Gumising ako ng 11 dahil 1 pa naman ang pasok ko sa bagong school na papasukan ko.. Oo aaminin ko na, pang sampu ng school natong lilipatan ko.. Ang totoo kasi niyan sa 9 na school na papasukan ko e, ang iingay ng babae.. Ewan ko ba, tuwing nakikita nila ako nagtititili nalang sila.. Para bang pag dumaan ako may sinaksak ako dahil sa sigaw nilang mga yon.. Kaya ito sinabi ko kay mommy na lumipat ako ulit..
At ito kababa ko lang ng hagdan ng salubungin ako ng katulong namin para dalhin ang bag ko sa kotse..
Sir, okay lang po ba kayo? tanong ni manang Sita..
I'm okay manang, don't mind me? Just do your job and please, bring my bag to my car ok.. sarcastic kong sabi sa kanya dahil bad trip ako ngaun dahil ang nasa isip ko baka problema pa rin ang problema ko noon..
Hay.... Hayaan ko nalang.. Lumabas na ako ng bahay at kinuha ko ang kotse at pinaharorot ito.. Papunta sa school.. Tama ako nga lang mag isa mag enrolled sa sarili ko dahil my mom and dad busy sa business nila.. Hay naku nakakatamad mag kwento pero tama kayo mayaman ako.. Yabang ko ba...
Ilang minuto lang pala ang byahe ko dahil malapit lang school ko.. Bago ako bumaba e, inhale exhale pa ako dahil kinakabahan ako.. Pero wala e malakas loob ko, dahil lalaki ako.. I'm not a gay okay.. I'm handsome di niyo ba alam lahat ba ng ka gwapuhan sinalo ko daw.. Alam nyo bang tawag sa akin ng mga babae..? King of the Disaster.. Dahil lahat ng babae kung kaklase o kaya kahit saang section nag aaway sila sa akin.. At ako naman todo awat.. Mabait ako e. Ayoko ng gulo at higit sa lahat ayoko ng maingay.. Kahit lalaki ako, may puso naman ako..
At sabi pa e anak daw ako ng araw at ng buwan, pwede bang maging magulang ko ang mga un .. Ano yon bumaba lang ako para magpasikat.. At ayon na nga bumaba na ako at may naka sa lubong akong babae hindi lang naka sa lubong nabangga ko pa at alam nyo tulala ako sa ka gandahan niya, sa lahat ng babae ngaun lang ako na tulala ng ganito at alam nyo kung anong nakapag pa gising sa ka tangahan ko yong sigaw niya..
Hoy.....Siga ka ba? Nakita mo naman na nandito ako tapos babanggain mo lang.. sigaw niya sa akin..nakakapag taka na may isang babae na hindi tumitili sa akin, galit pa nga e.. At alam nyo ba ginawa ko nag wave ako ng kamay sa kanya dahil baka bulag siya kaya di niya nakita ka gwapuhan ko.. Pero ang ginawa niya sinampal ako..Kaya don ko nalaman na she's not blind..
Bakit mo ako sinampal sabi ko sa kanya? Dahil bastos ka.. Kumaway kaway ka pa dyan... sabi niya sa akin..
Nakakatuwa lang..
Bakit ka natatawa? Sira ulo ka ba? Teka nga hindi ka taga dito, means kakagaling mo lang siguro sa mental.. sabi niya sa akin..
Sa inis ko sinagot ko siya.. Hoy babae, bulag ka ba? I'm I sira ulo? Sa gwapo kong 'to baliw.. Hahaha Nagpapatawa ka ba?
Teka nga, para akong liliparin, ang lakas ng hangin.. Sabi niya sa akin..
Wala namang hangin ahh.. duling ka ba? sabi ko naman sa kanya.. Sasagot pa sana siya ng mag bell na ang school bell kaya ayon pumasok na siya, ay mali tumungo pala siya sa principal office at ako naman papunta muna sa section ko..
Nakarating ako sa classroom ng section namin at bigla nalang nagtilian ang mga girls at mga bading, siguro alam nyo na ang sagot.. Pero napatigil ako dahil naalala ko ung babae kanina, sa lahat siya lang ang ganun sa akin yun bang walang ka re-a-re-action ang mukha niya at mga kinikilos niya, tomboy kaya siya..
Nagulat pa ako dahil may isang bading ang humawak sa kamay ko.. sabi niya hey, pogi, transfer ka ba? Obvious ba..? sagot ko sa kanya.. ayun humaba ang nguso ni bakla..
E, wala talaga ako sa mood ngaun kaya ayun nasaktan ko yata ung bakla..
Pumasok na ako ng bigla akong tinawag ng teacher dahil kailangan ko daw pumunta sa principal office at ipapakilala daw sa akin ang pinaka famous at campus crush ng school na ito at President na rin daw..
Wala na akong nagawa kundi, lumabas ng classroom.. Ayun nakasunod ako kay teacher.. 5 minutes na kaming naglakad bago nakarating sa principal office..
Pagbukas ng Pinto may isang estudyante na naka upo sa sofa, humakbang ako palapit sa principal desk at hindi ko pa nakikita mukha ng SSG President na ito pero bakit lakas makatibok ng puso ko..
Nawala lang lakas ng tibok ng nagsalita ang si Mr. LA Luna.. ang principal office..
Ikaw ba si Prince Kyle De Alegree? tanong ng principal sa akin.. sagot ko naman Yes I am Sir..
O ganun ba.. Nice to meet you Mr. De Alegree.. At please meet my our Ultimate famous and crush campus ng school namin na si Ms. Princess Alejandra Dela Fuentes.. And the one and only SSG President in this school..sabi ni Mr. LA Luna..
Dahan dahan akong lumingon na para bang my sound effect dahil sa tense na nararamdaman ko.. Pagkita ko sa mukha niya nagulat ako at pati na rin siya.. sabay pa kaming nagsalita ng "IKAW".. nagulat ata si Principal dahil sabi niya magkakilala kayo? sabay na naman kaming sumagot.. No Way..
Sir.. binangga lang naman ako ng magaling na lalaki na'to kanina.. Ahh ganun ba Ms. Dela Fuentes sabi ni sir Principal..
I'm sorry for what I did to you last minutes.. sabi ko sa kanya..
Sorry mo mukha mo.. sagot niya sa akin..
Grabe talaga tong babaeng to, galit talaga siya..
I'm Prince Kyle De Alegree.. pagpapakilala ko sa kanya..
I don't care.. I don't care if who are you.. At wala akong balak tanggapin yang kamay mo baka mabali pa ang mga magaganda kong daliri..sagot niya sa akin..
Napatingin ako sa kamay ko, at Tinanong ko sa sarili ko, bakit bakal ba kamay ko, tumingin din ako sa daliri niya at tama nga siya ang gaganda nga ng daliri niya, ewan ko marami naman akong nakita na maganda ang daliri pero iba ung sa kanya, at sobrang puti niya pa..Biglang tumikhim si Princ-epal este si principal pala..
Bakit po sir.. I ask..
Ginalit mo siya..😨😨 sabi ni Principal..
Huh? sagot ko..
Dapat di mo siya ginalit.. sabi niya sa akin Sapat lang na kaming dalawa ang makakarinig dahil malayo ang desk ni sir sa sofang inuupuan ni Princess..
Why Sir? Taka kung tanong..
Hindi lang siya Sikat, at crush campus ng school na ito kundi siya din ang Queen of Disaster, Queen of Heart Stone, Ice Queen.. At The Daughter of the Sun And The Moon..
Ninong!!!!!!! nagulat ako at si Principal..
Ninong niya si Principal..
Why did you do that? tanong ni Princess kay Sir..
Huh? maang maangan naman si Sir?
I heard...wag ka na mag sinungaling..
Sabay labas ni Princess..
Walang kaming nagawa ni Sir Kundi Tumawa..