"Rommel! Guni-guni mo lang yun. Wala kang nakita."
Pinilit niyang bigkasin ng paulit-ulit ang mga salitang ito dahil ayaw niyang paniwalaan ang nakita niya kanina. Habang naaalala niya yung mukha ng babae, labis siyang kinikilabutan kaya naman kinuha niya yung jeans na naihian niya at sinuot na niya yung glasses niya. Nanginginig parin yung kamay niya habang binubuksan niya yung pintuan ng cr.
Pagbukas niya ng cr, agad sumalubong sa kanya ang mukha ng babaeng multo kaya napasigaw siya. Umabante ang babaeng multo kaya umatras siya. Halos himatayin na si Rommel habang nakikita niya ang mga nanlilisik na mata nito.
"M-mali ka ng napasukan. M-men's toilet to."
Mas lalong nanlisik ang mata ng babae at mas bumilis ang pag-abante niya. Sa sobrang pag-atras ni Rommel, di niya namalayang nakasandal na siya sa dingding.
"M-maawa ka! G-gusto ko pang mabuhay! P-pakiusap."
Itinaas ng babae ang dalawa niyang kamay na para bang sasakalin na niya si Rommel kaya napapikit nalang siya at hinanda na niya ang sarili niya para sa kanyang katapusan.
Naghihintay si Rommel na umabot ang panahong hindi siya makakahinga ngunit iba ang nangyari kaya minulat niya ang kanyang mata. Ang akala niyang mga kamay na sasakal sa kanya ay nakaporma na yung tipong nakikiusap. Hindi siya nakapagsalita, sa halip ay tumingin nalang ulit siya sa babae.
"Tulungan mo ako."
Hindi na nanlilisik ang mga mata nito, mukha itong mga mata ng taong nanabik sa anong isasagot ng pinakiusapan niya. Hindi makapaniwala si Rommel sa mga nangyayari kaya kahit gusto niyang magsalita, di niya magawang buksan ang mga bibig niya.
"TULUNGAN MO AKO SABI EH!!!"
"A-anong tulong ang ka-kailangan m-mo?"
"Tsk, pinasigaw mo pa talaga ako."
Binatukan siya ng babae kaya mas lalo siyang nagulat.
"Nahahawakan mo ako? Diba multo ka?!"
"Amazing! Nahahawakan kita! HAHAHA actually ngayon lang to nangyari. At sayo pa una nangyari! Ngayon pa lang kasi nangyari na may taong nakakakita saakin."
Tinanggal ni Rommel ang suot niyang salamin at nilinisan niya ito ng maigi at nagbakasakaling wala na siyang makitang babae kapag nasuot niya ito ulit.
Kumurap siya mga tatlong beses pero nandun parin yung babae. Sinampal niya yung sarili niya kasi baka nanaginip siya. Pero nandun parin yung babae. Nagtaka ang babae sa mga pinaggagawa ni Rommel kaya sinampal niya ito.
"ARAY! BA'T MO AKO SINAMPAL?"
"Eh kasi baka gusto mo ng tulong, kanina mo pa sinasampal ang sarili mo. Teka. TEKA! SINIGAWAN MO BA AKO?"
Biglang nanlisik ang mga mata nito at itinaas ang mga kamay upang sakalin si Rommel.
"J-joke lang. Hindi ko pa macontrol boses ko eh, biritero kasi ako. gusto mo sample? Uhmm I'M GONNA SWIIIIING FROM THE CHANDE---"
Inupakan ulit siya ng babae.
"Bago mo pa magising lahat ng patay, tumahimik ka pwede ba!?"
"O-oo, t-tahimik n-na."
"Good boy. Lemme introduce myself. Feeling ko ang pangalan ko ay nagsisimula sa C. Dahil uhmm you know, feel ko lang"
"Teka, so C ang itatawag ko sayo?"
"hmmm, unless may maisip kang magandang pangalan, C ang itawag mo saakin."
"Celine. Ikaw si Celine for now."
"Celine? Parang familiar."
"Vitamin C HAHAHA."
"Teka, tawang-tawa ka pa ngayon eh baka nakakalimutan mong naihi ka sa pantalon mo kanina?"
"Joke lang. Kung ayaw mo edi palitan natin."
"Wag na! Baduy kang magpangalan. Just call me Cara."
"Naks, lakas maka-victoria secret."
"Shut up. Ikaw naman, lakas mong maka-action star. Rommel Padilla ikaw ba yan?"
"Stalker ba kita? Pa'no mo nalaman pangalan ko?"
"Multo man ako saiyong paningin, nakakabasa parin. FYI, hindi ako bulag para 'di mabasa yang nakasulat sa id mo."
Magsasalita pa sana si Rommel nang biglang pumasok si Robert. Paglingon niya, hindi na niya katabi si Cara.
"Rommel? Bakit ka nakaupo diyan sa sahig? Ang tagal mo namang nakapagpalit ng pantalon HAHAHA sana navideohan ko yung mukha mo kanina. Pwede nang pang-oscar."
"Langya ka! Balik na tayo habang wala pang nakabuntot saakin"
"Seryoso ka ba dun sa nakita mo?"
"Kailan ba ako nagloko?"
"Tol, puyat ka lang. Wag ka masyadong mag-aral, iba na yata ang epekto sayo."
"Sira! Tara na nga."