Chereads / CARAMEL / Chapter 5 - CHAPTER FIVE

Chapter 5 - CHAPTER FIVE

Nakabalik na sila sa library at sa mabuting palad, nakapag-aral ng matiwasay si Rommel. Ngunit hindi parin maalis sa utak niya yung mga nangyari kanina. Mas lalo siyang naging alerto dahil baka bigla na namang sumulpot si Cara at atakihin siya sa puso.

Lumipas ang buong hapon ngunit hindi nagpakita si Cara.

"Huy! Tol, ang lalim ng iniisip natin ah?"

"Wala, kinakabahan lang ako sa test bukas."

"Ah, hay nako! Buong hapon kang nag-aral, flat 1 yan for sure."

"WOW! Ang daling sabihin, mahirap gawin."

Pagkatapos lumingon si Rommel sa library bago niya nilagay yung mga gamit niya sa bag.

"Di na guro siya magpapakita."

"Woy tol! Sino? Di mo sinabi saking may love life ka na ha!"

"Sira! May ibon kasi akong napapansin na palaging tumatambay diyan sa may bubong kapag mga ganitong oras."

"Sows, ibon mo mukha mo."

"Kung ayaw mong maniwala, bahala ka sa buhay mo."

At sabay na silang umuwi. Pagdating niya sa bahay, nakahanda na ang hapag kainan at naamoy na niya ang mabangong luto ng kanyang ina.

"Mmmm, amoy pa lang mukhang masarap na ahh."

"Syempre, binuhusan ko ng isang litrong pagmamahal yan eh. Kaya magbihis ka na para makakain na tayo."

Paalis na sana si Rommel kaso naalala niya si Cara.

"Ma, totoo ba ang mga multo? Bakit sila nagpapakita sa mga tao?"

"HAHAHAHA, ano ba yang pinagsasabi mo nak? Magbihis ka na kaya, baka gutom lang yan."

"Ma naman eh."

"Kailan ka nakakita?"

"Ay nandyan ka pala Pa. Wala po, baka guni-guni ko lang yun."

At pumasok na si Rommel sa kwarto niya para makapagbihis at inilabas niya yung pantalong naihian niya kanina. Tapos sabay na silang kumain at nagkuwentuhan kung ano ang mga adventure for the day nila.

At syempre, dahil mabait na bata, si Rommel ang naghugas ng pinggan. Matapos niyang hugasan ay pumasok na ulit siya sa kwarto niya para mag-aral ulit.

"Ahemm Cara, kung magpapakita ka ngayon, wag kang manggulat ha?"

Binuksan na niya ang librong babasahin niya. Inilabas na niya rin ang calculator at sandamakmak na scratch paper. Biglang siyang nakaramdam ng lamig at tumingin siya sa paligid. Medyo tahimik kaya napalunok siya dahil nagsimula na naman siyang matakot.

Kukunin na sana niya yung cellphone niya sa may mesa kaso biglang nag off-on ng paulit ulit yung ilaw hanggang sa hindi na ito umilaw ulit.

"MA! PA!! TULONG!! MA PA!!"

Wala siya makita kaya kumaripas siya ng takbo pero paglabas niya ng kwarto ay sumalubong ang isang babaeng naiilawan lamang ang mukha.

"MULTO! TULOOOOONG!!"

"SHHHH! Nak wag kang kang maingay! Nakakahiya sa kapitbahay. Eto oh, dala ko flashlight mo. Na-announce daw kanina na magba-brown out hanggang alas otso ng umaga bukas."

"Ay ma, pwede pahinging tubig? Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso eh dahil sa trip niyo."

"Ano ka ba naman anak! Di bagay sa lalaki ang matatakutin, paano mo nalang ipagtatanggol yung babaeng mahal mo kung ikaw una tatakbo?"

"Ma naman! Matutulog na po ako. May quiz pa ako bukas."

At huminga ng malalim si Rommel bago niya pinatay yung flashlight. Binalot niya yung buong katawan niya sa kumot kasi natakot siya na baka pagdilat ng mga mata niya, si Cara na ang magpapakita.