ang sinabi nito. Ang ikinagulat ko lang ay mayroon palang eskwelahan na tumatanggap ng mga tulad namin, since walang normal na tao ang nakakaalam sa mga gaya namin.
"Let's start about how we got our presents. Us Ability Users are called the Gifteds, since tayo ang espesyal na napili ng mga nakatataas na panghawakan at gamitin sa naayon na paraan ang ibinigay na gift. Ang pagbibigay ng present ay random na ginagawa nila, pwedeng nung hindi ka pa sinisilang, nung isinilang ka na, o kaya ay nung medyo Malaki ka na. Hindi din basta-basta ang pagbibigay nito dahil dapat nilang makita ang hinahanap sa isang chosen and that is Potential and Trust-worthy. Pero may isang nakatataas na nagkaroon ng katiwala na isa ding nabiyayaan ng gift. Kakaiba ang chosen na ito kumpara sa lahat at lubos ang tiwala na ibinigay nito dito at dahil sa katapatan nito, binigyan ng nakatataas ang chosen ng isang regalo. And that is, pwede na niyang maipasa ang kaniyang pagiging gifted, generation to generation. And that clan is the first and only clan that can pass your abilities to your children, grand children, great grandchildren etc."
So in short. Literal na chosen ones talaga dapat ang pagkakaroon ng gift pero simula ng magtiwala ng husto ang 'nakatataas' na iyon sa isang chosen ay niregaluhan niya ito ng pagpasa ng gift sa kaniyang magiging anak, apo and so on. But I'm curious in one thing
"Do you know what clan is that Terra?"
Ngumiti ito ng malapad sakin at tumango
"Of course. They're my students"
Students? So dalawa o marami ang nandidito? Tiningnan ko si Terra na bakas ang curiosity sa mukha
"It's the Cavelry Clan Ms. Marine. Your Family"
~~~