Chapter 39 - LIANE

Isang linggo na ang nakalilipas mula ng mangyari ang pagtatangka sa akin. At isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang lumipat ako sa bahay nina Alexander. Alam kong nagtataka ang mga nakatira sa apartment noong araw na pumunta ako sa apartment kasama si Chris, na nagpumilit, upang kunin ang ilang mga gamit ko. At para na rin siguruhing babalik din ako.

At isang linggo na rin mula nang huli akong magkaroon ng kakaibang panaginip, o mas tamang sabihin ay ang maglakbay-diwa. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil hindi na muling bumalik ang lalaking iyon. Pero hindi ako nagpapakakampante dahil ayokong magkataong matiyempuhan na naman akong hindi handa. Kaya lagi na akong alerto at hindi na basta nagtitiwala sa kahit na kanino, maliban kay Melanie, na kahit magkaiba na kami ng tinitirhan ay nanatili ang magaan naming samahan.

At alam kong isang linggo na ring naghahanap ng sagot ang magkakapatid tungkol sa kahinaan ng harang. At kung bakit maging ako ay pinupuntirya. Kung may maitutulong lang sana ako, pero alam kong mas makabubuti kung nasa ibang lugar ako dahil sa tuwing nagkakasama kami sa iisang lugar ay ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa paligid.

Dahil noong araw na sinabi ni Alexander na kailangan naming kumpletuhin ang bond, ay hindi inaasahang bigla akong nagkaroon ng period. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o manghihinayang dahil naudlot ang dapat na mangyari.

Pero tatlong araw na mula ng matapos ang period ko ay hindi pa rin natutuloy ang dapat mangyari. Dahil sa dami ng mga inaalala ng mga ito.

Nagpapasalamat din ako dahil walang nag-usisa isa man sa mga katrabaho ko. Dahil kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot.

Abala ako sa pagta-transfer ng mga listahan ng mga produkto mula sa record book patungo sa report sheet, nang makarinig ako ng mga papalapit na yabag.

"Hi?"

"O, ikaw pala, Melanie? May kailangan ka?" Usisa ko na itinigil muna ang pagsusulat ang tumingin dito.

"Wala naman. Gusto ko lang sanang mangumusta. Alam kong isang linggo na ang nakalipas, pero gusto ko lang siguruhing maayos ka."

"Ayos lang naman ako. Huwag ka ng mag-alala," sagot ko rito. "Pasensiya ka na, pero hindi pa rin talaga ako handang pag-usapan ang tungkol doon."

"Naiintindihan ko." Tumatangong sabi nito na isinandal pa ang tagiliran sa gilid ng table at pinag-krus ang mga braso sa tapat ng dibdib. "So? Doon ka na sa bahay nila sir Alexander nakatira?"

"Oo. Kahit na tumutol ako, sila pa rin ang nasunod."

"Ah… Ang daya talaga." Nakangusong reklamo nito. "Ilang araw ka pa lang dito, pero nakuha mo na agad ang atensiyon nila. Samantalang ako, matagal na akong nagpapapansin pero hindi man lang ako sinusulyapan."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga narinig ko. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pagkainis at bahagyang selos. Kasabay ng pagkailang, dahil pakiramdam ko ay nagpaparinig ito sa akin.

"Ahm… Hindi ko rin naman inaasahan na mapapansin ako. Sino ba naman ang magtutuon ng pansin sa tulad ko na paika-ika maglakad?"

"Hmp! Basta! Naiinis ako. Ang tagal ko ng gusto si sir Alexander at umaasa ako na mapapansin niya ako. Pero bigla kang dumating, huwag ka sanang magalit sa sinabi ko." Nakangiting sabi nito na hinawakan pa ang kanang kamay ko at marahang pinisil.

"Hindi naman…" alanganing sagot ko. Dahil bigla akong nakaramdam ng kaba kaya marahan kong hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Good. Magkaibigan pa rin tayo, ha?" Tanging tango na lang ang naitugon ko. Habang lihim na nahiling na sana ay umalis na ito dahil sa hindi magandang pakiramdam na idinudulot nito. Magsasalita pa sana ito nang bigla na lang sumulpot si Jake mula sa likuran nito. Na pareho naming ikinagulat.

"Hi? Nakaistorbo ba ako?" Nakangiting bungad nito. "Pasensiya na kung nagulat ko kayo," muling sabi nito na binuntutan ng isang halakhak.

"Good morning, sir Jake," bati ni Melanie rito.

"Good morning din."

"Sige, balik na `ko sa pwesto ko," paalam ni Melanie bago dali-daling naglakad palayo.

"May problema ba? Bakit parang nagmamadali ka?" Kunot-noong usisa ko habang tumatayo.

"Wala naman. Na-miss lang agad kita. Ang boring kasi doon sa restaurant," sagot nito bago lumapit sa akin at ipinulupot ang mga braso sa beywang ko.

"Ahm… ano… ang daming nakakakita," naiilang na sabi ko rito habang sinusubukang tanggalin ang mga braso nito.

"So? Wala akong pakialam." Hindi ko napigilan ang pagsinghap ng sumubsob ito sa aking leeg at paglandasin ang dila doon. Dahilan para biglang mag-init ang aking buong katawan. "Ang bango mo, Liane…"

Wala sa sariling napasabunot ako sa buhok nito ng maramdaman kong sinipsip nito ang aking balat. Ni hindi ko rin namalayang mas lalo kong idiniin ang mukha ni Jake upang ipagpatuloy lang ang ginagawa nito.

"Ah…" mahinang ungol ko kasabay ng pagliyad ng aking katawan upang lalong idikit sa katawan nito. Natauhan lang ako ng marinig ko ang sarili kong ungol. "Teka lang…"

"What? Nag-e-enjoy ako rito, eh."

"Nasa trabaho ako at nakakahiya kapag nakita tayo ng mga namimili."

"Tsk! Okay, ang mabuti pa iligpit mo na iyang mga gamit mo dahil sa labas tayo kakain ng lunch."

"Pero…"

"Huwag ka ng tumutol. Sigurado akong parating na rin sina Alexander."

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi nito. Dahil sigurado akong mangungulit lang ito at dadagdag pa si Chris. Nang matapos akong ayusin ang mga gamit ko ay niyaya na ako nitong lumabas para hintayin sina Alexander.

Hindi naman kami naghintay ng matagal dahil ilang sandali lang ay huminto na sa harapan namin ang isang kulay pulang kotse. At bumaba mula sa passenger seat si Sam.

"Hello, Liane," bati nito nang makalapit sa akin. Pagkatapos ay mabilis akong hinalikan sa mga labi na ikinagulat ko. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa dahilan para mag-init ang buong mukha ko. "Sakay ka na. Doon tayo sa restaurant ni Jake kakain ng lunch. Para makapag-bonding din tayo." Tanging tango na lang ang naitugon ko at nagmamadaling sumakay ng sasakyan.

"Hi Liane! Na-miss kita!" Bati ni Chris na dumukwang mula sa backseat at mabilis na hinalikan ang kaliwang pisngi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili na lang akong tahimik habang nakatanaw sa labas ng bintana. Nang masigurong nakasakay na ang lahat ay tahimik na nag-drive si Alexander palayo sa lugar na iyon.

Hindi ko mapigilang sulyap-sulyapan ito dahil masyado itong tahimik. At para bang kakaiba ang inilalabas nitong vibes. Hanggang makarating kami sa restaurant ay nanatiling walang imik si Alexander. Maging nang makapasok at makaupo na kami ay nanatili itong tahimik. At para bang napakalalim ng iniisip kaya hindi na ako nakatiis sa ginagawa nitong pananahimik.

"Ahm… Alex…" mahinang tawag ko rito dahil sa kabang aking nararamdaman. Pero ng ituon nito ang pansin sa akin ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Kanina ka pa kasi tahimik… May problema ka ba?"

"Pasensiya ka na. May iniisip lang ako."

"Ah… okay."

"Huwag kang mag-alala, malalaman mo rin naman kung ano ang iniisip ko." Matapos niya iyong sabihin ay dinampot na nito ang menu na iniabot ng waiter. "Naka-order na ba kayo? Ano ba ang main dish ninyo ngayon, Jake? Ikaw na ang bahalang umorder."

"Sige," sagot nito bago bumaling sa waiter. Hindi ko na gaanong pinansin ang mga sinasabi ni Jake at inilibot na lang ang paningin sa paligid.

Kahit ikalawang beses ko ng nakapasok sa lugar na iyon ay ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang paligid. Simple lang ang pagkakaayos ng lugar, puro glass ang mga dingding kaya kitang-kita ang mga taong kumakain sa loob at maging ang mga naglalakad sa labas. Ang mga mesa ay puro pabilog, ang iba ay pandalawahan, may pang-apatan at may pang-pamilya.

May mga halamang nakalagay sa paso na ipinuwesto sa bawat kanto ng mga glass wall. Sa kabilang bahagi naman ay mayroong katulad sa mga bar na half circle, at may mga matataas na stool. Marami ring alak na nakahilera sa mga estante at kahit tanghali pa lang ay may ilan ng nakaupo doon at umiinom. Nagawi ang tingin ko sa double door na bigla na lang bumukas na makikita sa kanang bahagi pagkapasok ng glass door. Nakita ko ang dalawang waiter na may dalang mga pagkain, na patungo sa direksyon namin.