Chereads / The Love Last Two Minds (Tagalog) / Chapter 8 - 8 My Heart Beat Fast

Chapter 8 - 8 My Heart Beat Fast

Alejandra POV

Paano ba magmahal??... Alam nyo kasi mga teh, di ko pa naranasan ang mag mahal e.. Paano kaya kung subukan ko diba....?? Pero sino naman ang kayang mag ka gusto sa akin kung ganito naman ako ka sungit diba.... Adjust ko nalang kaya ugali ko, tapos ayusin ko na rin sarili ko... Alam nyo kasi mga bakla may mga make up naman ako pero di ko pa na gagamit e, ayoko kasi ng alam nyo na... Pero ngaun kailangan ko ng gamitin diba... Malay nyo diba di na matakot sa akin ang mga kaklase ko at ung mga sumubok manligaw sa akin diba.....

Bahala na basta gagawin ko na, babaguhin ko na ngaun ang ugali ko paano ko kasi malalaman kung sino ang magkaka gusto sa akin diba, kung puro pag tataray ang gagawin ko..

Bumangon na ako sa kama, tapos na ako mag muni muni e, naka pag decide na ako, kaya un na ang goal ko, mula ngaun, maliban na lang pag naging broken hearted ako diba... Tandaan nyo mga bakla pag ako naging broken hearted, ibabalik ko ang dating ako, ung masungit at di nag mamake up...

Bahala na kung ano ang sabihin sa akin ng mga kaklase ko sa bagong Alejandra diba...

Kaya ayon bumangon na ako at na ligo na... At pag ka tapos ay bumaba na ako ng hagdan para sa breakfast... Alam nyo naman wala ang mom ko, Malay ko kung nasaan na naman yon... Nasanay na ako sa palaging seat up na ganito na minsan wala ang mom ko...

Pag ka baba ko, na kanganga lahat ng katulong namin, hindi ko alam kung bakit.. Lumapit sa akin ang isa sa aming maids na para ko ng Nanay dahil baby palang ako siya na nag alaga sa akin e...

Iha...ikaw ba ba yan.... ang aming Alejandra na maganda at lalo pang gumanda ngaun...sabi ni manang Sol...

Bakit po manang, panget po ba??? tanong ko naman..

Ayyyy... Hindi lalo kang gumanda e... May pina pagandahan ka ba??! tanong ni manang na naka pag pahinto saglit sa tibok ng puso ko...

Na tulala ako sa tanong ni manang, iniisip ko kasi Meron ba, parang wala naman, impossible namang Meron dahil kung kay Kent naman kahit talaga isang beses wala akong naramdaman sa kanya...

Iha... Iha... sabi ni manang...

Bakit ho manang...??./tanong ko...

Ano bang iniisip mo??. kanina ka pa tulala dyan e... bakit?? may na sabi ba si manang na masama??

Manang wala po...I'm okay at ung tanong nyo po kanina wala po akong pina pa gandahan, I decided lang po na change look naman po, para hindi naman po matakot sa akin mga kaklase ko at ung ibang gustong sumubok manligaw sa akin diba... sagot ko kay manang...

Tumayo na ako, dahil gusto ko ng pumasok... Excited na ako makilala ang Prince Charming ko e... Joke lang...

Pumara ako ng taxi ayoko muna kasi kasabay ang Ninong ko... Baka mabadtrip lang ako sa kanya.... Alam nyo naman yon lakas ng tama kapag iniinis ako...

Dahil sa kaba ko... Di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng school gate....

Pag ka bigay ko ng bayad kay manong bumaba na ako... Inaasahan ko na to na pag Titingnan ako, pero wah ako cares si Alejandra yata to...

Pag ka baba ko nag lakad na ako... At lahat ng mga students ay naka nganga sa akin lalo na ang mga lalaki...

May lumapit sa akin, Ikaw na ba yan Alejandra... OMG.... Ang ganda mo... Lalo kang gumanda.... At rinig ko rin ang bulungan ng mga kaklase ko... At ibang students... Ayyyy ang ganda niya lalo... Bakit nag bago ang aura ni Miss President... yan lang naman ang narinig ko sa iba pang students...

Pag ka pasok ko nakita ko ang taong kina iinisan ko... Sino pa ba edi si kumag... Na ka nganga pa yan ahh... ay bigla nalang sumigaw ng Whoahh H-h-!!!

Is that you My Queen??! Tanong nitong unggoy na'to....

Sa pag kaka tanong niya ng ganun biglang lumaktaw ang tibok ng puso ko...

Why my heart beat fast???? bakit ganito nalang ang tibok nito.... dapat masungit ako sa kanya pero bakit na ka ngiti pa ako... OMG.... What was the meaning of this... Ang weird naman nito....

Hey!!... Is it true,?? your smiling.... sabi ni Kyle...

H-huh??.. tanong ko naman dahil sa gulat...

Kanina ka pa naka tayo dyan e... wala ka bang balak Umupo Princess??? Kyle...

Huh??? Meron... At pwede ba unggoy ka mind on your own business.... sabi ko kahit na ang bilis parin ng tibok ng puso ko...

Bakit ba ako nag kaka ganito!!!???...

Sa lahat ng pwedeng bumilis itong puso ko sa pag tibok dito pa sa kumag nato...

OMG, THAT'S IMPOSSIBLE....

Sana naman hindi ako mahulog sa kanya...