Chapter Two: Escape
"Mystify Academy?" tanong ko kay Auntie habang nasa sasakyan kami, tumango tango lamang sya habang nakangiti sakin at nasa daan parin ang focus niya.
Hindi ko man lang nalaman ang nangyari kanina sa mansion dahil mabilis akong hinigit ni Auntie pasakay sa kotse. Bakas rin ang kaba at pagkabalisa nito at hanggang ngayon ay kita ko parin ito dahil sa paulit-ulit niyang pagtingin sa rear-view mirror.
"Okay ka lang ba Auntie?" I ask her out of concerned.
"Oo, ayos lang ako." Sagot nito sa'kin pero ang tingin niya parin ay sa rear-view mirror at side mirror ng sasakyan. Para bang binabantayan nito kung may'ron bang sumusunod sa'min. What is really going on?
"Auntie, ano po ba talagang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Bakit natin kailangang umalis ng gantong gabi, anong kinalaman ng lahat ng nangyayari sa mga nasaksihan ko ngayon? Please I need an explanation, I need..."
"Selene." Nagtapon 'to ng tingin sa'kin bago siya muling tumingin sa unahan niya. "Do you remember those bedtime stories that I kept reading for you?" She asks but I don't know the connection of that to our situation right now.
"Auntie, wala akong oras para sa mga bedtime stories na'yan, ang gusto ko malaman ay..."
"Naaalalala mo pa ba 'yung mga fantasy stories na ako mismo ang gumawa?" She cut me off again. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang ipasok iyon pero nakakunot noo ko siyang tinanguan.
"Unfortunately, those weren't just stories." Patuloy nito habang nakatingin sa unahan niya. It's not just a story?
"What do you mean?"
"Those were true, all of those were true especially that one book that you personally loved way back then." Does she mean the book 'peculiars'? The book where I saw the image that I'm looking for earlier?
"Auntie, alam ko ang nakita ko. Oo may pagkakatugma yung bracelet na nakita ko sa shop kanina doon sa gawa mo at medyo na guguluhan ako sa totoong nangyayari sa'kin ngayon pero alam mo ba Aunt ang sinasabi mo?" I sarcastically said to her. Nagtapon lang siya ng isang tingin na puno ng pangamba.
"It's hard to tell you in this car. For now, we need to go the Mystify." I scoffed in frustration because she chooses to not answer all the questions that keep bugging me this whole ride.
Wala na akong nagawa dahil for sure ay walang sagot akong makukuha sa kanya. "Are you even sure with this idea? Ano ang lugar na'to? May school ba talagang gan'to? At bakit kailangan ikaw pa ang magdrive sa'tin kung pwede ka naman magpautos sa mga drivers na'tin. Mukhang masyadong mahaba ang biyahe dahil kanina pa tayo nasa daan." Ibinaon ko ang ulo ko sa window shield ng sasakyan kasabay ng sunod-sunod kong tanong kay Aunt Faye.
"Because it's a must and stop asking me, for now take a rest dahil..." tumingin sya sa led monitor ng sasakyan niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "...we will be there in no time." She smiled at me and I just rolled my eyes to her. Well, mukang wala namang balak na sagutin ni Aunt Faye ang mga tanong ko.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko. What are those things, why am I seeing unimaginable things and why do I have to immediately move out and change school in the middle of the night? I kept asking Aunt Faye since we got out from our place but there's still no answer from her.
I can't sleep at this time lalo na ng maramdaman kong napapadaan na kami sa mga bako-bakong daan, it became a bumpy ride experience. I looked at the flyer that Aunt Faye gave me. It says nothing except the name of the school which is the Mystify Academy and their logo 'If you think that you are special and you possess a great power within you, then come and join us in our very own academy that was made for peculiar kids like you.' Peculiar? I snorted. This isn't a Xavier Academy to begin with, like what I've seen on movies like X-men.
Pero sa bawat oras na nalalapit at bawat daan na unti-unting nadadaanan namin, mas lalo akong kinakabahan. Para bang inilalapit ako nito sa mga bagay na mas lalong magpapagulo ng buhay ko. Ano ba talaga ako? Sino ako? At ano ang mga bagay na'to? Bakit ngayon pa nangyayari ang mga 'to?
"I know it's a bit mess for now and you can't digest this kind of situation but you'll get used to it in the matter of time." Hinayaan ko nalang si Auntie sa gusto niyang mangyari dahil wala na rin akong magagawa, andito na ko sa sasakyan na ito and we are out of nowhere, even when I back out, wala rin akong mapupuntahan.
I choose to rest and close my eyes and let the fate handle me.
In the matter of time naramdaman ko nalang na may kumalabit sa akin at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, I saw a luminous light that is coming from one of the street lights and it was already dark outside. I shifted my gaze to my right side and there I saw Aunt Faye smiling at me. "We're here." She said, tinanggal na niya ang seatbelt niya at naunang lumabas ng sasakyan at mabilis na pumunta sa trunk.
Sumilip muna ako sa labas kahit madilim na ang buong paligid ngunit wala ako gaanong maaninag maliban sa nagtataasang puno at malawak na daan, wala ni isang bahay sa paligid o kahit ano man maliban sa malawak na daan na to at mga puno. Asan ba kami?
Bumaba ako ng sasakyan at nakita ko si Auntie Faye na binababa na sa trunk ng sasakyan ang mga luggage ko, lumapit kaagad ako sa ginagawa niya. Bakit niya binababa kaagad ang mga gamit ko sa gitna ng daan? Hindi kaya iwan nalang niya ako dito mag isa at abandunahan nalang?
"Stop overthinking Selene, I'm not gonna leave you. Just help me get this out of the trunk." Nababasa ba ni Auntie ang isipan ko or talagang halata lang sa muka ko ang kaba ko dahil nasa out of nowhere kami, madilim at ito ang gusto niya ipagawa.
I shrug my shoulder and helped her with my luggage. I looked at her at parang wala lang sa kanya ang nangyayari. "Kung hindi mo ako iiwan dito? Then why on earth did we take out my luggage from nowhere" I arc my eyebrow looking at her but all she just gave me is a sly smile.
She starts walking in the woodland and it made me more confuse. "Wait dadaan tayo sa masukal na gubat na to?" Takang tanong ko. She raised one eyebrow at me and nod.
"Shall we?" Aya niya na kinunutan ko naman ng noo? What does she mean about that? Sinundan ko lamang s'ya habang bitbit niya ang ibang luggage ko habang naglalakad sa gitna ng kagubatan na'to. Madilim na ang buong paligid at ang tanging ilaw lamang namin ay ang flashlight na dala-dala ko.
Ilang minuto din kaming naglakad hanggang sa mahinto kami na sa tingin ko ay pinaka dulo nitong kagubatan na nilalakaran namin dahil walang ibang bumungad samin kundi isang malaking semento.
Nakakunot ang noo kong tumingin kay Auntie. Is she doing a prank on me? "What is this?"
"We're here!" masaya niyang sabi. My Aunt is really a mess right now at feeling ko nababaliw na sya. Napasapo nalang ang palad ko sa noo ko dahil sa sinabi niya.
"How come nandito na tayo eh semento..."
"See? We are here." She gave me a sly smile at parang gusto kong kusutin ng kusutin ang mga mata ko dahil sa nakikita ko sa harap ko ngayon.
There is a big black door in front of us with a print of gold color that enclose the whole gate. Paano nagkaroon ng gate dito? When in a few seconds ago ay semento lang to? Am I dreaming right now?
"Let's go?" Tanong ni Auntie while here I am, spacing out. Lumapit s'ya sa gate at doon ay may pinindot siya na nagdulot ng isang malakas na ingay, ingay na parang doorbell. Dalawang beses s'yang pumindot roon at kusang nagbukas ang napakalaking gate na ito. I am still at my position and thinking on what on earth is happening. I am still not insane, right?
Pagpasok namin sa loob ay may isang napakalaking castle ang nakatayo sa gitna at napapalibutan pa ito ng malalaking puno. Tahimik ang paligid at walang ibang tao rito maliban sa mangilan-ngilan na rumoronda at may dala-dalang lampara. Nakasuot sila ng kulay itim na cap at balot na balot ang katawan nila ng itim na robe, dahil rito ay hindi mo na makita ang mga mukha nila.
Doon ko lang din napansin na isa sa mga guard na ito ang may dala-dala ng maleta namin ni Auntie, they are wearing black cloak and I can't see clearly their faces.
Sinundan ko lang si Aunt Faye na nasa unahan ko lang habang palingon-lingon siya sakin at nagbibigay ng ngiti. "Woah!" I stopped ng biglang dumaan na lamang ang mga rumoronda sa harap ko na parang hindi man lang nila ako nakikita, sinundan ko s'ya ng tingin at patuloy lang pag roronda ang lahat.
"Just don't mind them, they are the Universities Guard Ghouls." Paliwanag sa akin ni Auntie Faye. What ghouls? Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at tumingin sya sakin. "Yes, real ghouls." Mas lalo akong natakot ng sinang-ayunan niya yung bagay na nasa isip ko kaya mabilis akong lumapit sa kanya at kumapit sa mga braso niya.
"Huh?! Real ghouls? Ba-bakit may real ghouls dito Aunt, nasa horror baa ko?" Nanginginig at takot kong tanong sa kanya pero imbis na sagutin niya ako ay tumano lang sia at hinawakan an ulo ko.
"Auntie nasaan ba tayo? It creeps me out. Sure ka bang dito mo ako pag aaralin?" takot kong tanong sa kanya ngunit wala na akong sagot na nakuha sa kanya kaya madiin lang akong nakakapit sa mga kamay niya at sa takot ko sa lugar na to ay na napapikit nalang ako at nagpatangay kung saan ako dadalhin ni Auntie.
I am not afraid of ghost cause I don't believe in such things but this place looked like a haunted mansion. Ni hindi ko nga alam kung nasaan kami at sinong students ang mag e-enroll at papasok sa school ng mismong gabi? Maybe me and my Aunt only.
"S'ya na ba yan?" narinig ko nalang na may boses babae na nagsalita kaya minulat ko ang mga mata ko. "Yes Headmistress." Pag sang ayon lang ni Auntie at tumango na yung babaeng nasa harap namin tsaka kami inutusan sundan sya.
She has these different eyes, the other one is blue and the other one is red na para bang contact lenses lang ito and the sharpness of her nose? Sobrang tangos, her face highlights the small red lips of her and I think nasa age 30 plus lang sya or so I thought but Auntie called her Headmistress. Does she mean na ito ang namamahala sa creepy na school na to?
Tahimik lang kaming naglakad sa malawak at madilim na hallway na'to hanggang sa mapadpad kami sa isang kwarto na sa tingin ko ay gawa sa bakal ang pinto nito. She manages to open it without even using a force and that's quite incredible for a skinny woman like her. I tried to touch the door when I enter at masasabi kong pure metal ito at napaka bigat, so paano niya nabuksan ito ng walang kahirap hirap?
"You may seat first, I think napagod kayo sa biyahe." Alok niya sa'min and she pointed at the chair that facing a big one at the middle that I'm assuming are hers.
Naupo si Auntie na sinundan ko naman. I let my eyes roam around the room and this room is really huge. May malaking chandelier ito sa itaas at mula sa harap namin ay may napaka laking bintana na sa tapat naman nito ay ang malaking upuan na para bang pang upuan pa ng mga royalties noong panahon ng medieval era at isang malaking lamesa na gawa sa glass. Sa gilid ng kwartong ito ay may malaking lamesa at mga upuan na parang ito ang meeting area nila. This room contains 3 doors to be precise. I wonder kung ano-ano ang mga kwartong iyon.
"Have a drink muna." Alok niya samin at bigla nalang may sumulpot sa harapan ko na tulad nalang ng sinasabi ni Auntie sa labas na mga ghoul but the difference is naka white naman ito habang naka hood at hindi makita ang muka dahil sa pagkakataklob nito.
Napakapit naman ako kay Auntie dahil doon. "It's ok, hindi sila nanakit. They are the school Guardians." Nakangiting sabi ng Headmistress sa akin at kinuha niya ang isa sa mga basong nilapag ng nasabing guardians and she took a sip from it. Ganun din ang ginawa ni Auntie but I refuse to drink one. Mamaya kung ano ang nakalagay dyan eh.
"It's been a long time since I saw you Faye, you are still beautiful as ever." Compliment ng headmistress kay Aunt Faye at binaba nito ang iniinom niya. Aunt Faye smile at her. "So, as you Headmistress." Nakangiting sagot naman nito.
"Just Kannade, Faye. Parang hindi naman tayo naging mag close." Sagot naman ng headmistress at tinawag nga syang Kannade ni Aunt. Close silang dalawa? Nagkwentuhan na silang dalawa na parang nakalimutan na ako so I cleared my throat to get their attention and it did.
"Sorry, we were just carried away. Sobrang tagal na rin kasi when the last time we saw each other. I think it was way back then after ka ipanganak." Ngumiti lang sakin ang Headmistress habang nagpapalit-palit ng tingin sa amin ni Aunt Faye. "And I have been waiting for you since then to join us and be with us at Mystify Academy. Welcome to the Mystify Academy, Selene." Masayang salubong niya sakin na para bang isang malaking tourist spot ang ina-advertise niya. Pinanliitan ko lamang s'ya ng mata sa inaakto niya.
"Does she not know?" tanong niya pa sa Aunt ko, umiling lang sa kanya ito. "I'm sorry, I tried but she was still too young ever since, and then...I stopped talking about those things again as she grew up but things were change now, specially that something happened."
"What happened? Ibig sabihin ba nito na nakita siya ng mga—"
"Kung patuloy lang kayo sa pag-uusap ng mga bagay na mas lalong makakapag pagulo sa'kin, mabuting hindi ako mag-aral dito, hindi ba Auntie?" Tumingin ako kay Aunt Faye. "I know what I saw but everything was still vague and a piece of puzzle to me. All I wanna know is any clarification of what I saw, what is those..." napatigil ako sa pagsasalita ko ng makita kong lumulutang ang lahat ng kagamitan sa kwarto na ito maski ang upuan kung saan kami nakaupo.
I was terrified on what is happening and there she is, I saw how she control these things by just waving her hands in the air. Napahawak kaagad ako kay Aunt na parang normal nalang sa kanya ito. "How?!" I was hysterically afraid right now. Nababaliw na ba ko kasi kung ano-ano na ang nakikita ko ngayon lalo na ng pumasok ako ng school slash haunted mansion na to?
"Magic. There is such thing as magic, Selene and fortunately hindi lang basta magic ang mayroon sa mundo natin." She gave me a smirk and in an instant nagawa niyang ibalik sa dati ang lahat. Naguguluhan na ako sa nangyayari at pakiramdam ko ay mababaliw na ako nito. All I asked is to have a normal life and now here I am, seeing things that was beyond of my imaginations.
Dahan dahang lumapit ang headmistress na mas ikinakaba ko. Dahil sa ginawa niya kanina, I think I am more terrified right now. Napaurong kaagad ako sa upuan ko ng nasa harapan ko na sya. "I know there is something in your mind that keeps distracting you, there is something that tells you that everything you saw since that day was true but you keep refusing it, you keep rejecting the fact that what you saw that day is real." What is she saying, is she pertaining to the memory I had? The memory on how my parents died? Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya at idinapo ito sa noo ko at kasabay noon ay dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata niya habang nagsasalita.
"Lahat ng nakita mo, nasaksihan mo ng araw na iyon Selene, it was all true. Everything that your Aunt kept telling you was true. You are not an ordinary girl Selene; you are special and the day has come when you have to manifest the gift that was given to you. Let yourself be revealed on what and who you really are." At dahan dahan na nga s'yang dumilat habang nakatitig sakin ngunit napansin ko na may luha sa mga mata niya at dahan-dahan niya itong pinunasan na parang wala lang. She gave me a genuine smile.
"It is time for you to know that you are a special one, Selene." I was still confused from her words. "You are one of a kind Selene, a peculiar kid." She then gave me a genuine smile that creeps me out. What on earth is she saying. Mas lalo lang niyang ginugulo ang isipan ko.
"Woah! Wait lang ah, ang bilis ng pangyayari kasi eh. And now you are telling me that I'm a peculiar kid? I know I am unique but in a different way, not this kind of things." I complain.
"Of course, you are. Your eyes aren't lying right? Siguro naman hindi ka naka drugs para makita mo ang mga bagay na pinakita ko kanina at rason kung bakit ka nandito?" She chuckled and even manage to make unnecessary jokes in this kind of situation. "Aside from what you have seen today, I know you saw something and that is enough Selene to believe."
"Will it be ok kung ibigay ko na sya sa pangangalaga mo Kannade?" Tanong ni Aunt na ikinagulat ko kaya pinanlakihan ko lang s'ya ng mata.
"What? Iiwan mo ako rito? Aalis ka?" Takang tanong ko sa kanya, lumingon lang sya sakin kasabay ang matang puno ng pag-aalala. "It's for your own good Selene. Mas magiging ligtas ka rito." Seryosong sabi niya at mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong iwan rito.
"For my own good? Ang iwan ako? Ayaw mo na ba ako kasama?"
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "No, not that. Hindi kita iiwan at hindi sa ayaw kitang kasama."
"But why?"
"You will understand soon Selene, for now. Your safety is my top priority and Mystify Academy can protect you the way that I couldn't."
"But Aunt, you could hire a bodyguard instead and that way, it could protect—"
"You don't get it Selene, you see. You are not an ordinary girl, an ordinary kid. You are special and I need you to get in safety before it's too late and this Academy, the Mystify Academy—" hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko at tumingin saglit sa Headmistress bago nagbalik ng tingin sakin. "—can protect you the way I couldn't so please for me, for the sake of your late parents. Just stay here. This school could help and protect you and when the time comes na handa ka na, I will come back."
Seryoso ang mga mata ni Aunt Faye na tumingin sakin at alam ko ang mga gantong tinginan niya sakin, she was looking through my soul and begging like we are in the middle of death and life situation. Hindi na ako nakapagsalita at nakaramdam nalang ako ng mahigpit na yakap mula sa kanya bago n'ya tuluyang harapin ang Headmistress.
"Please take care of Selene for me Kannade, I know you could do it."
"Yes Faye, I will do my best to protect Selene and the whole Mystify." At muli silang nagyakap na dalawa, matapos nila ay dahan-dahang tumingin sa gawi ko ang Headmistress and she gave me a contentment smile.
"Selene Hope Ellanor. Welcome to Mystify Academy, a school for peculiar kids."