—↠⨪._- Classroom of Special Abilities ↞৲–—¬»
CHAPTER THREE
–MARINE'S POV–
——The feeling of bliss while witnessing a tremendous scene. The cry of sorrow, despair and pleads. For some reason, I feel so blissful while seeing those.
Naramdaman ko ang pag itim ng aura na pumalibot saakin, pati na din ang inosente at makikinang kong mga mata ay napalitan ng kasiyahan at pagkalamig. Kasiyahan dahil sa nakikitang karumal dumal na pangyayari. Nawawalan ako ng control. Hindi ko maigalaw ang sarili na para bang may ibang nakokontrol saakin, and that is still me.
Ipinikit ko ang aking mga mata at inilarawan sa isipan ang bawat mukha ng mga nakita ng aking mata. Ang mga tao sa paligid, ang mga estudyante rito sa loob ng paaralan pati na din ang mga guro at staffs.
I smiled then open my eyes.
Pero pagbukas ko ng aking mga mata ay napalitan ng takot ang kasiyahan sa aking dibdib. Na para bang natauhan ako bigla. Takot, nakakaramdam ako ng takot. My smile turned into a frown, while my mouth is slightly agaped.
Dahil lahat ng tao sa harapan ko ay hindi na humihinga. The total of 38 people around me are...dead
"Marine!"
Napabalikwas ako ng tayo at napatingin kay Bridgette na nag-aalala.
"Nananag-inip ka ata" Sabi nito at inabutan ako ng tubig. Ininom ko ito agad at nagpasalamat sakanya
"S-salamat, anong oras na pala?" Pag-iiba ko para hindi na siya magtanong pa. I don't want to talk about it...atleast for now.
"Right! 7 na, gumayak ka na at dapat saktong 8 o'clock nasa Battle Ground na tayo" Sabi nito na ipninagtaka ko
"Battle Ground? Bakit? Diba individual lang naman ang pakikipag-duel?"
"Oo nga, kaso maraming manonood ngayon, diba nga naghamon si Thayne sa R-2, Pataasan daw ng points" Sambit nito at bahagyang inikot pa ang mata
"Sige na mauna ka na, susunod nalang ako" Pagtataboy ko dito
"Sure ka? Sige. Bilisan mo ha? Ise-save kita ng upuan"
Pagkalabas nito ay napahinga na lamang ako ng malalim. That dream. That's the second time na nagamit ko ang present ko. The first one was when I first discovered it. At noong malaman ko ang present ko hindi ko na siya ginamit kalian man, not until that day.
Hinanda ko na ang P.E uniform ko sa higaan at nagtungo sa banyo.
Mabilis na lumipas ang isang linggo at naging close ka na kaagad ang halos lahat ng mga kaklase ko, pero ang madalas ko na nakakasama ay sina Yuhen, Verif, Thayne at Marlow, si Bridgette naman ay ang dorm mate ko na kaklase ko din.
Marami-rami ang subject namin dito kaya sakit din sa ulo, pero ang maganda naman ay salitan na araw ang pagtuturo sa academics at tungkol sa abilities namin.
Pagkatapos kong maligo ay naghanda na ako. Dalawang klase ang P.E uniform namin, ang para sa normal na Physical Education at ang isa naman ay para sa mga trainings, and duels. Ang para sa araw na ngayon, isang itim na long sleeves turtle neck at royal blue na leggings. Siguro ay para mas Malaya kaming makagalaw. Isinuot ko na din ang rubber shoes ko at itinali ang buhok.
Nang makaharap ako sa salamin, pinagmasdan kong muli ang lilac kong mga mata. It's glowing naturally, nakakalula. Mukhang nakagawian ko na ang pagtingin sa mga mata ko sa tuwing napupunta ako sa isang salamin
Nagdala lang ako ng maliit na bag para paglagyan ng school tablet ko at towel.
Tahimik na ang hallway ng dorm at ng main building pagdaan ko, halos wala ng estudyante ang palibot-libot dahil rinig ko na ang hiyawan sa battle ground sa gitna.
Agad kong hinanap si Bridgette o ang kahit na sino sa Class R-1 pagdating ko. Sobrang dami kasi ang estudyante dito, para manood ng duel. Ang alam ko ay kasama sa hinamon ni Thayne si Mint at Carsy.
And speaking of the bitch
"Oh look who's here" I mentally rolled my eyes and faced her with a fake sweet smile.
"Oh hey Carbitch, how are you? Balita ko nakipagbreak sayo ang kapatid ko" I smirked
"It's Carsy not Carbitch!"
"Sure, sure. Well, aren't you supposed to be there? Oh, don't tell me you're backing out na sa challenge?"
"Ugh! Sinong nagsabi! I'll come back to you!" Anito at maarteng naglakad palayo
Napatawa nalamang ako at nagtungo sa pwesto ng mga kaklase ko.
"Oh hey Marine! Buti nakaabot ka" Bungad sakin ni Lumie
"Oo nga eh, nagsimula na ba?"
"Magsisimula na. Taga Class R-3 ang ginawa nilang host para walang dayaan" Sabi nito at tumango ako.
Nandoon nakatayo sa gitna sina Verif, Thayne, Marlow at Yuhen habang nasa kaharap nila si Mint, Carbitch at ang isang babae at dalawang lalaking hindi ko pa kilala
"Hindi ba parang madaya? Apat lang sina Verif tapos lima sa kabila?" Bulong ko
"Kayanga eh, pero mag-hahanap naman siguro sila mamaya ng isa saatin if ever na hindi umabot ang puntos nila" Tumango akong muli
"First duel! Right side, Marlow Widsten Vs. Vaddox, left side Milen Juvan Vs. Vaddox!" Nagtungo sa right side ng ground si Marlow at sa kabilang side naman ang Milen.
Mayroong apat na uri ng senti-monsters. Ang Vaddox, Lorgaux, Crusieur at ang Demon. Ang Vaddox ay nagkakahalagang 8,000,000 leaves, ang Lorgaux ay 10,000,000 leaves, ang Crusieur ay 25,000,000 leaves and lastly. The Demon costs 500,000,000 leaves.
Base kay Mint, wala pa daw kahit isa ang nakakapag-duel sa isang demon dahil sa mahirap na kalabanin ito. Meaning to say, wala pang nakakakuha sa 500,000,000 leaves na iyon.
"Hey Lumie, Anong bang kakayahan ng Demon?" Bulong ko
"Ha? Ah. You'll die when he touches you" Ang sabi niya at bahagyang nangilabot pa
Death huh.
Muli akong nagfocus sa gitna. Kasalukuyan na palang nakikipaglaban sina Milen at Marlow tig-apat na Vaddox ang kaharap nila. Hanggang ngayon ay na-aamaze padin ako sa present ni Marlow. Nagkaroon ng spots ang katawan niya at nagkaroon siya ng bilis ng isang cheetah, iyon ang ginagamit niya para makaiwas ng mabilis sa mga kalaban, at ang ginagamit niyang pang-atake ay kamandag ng pangil niya na nanggaling sa isang ahas. Nang mapatay niya ang unang Vaddox ay napatingin ako sa hologram board sa itaas. Mayroon na siyang 2,000,000 points equivalent to 2 Million leaves.
Pinagmasdan ko naman ang gawi ni Milen. Napansin ko na panay ang hagis niya ng mga needles, hindi ko pa matukoy kung para saan iyon dahil kadalasan ay naiiwasan ng mga vaddox ang tira nito pero nang tumama sa bandang gitnang dibdib ng Vaddox ang isang needle, natumba ito at unti-unting naglaho na parang abo. Kasabay noon ang hiyawan ng mga taga R-2.
First kind palang ito ng Senti-monster pero parang ang hirap hirap na. Binigyan sila ng time limit, 10 minutes para sa Vaddox.
Lumipas na ang anim na minuto at kapapatay palang ni Marlow sa pangalawa habang nasa pang-apat na Vaddox na si Milen.
Tumingin akong muli sa hologram board.
Marlow Widsten – 4,000,000 points
Milen Juvan – 6,000,000 points
Hindi pa dapat ako kabahan dahil unang laban palang naman ito. May mga susunod pa at paniguradong tataas din ang puntos nila. Dalawang milyon ang lamang ni Milen kay Marlow.
"One minute!" Sigaw ng host
Nag-asal leon si Marlow at inatake ang isang Vaddox, habang panay padin ang hagis ng needles ni Milen.
Now I now. Ang needles na iyon ay nakakalason, o nakakawalan ng malay.
Muling nag palit ng asal si Marlow at ngayon ay naging black panther.
Mabilis niyang sinugod ang isang Vaddox at sinakmal hanggang sa maglaho.
Tie na sila.
Magdidiwang na sana ako pagkakita na malapit nang matusok ni Marlow ang panghuling Vaddox gamit ang scorpion tail, ngunit naunahan nap ala ito ni Milen na matapos ang apat na Vaddox, kasunod noo nang pagtunog ng gong.
"First duel! Marlow Widsten from Class R-1 gained 6,000,000 points equivalent to 6 million leaves. Milen Juvan from Class R-2 gained perfect 8,000,000 points equivalent to 8 million leaves. First Round Winner, Milen Juvan!"
Malakas na nagsihiyawan ang mga taga Rookie-2 habang napaikot naman ng mata ang mga kaklase ko.
"The word luck and fortune exist" Parinig ni Marlow nang makalapit ito saamin
"Heh~you're just a sore loser" Pang-aasar pa ni Milen at dinilaan si Marlow
"Aba't-
Akmang susugurin na ito ni Marlow nang pigilan koi to at itinabi sakin
"Hayaan mo na, hindi pa namna tapos. You did a great job down there" Pagpapagaan ko ng loob dito
"Thanks, medyo nahirapan ako ang bibilis kasi nila, hindi naman pwedeng puro cheetah ang gamitin ko dahil nakakapagod din. Susunod na si Yuhen dapat ayusin niya para mabawi ang pagkatalo ko!"
Marlow Widsten. Her present is Animal Adoption. Kaya niyang gayahin ang asal at kakayahan ng isang hayop. Halimbawa nalamang kanina, tao pa din ang anyo niya pero kung cheetah ang pipiliin niya ay magkakaroon siya ng abilidad na mayroon ang isang cheetah at iyon ang speed.
Muli akong nagfocus sa Battle Ground at nakitang nakapwesto na sa kanang bahagi si Yuhen.
"Second Duel! Yuhen Finnigan from Class R-1 and Tharon V'Beois from Class R-2 Versus another set of Vaddox" Anunsyo ng host
"Can he like, stop saying the section? We all know na hindi naman permanente ang pagiging Class R-1 nila" Pagpaparining ng taga R-2
"Heh~ Bitter ka lang kasi nasa first section kami" Sagot ni Macy- one of my classmates.
"For now" Segunda pa nung isa. Binalewala ko na lamang sila at tinuon ang atensyon kay Bridgette
"Gette, anong present nung Tharon?" bulong ko dito
"Enhanced fighting skills. Magaling siya sa one-on-one combat pero ang alam ko ang maruong din siyang gumamit ng kahit na anong weapon"
Hindi mapagkakailang useful din ang present nito. Both his and Yuhen's present are useful though.
Muling nagsilitawan ang mga Vaddox sa harapan ng dalawang lalaki. Katulad kanina ay tig-apat din sila para eksaktong 8 million points/leaves.
"Duel! Start!" Hudyat ng host at sabay na sumugod ang dalawa sa kaniya-kaniya nilang mga kalaban.
Actually, nanatili lamang sa kinatatayuan si Yuhen at tanging ang kanang kamay lamang ang itinaas niya, kasabay ng pagtaas niya noon ay ang pagtalsik ng papalapit na Vaddox. Ginawa niya din iyon sa iba. Nilapitan niya ang isang bumagsak na Vaddox at sinaksak sa gawing dibdib gamit ang isang dagger
"Where did he get that?" Muli kong tanong sa katabi ko
"Hiniram niya siguro"
Medyo nahihiya na ako sa kakatanong kay Bridgette, pero okay na din kesa mapatay ako ng mga tanong ko.
Mabuti na din na may hawak na dagger si Yuhen para mas mapadali ang pagpatay sa kalaban nito.
Lumipat ang tingin ko sa kaliwang bahagi at nakita ko kung gaano kabilis ang kilos ni Tharon sa pag-iwas ng mga atake ng Vaddox. The strength of this senti is speed, kaya nakakamanghang nasasabayan ni Tharon ang liksi nito. Minsan ay hand-combat ang pagatake nito pero minsan ay ginagamit niya ang dagger na katulad din ng kay Yuhen. 10 minutes padin ang time limit.
Paglipas ng walong minuto ay tumingin ako sa hologram board.
Yuhen Finnigan – 6,000,000 points
Tharon V'Beois – 6,000,000 points
"Tie na sila" Sambit ni Macy
"Tharon will win for sure. I bet 2,000 leaves" Sambit din ng isang R-2 na malapit saamin.
"Talaga? I bet 5,000 leaves, matatalo 'yang Turon niyo" Iritadong sagot ni Sassy na nasa harap ko
"Huh, game!"
Kapwa kaming napailing ni Bridgette at tinuon na lamang ang atensyon sa gitna.
Tig-isa nalang ang kalaban nila at hinihintay nalang ang unang makakatapos sa itinalagang time limit.
"45 seconds!" hudyat ng host
Inilutang ni Yuhen ang Vaddox, kasabay nun ang pagbuhat ni Tharon sa isa.
"20 seconds!"
Inihagis ni Yuhen ang Vaddox sa flag pole at napasinghap ang lahat ng ituhog niya ito dito, kasabay noon ang paghagis din ni Tharon sa sarili niyang kalaban sa isang sulok.
"Napatay nila pareho?" Tanong ni Macy
"No. Naging abo yung kay Yuhen pero nandiyan padin iyong kay Tharon, that means..."
"Second Round Winner! Yuhen Finnigan from Class R-1 with 8,000,000 points equivalent to 8 million leaves"
Nakakabinging hiyawan ang binitawan ng mga kakalse ko at nangunguna na doon si Sassy. Nakita ko na pabalik na din sa pwesto namin si Yuhen na may ngiti sa labi, Hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagngisi nito kay Tharon na ikina-igting ng panga nung isa.
"Oh ano! Ilipat mo na sa pad ko yung 5,000 leaves" Pagyayabang ni Sassy
"The word Luck and fortune exist"
"Ulul, gaya-gaya ka sa line ni Marlow, akin na yung pera!"
"Great job!" Masiglang bungad ko kay Yuhen pagkaupo nito sa isang tabi ko
"Thanks! 1-1 na tayo"
"By the way, hindi ba kayo malulugi? Apat lang kayo pano pag hindi umabot yun points niyo sakanila kasi kulang kayo?" Nag-aalalang tanong ko
"We will see pagtapos ng last" Tumango ako dito at tumingin sa harap
///
Mabilis lang na natapos ang labanan ng iba.
It's Thayne and Carbitch Versus tig-dalawang Lorgaux. Parehas sila may advantage dahil dalawa silang elemental user.
Walang natalo o nanalo sakanila dahil nag tie sila. Parehas nakakuha ng 10,000,000 points/leaves. Nagdadabog nga na bumalik sa upuan si Thayne.
Napatingin ako sa lalaking pula ang buhok na nakasimangot na palapit saamin.
"Uy anong mukha yan?" Bungad ko dito, pagkaupo niya sa likuran ko
"Tch, gwapo ako okay? Gwapo" Sagot nito
"Anong connect?"
"Badtrip ako kaya um-oo ka nalang!" Tinawanan ko nalang ito at humarap sa ground. Naroon nakatayo mag-isa si Mint na nakangisi....saakin.
1-2
Ang current points namin ay 29,000,000 habang ang kabila ay 51,000,000
"Makakahabol pa ba tayo?" Bulong ko kay Yuhen
"Depende"
Ang katatapos palang na laban ay si Verif at Felix laban sa tigisang Crosieur. Ang present ni Felix ay technomacy kaya mas Malaki ang advantage nito.
Si Verif ay shadow teleportation, may advantage din kaya nga lang ay kakaunti lang ang anino na nasa Battle ground. Hindi naman pwedeng magteleport siya sa isa sa mga anino namin dahil madidisqualified siya dahil labas sa ring, so in the end, wala siyang choice kung hindi ang makipag-hand combat.
"Mas gwapo naman ako diba?" Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang pagbulong dito ni Verif
Lumingon ako at na kita ang usual smirk niya
"Ano ngang connect"
Inirapan ko nalamang ito at muling tumingin kay Mint.
"Paano na yan?" Tanong ko kay Thayne
"Kiss"
"Ha?"
"Kiss mo muna ako bago ko sagutin" Binatukan koi to ng mahina at hindi nalang nagtanong pa ulit. Wala silang kwenta kausap.
Nakita ko na lumapit si Mint sa host at bumulong at napansin ko ang pagkagulat at pagkatakot nito at paulit ulit na umiiling. Kumunot ang noo ko, ano nanaman kaya ang sinabi nun?
Ang Crosieur ang may pinakamalaking point which is 25 million pero kahit na Manalo sa round na ito, wala parin, mas lamang pa din sila. May isang way pero, masyadong delikado para sakanila.
"Class R-2 is in the top win right now, and as you can see, Mint Cavelry from the said team suggested something." Anunsyo ng host. Napaikot naman ako ng mata, knowing Mint kalokohan nanaman ang sinabi nito
Nakuha din nito ang atensyon ng lahat ng estdyante dahil lahat sila ay nagstahimikan
Tumikhim muna ang host bago nagsalita muli
"Since apat lang ang lumaban na Class R-1 ay magpapaubaya na si Mr. Cavelry. He will give the opportunity sa isang estudyante ng R-1 na makabawi ng puntos"
"Ha! Kahit matalo pa nun yung Crosieur panalo padin yung R-2" Sigaw ng isang taga Class R-3
"Exactly. That's why Mint suggested the certain girl to have a duel with the...demon"
Sari-saring reaksyon ang pumaibabaw. Pero hindi ko na pinansin iyon dahil parang alam ko na ang susunod na sasabihin.
"Fifth and last solo duel! Ocean Marine Cavelry from Class R-1 Versus the Demon!" Nanginginig na anunsyo ng host.
"Cavelry?! May isa pang Cavelry?"
"May kapatid si Mint!?"
Pagtayo ko ay agad akong pinigilan ng mga kaklase ko.
"Are you crazy!? Don't tell me papayag ka nga!? Ano ba kasing iniiisip ng kapatid mong yan!" Sigaw ni Marlow
"It's okay, I actually kinda expected it since alam ko na ang tumatakbo sa isip ng kambal ko" Sagot ko at tumawa pa ng mahina
"But Marine, I told you, isang hawak lang sayo ng Demon patay ka na. Even though he's just a senti-monster, pag nahawakan ka, mamatay at mamamatay ka" Bridgette said sternly
"Don't go, we'll just forfeit" Dagdag pa ni Verif na nakakunot ang noo habang matalim na nakatingin sa kapatid ko na malawak ang ngisi.
"No, I will go. Kailangan ko din ng pera dito" Pagmamatigas ko pa
"May bukas at susunod na araw pa Marine, at pwede namang kahit yung Crosieur, Vaddox o Lorgaux nalang yung kalabanin mo. Wag lang yung Demon, wala pang nakakapag-duel sakanya. Delikado. Just sit here and we'll forfeit" Matigas na sambit ni Yuhen at humawak pa sa balikat ko
"Don't you trust me? And also, do you even know my present?"
Natahimik sila kaya nagpatuloy ako
"I'll be careful I promise" Huling sabi ko at bumaba na sa ground. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ng mga estudyante.
Pagkababa ko ay umamo bigla ang muka ni Mint.
"Sorry Munchy, Alam ko kasing kaya mo yung talunin yung Demon kaya ko sinuggest 'to and also, para ikaw na ang makakuha ng 500,000,000 tapos hati tayo" Pagbibiro nito. Sinamaan ko ito ng tingin
"Just kidding, basta ingat" He patted my shoulder at umakyat na patungo sa section nila. Nakita ko kung paano samaan ng tingin nina Verif si Mint.
Nagtungo ako sa gitna at huminga ng malalim.
Now how can I use my present without them knowing it?
"Last duel! Begin!"
NAmayani ang katahimikan nang biglang lumitaw ang tinatawag nilang Demon.
Parang slenderman ang itsura nito, walang ilong at bibig, nakabusiness attire pero mayroong pulang nagliliyab na mata. Kung ako ang tatanungin ay hindi naman siya nakakatakot.
Tinitigan ko lamang ito at parehas kaming naghahantayan na sumugod.
"She won't survive" dinig kong sabi ng isang estudyante
"Shut up! Ihagis kita sa Demon you want?"
Naalerto ako bigla nang unti-unti itong lumapit saakin. Sa tingin ko ay iniisip nitong 'This duel won't take too long since I just need to touch her and then done!'
As-if I would let that happen.
As much as possible ay gusto kong matapos kaagad ito without fighting longer para sa ganoon ay hindi nila makilala ang present na mayroon ako.
"I'll just finish this agad" Bulong ko sa sarili.
Sumigaw ng malakas ang Demon at sumugod saakin pero nanatili padin ako sa aking kinatatayuan.
"She's Crazy! Hey umilag ka!"
"Marine!"
Binalewala ko sila at pumikit.
Pagdilat ko ay naramadaman kong muli ang naramdaman ko nung huli kong nagamit ang aking present.
The feeling of bliss while picturing my target in despair.
Nakaramdam ako ng pamilyar na itim na aura na pumalibot saakin kasabay ng pagdilim ng mga mata ko.
Napansin ko na dumoble ang katahimikan ng mga nanonood kaya napangisi ako.
Nang maramadaman kong nasa isang snetimetro nalang ang lapit sakin ng Demon ay umangat ako ng tingin at tinitigan ito mata sa mata.
"What happened?"
"The Demon stopped"
"Ano bang present niya?"
Samu't saring bulungan ang aking naririning pero nanatili ang aking mga mata sa Demon.
Paglipas ng ilang Segundo ay nginitian ko ito. Kasabay noon ang paglaho nito.
Death is not my present's weakness.
"C-class R-1. O-ocean Marine Cavelry gained 500,000,000 points e-equivalent to 500,000,000 l-leaves. The over all winner is Class R-1!"
Umangat ang tingin ko sa hologram board
Class R-1 : 529,000,000 points
Class R-2 : 51,000,000 points
Now look at the gap. Nahagip ng paningin ko ang gulat na ekspresyon ng lahat ngunit nginitian naman ako ni Mint.
"Death...is my strength" Mahinang bulong ko sa sarili at bumalik na sa pwesto.
~~~