Chereads / Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic / Chapter 8 - Chapter Seven: Mission One Complete

Chapter 8 - Chapter Seven: Mission One Complete

Chapter Seven: Mission One Complete

Yung mga sirena kanina na mukang mababait at natural na sirena lang ay biglang nag iba, the beautiful color of their tail faded at mukang naging mas mapanganib sila ngayon dahil sa maliksi at paikot ikot na galaw nito habang pinapaikutan nila yung babaeng napana ko.

Her blood keeps dripping into the water making the mermaids more active and wilder. "Get away from me!" sigaw parin ng babae at parang mga cannibal na nagsisilapitan sa kanya ang mga sirena, their mouth formed like they are grabbing some food and that is her.

"Just please let me taste you." Nagulat ako ng marinig ko ang isa sa mga sirena. They look different from before. Para silang mga hayok na hayok sa dugo at doon ko lang napansin na mas lalong bumuka ang gills nila, one of them is licking their lips like a finest meal was in front of them.

I looked at the sight of the Lagoon and it shocked me, from being green and sight-seeing Lagoon, naging parang hunted lagoon ito. Lahat ng dahon, bulaklak, mga halaman na nasa paligid nito ay unti-unting nalanta, maski ang tubig na kanina ay asul at berde ay parang nabahiran ng dumi at naging madilim at itim ang mga tubig.

They looked like a cannibal mermaid.

The black girl was biting her lips while holding her wounds that I created, she tried to escape but the three cornered her and escaping from these three cannibal mermaids are too difficult lalo na kung may sugat ka at dugong tumutulo na mas lalong nakakapag panabik sa kanila.

Napansin ko na napatingin sa akin ang babae habang pinipilit parin niya makawala sa mga baliw na sirenang ito.

"Let me just help you with your wound." Isa sa kanila ay nagtangkang lumapit sa kanya para dilaan ang sugat niya but she moves away from them kaya mas lalo lang nanabik ang mga sirena.

"Get away you filthy creatures! Or I will kill you!"

"Or maybe we would." Creepy-ng sagot ng isa sa mga sirena at mas lalong lumalapit lang sa babae.

What should I do? Gusto ko nang ihagis ang Knight at umalis but I can't just leave her like that lalo na at ako ang dahilan kaya mas lalong naging wild ang mga sirenang ito. Hindi ko naman kasi alam na monsters in disguise naman pala sila at isa pala silang mga cannibals.

I must do something just to clear my conscience. Kinuha ko ang pana sa likod ko at inilagay ito sa palaso. I tried to do the same step that I did earlier para patamaan ang mga sirena but somehow, it seems too hard dahil malikot sila but still, I tried to focus.

I release a heave sighed and release the arrow in my hand. Parang slowmo ang pagdapo ng pana sa target ko hanggang sa dumaan ito sa isa sa mga sirena at nadaplisan ko. Hindi sya totally bullesye but atleast, nadaplisan ko sya.

I heard her scream and blood started to drip into the water. Mas lalong nagwala ang mga mermaid dahil sa ginawa ko at dahan dahan silang tumingin sa akin, their eyes were now filled with black colour. "Yung kutsilyo mo gamitin mo." Sigaw ko sa babaeng nasa tubig at nagets naman niya ang point ko kaya tumango sya at sinimulan na ang plano niya.

Hindi ako tumigil sa ginagawa ko at kumuha ulit ako ng pana at itinutok ulit iyon sa mga nagagalit nang sirena sa akin. Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw sila gamit ang napakatinis na boses nila at isa sa kanila ay biglang lumangoy ng mabilis papunta sakin kaya nagbitaw ulit ako ng palaso at kahit papano ay dumadaplis ito kaya napapahinto ko sya sa paglangoy.

She tried to swim so fast kaya wala rin akong tigil sa pagpana ko kahit medyo nanginginig na ang kamay ko sa kaba. "I'm going to kill you!" she screamed at the top of her lungs.

Kumuha lang ako ng pana ulit sa likuran ko at tatamaan ulit sya ng bigla syang tumalon ng mas malapit dahilan para mapunta sya sa dalamapasigan kaya napaatras ako. "I will get and kill you!" she screamed at mabilis na nagpadausdos sa buhangin papalapit sa akin, she looked like a Pirana and I think my heartbeats are racing.

"Ahh!" She screams while crawling in the ground and I release the arrow that was in my hand and she suddenly stop moving. Tumama mismo sa dibdib niya ang arrow na binitawan ko dahilan para mamatay sya.

Did I just kill someone?! "Damn you evil creature!" I looked at the girl trying to stab them using her knife. Hindi na ako nagdalawang isip na tulungan sya.

Kumuha ulit ako ng pana sa likod ko at pinatama iyon sa mga sirena pero mukang nawala na ang ability ko pumana ulit dahil nag mintis ito, kumuha ulit ako at pinatama sa direksyon ng mga sirena pero nagmimintis parin 'to.

"Patamaan mo naman!" Sigaw ng babae sa tubig habang patuloy niyang winawaksi ang dalawang sirena na pilit siyang hinahabol.

"I am trying! Hindi ko na alam kung paano ko nagawa yung kanina." Sigaw ko pabalik sa kanya at hindi ako tumigil sa ginagawa ko, lumapit pa ako ng konti sa mismong lagoon at pinatamaan sila at kahit papano ay nasusugatan ko ng konti ang mga sirena kada nagagasgas sa kanila ang pana ko.

"Useless!" sigaw niya sa gawi ko. Wow, ako na nga tong tumutulong tapos ako pa useless? Iwan ko kaya sya rito at hayaang lapain sya ng mga cannibal na mga sirena na to?

Umusog sya ng konti sa mga sirena gamit ang pagsipa niya sa tubig at nakita ko nanamang nag white ang kulay ng mga mata niya at malakas na pwersa ang pumalibot sa kanya.

She's trying to use her power but bumabalik lang sa normal ang mga mata niya at nakikita ko na iniinda niya ang sugat na natamo sa akin.

I must be a hypocrite to say na nagu-guilty ako sa ginawa ko sa kanya dahil mukang hindi niya magamit ang kanyang skills dahil sa iniinda nito ang sugat. Ganun ba kalalim ang pagpanang ginawa ko? Hindi dapat ako masaya na nakasugat ako but some part of me is happy because I can shoot, at least for the meantime dahil ngayon hindi ko na to magawa.

Dahan dahan na akong lumapit dahil mukang hindi na rin niya kakayanin mag isa ang dalawang baliw na sirenang ito. Kumuha ako ng isa sa mga pana ko at itinutok ko ang patalim nito sa unahan ko, I tried to swim closer to the mermaids at mukang hindi nila napapansin ang prisensya ko dahil patuloy parin sila sa pag ikot sa babaeng ito habang tumutulo parin sa braso niya ang kanyang dugo.

I did not hesitate at itinarak ko ang patalim ng pana ko sa isa sa mga sirena dahilan para mapasigaw ito. Dahan-dahan syang lumingon sa akin at doon ko lang mas nakita ang matutulis nitong mga ngipin.

She screamed at me at tumalon papalapit pa sakin pero nakakuha agad ako ng tsempo para itutok sa kanya ang patalim ng pana ko at itinarak ito sa harap ng sirena na tumalon sa harap ko, doon ko lang nakita na tumutulo na ang maitim na dugo nito sa tubig bago tuluyang bumagsak sa harap ko.

Iisa nalang ang buhay na sirena rito at mukang kayang-kaya na iyon ng babae dahil nakalapit na sya rito at sinunggaban ng kutsilyo niya ang panga ng sirena at doon ito sinaksak. Masyadong brutal para sa akin iyon kaya tumalikod na ako sa kanya at lumangoy para bumalik sa dalampasigan ng Lagoon.

Hinabol ko ang hininga ko habang tumutulo ang tubig sa basa kong katawan. Doon ko lang naramdaman na papalakad narin pala sya sa gawi ko at mukang pagod na pagod rin dahil napasalampak kaagad sya sa sahig ng marating niya ang lupa.

"What was that?" hingal na tanong ko sa kanya. Nilingon ko sya at nakita kong kumuha sya ng tela mula sa bulsa niya at itinali iyon sa braso niyang natamaan ko.

"A thing that you don't know." Sagot niya habang kagat kagat niya ang tela na itinatali niya sa sarili niya. Napaupo naman ako sa sahig dahil sa pagod at tinignan sya. "Kaya nga nagtatanong ako, I mean bakit naging ganun ang mga sirena?"

"I don't know, all I know is that I felt something dark within this area." Sagot niya sa tanong ko. "Anyway, thank you for helping." Bigla niyang sabi na kinabigla ko, matipid na ngumiti nalang ako sa kanya habang pinipiga ang basa kong buhok.

"You should go now."

"Huh?"

"Go now before I could change my mind and get the Knight chess from you." Hindi sya tumitingin sa akin at patuloy lang rin sya sa pagpapatuyo ng kanyang sarili. "Alam ko na hindi ko dapat kinukuha sa iyo yan dahil ikaw ang unang nakakita but maybe I am just too eager to get one this time."

Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat niya. "I'm sorry that I wounded you."

"It's ok, I deserve it and it's just decreased my strength in using my peculiarity, that's all." May part na parang nagu-guilt ako ng sinabi niya iyon kaya mahinang tumawa lang sya sakin.

"Dayanara." Nagulat ako ng inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at ngumiti, yung masungit at nakakatakot na impression ko sa kanya kanina ay biglang nawala. "Selene." Abot ko naman sa kamay niya at bumitaw din pagkatapos.

"You should go now."

"Hmm...?"

"Before I could change my mind. I think mas magiging madali nalang ang paghahanap ko this time." She smiled and this time I saw the sincerity in her. Ngumiti lang sya sakin at tinanguan ako kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Will you be okay?" I said and pointed out her wound that was made by me. She nodded in agreement and I smiled at her.

I threw now the Knight piece at the air and this time a portal appeared in front of me. Tumingin pa ako sa kanya bago ko naisipang pumasok. "Be safe and I hope I will not encounter you again." Mukang may laman sa mga sinabi niyang iyon but I just laughed off.

Tumango lang ako bago tuluyang nagpaalam and I let myself enter inside this portal. A blinding light shine through me at feeling ko ay mabubulag ako sa liwanag kaya hinarang ko ang mga braso at kamay ko habang hinahakbang ko ang mga paa ko papasok.

I let myself enter the portal at kusa nalang nagsara ang portal sa harap ko ng makapasok ako at bumalik sa pagiging Knight Chess piece nito.

I slowly opened my eyes at nagtataka ako kung nasaan ako.

"Selene!" Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likod ko kaya agad na nilingon ko sya at doon ko nakita si Shara na nakayakap parin sa akin. "Oh my gosh bakit basang basa ka? akala ko kung ano nang nangyari sayo, sorry at naiwan kita! Hindi ko naman kasi alam na once na pumasok ka na sa portal eh aalis na talaga kaya naiwan kita ng hindi ko sinasadya but promise hindi ko talaga gusto." Mahabang pagpapaliwanag ni Shara sakin.

Tumingin ako sa paligid ko at laking gulat ko ng may makita akong mga pamilyar na muka. I saw in the sofa a sleeping man; he is the one who turned into werewolf and killed the troll at sa tabi niya ay yung lalaking nagligtas sa akin. "Hey! Andito ka rin? What a coincidence?" bati niya sakin at tumayo papunta sa akin.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Shara kay Dexter na papalapit sa amin.

"Long story."

Hindi lang silang tatlo ang nasa kwarto dahil may mangilan ngilan narin ang nandito. Sa loob ng malaking kwarto na to na may kulay beige na dingding, may tatlo pa akong hindi kilala maliban kay Shara, kay Dexter at sa werewolf.

I saw a man at one of the chairs and having some tea, his hair is blonde and he slowly turned his back and looked at me. "Want some tea?" alok niya sakin na kinunutan ko ng noo, mayron syang katabi ngunit hindi ko naman makita ito dahil nakatalikod din sya sa amin na nakasuot ng benie hat.

"Who are they? Tsaka.. tsaka nasan tayo?" takang tanong ko kay Shara habang nakahawak parin ako sa kamay niya dahil gulong gulo na ako.

"We still don't know." Hindi siguradong sagot sa akin ni Shara at hinila niya ako sa isa sa mga upuan na naririto. Lumapit naman sa akin si Dexter at nakangiti niyang inabot sa ang towel na nasa kamay niya kaya tinanggap ko ito habang naguguluhan parin ako sa nangyayari.

"Nang dumaan kami sa portal, dito na kami dinala. Lahat kami rito ay walang ideya kung bakit dito kami dinala ng portal." Paliwanag ni Dexter sa akin. May nakita akong tasa na naglalaman ng kape sa harap ko at tinignan ko ang nag abot sa akin nun.

"What we all know is the chess pieces that we have are all the same, the Knight." Sabi ng lalaking Blonde na nakita kong may teacup sa gilid kanina. Ngumiti lang sya sakin at bumalik na ulit sa pwesto niya.

I looked around at doon ko lang rin napansin ang isang tao na namumukaan ko. "Is that?"

"Yes, at wag ka na magtanong kung bakit ang sakit ng ulo ko ngayon." Putol ni Shara sa sasabihin ko ng ituro ko ang lalaki sa isang sulok at nakapikit habang nakasandal sa sandalan ng sofa, mukang mahimbing pa ang tulog niya.

"Sya ang unang nandito bago ako." May lumapit naman sa akin na isang lalaki? Babae? Wait pero muka syang babae eh na parang boyish, so in conclusion. Babae parin sya.

"Kimmy Gonzalez but I don't like to be called Kimmy so it's Kim for short." Inalok niya ang kamay niya sa harap ko habang walang emosyon na tumingin sa akin. She dresses liked a boyish with a long t-shirt, a chained necklace, a cut out pants and a black benie in her head, sya yung nakaupo kanina katabi ng lalaking Blonde.

"Selene Hope Ellanor, Selene for short." Pakilala ko rin sa kanya at tinanggap ang kamay niya.

"So where did you get your chess piece at bakit mukhang basang basa ka?" tanong niya sakin at nag lean down sa lamesang nasa harap ko. "I think I know where she went." Sagot naman ni Dexter sa tanong niya kaya nagtaas ng kilay na tumingin sa kanya si Kim.

"Sa lagoon ko nakuha ang chess piece ko." Sagot ko habang hawak ko sa kamay ko ang Knight chess piece. "Where exactly the Lagoon is?" tanong ulit ni Kim sa akin.

"The north? Yun ang naalala kong sabi sa akin ni Dexter." Tumingin ako kay Dexter at tumango naman sya para kumpirmahin ang sinabi ko.

"What?! Sa Emerald Lagoon ka pumunta?!" Gulat na tanong sa akin ni Kim kaya tinanguan ko nalang sya, nag taas ang kilay kong tumingin sa kanya dahil sa naging reaction niya.

"What's the matter with that Lagoon?" takang tanong sa kanya ni Dexter at maski ako ay naguguluhan sa hug reaction na binigay ng babaeng to.

"That is an Evil Lagoon to be precise."

"What?!" sabay sabay naming tanong tatlo nina Shara at Dexter na mukang wala ring kaalam alam sa Lagoon na sinabi niya sa akin.

"Don't you know about the Evil Lagoon?" dahan dahan nang tumingin sa amin yung lalaking naka blonde at binaba niya sa desk and teacup na hawak niya. Parang galing sa mayamang pamilya ang isang ito dahil kung umakto sya ay napaka sophisticated ng mga galaw niya.

"Mukang hindi nga nila alam, halata naman sa mga muka nila." Turo pa ni Kim sa amin. "Ano ang tungkol sa Lagoon na yun?" curious na tanong ni Shara na nakahawak sa balikat ko habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel na binigay ni Dexter kanina.

"Well as you can see, that Lagoon is cursed and the Emerald Stone is the one who made the Lagoon cursed, they say that everything about that Lagoon is just a disguise so few people come to that place not knowing the true form of the Lagoon. Its true nature will only reveal once..."

"...May dugong nahalo sa tubig ng Lagoon." Wala sa sarili kong sambit. Dahan dahan silang lumingon sa akin at ngayon ay naging center of attention na ako. "How did you know? Don't tell me that..." Dexter stopped at tumango ako sa kanya.

"What? Ano yun? May nangyari bang masama sayo huh Selene?" natatarantang tanong sa akin ni Shara na nakahawak na sa dalawang braso ko, umiling naman ako sa kanya dahilan para maglabas sya ng buntong hininga at kumalma.

"Hindi ako, may nakasama ako sa Lagoon na yun at gusto niya ring kunin itong chess piece na to' kaya nagtalo kami na umabot na mismo sa gitna ng lagoon ang pagtatalo namin, she used her peculiarity just to get the Knight and that is the time when I decided to injure her with my bow and arrow at natamaan ko sya dahilan para masugatan sya at dumugo ang braso niya."

"And that is the time when something iffy is going on?" Tanong sa akin ng lalaking blonde hair, hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan niya.

"No, the mermaid tried to tell me first that I should escape and I did, leaving the woman behind but when I looked back to see her, I saw the mermaids keeps encircling around her like a crazy thirsty predator and wanted to kill her."

Tumango tango naman sa harap ko si Kim at ang Blonde na lalaki but mukang confuse parin si Shara at si Dexter sa mga sinabi ko.

"The blood is the reason why the true colour of the emerald Lagoon has been revealed. One drop of blood from any creatures will unveil the true nature of the Lagoon." Nagulat kami ng may magsalita mula sa gilid ng kwartong ito, tumingin kaming lahat sa nakadilat nang si Blade at mukang bagong gising lang dahil humihikab pa sya.

I heard Dexter curse under his breath and poorly beaten the desk with his fist. "I never know that there is such a Lagoon like that, I even let her go there. It's my fault." Sisi ni Dexter na halatang frustrate na frustrate sa nalaman niya.

"Maybe it is really your fault because you let someone this beautiful to be in danger."

"Blade shut up di ka nakakatulong!" Sigaw sa kanya ni Shara and he just ignored it. I looked at Dexter.

"Dexter, Ok lang hindi mo alam kaya hindi mo kasalanan at isa pa. Ok naman ako." I tried to smile at him para mawala ang guilt na narararamdaman niya.

"Ok, the Good thing here is..."

Someone interrupted us when a new portal appeared again at hindi lang iisa ang sumulpot kundi dalawa.

Unang lumabas sa unang portal ang isang lalaki at pangiti-ngiti pa habang pumapasok.

"Oh! Dito ako dinala ng Portal?" Takang tanong ng lalaki ng makapasok siya at inilibot ng mata niya ang buong paligid, ngumiti sya banda sa amin ng makita niya kami. "Oh hi! Ako nga pala si Zed, the cutest Zed." As he put a piece sign sabay pa cute pero bigla nalang sya natumba sa sahig ng lumabas ang isa pa mula sa pangalawang portal na bumukas.

"Ahh!" Isang lalaki ang tumalsik doon na napahawak pa sa puwetan niya na tumama sa sahig. "Aray! Ano ba yang ginagawa mo?! Ang sakit ah!" Sigaw ni Zed sa lalaking bumunggo sa kanya. Nakasalamin ito at may suot na helmet gear sa ulo niya.

"Wait kilala kita ah!" Turo sa kanya ni Shara at lumapit sa lalaking tumalsik. "Ikaw yung lalaking may scooter! Yung dahilan kung bakit kami hinabol ng Troll! Alam mo bang dahil sayo muntik na kami mapahamak!?"

Lumapit pa si Shara sa kanya at pinaghahampas ito habang sinasalag naman ng kamay niya ang bawat hampas na binibigay nito. Wala namang umaawat sa kanilang dalawa.

"Hi, Sino ka? Ako nga pala si Zed." Pakilala nito ng lumapit yung lalaking naka blonde na hindi ko parin kilala doon sa lalaking natumba which is si Zed at inalalayan niya itong tumayo.

"I'm Minki." Pakilala ng lalaking naka blonde and saw him sprayed his hand after he helped him kaya napangiwi nalang akong tumingin sa lalaking naka blonde.

"Oh, Hi Minki! Zed." Zed tried to shake his hand pero umalis na si Minki at bumalik na sa table niya na parang walang nangyari.

"Aray! Sorry na hindi ko naman alam na kayo talaga mismo hahabulin eh akala ko nakatakas na kayo."

"Anong akala?! Eh kung hindi kami nakatakas at napahamak kami ano magagawa mo huh!"

"Eh mukang ok naman kayo ah, basa nga lang kasama mo? Wait, bakit basa ka?" Lumingon sa akin yung lalaking hinahampas ni Shara and I just stared at him.

"Kasi pahamak ka! Kasalanan mo kung bakit ko sya naiwan!"

"Hoy bakit ako wala nga... ouch aray ang sakit ng hampas mo." Wala paring tigil sa paghampas si Shara sa kanya hanggang sa lumapit na si Blade rito para awatin sya at hilahin sya palayo sa kawawang lalaki na muntik na nyang buhusan ng bugbog.

"Tama na pagiging sadista my pretty cousin at baka magkasugat pa ang magaganda mong kamay." Inakbayan ni Blade sa balikat si Shara na mabilis naman nitong inalis at tinignan sya ng masama.

"Manahimik ka nga Blade isa ka pa!"

"Woah bakit nadamay ako? Umawat lang ako." He put his hand in the air, defending himself.

"Is she that noisy?" Tanong ni Kim sa harap ko habang nakapangalumbaba. "I really don't know, kakakilala ko lang din kay Shara kagabi since roommate kami." Tumango tango naman sya ng makuha niya ang sagot sa akin at nagbalik ng tingin kay Shara na pinapagalit na ngayon si Blade.

"Alam mo ang sakit talaga...."

"The mission is almost complete." Tumigil kaming lahat ng may marinig kaming boses. Hinanap ng mata namin iyon at tinuro ni Zed and itaas na bahagi ng ceiling kung saan may malaking speaker na nakakabit doon.

"The mission is almost complete." Ulit na sabi ng boses sa speaker. Lahat kami nakakunot ang noong nakatingin rito. Anong sinasabi nito.

"Anong almost? Hindi ko gets." Takang tanong ng lalaking naka helmet gear.

"The mission is almost complete." The voice keeps repeating at wala ni isa sa amin ang nakakaalam ng ibig sabihin nun. Ano bang nangyayari.

"What is this?" naglakad ang isang lalaki papunta sa speaker at tinignan ito, ngayon ko lang napansin na si Mr. Werewolf guy pala iyon or so Dexter called him-Kei.

Nakatingin lang kami sa speaker ng may biglang portal na bumukas sa gitna dahilan para mapaatras kaming lahat. Tahimik kaming tumingin roon at isang tao na bagong dating ang biglang lumabas roon kasunod ng muling pagsasalita ng boses sa speaker.

"The mission is completed." The voice in the speaker keeps repeating those words and a projector screen appeared in front of us with, a message flashed in the screen.

"The mission is completed." Basa ni Minki sa screen.

"A new team has been made." Sunod na sabi ng lalaking may helmet gear pero tinanggal na niya ito.

Then the next thing we read is the names that was listed on it.

"Blade Del Valle...

Kimmy Gonzalez...

Minki Yoon...

Sharamina Vanselow...

Keiran Forth...

Dexter Alcantara...

Selene Hope Ellanor...

Zeddy Addamson...

Xyan Montez...

Rance Hermoso..."

The speaker stated our name.

"You are now called a Black Knight Team." and a logo of a black knight with two swords at both sides appeared before us.

💠💠