Halos wala pang tao sa library nung pumasok si Rommel, kakabukas pa lang naman kasi nung dumating siya. Ang sumalubong sa kanya ay ang nag-aayos ng mga libro na si Aling Prudence.
"Magandang umaga Aling Prudence!"
"Walang maganda sa umaga pag ikaw ang nakikita ko Mel."
"Ang sakit mo naman pong magsalita hahaha"
"Nakakapagod kasing makita ang pagmumukha mo araw-araw dito sa library. Subukan mo kayang gumala. Enjoy your youth because it only comes once."
"Nag-eenjoy po kaya akong magbasa at mag-aral. Sige po, una na po ako."
Agad niyang hinanap yung mga librong kailangan niya pagkatapos pumunta siya sa discussion area. Nakasanayan na niya ang pwesto doon dahil maingay siyang mag-aral. Mas naiintindihan niya kasi yung mga lesson kapag binabasa niya ito ng malakas.
Medyo nahirapan si Rommel kasi abot ulo yung mga librong kinuha niya. Nung papasok na siya sa discussion area, may nahagip ang mata niya. Isang babaeng nakatalikod na hindi gumagalaw. Nagtaka siya dahil pagtingin niya ulit, wala na ang babaeng ito.
Agad niyang nilapag ang libro sa mesa at inayos yung suot niyang salamin kasi baka dumi lang yung nakita niya.
Unti-unting bumubukas yung pinto kahit wala namang tao sa labas.
Nagsimula na siyang kabahan at inisa-isa niyang tingnan ang bawat sulok. Napakabilis ng tibok ng puso niya dahil pano kung sa lugar na tinitingnan niya, meron rin palang nakatingin sa kanya? Kumuha siya ng isang malaking libro at nag-karate pose siya.
"K-kung sino k-ka man. D-di ako natatakot sayo. Lu-lumabas ka diyan! Huwag ako!"
Dahan-dahan siyang umikot ....
"Huy!!!"
"Anak ng tinapa!!!!"
Muntik nang mahimatay si Rommel nung makita niya ang isang lalaking naka-maskara ng reaper.
"HAHAHAHA muntik ka nang maihi no?"
"Loko ka Robert! Alam mong ang tahimik dito at saka alam mong ayaw kong ginugulat! Kung di lang kita tropa binatukan na kita!"
"batukan? Sige nga subukan mo! Di ka nga makapatay ng ipis eh!"
"Tumahimik ka! Tadyakan kita dyan eh. Woooh! Parang sasabog yung puso ko. At teka, ba't ka nandito?"
"Tol, ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako tumatambay sa lib? Syempre para matinik ako sa chicks. Sige mag-aral ka na dyan, matutulog muna ako kasi kailangan ko ng maraming beauty rest."
"Mukha mo!"
Nagsimulang magbasa si Rommel ng mga librong kinuha niya habang si Robert naman ay namimili kung anong lollipop ang kakainin niya. Nung nakapili na siya, tiningnan niya si Rommel at ang mga librong katabi nito at di maikaka-ilang sobrang bored siya sa nakikita niya.
"Tol."
"Wag kang magulo! Nagsosolve ako ng problem, ayaw kasi ma-balance nito eh."
"Seryoso to tol. Wag kang gagalaw, may nakalutang sa likod mo."
"At di ka pa nakuntento sa panggugulat mo kanina eh no?"
Lilingon na sana si Rommel kaso biglang nanlamig ang batok niya kaya hinawakan niya ito. Dahan-dahan siyang lumingon at unti-unting nagsilakihan ang pawis niya.
Nakahinga siya ng malalim kasi nung lumingon siya ay wala siyang nakita kaya binalik niya ang tingin niya kay Robert. Ngunit ang bumungad sa kanyang mga mata ay isang babaeng multo sa likod ni Robert.
"ROBERT! MA-MAY M-U-U, S-SA L-LIKOD M-AY ROBERT!"
"WOW! marunong karin palang manakot ha? Hahaha"
Isang babaeng may nanlilisik ang mata, medyo magulo ang buhok at duguan sa may bandang tiyan ang nakatingin kay Robert.
"MULTO! TAKBO! GUSTO KO PANG MABUHAY!"
"YOU TWO! WHAT'S GOING ON HERE?! IF YOU WANT TO PLAY AROUND, GO OUTSIDE THE LIBRARY. THIS WILL BE YOUR FIRST OFFENSE! NOW IF I HEAR ANOTHER SOUND, YOU BETTER GET OUT AND NEVER COME BACK!"
Napatakip ng bibig si Rommel habang nanginginig.
"Tol, ihi ba yan? Naihi ka ba? Hahahaha nakakatakot naman kasi yung librarian talaga eh."
"t-tol, may babae sa likod mo kanina."
"Pwede ba Rommel! Magcr ka kaya muna! Buti nagdala ako ng extra jeans, hiramin mo muna yun."
Nanginginig na lumabas si Rommel at agad pumunta sa cr. Nagmadali siyang maghilamos at nag-ayos.